LOGIN"Try to divorce me, I will make you suffer even more. I will destroy you!" ika niyang nanggagalaiti sa galit. Hawak niya sa leeg si Ysabella. Ang likod nito ay nakasandig na sa pader. Wala na itong kawala pa. Imbes na takot. Imbes na umiyak at magmakaawa, napahalakhak si Ysabella. Napaubo lamang siya nang humigpit ang nanginginig na kamay ni Daniel sa kaniyang leeg. Pasakal. "Destroy? Wala ka nang sisirain pa, Daniel. Wala na dahil hindi mo lang sinira, winasak mo pa. Winasak mo hindi lang pagkatao ko..." Asik niya. Walang mababakas na emosyon sa kaniyang mukha. Manhid na siya sa lahat ng kalupitan ng kaniyang asawa. "Ang pilat sa likod ko ang magpapatunay ng kalupitan mo. Ang mga kalyo sa kamay ko ang ebidensya sa hirap na dinanas ko. Para kumain. Lumaban ako para mabuhay. Ang payat kong pangangatawan ang resulta ng pagdurusa ko ng dahil sa iyo. Daniel, lahat ng ito, sa pisikal lang na sakit. Nagpapaalala lang ng pagkakamali kong minahal kita. Walang wala sa buong pagkatao ko na winasak mo ng pinong-pino! Napailing si Daniel. Ayaw tanggapin ang mga salitang namutawi sa bibig ni Ysabella. Nang babaeng mahal na mahal siya. At nagsasabing... Pagod na itong mahalin siya. "You will love me again. Bubuuin kitang muli. Just stay! As my wife..." Umiling si Ysabella. "You love me too late, Daniel. Too late..." She was hated. Destroyed! And now loved? For her, it's too late. For him, he needs to start anew. But fate will decide for them. Does love have a second chance this time?
View More"Who said I'm afraid? Kahit mahuli pa niya tayo, it doesn't matter to me. Wala din naman siyang magagawa, hindi niya din kayang iwanan ako..."
Natutop ni Ysabella ang kaniyang bibig habang naririnig ang mga katagang iyon mula sa kaniyang asawa. Nasa labas lamang siya ng opisina nito. Nakauwang bahagya ang pinto kaya nauulinigan niya ang pag-uusap doon. "Darling, alam naman natin na asawa mo pa rin siya sa mata ng ibang tao at sa pamilya mo..." Tuluyang gumuho ang mundo ni Ysabella nang marinig ang boses na kasama ni Daniel. Parang tinarakan ng kutsilyo ang puso niya. Nahihirapan siyang huminga. Hindi niya akalain na ang babae ng asawa niya ay ang babaeng itinuring niyang isang matalik na kaibigan. Kaibigan maaasahan niya sa lahat ng oras. Kaibigang papanig sa kaniya at Hindu siya kayang traydurin. Nagkamali siya. Dahil sa ngayon, tuluyang gumuho ang pinanghawakan niyang pagtitiwala. "Charlotte, as long as you stay by my side, kahit siya pa ang asawa ko, it doesnt really matter. Stay with me. You will get what you want in perfect time..." Tuluyang bumuhos ang mga luha ni Ysabella. Batid niyang hindi naman siya talagang mahal ng kaniyang asawa. Mabait ito sa kapag may nakaharap. Pero pagmamahal? Hindi siya nito kayang mahalin. Lalo pa kaya na nataniman na ang isipan nito ng mga masasamang bagay tungkol sa kaniya. Mukhang pera. Masamang babae. Walang kuwenta. Lahat ng kayang ibato sa kaniya, nagawa na nito para magmukha siyang masama. Para pasakitan siya. Now she knows who's doing it. Ang mga hinaing niyang nalalaman agad ni Daniel. Ang mga bagay na inililihim niya dito na sa kaibigan lang niya nasasabi. Hindi niya pinag-isipan ng masama si Charlotte dahil sa pagtitiwala. Tiwalang hindi man lamang niyo binigyang halaga. Wala ng sasakit pa kung ang dalawang taong mahal niya at pinagkatiwalaan ang mga taong sisira pala ng tiwalang iyon. Hindi lang pinira-piraso ang kaniyang puso. Dinurog pa ng mga ito ng Pino. Sinubukan niyang umalis sa kinaroroonan pero bigla siyang natumba dahil sa panghihina. Nakagawa ng ingay ang pagkakabangga niya sa pader. Napaidik siya sa pagtama ng siko doon. It scratches her skin. Mahapdi. Pero walang sasakit pa sa pagkadurog ng kaniyang puso. "Sino iyan?" Nataranta si Ysabella sa malakas na boses ni Daniel. Kinabahan siya dahil sa yabag na papalapit sa pinto. Kailangan niyang umalis doon. Ayaw niyang makita siya ni Daniel sa ganoong kalagayan. Na naroon siya. Kawawa. Kaawa-awa... Pero imbes na kaawaan siya, alam niyang tatawanan lamang siya nito. Uuyamin ng mga salitang hindi na kayang lunukin ng kung sino. Kailangan niyang umalis. Pinilit niyang umalis. Kahit pa kailangan niyang hilain ang mga paa paalis. Malalaking hakbang naman ang ginawa ni Daniel para puntahan ang pinto. Hindi pala naka-lock iyon. Ni hindi nga naisara ng maayos. It doesn't matter if someone hears them. Gusto niya lamang malaman kung sino ang mapangahas na nakikinig sa kanila. Binuksan niya ang pinto at lumabas. Batid niyang may anino siyang nakita papaliko sa hallway. Pero hindi niya mapagsino kung kaninong anino iyon. Katulong ba nila? Hindi naman si Ysabella, hindi ba? Imposible. Wala ito ngayon. Nagpaalam itong mananatili sa hospital para bantayan ang ina nitong naroon. "Daniel?" Papahakbang na siya nang tawagin siya ni Charlotte. Lumapit sa kaniya si Charlotte. Hinawakan ang braso niya para pigilan. "Dumaan lang siguro na katulong iyon..." aniya. Hinaplos ang dibdib ng lalake. "Halika na sa loob. May kailangan pa tayong tapusin," sa malambing na boses ay ika nito. Hinila siya sa loob at ito na rin ang nagsara ng pinto. Siguro nga ay katulong lamang na napadaan. At kung katulong iyon, walang mangangahas na kalabanin siya. Subukan ng mga ito na ilabas ang mga narinig. They will face punishment. Hindi naman alam ni Ysabella kung paano siya nakarating sa kuwartong inuukopa niya. Akala niya makikita siya ni Daniel. Akala niya madadapa siya sa lakad takbong ginawa. Halos hindi na niya kasi maramdaman ang mga paa niya. Nanginginig bawat himaymay ng kaniyang katawan. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay habang patuloy ang pagbuhos ng kaniyang mga luha. Luhang hindi na natapos-tapos pa. Sana matuyo na lamang iyon para wala na siyang iluluha. Dumausdos siya mula sa pagkakasandig sa pinto. Impit na umiyak habang yakap ang sarili. Tahimik na kinakaawaan ang sarili. Napapatanong. Hanggang kailan niya kayang magtiis? Hanggang kailan niya mamahalin ang taong ni hindi siya kayang mahalin. Ni hawakan. Pinandidirihan siya ni Daniel. Mapalapit lamang siya bahagya dito, para na itong napapaso. Ayaw na ayaw nitong tumatabi siya dito. She curled up lying on the cold floor. Hindi na niya kayang bumangon pa para pumunta sa kama. Hinang-hina ang kaniyang katawan. Sa sakit. Sa pighating dulot ng nalaman. Sa lahat. Pagod na pagod na siya sa kaiisip kung anong kailangan niyang gawin para mahalin siya at tanggapin. Kahit sana bumalik na lamang sila sa dati. Okay na siya. Sa madilim na silid na iyon, tahimik siyang lumuha. Ang apat na sulok lamang ng kuwartong iyon ang saksi sa kaniyang pagdurusa. Tok.Tok.Tok. Sa pagkakapikit ng kaniyang mga mata, nakarinig siya ng mahinang katok. Akala niya ay guni-guni lamang niya iyon. Pero naulit ang pagkatok. Mas malakas. Mas agresibo. Sunod-sunod. "Ysa, are you there?" Natutop niya ang bibig. Si Daniel ang nasa labas ng kanyang kuwarto. Bakit ito naroon? Napapiksi siya sa muling pagkatok. Mas malakas. "Ysa, don't ignore me..." May babalang ika nito. Na tila siguradong naroon nga siya. Bumuka ang bibig niya. Pero walang salitang lumabas. Anong sasabihin niya? Ayaw niyang magpakita. "I'm coming in!" Sinalakay siya ng matinding kaba. Pinilit niyang iusod ang katawan palayo sa may pinto. Nakabalandra siya roon. At kapag binuksan nito iyon, matatamaan siya. Masasaktan. Rinig niya ang pagpihit nito sa seradura. Pabukas na iyon nang magring ang telepono ni Daniel. Nabitin sa ere ang balak nitong pagbukas sa pinto. Habang siya, nakahanda na ang sarili sa anumang masamang reaksyon ng asawa. "Hello..." Nakahinga siya nang maluwag nang umalis si Daniel habang may kausap sa telepono. Pinahid niya ang luha sa mga mata niya at pinilit ang sariling makatayo papunta sa kama. Nang makahiga ay agad niyang binalot ang sarili ng kumot. Nilalamig siya. Kahapon pa masama ang pakiramdam niya at ngayon nga, ramdam niyang nilalagnat na siya. Uminom na siya kanina ng gamot. Pero four hours ago pa iyon. Nawala na ang bisa. Ayaw naman niyang bumaba para kumuha ng gamot, itutulog na lamang niya. Bakasakaling kinabukasan ay maging maayos na siya. Pero ang totoo... Gusto niyang huwag ng magising pa."Guyam...nahanap mo na ba si Ganda?"Natigilan si Marco sa tanong ni Angela. Hindi na dapat pero sa tuwing mababanggit ang tungkol kay Ysabella ay talagang nagugulat siya.Maybe because of all the information he had right now. And the questions slowly eating him alive.Hindi maipagkakailang may kaugnayan siya sa pamilyang kinaroroonan ni Ysabella. Ang tanong ngayon, paano niya tatanggapin at haharapin ang katotohanan.Ngumiti siya. "I'll bring her to us soon.""Talaga?" Excited na saad ng bata. "Nami-miss ko na si Ganda. Gusto ko na talaga siyang makita, Guyam."Pinatong niya ang kamay sa ulo nito.Pagkatapos niyang makausap si Angela ay pinuntahan niya ang ama. Nasa garden ito kasama ang litrato ng namayapang ina.Manuelito Elizalde became sickly since his wife passed away. Nakadagdag pa ang pagkawala ni Marco noon dahil sa pag-aalala. Buti na lang at nakauwi siya na hindi pa huli ang lahat. Or else, baka pagsisisihan niya kung may mangyaring masama sa kaniyang ama.Amang hindi man n
Nalaman niyang masama na ang lagay ng ina ni Ysabella at ang huling kahilingan nito ay ang makausap siya. Hindi niya alam kung bakit sobra itong pursigido na kausapin siya samantalang ipinaramdam niya dito na hindi mahalaga ang buhay nito sa kaniya.Kung sino sino na lamang talaga ang nadadamay sa galit niya sa kaniyang pamilya. He couldn't let his guard down. He couldn't let others manipulate him. Iyong akala niya mabait at mahal siya pero iyon pala, isang kasinungalingan lamang. Sarili lamang ang maaasahan niya sa buo nilang pamilya.Though Ysabella's mother saved him from that fire, hindi niya pa rin magawang magtiwala ng lubusan sa tao.Lalo na dito. Kinukuwestiyon pa rin niya ang kabaitan nito sa kaniya simula noong dumating ito sa kanila.His childhood trauma is eating him. The betrayal his parents make him feel was carved in his deepest soul. Every ridicule and blaming by anyone that is part of their family was the fuel of his wrath.Kaya bakit siya magtitiwala sa iba.He coul
"Denniel, huwag mo akong iwanan! Denniel!" Umiiyak na pakiusap ni Daniel sa kapatid.Kambal sila at mas panganay si Denniel sa kaniya.Tumingin si Denniel sa kaniya. "If I can trade myself to you, gagawin ko, Dan. But how? Mom and Dad chose me. The kidnapper will take me to them later tonight..."Si Denniel ay nagmamasid lang sa ilang araw nilang naroon. Tahimik at kalkulado. Samantalang si Daniel ay walang tigil sa pagsusumamong pakawalan ito."We are brothers! Why did mom and Dad pick to save you and not me! Why?"Katanungan na nasa isipan din ni Denniel. Gusto niyang dalawa silang iligtas ng kanilang magulang. Akala niya, hindi papayag ang mga ito na isa lang sa kanila anh matubos kahit pinapili sila."Dan...""They didn't love me!"Marahas siyang umiling para pabulaanan iyon. Maybe their parents have a plan.Iniwanan sila doon ng lalakeng kidnapper dahil may inihanda pa ito sa luma nitong sasakyan para makuha ang ransom money."Dan, don't worry. We will save you. Gagawa sila ng pa
Pauwi na si Mayor Manuelito Elizalde galing sa session ng mga politiko. He was tired at hindi na niya mahintay na makauwi na sa sariling pamamahay. He can stay in a hotel pero mas gugustuhin niyang umuwi sa sariling bayan. Sa kaniyang asawa.Mahaba ang kanilang naging biyahe. Malapit na sila sa sariling lungsod."Ayos ka lang ba Dario?" tanong niya sa kaniyang driver. Nakapagpahinga naman ito pero mabuti nang tanungin niya ito. They can rest a little bit again."Ayos lang ako, Mayor. Malapit naman na tayo," sabi nito.Habang nagsasalita ang driver ay may lumagpas sa kanilang lumang kotse. Sa lumang kotse ay nakuha ang atensiyon niya ng batang sakay niyon.Saglit lamang na nagtama ang kanilang mga mata pero agad na nahila nito ang kuryosidad niya sa bata. Parang humihingi ang mga mata nito ng tulong.Mabilis ang takbo ng kotse na para bang may humahabol dito. At hindi nga inaasahang bumangga ang mga ito sa isang malaking puno. Bumaliktad ang sasakyan at mabilis na kumalat ang gasoli
Kumunot ang noo ni Marco nang makita ang pagbagsak ng dancer sa stage. Naisip niyang paano kinahumalingan ng mga naroon ang babae kung ganoong kalampa ito. Pero ang babae ay muling gumalaw. Mula sa pagkakasalampak nito sa sahig ay gumalaw ang mga kamay nito. Ang bawat pilantik ng daliri nito ay n
Ang pagbabalik.Muling binuhay ang lungsod ng Sta. Monica.Ilan lamang ang mga iyon sa balitang kumakalat simula noong magbalik siya. Halos isang taon din siyang nawala at nang bumalik, malugod na tinanggap ng lahat."Mabuhay si Mayor Elizalde! Mabuhay!" sigaw ng mga mamamayan sa lungsod. Nagtipon-
"Miss..."Nagulat at napaiwas agad si Ysabella nang makitang may mga nag-aabang na lalake sa exit door kung saan siya dumadaan. Isa lang ang nasa harapan niya pero may napansin pa siyang kasama ito. Inayos niya ang suot na sumbrero at mask na nasa bibig at ilong bago mailap na lumayo sa mga ito. P
Mabilis ang pag-usad ng araw. Si Ysabella, nakaisang buwan na sa trabaho. Si Raj, pauwi na ng mansiyon at doon na niya ipagpapatuloy ang therapy at kadagdagang mga kakailanganin para sa kaniyang paggaling. Mahirap pero kailangan. At pilit pa rin niyang inaalala ang mga nakalimutang alaala. Gustuhi












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore