Share

CHAPTER 2

Penulis: ROSE
last update Tanggal publikasi: 2026-10-23 13:46:25

Kassandra Valdemor POV

Nanginginig ang buong katawan ko habang naglalakad palayo sa San Alfonso Chapel. Mabigat ang bawat hakbang ko, at pakiramdam ko, pasan ko ang lahat ng problema sa mundo. Basang-basa na ang wedding gown ko, at halos nakaladkad ko na ito sa putik habang patuloy akong naglalakad.

Wala akong payong, walang pamasahe, at higit sa lahat, wala na akong matakbuhan. Ang tanging nararamdaman ko ay ang malamig na ulan na humahalo sa mga luhang hindi ko mapigilang tumulo.

Paano ko haharapin ang bukas? Paano ko sisimulan ulit ang buhay ko kung wala na akong kahit ano?

Halos isang oras din akong naglakad bago ko marating ang lumang apartment building namin sa Mandaluyong. Kahit papaano, may maliit pa rin akong pag-asang baka nagkamali lang si Gino. Baka sakaling may natitira pa siyang konsensya at bigyan man lang niya ako ng pagkakataong magpaliwanag.

Pero pagdating ko pa lang sa bukana ng gusali, nakita ko na agad si Mang Kanor, ang landlord namin. May dala siyang padlock at ilang karton na nakasalansan sa tabi niya.

"Oh, Kassandra? Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong niya habang nakataas ang kilay at tinitingnan ang basang-basang wedding gown ko.

"Mang Kanor, anong nangyayari?" tanong ko. Halos hindi lumabas ang boses ko dahil sa lamig at kakaiyak.

"Pasensya na, Kass. Kanina pa umalis si Gino rito. Dinala na niya ang mga gamit niya." Itinuro niya ang mga karton sa tabi niya. "Tsaka, tatlong buwan na kayong hindi nagbabayad ng upa. Sabi ni Gino kahapon, ikaw na raw ang bahala sa utang dahil pumirma ka na sa kasunduang ikaw ang magbabayad. Pinapaalis na rin kita ngayon kasi may bago nang uupa."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

Pumirma ako sa kasunduan? Kailan?

"Mang Kanor, hindi ko po alam ang sinasabi niyo..." pakiusap ko habang nanginginig sa lamig. "Puwede ko pa bang kunin kahit ang mga gamit ko? Yung mga lumang album ng pamilya ko, pati yung mga painting materials ko..."

"Wala na rito, Kass. Sabi ni Gino, pinatapon na niya yung mga walang kwentang basura. Para raw sa susunod na tenant." Umiling siya habang iniikot ang susi sa gate. "Mag-ayos ka na ng sarili mo. Baka mapagkamalan ka pang pulubi rito."

Hindi ako nakasagot.

Hindi ko alam kung ano ang mas masakit—ang malaman na niloko ako ni Gino o ang malaman na pati ang mga alaala ng pamilya ko ay itinapon niya na parang walang halaga.

Kahit alam kong pinapaalis na ako, tumakbo pa rin ako paakyat sa unit namin. Umaasa akong baka may naiwan pa siyang kahit ano. Kahit isang litrato, kahit isang gamit na puwede kong itago bilang alaala ng buhay na minsan kong pinangarap.

Pero nang buksan ko ang p***o, wala akong nadatnang kahit ano kundi isang halos walang lamang kuwarto. Kalat sa sahig ang mga balat ng instant noodles, at wala na ang mga gamit na dati kong nakikitang nakalagay sa bawat sulok.

Parang hindi ko na kilala ang sarili kong tahanan.

Sa ibabaw ng lamesa, may nakita akong isang folder. Agad ko itong kinuha at binuksan, umaasang baka may mahanap akong paliwanag sa lahat ng nangyayari.

Pero nang makita ko ang laman nito, lalo lang akong nanghina.

Isang dokumento tungkol sa titulo ng lupa sa probinsya na iniwan ng mga magulang ko.

Ang nag-iisa nilang pamana sa akin.

At ngayon, nakapangalan na iyon kay Gino Imperial.

Nakalagay sa dokumento na nilagdaan ko raw ito noong isang linggo. Sa isang pirma lang, nawala sa akin ang lahat ng karapatan ko sa lupang iniwan ng mga magulang ko.

Bigla kong naalala ang araw na pinapirmahan sa akin ni Gino ang ilang papeles habang inaayos namin ang mga kailangan para sa kasal.

Sinabi niya noon na para lang daw iyon sa tax exemption ng kumpanya niya. Hindi ko na pinag-isipan pa dahil nagtitiwala ako sa kanya. Ni hindi ko man lang naisip na baka may iba siyang balak.

Tanga ko.

Napakatanga ko para magtiwala sa kanya nang ganoon.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumakbo ako palabas ng apartment building, wala nang pakialam kung sino ang makakita sa akin. Naririnig ko ang ilang kapitbahay na nagbubulungan habang nakatingin sa akin, pero hindi ko na sila pinansin.

Umiiyak ako nang tuluyan, hindi na kayang pigilan ang sakit na ilang oras ko nang kinikimkim.

Gusto ko lang lumayo.

Gusto kong mawala sa lugar na iyon, kahit sandali lang. Gusto kong makahanap ng kahit anong paraan para humupa ang sakit sa dibdib ko.

Pero saan ako pupunta?

Wala na akong bahay na mauuwian. Wala na akong perang magagamit. Wala na rin akong taong puwedeng lapitan.

Ang lalaking pinagkatiwalaan ko nang buong-buo ang siya ring kumuha ng lahat sa akin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa gilid ng EDSA nang wala man lang direksyon. Malakas pa rin ang ulan, at unti-unti nang dumidilim ang paligid. Hindi ko namalayang ilang oras na pala akong naglalakad nang hindi iniisip kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Ang mga ilaw ng mga dumaraang sasakyan ay nag-iiwan ng mahahabang repleksyon sa basang kalsada. Maingay ang paligid, pero wala akong halos marinig kundi ang sarili kong paghinga at ang mga salitang paulit-ulit na umiikot sa isip ko.

Wala ka nang kahit ano, Kassandra.

Pagod na pagod na ako. Nanghihina na rin ang katawan ko dahil sa gutom, lamig, at kakaiyak. Pero patuloy pa rin akong naglakad dahil wala naman akong ibang puwedeng gawin.

Habang tumatawid ako sa isang hindi gaanong mataong bahagi ng kalsada, hindi ko agad napansin ang paparating na sasakyan.

Bigla na lang umalingawngaw ang malalakas na busina.

Napalingon ako.

Isang itim at mamahaling SUV ang mabilis na papalapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano na ito kalapit, pero sa sobrang pagod at panghihina ko, hindi na ako nakailag.

Maliwanag na headlights ang huli kong nakita bago tuluyang bumangga sa akin ang sasakyan.

Tumilapon ang katawan ko bago ako bumagsak sa malamig na sementadong kalsada.

Saglit akong hindi makahinga. Parang nawala ang lahat ng lakas sa katawan ko, at hindi ko na maigalaw nang maayos ang mga kamay at paa ko.

Ramdam ko ang mainit na dugong umaagos mula sa noo ko, humahalo sa malamig na tubig-ulan sa mukha ko.

Sinubukan kong imulat ang mga mata ko, pero unti-unti nang lumalabo ang lahat ng nakikita ko.

Sa gitna ng malakas na ulan, narinig ko ang pagbukas ng p***o ng sasakyan.

May mga yabag na papalapit sa akin.

Gusto kong humingi ng tulong. Gusto kong magsalita, pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.

Unti-unting bumibigat ang mga talukap ng mata ko habang ang paligid ay tuluyan nang nagdidilim.

At bago tuluyang mawalan ng malay ang isip ko, ang huling naramdaman ko ay ang presensya ng isang taong papalapit sa akin.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • From Betrayed Bride to Billionaire's Wife   CHAPTER 5

    Kassandra Valdemor POVBiglang natahimik ang buong ballroom nang ipakilala ako ni Alejandro bilang asawa niya. Halos hindi makapaniwala sina Gino at Sabrina sa narinig nila. Nanlaki ang mga mata nila at halatang hindi alam kung paano magre-react habang pilit na pinapanatili ang composure sa harap ng mga bisitang nakatingin sa amin."A-Alejandro? Kassandra?" nauutal na tanong ni Gino. Halatang hirap siyang itago ang galit at pagkabigla sa mukha niya. "Paano nangyari 'to? Paanong naging asawa mo siya?"Hindi ako agad sumagot. Sa halip, sinipat ko silang dalawa mula ulo hanggang paa, saka bahagyang ngumiti. Kung dati, ako ang babaeng yumuyuko at umiiyak sa gilid ng daan habang tinatanggap ang lahat ng pang-aapi nila, ngayon ay wala na akong balak na magpakita ng kahinaan sa harap nila.Ako na si Kassandra Villavicencio, at hindi na nila ako basta-basta kayang tapakan."Bakit, Gino? May problema ba kung nagpakasal ako sa isang lalaking marunong rumespeto sa akin?" malamig kong tanong. Sin

  • From Betrayed Bride to Billionaire's Wife   CHAPTER 4

    Kassandra Valdemor POV"Pirmahan mo na, Kassandra." Naputol ang katahimikan sa loob ng malawak na penthouse nang magsalita si Alejandro. Malamig at diretso ang tono niya, halatang naghihintay na lang siya sa desisyon ko.Nakatitig ako sa itim na folder at sa gintong pen na nakapatong sa lamesa. Ilang segundo akong nagdalawang-isip bago ko inangat ang tingin sa kanya. Seryoso ang mukha niya, walang bahid ng biro, at halatang sigurado sa alok niya.Kanina lang, ako ang babaeng basang-basa sa ulan, pinalayas sa labas ng simbahan, at walang matakbuhan. Pero ngayon, nasa harap ko ang pagkakataong bawiin ang lahat ng nawala sa akin.Wala na akong mawawala pa.Kinuha ko ang pen at walang pag-aalinlangan na pinirmahan ang kontrata ng kasal namin. Isang taon. Isang taon ng pagpapanggap kapalit ng proteksyon, kapangyarihan, at pagkakataong iparamdam sa mga taong umapak sa pagkatao ko kung ano ang ginawa nila sa akin.Pagkababa ko ng pen, kumilos na agad si Alejandro. Hindi niya ako pinaghintay

  • From Betrayed Bride to Billionaire's Wife   CHAPTER 3

    Kassandra Valdemor POVUnti-unti akong nagising nang maramdaman ko ang lambot ng hinihigaan ko. Hindi ito ang sementadong kalsada kung saan ako huling bumagsak habang malakas ang ulan at umaagos ang dugo mula sa noo ko.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Isang mataas na kisame na may modernong crystal chandelier ang bumungad sa akin. Naamoy ko rin ang lavender scent mula sa mamahaling room diffuser sa loob ng kuwarto.Nasaan ako? Patay na ba ako?"Gising na siya, Sir Alejandro," narinig kong sabi ng isang babae mula sa hindi kalayuan.Napabalikwas ako ng bangon kahit kumirot ang buong katawan ko, lalo na ang ulo kong may plaster na ngayon. Nang tingnan ko ang sarili ko, napansin kong wala na sa akin ang basang wedding gown na suot ko kanina. Napalitan na iyon ng malambot at puting silk bathrobe.Saan nila dinala ang damit ko?Napalingon ako sa malawak na kuwarto at doon ko napansin ang isang lalaking nakatayo sa tabi ng malaking glass window. Nakatalikod siya sa akin habang na

  • From Betrayed Bride to Billionaire's Wife   CHAPTER 2

    Kassandra Valdemor POVNanginginig ang buong katawan ko habang naglalakad palayo sa San Alfonso Chapel. Mabigat ang bawat hakbang ko, at pakiramdam ko, pasan ko ang lahat ng problema sa mundo. Basang-basa na ang wedding gown ko, at halos nakaladkad ko na ito sa putik habang patuloy akong naglalakad.Wala akong payong, walang pamasahe, at higit sa lahat, wala na akong matakbuhan. Ang tanging nararamdaman ko ay ang malamig na ulan na humahalo sa mga luhang hindi ko mapigilang tumulo.Paano ko haharapin ang bukas? Paano ko sisimulan ulit ang buhay ko kung wala na akong kahit ano?Halos isang oras din akong naglakad bago ko marating ang lumang apartment building namin sa Mandaluyong. Kahit papaano, may maliit pa rin akong pag-asang baka nagkamali lang si Gino. Baka sakaling may natitira pa siyang konsensya at bigyan man lang niya ako ng pagkakataong magpaliwanag.Pero pagdating ko pa lang sa bukana ng gusali, nakita ko na agad si Mang Kanor, ang landlord namin. May dala siyang padlock at

  • From Betrayed Bride to Billionaire's Wife   CHAPTER 1

    Kassandra Valdemor POVHalos hindi ko na maamoy ang fresh eucalyptus at white roses sa paligid dahil sa sobrang kaba ko habang nakatayo sa labas ng pintuan ng San Alfonso Chapel. Katabi ko ang coordinator na kanina pa paulit-ulit na inaayos ang belo ko.Finally. After five years of paghihintay, pagtitiis, at pagsasakripisyo, ikakasal na rin ako kay Gino.Lahat ng kinikita ko bilang art restorer sa isang kilalang gallery sa Escolta, pati na ang mga sideline commissions ko tuwing weekend, diretso sa kanya. Sabi niya, para raw sa future namin ang lahat ng iyon. Kailangan niyang mapalago ang Imperial Tech Solutions, kaya tiniis ko ang lahat para matulungan siyang maabot ang pangarap niya.Kahit madalas de-latang sardinas o instant noodles lang ang kinakain ko sa maliit kong apartment habang siya naman ay abala sa mga business meeting, hindi ako nagreklamo. Mahal ko si Gino. Siya na lang ang natitira kong pamilya mula nang pumanaw ang mga magulang ko."Kass, ikaw na. Ready ka na?" tanong n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status