author-banner
amusesaira
amusesaira
Author

Nobela ni amusesaira

Forbidden Love with My Ninong

Forbidden Love with My Ninong

Akala ni Alodia Soria, simpleng pagpapakonsulta lang ang gagawin niya. Gusto lang niyang maging sigurado bago sumunod sa susunod na hakbang ng relasyon nila ng kanyang matagal nang kasintahan. Pero hindi niya inaasahan na ang doktor na pinuntahan niya ay walang iba kundi si Dr. Locar Gideon Montecillo — ang hindi niya pa nakikitang Ninong na kababalik lang sa bansa. Si Gideon ay gwapo, kalmado, at iginagalang ng lahat. Pero habang ipinapakilala niya kay Alodia ang mundo ng medisina, unti-unting lumalagpas ang kanilang ugnayan sa dapat na hangganan. Sa bawat pagkikita, mas lalong nahihirapan si Alodia na itanggi ang kaba sa kanyang dibdib… isang damdaming hindi dapat maramdaman ng isang inaanak para sa kanyang Ninong. Habang sinusubukan niyang panatilihin ang pangako sa kanyang boyfriend, natutuklasan din niya ang mga nakatagong katotohanan mula sa nakaraan. Tungkol sa yumaong kasintahan ni Gideon, isang lumang insidente, at isang lihim na nag-uugnay sa kanilang pamilya. Ngayon ay nahaharap siya sa pinakamahirap na desisyon: manatili ba sa kung ano ang alam niyang tama, o sundin ang tibok ng puso kahit na ito ay ipinagbabawal ng lahat? Dahil paano mo mapipigilan ang damdamin mo kapag ang taong hindi mo dapat mahalin… siya rin pala ang taong tunay na nakauunawa sa iyo? “Sa paningin ng iba, ninong ko lang siya at inaanak lang ako. Pero sa bawat tingin niya, alam kong higit pa roon ang nararamdaman namin. At alam kong mali, pero hindi ko na alam kung paano titigil.”
Basahin
Chapter: Chapter 5
Alam kong may mali nang makita ko si Adrian na may dalang mga bulaklak.Bihira lang siyang magbigay ng bulaklak nang walang okasyon. Sa susunod na araw pa naman ang anniversary namin, at hindi siya ang tipo ng lalaking bigla na lang magbibigay ng regalo sa simpleng hapon lang. Kadalasan kasi ay sa maliit at simpleng bagay niya ipinapakita ang pagmamahal niya.Pero ngayon, nakatayo na naman siya sa labas ng gate namin pero may dalang flower bouquet at nakangiti nang malapad.“For you,” ani niya at inabot sa akin.“Anong meron, may occasion ba?”“Bawal bang walang rason?”“Hindi naman, pero uhh… thank you.”Hinalikan niya ako sa noo at kinuha ang bag ko, gaya ng lagi niyang ginagawa. Napansin kong may ilang estudyante na nakatingin sa amin.“Tara, let’s walk and talk for a while,” aya niya pa.Dumaan kami sa campus courtyard. May mga nadaanan kaming students sa ilalim ng mga puno at ang iba naman ay nagmamadali para sa susunod siguro nilang klase. Habang magkatabi kaming naglalakad, nag
Huling Na-update: 2026-11-05
Chapter: Chapter 4
Nakailang bihis na ako hanggang sa pinili nalang ang simpleng blouse and jeans.Nakakatawa. Bibisita lang naman ako sa ospital, hindi pupunta sa isang job interview. Pero tumayo pa rin ako sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili ko kung bagay ba ang suot o kung magmumukha lang akong hindi komportable sa sitwasyon.Maya-maya pa nyan ay tumunog na ang aking phone mula sa message na galing kay mommy.Mommy: Your ninong will pick you up at nine. Don’t keep him waiting because he still has to clock in, ‘nak.Agad ko naman chineck ang oras.Eight forty-five.“Great!” Bulong ko sa sarili at hinablot agad ang bag para makapag hintay na kay Gideon sa baba.Buong gabi kong kinumbinsi ang sarili na isa lang itong ordinaryong educational visit, wala nang iba.Nag-alok si Dr. Montecillo na ilibot ako dahil isa akong nursing student. Pumayag ang mga magulang ko, at alam kong malaking tulong ito para mas maintindihan ko ang kursong kinuha ko.Walang namang kakaiba ron. Wala talaga.Bumalik ako s
Huling Na-update: 2026-11-05
Chapter: Chapter 3
Nagising ako kinaumagahan na may isang goal: kalimutan ang lahat ng nangyari kahapon.Madali lang dapat ‘yon.May mga klase akong pupuntahan. May mga gawaing kailangang tapusin. May boyfriend akong naghihintay na tulungan ko siyang maghanda para sa upcoming naming anniversary. Ang dami kong pwede at kailangan pang gawin, kaya wala akong dahilan para mag-aksaya pa ng oras sa pag-iisip tungkol sa ninong ko.Pero sa kasamaang-palad, tila desidido ang utak ko na gawing mahirap ang mga bagay na dapat ay madali lang.Kaya kahit habang nagsisipilyo ako, bumabalik na naman sa isip ko ang mga tingin ni Gideon kagabi. Habang nagbibihis, naririnig ko pa rin ang kalmado niyang boses tuwing magkausap kami. At ngayong nakaupo na ako sa hapag-kainan para mag-almusal, binanggit na naman ni Mommy ang pangalan niya.“Nag-message ang ninong mo kanina,” sabi niya habang nagsasalin ng pagkain sa kanyang plato.Muntik na naman akong mabilaukan nang marinig ang pangalang ‘yon.“Tinanong niya ang schedule m
Huling Na-update: 2026-11-05
Chapter: Chapter 2
Hindi pa ’ko kailanman naging interesado sa pagkain sa plato ko.Itinuon ko ang aking atensyon sa mga pagkain at kung paano ko hinihiwa ang manok, umaasang walang makakapansin kung gaano ako katahimik ngayon. Sa tapat ko naman nakaupo si Dr. Montecillo at komportable na kinakausap ang parents ko, sinasagot ang mga tanong nila tungkol sa buhay niya sa ibang bansa.Sana talaga hindi umabot sa akin ang usapan lalo na ‘yong tungkol sa consultation na nangyari kanina.Everytime I remembered the questions I’d asked him, heat crept up my neck. I had told him about my boyfriend, about our anniversary, and my concerns about taking the next step of our relationship. I listened to him explain things I’d been too embarrassed to ask anyone else.And he’s my ninong?!Great! Absolutely great!“Gideon, you should have seen Alodia when she was younger,” sabi ni mommy habang nakangiti. “She used to follow everyone around the house, asking questions about everything.”“Some things never change,” dagdag
Huling Na-update: 2026-11-05
Chapter: Chapter 1
Iginugol ko na ang buong umaga ko kaka-basa ng mga articles na nahihiya akong itanong sa iba. Nanood na rin ako ng mga educational videos na ilang beses ko na ring pinause kapag naging personal na ang mga explanations. Panay titig nalang din ako sa screen ng aking laptop hanggang sa gusto ko nang sumuko.Paulit-ulit kong tina-type sa search bar: “How do you prepare for your first time?”. Hindi bababa sa anim na beses ko na ‘yan ginawa, sobrang daming sagot pero hindi pa rin ako kuntento.At nineteen, I considered myself reasonably informed. I am a first-year nursing student, after all. Alam ko ang basic human anatomy. Alam kong hindi dapat kinakahiya ang sexual health. Pero iba pala talaga kapag sarili mo na ang usapan. Lalo na at malapit na ang anniversary namin ni Adrian — ang boyfriend ko.“Ang seryoso mo d’yan,” sabi niya pagkakita sa akin. “Anong nangyari ba?”Tinawagan ko na talaga ang bestfriend ko, buti nalang at sumagot siya agad.Kinuwento ko sa kanya ang lahat, ang tungkol
Huling Na-update: 2026-11-05
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status