author-banner
ROSE
ROSE
Author

Novelas de ROSE

From Betrayed Bride to Billionaire's Wife

From Betrayed Bride to Billionaire's Wife

Limang taon niyang minahal si Gino, ibinigay ang lahat para sa lalaki, at naniwalang sa kasal nila magsisimula ang pinapangarap nilang buhay. Pero sa mismong araw ng kanilang kasal, nalaman ni Kassandra na wala pala siyang halaga sa lalaking pinagkatiwalaan niya. Ginamit lang siya para sa pera at negosyo, habang lihim itong may ibang babae. Ang mas masakit, pinalayas pa siya sa simbahan na suot ang wedding gown niya. Wala nang natira kay Kassandra kundi galit at pagnanais na makabawi. Hanggang sa dumating si Alejandro Villavicencio, isang bilyonaryong may kapangyarihang baguhin ang takbo ng buhay niya. May sarili rin itong dahilan para pabagsakin si Gino, kaya nag-alok siya ng kasal na nakabatay sa kontrata. Pumayag si Kassandra. Kung kailangan niyang maging asawa ng isang bilyonaryo para mabawi ang lahat, gagawin niya. Pero habang magkasama silang humaharap sa mga taong sumira sa kanila, nagsisimulang lumabo ang hangganan ng pagpapanggap at totoong damdamin. Paano kung ang lalaking pinili niyang gamitin para sa paghihiganti ang siya ring lalaking hindi niya kayang mawala?
Leer
Chapter: CHAPTER 5
Kassandra Valdemor POVBiglang natahimik ang buong ballroom nang ipakilala ako ni Alejandro bilang asawa niya. Halos hindi makapaniwala sina Gino at Sabrina sa narinig nila. Nanlaki ang mga mata nila at halatang hindi alam kung paano magre-react habang pilit na pinapanatili ang composure sa harap ng mga bisitang nakatingin sa amin."A-Alejandro? Kassandra?" nauutal na tanong ni Gino. Halatang hirap siyang itago ang galit at pagkabigla sa mukha niya. "Paano nangyari 'to? Paanong naging asawa mo siya?"Hindi ako agad sumagot. Sa halip, sinipat ko silang dalawa mula ulo hanggang paa, saka bahagyang ngumiti. Kung dati, ako ang babaeng yumuyuko at umiiyak sa gilid ng daan habang tinatanggap ang lahat ng pang-aapi nila, ngayon ay wala na akong balak na magpakita ng kahinaan sa harap nila.Ako na si Kassandra Villavicencio, at hindi na nila ako basta-basta kayang tapakan."Bakit, Gino? May problema ba kung nagpakasal ako sa isang lalaking marunong rumespeto sa akin?" malamig kong tanong. Sin
Última actualización: 2026-10-23
Chapter: CHAPTER 4
Kassandra Valdemor POV"Pirmahan mo na, Kassandra." Naputol ang katahimikan sa loob ng malawak na penthouse nang magsalita si Alejandro. Malamig at diretso ang tono niya, halatang naghihintay na lang siya sa desisyon ko.Nakatitig ako sa itim na folder at sa gintong pen na nakapatong sa lamesa. Ilang segundo akong nagdalawang-isip bago ko inangat ang tingin sa kanya. Seryoso ang mukha niya, walang bahid ng biro, at halatang sigurado sa alok niya.Kanina lang, ako ang babaeng basang-basa sa ulan, pinalayas sa labas ng simbahan, at walang matakbuhan. Pero ngayon, nasa harap ko ang pagkakataong bawiin ang lahat ng nawala sa akin.Wala na akong mawawala pa.Kinuha ko ang pen at walang pag-aalinlangan na pinirmahan ang kontrata ng kasal namin. Isang taon. Isang taon ng pagpapanggap kapalit ng proteksyon, kapangyarihan, at pagkakataong iparamdam sa mga taong umapak sa pagkatao ko kung ano ang ginawa nila sa akin.Pagkababa ko ng pen, kumilos na agad si Alejandro. Hindi niya ako pinaghintay
Última actualización: 2026-10-23
Chapter: CHAPTER 3
Kassandra Valdemor POVUnti-unti akong nagising nang maramdaman ko ang lambot ng hinihigaan ko. Hindi ito ang sementadong kalsada kung saan ako huling bumagsak habang malakas ang ulan at umaagos ang dugo mula sa noo ko.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Isang mataas na kisame na may modernong crystal chandelier ang bumungad sa akin. Naamoy ko rin ang lavender scent mula sa mamahaling room diffuser sa loob ng kuwarto.Nasaan ako? Patay na ba ako?"Gising na siya, Sir Alejandro," narinig kong sabi ng isang babae mula sa hindi kalayuan.Napabalikwas ako ng bangon kahit kumirot ang buong katawan ko, lalo na ang ulo kong may plaster na ngayon. Nang tingnan ko ang sarili ko, napansin kong wala na sa akin ang basang wedding gown na suot ko kanina. Napalitan na iyon ng malambot at puting silk bathrobe.Saan nila dinala ang damit ko?Napalingon ako sa malawak na kuwarto at doon ko napansin ang isang lalaking nakatayo sa tabi ng malaking glass window. Nakatalikod siya sa akin habang na
Última actualización: 2026-10-23
Chapter: CHAPTER 2
Kassandra Valdemor POVNanginginig ang buong katawan ko habang naglalakad palayo sa San Alfonso Chapel. Mabigat ang bawat hakbang ko, at pakiramdam ko, pasan ko ang lahat ng problema sa mundo. Basang-basa na ang wedding gown ko, at halos nakaladkad ko na ito sa putik habang patuloy akong naglalakad.Wala akong payong, walang pamasahe, at higit sa lahat, wala na akong matakbuhan. Ang tanging nararamdaman ko ay ang malamig na ulan na humahalo sa mga luhang hindi ko mapigilang tumulo.Paano ko haharapin ang bukas? Paano ko sisimulan ulit ang buhay ko kung wala na akong kahit ano?Halos isang oras din akong naglakad bago ko marating ang lumang apartment building namin sa Mandaluyong. Kahit papaano, may maliit pa rin akong pag-asang baka nagkamali lang si Gino. Baka sakaling may natitira pa siyang konsensya at bigyan man lang niya ako ng pagkakataong magpaliwanag.Pero pagdating ko pa lang sa bukana ng gusali, nakita ko na agad si Mang Kanor, ang landlord namin. May dala siyang padlock at
Última actualización: 2026-10-23
Chapter: CHAPTER 1
Kassandra Valdemor POVHalos hindi ko na maamoy ang fresh eucalyptus at white roses sa paligid dahil sa sobrang kaba ko habang nakatayo sa labas ng pintuan ng San Alfonso Chapel. Katabi ko ang coordinator na kanina pa paulit-ulit na inaayos ang belo ko.Finally. After five years of paghihintay, pagtitiis, at pagsasakripisyo, ikakasal na rin ako kay Gino.Lahat ng kinikita ko bilang art restorer sa isang kilalang gallery sa Escolta, pati na ang mga sideline commissions ko tuwing weekend, diretso sa kanya. Sabi niya, para raw sa future namin ang lahat ng iyon. Kailangan niyang mapalago ang Imperial Tech Solutions, kaya tiniis ko ang lahat para matulungan siyang maabot ang pangarap niya.Kahit madalas de-latang sardinas o instant noodles lang ang kinakain ko sa maliit kong apartment habang siya naman ay abala sa mga business meeting, hindi ako nagreklamo. Mahal ko si Gino. Siya na lang ang natitira kong pamilya mula nang pumanaw ang mga magulang ko."Kass, ikaw na. Ready ka na?" tanong n
Última actualización: 2026-10-23
También te puede gustar
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status