LOGINBumalik ako para mahalin ka,lahat kaya kong gawin para mahalin mo rin ako. Nararamdaman kong nagpapakipot ka lang,dahil sa nagawa kong pag-alis na walang paalam sayo.Pero nararamdaman kong mahal mo rin ako-Claire Montage Sebastian (Claire and Macky story) (Book 4)
View More"anak, sigurado kana ba sa desisyon mong Iwan ang negosyo natin para lang d'yan sa trabaho mong iyan o may iba ka pang dahilan kaya gusto mong bumalik ng syudad?"
Lumingon ako sa aking ina habang itoy nakamasid at nakapamewang sa aking likuran. "anong klaseng tanong iyan ma."nilingon ko siya. "ang babaeng yon,hindi ka pa ba nadadala sa ginawa niya sayo ha." "ma,ilang beses ko pa bang sabihin sa Inyo ni papa na naka move on na ako Kay Olivia at magkaibigan na lang kami ngayon.Tanggap ko na ang kapalaran naming dalawa na hindi ako ang nakatadhana para sa kanya."sagot ko,Pero ang totoo hindi pa rin ako nakaka move on Kay Olivia. Pinagpatuloy ko ang ginagawa kong pagkukumpuni ko ng sasakyan pabalik ng Manila para siguradong hindi ako masisiraan sa dadaan, ngunit sige pa rin pagbubunganga ng ina ko. "ikaw naman kasi anak eh,marami namang babae d'yan.Nandyan pa si Nora na matagal nang may gusto sayo, kong bakit ang babaeng yon pa ang nagustuhan mo.At hindi lang 'yon,nagpakatanga ka pa talaga sa kanya." Umikot ako sa kabilang side,kaya lang sinundan ako ng ina ko at muling nagsalita. "kaya ano ka ngayon, umuwi ka rito sa atin na luhaan at wasak ang puso dahil hindi ka niya mahal.Dahil ang putang inang babaeng iyon,iba ang mahal dahil ginamit ka lang pala niya.Mas sabihing manggaga-"dagdag na wika ng ina ko ngunit tumigil ito ng magsalita ako. ",walang kasalanan si Olivia,Ako naman talaga ang may kasalanan Kong bakit ako nasaktan dahil ako ang nagpilit sa kanya na gamitin niya ako,dahil mahal ko siya."sagot ko dahil hindi ko gusto ang naririnig kong lumalabas mula sa bibig ng ina ko. "at saka tapos na po 'yon mah at h'wag niyo nang ipaalala sakin.Nagmahal lang naman ako.Kaya pwede ba,tumigil na kayo."naiinis kong sagot ngunit pinipigilan ko lamang aking sarili na makapag salita ako ng hindi maganda sa aking ina. Palagi na lang nilang pinapaalala sakin ang nakaraan ko.Pwede namang kalimutan na lang. "bahala ka macky,h'wag ka lang uuwi rito sa bahay na umiiyak dahil lang sa kanya Kong ayaw mong sugurin ko ang babae'ng iyon kahit mayaman pa ang asawa nito." Pagkasabi ni ng ina ko iyon ay umalis ito na nagdadabog pa. Tinapos ko na rin ang ginagawa ko upang makaligo na rin ako.Ngayo'ng umaga kasi ang balik ko ng Manila. Tumawag ang pinsan Kong si lary kahapon at binalitang maraming mga tambak na sasakyan sa talyer at hindi niya kayang gawin iyon mag-isa.Kahit sabihin pang may kinuha siyang mecanico na makakasama niya,pero hindi pa nila masyadong gamay ang pag-aayos ng sirang sasakyan. Pagbigyan ko na lang ang pinsan ko kahit ilang buwan at pagbalik ko rito,magbubukas rin ako ng sarili kong machine shop at talyer. Apat na oras ang naging byahe ko,nakakapagod at nangawit ang pang-upo ko. "mabuti dumating kana pinsan."wika ng pinsan ko ng salubongin ako. "ayaw pa nga akong payagan ni mama dahil ang akala niya,kaya ako babalik rito ay dahil Kay Olivia."wika ko. "si tita talaga.Ikaw naman kasi pinsan, bakit kasi ayaw mo dun sa manok niya.Maganda naman siguro ito,Kong hindi maganda,hindi gustohin ni tita na ireto sayo ang babaeng 'yo."natatawang ani ng pinsan ko. "si nora,ang ganung babae ba ang gusto ni mama para sakin.tsk!pinsan,pinaglawayan na yon ng Kong sino-sinong mga lalaki sa bar.Minsan akong nagawi sa bar sa Centro,nakita kong dala-dalawa ang lalaking kahalikan niya."pahayag ko at iiling-iling akong umupo sa couch at saka sinandal ko ang likod ko.Talagang napagod ako ng husto sa byahe. "Tama ka nga pinsan,hindi mo gustohin mapangasawa ang ganung klaseng babae Kong sino na lang ang nakalaway sa kanya.Baka nga may sakit na iyon na aids."wika niya. "magpahinga kana muna pinsan,magluluto lang ako.Akala ko kasi mamayang hapon pa ang dating mo,kaya hindi pa ako nagluto."dagdag pa ng pinsan ko. "sige lang pinsan.Napagod nga rin ako sa byahe ko."ani ko. ",maiwan na muna kita riyan."paalam ni lary saka ito umalis. Marahas akong napabuntong hininga. "kamusta na kaya si Olivia?"tanong ng isipan ko saka napahilamos ako sa aking mukha. Kahit ilang beses kong piliting kalimutan na si Olivia ay sobrang hirap dahil hanggang ngayon mahal ko pa rin siya.Ang hirap lang na tanggapin na hindi kami ang nakatadhana.Kung bakit kasi ang hirap niyang turuan ang puso niya upang kalimutan ang asawa nito.Sana kami ngayon ang kinasal at hindi si Hendrix. Bumuga ako ng hangin saka umayoz ako nang pagkakaupo ko at nahiga para makapag pahinga ako nang maayos. Mariin kong pinikit Aking mata hanggang sa sumulpot sa balintataw ko si Olivia na masaya kaming magkasama sa Isang lugar.Kasama pa ang dalawa naming anak. Parang totoong-totoo ang lahat,na kasama ko sila. "mahal na mahal kita Olivia!mahal na mahal,kayo ng mga anak natin!!wika ko at hinawakan ko pa ang kanyang dalawang kamay saka tinaas ito at hinalikan sa likod ng kamay niya. "mahal din kita,macky."matamis ang kanyang ngiti niyang sagot. Nagkatitigan kami pagkatapos ay dahan-dahang naglalapit ang aming mga mukha na may pananabik sa aming mga puso. Hanggang sa maglapat aming mga labi. Hinalikan ko siya dahil sa kaligayahan na aking nadarama pero sandali lamang iyon dahil nangungulit ang mga anak namin. Ngunit Isang nakasuot ng Bonet na itim ang biglang sumulpot sa harapan namin.Akala ko siya lang mag-isa ngunit may dalawa pa itong kasama na tulad din niya ay may suot na boet na itim sa buong mukha kaya hindi ko makikita kong sino ang mga ito. Natakot ako ng sobra dahil hawak na nila ang dalawang anak namin ni Olivia,at kahit si Olivia ay hawak rin ng unang lalaking sumulpot sa harapan namin. "sino kayo?anong kailangan ninyo?Kung pera ang kailangan ninyo,wala kami niyan dahil mahirap lamang kami."aniko. Ngunit malakas na tumawa ang lalaking kaharap ko na siyang may hawak Kay Olivia. "hindi ko kailangan ang pera dahil marami ako niyan." Nagtawanan pa silang tatlo. "anong kailangan ninyo,wala kaming maalalang naging kasalanan namin sa Inyo?"tanong ko. "wala nga,pero kukunin ko lang naman ang sa akin." "h'wag!hwag mong kunin ang Asawa at mga anak ko. H'wag mo silang kunin Sakin,nakikiusap ako sa Inyo."pakiusap ko at halos magmakaawa na ako sa kanila. Ngunit pinagtawanan lamang nila ako. "h'wag mong subukang sumunod."wika ng may hawak Kay Olivia saka tinutok sa mahal ko ang hawak nitong baril. "h'wag mong sasaktan ang asawa ko."umiiyak Kong pakiusap rito. "hindi sila masasaktan Kong hindi ka susunod sa amin."aniya Hanggang sa sinakay na nga sila sa Isang sasakyan at ito ay palayo na. Kaya nagsisigaw ako sa galit dahil wala akong nagawa.Hindi ko sila naipagtanggol. "Oliviaa!!!" "pinsan!pinsan gising." Nagmulat ako ng mata at napabalikwas ako ng bangon.Ang pinsan Kong si lary ang bumungad sa akin at hindi si Olivia. "nananaginip ka pinsan.Bakit mo binibigkas ang pangalan ni Olivia?Pawis na pawis ka rin."ani ng pinsan ko. "damn!!" Napahilamos ako sa aking mukha.Hindi ko namamalayan nakatulog pala ako. Hindi ako sumagot,tumayo ako sa pagkakaupo ko at pumasok ako sa dati Kong silid.Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng banyo.At isa-isa kong inalis ang saplot ko sa aking katawan. Agad kong binuksan ang shower saka tumapat sa ilalim ng tubig. Ilang beses akong huminga ng malalim.Hanggang kelan ko makakalimutan at maiwawaglit ang pagmamahal ko Kay Olivia.Kahit sa aking pagtulog ay siya ang napapaginipan ko. Tinapos ko na ang pagligo ko dahil kumakatok sa pinto ang pinsan ko.Nakaramdam na rin ako ng gutom dahil hindi pa pala ako kumakain ng lunch. Nang matapos akong magbihis, lumabas ako ng aking silid saka pumunta ng kusina. Nadatnan kong hinihintay na pala ako ng pinsan kong si lary. Tahimik lamang kaming magpinsan habang kumakain.At nang matapos kaming kumain,nagtulongan kaming iligpit ang mga ginamit namin. "pinsan,sasama ka ba sa talyer? Papunta ako ngayon duon para bisitahin." Lumingon ako sa pinsan ko saka dinampot ang cell phone kong nag-iingay.Nang makita kong hindi si Nora ang tumatawag ay agad Kong pinatay ang cell phone ko at pinasok sa loob ng suot Kong maong na pantalon. "oo pinsan,tara na."pagyaya ko Kay lary. Hello again ka readers,kamusta kayong lahat.Ito na po ang story nila Macky at Claire.Sana pakaabangan din ninyo tulad ng mga nauna Kong book. Pa comment na rin po sa front page Kong ano pong say nio😅 Pls support my new book again.Pls comment below after you read every chapter..thank you Ang magpinsan na Pakipot😄 (Book 4)Macky and Claire story (book 5)Larry and Fara storyLarry's pov Tatlong araw na akong nakakulong sa bahay ni farah matapos niya akong pikutin ng ganung kadali.At tatlong araw na ring hindi ko nakikita ang bulto nito-tanging ang mga tauhan lamang niyang nagbabantay sa labas ng bahay ang kasama ko sa tatlong araw na dumaan. Sa tatlong araw na wala siya rito- ilang beses kong tinangkang tumakas,ngunit palagi akong bigo dahil maysa pusa yata ang mga tauhan nito-palagi nila akong nahuhuli sa tuwing magtangka akong tumakas. Kaya sobrang galit at pagkamuhi ang nararamdaman ko ngayon sa kaibigan ni claire.Hindi ko matatanggap ang mga pinaggagawa niya sakin.Matapos niyang sirain ang pangarap ko,ang ginawa niyang pagpikot sa'kin,ang ginawa niyang pagkukulong sakin rito sa bahay niya.Anong balak niyang gawin sa'kin,ikukulong lamang ba niya ako rito ng habang buhay. Hindi ako makakapayag,kailangan kong makaisip ng paraan upang makaalis ako sa lugar na 'to.Alam kong nagtataka na sila father gardo at Father Fausto dahil inaasahan nilang babali
Larry's pov "kumapit kang mabuti kong ayaw mong gumulong-gulong sa semento.Sayang ang lahi mo kapag natigok ka."pananakot niya sa'kin.Kaya ginawa ko ang utos niyang kumapit ako ng mabuti sa katawan niya-wala akong pakialam sa sinasabe niyang lahi dahil wala akong balak na magparami ng lahi. Magkakasunod na putok ng baril ang nakasunod sa amin,mabuti na lang hindi kami nagtatamaan ng bala ng baril dahil sa ginagawa niyang pagewang-gewang ang sinasakyan naming motor.Nakita kong naglabas ng baril ang babae- gumanti ng putok sa mga 'to.Hanggang sa biglang tumigil ang putok at ang kasunod ay mga pagsabog ng kong anong bagay.Paglingon ko-lumiliyab na ang sasakyang nakasunod sa amin. Manghang-mangha ako sa galing ng babae'ng naka itim.Ngunit ang problema ko lang ngayon ay paano ko matatakasan ang babae'ng 'to,panigurado tuluyan na niya akong hulihin at ikulong. Ano ba ang dapat kong gawin?Kailangan ko bang magpaliwanag sa kanya na hindi ako kasapi ng kahit na anong grupo o ano dahil m
Larry's pov "damn you,mask.H'wag mo akong pakialaman at hwag mo akong pangunahan.Magku-kwento lang ako sandali sa kanya kong gaanu ka walang kwenta ang minahal niyang ina bago siya sumunod rito na alam kong hinihintay na siya."naiinis niyang ani sa tinatawag niyang lance. Continue........... Matapos niyang barahin ang lalaking nakasuot ng mask-muli akong binalingan ng kamukha ko.Humahakbang siyang palapit sa akin-may inilabas siyang isang larawan basta na lang hinagis sa harapan ko. Bumaba ang tingin ko sa larawang hinagis niya sa harapan ko-na halos hindi ako makapaniwala sa aking nakita.Alam kong hindi 'yon magagawa ni mama.Kaya paano nangyari 'to? "ngayon,sabihin mo sakin kong ano ang mararamdaman mo matapos mong makita ang kawalanghiyaang ginawa ng minahal mong ina.At -hindi lang 'yan!alam mo kong ano pa ang ginawa niya sa taong nagpalaki at nag-aruga sakin.Pinadampot niya ang ama natin sa hindi nakikilalang grupo- lumaban siya upang ipagtanggol ang kanyang sarili.Ngunit s
Larry's povMay ngiti sa aking labi habang kasama ko ang dalawang obispo na panay ang kanilang kwento.Kaya hindi namin namamalayan na nakarating kami sa may tarangkahan ng simbahan.Nang biglang mapunta ang usapan namin sa pagbabalik ko bukas ng kumbento upang ipagpatuloy pa ang pagiging seminarista ko at ilang lingo na lang aking hihintayin o-ordinahan na ako upang maging ganap na talaga akong pari.Kaya sobrang tuwa ko nang ibalita sakin iyon ni father gardo kagabi.Dahil sa wakas,matutupad ko na ang matagal ko nang pangarap."bukas na ang balik mo rito sa kumbento,brother larry.Anong maku-kwento mo sa naging buhay mo sa labas?Maganda ba at ano ang magiging desisyon mo?"tanong sakin ng isang obispo.Mahina akong tumawa."isa lang po ang maisasagot ko d'yan,father.Mas masaya akong maglingkod sa panginoon kesa ang mabuhay sa labas na puno ng karahasan,kasalanan at tukso."naging tugon.Nagkatinginan naman ang dalawang obispo pagkatapos ay tinapik-tapik ako sa balikat ni father Marlon."mag
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews