Se connecterHindi pa ’ko kailanman naging interesado sa pagkain sa plato ko.
Itinuon ko ang aking atensyon sa mga pagkain at kung paano ko hinihiwa ang manok, umaasang walang makakapansin kung gaano ako katahimik ngayon. Sa tapat ko naman nakaupo si Dr. Montecillo at komportable na kinakausap ang parents ko, sinasagot ang mga tanong nila tungkol sa buhay niya sa ibang bansa.
Sana talaga hindi umabot sa akin ang usapan lalo na ‘yong tungkol sa consultation na nangyari kanina.
Everytime I remembered the questions I’d asked him, heat crept up my neck. I had told him about my boyfriend, about our anniversary, and my concerns about taking the next step of our relationship. I listened to him explain things I’d been too embarrassed to ask anyone else.
And he’s my ninong?!
Great! Absolutely great!
“Gideon, you should have seen Alodia when she was younger,” sabi ni mommy habang nakangiti. “She used to follow everyone around the house, asking questions about everything.”
“Some things never change,” dagdag naman ni Dad. “She’s still curious. That’s probably why she chose nursing.”
At muntik ko pa ngang mabitawan ang tinidor na hawak ko.
Tumingin naman sa akin ang lalaki. “Oh, nursing. Is that so?”
Tanging maliit na ngiti lang ang binigay ko “I guess.”
“First year, ‘di ba? That must be keeping you busy,” he said.
“Yes, doc.” The title slipped out naturally and I regretted it. After all, hindi ko na rin talaga alam kung ano ang dapat itawag sa kanya. Doc? Ninong? Gideon?
Tumawa nang mahina si Dad. “Doctor? Pwede mo siya tawaging ninong, anak.”
Ngumiti lang din ng konti si Adrian, hindi naman mukhang hindi komportable. “Ayos lang naman ang doc. Kung saan siya comfortable.”
At sa totoo lang, mas lalo lang akong kinabahan doon.
Para siyang hindi kami nagkakilala kanina. Hindi niya binanggit ang consultation, o kahit ano na nagpapahiwatig na nagtagpo na kaming dalawa.
Kinakausap niya ako nang may parehong magalang na pakikitungo gaya ng sa mga magulang ko. Siguro ganun talaga ang pagiging professional.
Pero sa tuwing titingin ako, napapansin kong nakatingin siya sa akin.
O baka ay imagination ko lang ‘yon, giit ko sa sarili.
“So, Alodia,” pagkuha na naman ni Dad sa atensyon ko. “kumusta ang classes mo? Are you enjoying nursing?”
“It’s okay, Dad, Masaya naman. Ang dami lang talagang kailangan pag-aralan, pero kinakaya ko naman po.”
“She’s always wanted to help people,” dagdag ni Mommy. “We hope she’ll become a good nurse someday.”
Inilapag ni Gideon ang kanyang baso sa mesa. “What made you choose nursing?”
Hindi ko inaasahang magtatanong siya.
“I’ve always liked the idea of caring for people,” I answered for a moment. “And I think it’s meaningful to be there for someone when they’re sick or in need of help.”
“That’s a good reason, but remember that caring for people requires patience and discipline. You’ll encounter situations that are not easy, and you won’t always have the answers immediately.
Tumango lang ako. Huh! Ninong mode agad?! Dami ng advice.
“That’s why I keep telling her to make the most of college. And now that you’re here, she has someone experienced she can ask for guidance. You know the medical field better than most people we know,” dagdag ni daddy.
Sagot naman ni gideon, “I’m happy to help whenever she needs one, especially if she wants to learn more about the profession.”
Tuwang-tuwa naman si Dad. “There you go, ‘nak. You should take advantage of that opportunity.”
Ngumiti lang ako dito at sumagot. “I will, Dad. Thank you, ninong.”
Hmmm, so weird to call him that way.
Maya-maya pa ay nagtanong ulit siya. “Have you thought about which area of nursing interests you most?”
Bahagya muna akong kumurap bago sumagot. “Wala. I’m still learning about different specialties.”
Kailan ba matatapos ang dinner na ‘to?
“That’s understandable. You don’t need to decide everything in your first year. Pay attention to the subjects you enjoy and observe how different professionals work. Then give yourself time to discover what suits you.”
Tumango lang ulit ako dito at ngumiti ng bahagya.
Itinaas ko ulit ang aking tingin at nagtagpo na naman ang aming mga mata.
Tuloy ay naaalala ko na naman ang nangyari sa clinic kanina.
Naalala ko kung paano ako nakaupo sa tapat, pinaglalaruan ang mga daliri ko at mahigpit na humawak sa bag ko habang hirap akong magpaliwanag. Naalala ko ang kalmado niyang boses na sinasabi sa akin na hindi ko kailangang magmadali dahil lang may boyfriend na ako.
‘Yon tuloy ay hirap akong sagutin ang mga tanong niya nang hindi nag-aalala na baka halata sa mukha kong hindi ako komportable sa sitwasyon.
“Alodia?” muling pagkuha niya sa atensyon ko.
Napatuwid ako ng upo dahil do’n. “Yes?”
Kalmado pa rin ang mukha niya. “I asked whether you’ve had any opportunities to observe nurses in a clinical setting yet.”
“Oh… Hindi pa. Hindi pa kami umabot sa ganyang part ng training.”
“Then you have plenty of time ahead of you.”
Wala na akong nasabi pa kaya napuno ng kaunting katahimikan ang mesa. Hindi rin naman nagtagal at sinira rin ‘yon ni Daddy.
“Kinakabahan lang siya sa ‘yo, Gideon. Siguro dahil doctor ka,” tawa ni Dad.
“Dad!” pag protesta ko.
“What? It’s nothing to be ashamed of. Your profession aligns and he’s your ninong too.”
Hindi na ako kumibo at binalik na lang ang atensyon sa pagkain. Uminom na rin ako ng tubig sabay dasal na sana ay matapos na ang lahat ng ‘to.
Unfortunately, marami pang sorpresa ang naghihintay sa ‘kin ngayong gabi.
“Actually,” sabi ni Gideon habang nililigpit na ang mesa. “there’s something I wanted to offer you.”
Napahinto na naman ako at inangat ang tingin sa kaniya. Ang mga mata nito’y nakaabang na sa akin.
“Ano … po ‘yon?” dahan-dahan kong sagot.
“I could show you around the hospital sometime. It might help you understand how the different departments work and what to expect when you begin clinical duties.”
Agad na pumayag si Dad, at sumang-ayon din si Mom.
“That’s an excellent idea!”
“Oh, Lodia, would love that.”
Napatingin ako sa kanila habang sa isip ko naman … Gusto ko ba talaga ‘yon?
The hospital is undoubtedly a valuable learning opportunity. Alam ko ‘yon. At alam kong ring hindi ko matatanggihan ang alok ng ninong ko dahil lang ay nahihiya na ako sa kanya at sa una naming pagkikita.
“Thank you! I’d appreciate that.” Sagot ko at tipid na ngumiti.
“Whenever you are ready, we’ll arrange a suitable time. Lapit ka lang din sa akin kapag may tanong o nahihirap ka na sa pag-aaral.” His tone was casual, as if he had offered to lend me a book rather than invited me into a professional world he occupied.
Tumayo naman si Dad at lumapit sa kanya, tinapik-tapik nito ang kanyang balikat. “See? You’re already helping her.”
After that, agad akong nagpaalam sa kanila.
Nagmamadali akong umakyat sa hagdan at mabilis na pinasok ang aking kwarto. Nang maisara na ang p***o ay saka pa lang ako nakahinga ng maluwag. Inilagay ko agad ang aking kamay sa dibdib. Kailangan kong huminga nang malalim dahil ang bilis ng tibok ng puso ko.
Hindi niya naman binanggit ang consultation. Pinanatili niya ang privacy ko. Kaya bakit parang kinakabahan ako sa buong oras na magkalapit kami?
Lumipat ako sa kabilang parte ng kwarto ko at naupo sa kama, nakatulala sa sahig. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na si Gideon ay ang ninong ko, isang taong mas may edad na, at may established na career. Dapat ko siyang igalang, hindi ang pag-aralan ang bawat tingin niya sa akin.
Besides, may Adrian naman ako.
Mahal ko ang boyfriend ko, at malapit na ang aming anniversary. Mas mahalagang mga bagay dapat ang dapat kong pagtuunan ng pansin kaysa pag-isipan kung ano ang epekto ng bisita namin sa akin.
Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko sa tabi ng kama. Sinilip ko ang screen ngunit bago ko pa man mabasa ang mensahe, narinig ko ang mga tawanan ng parents ko sa ibaba.
Nando’n pa si Gideon.
Naiimagine ko na magpapaalam na siya, magpapasalamat sa dinner, at aalis na parang walang nangyari.
Oo. Bukas, siguro, babalik na sa dati ang lahat.
Babalik ako sa klase. Makakasama ko ulit si Adrian. Magpapatuloy ang buhay ko na parang ang gabing ito ay isang hindi inaasahang pagkakataon lang na nagkasalubong ang aming mga landas.
Wala pang isang oras na nag usap kami ni Dr. Montecillo kanina. Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, ang maikling pagkikita na iyon ang dahilan kung bakit ang simpleng dinner ngayon ang naging pinaka magulong gabi ng buhay ko.
Alam kong may mali nang makita ko si Adrian na may dalang mga bulaklak.Bihira lang siyang magbigay ng bulaklak nang walang okasyon. Sa susunod na araw pa naman ang anniversary namin, at hindi siya ang tipo ng lalaking bigla na lang magbibigay ng regalo sa simpleng hapon lang. Kadalasan kasi ay sa maliit at simpleng bagay niya ipinapakita ang pagmamahal niya.Pero ngayon, nakatayo na naman siya sa labas ng gate namin pero may dalang flower bouquet at nakangiti nang malapad.“For you,” ani niya at inabot sa akin.“Anong meron, may occasion ba?”“Bawal bang walang rason?”“Hindi naman, pero uhh… thank you.”Hinalikan niya ako sa noo at kinuha ang bag ko, gaya ng lagi niyang ginagawa. Napansin kong may ilang estudyante na nakatingin sa amin.“Tara, let’s walk and talk for a while,” aya niya pa.Dumaan kami sa campus courtyard. May mga nadaanan kaming students sa ilalim ng mga puno at ang iba naman ay nagmamadali para sa susunod siguro nilang klase. Habang magkatabi kaming naglalakad, nag
Nakailang bihis na ako hanggang sa pinili nalang ang simpleng blouse and jeans.Nakakatawa. Bibisita lang naman ako sa ospital, hindi pupunta sa isang job interview. Pero tumayo pa rin ako sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili ko kung bagay ba ang suot o kung magmumukha lang akong hindi komportable sa sitwasyon.Maya-maya pa nyan ay tumunog na ang aking phone mula sa message na galing kay mommy.Mommy: Your ninong will pick you up at nine. Don’t keep him waiting because he still has to clock in, ‘nak.Agad ko naman chineck ang oras.Eight forty-five.“Great!” Bulong ko sa sarili at hinablot agad ang bag para makapag hintay na kay Gideon sa baba.Buong gabi kong kinumbinsi ang sarili na isa lang itong ordinaryong educational visit, wala nang iba.Nag-alok si Dr. Montecillo na ilibot ako dahil isa akong nursing student. Pumayag ang mga magulang ko, at alam kong malaking tulong ito para mas maintindihan ko ang kursong kinuha ko.Walang namang kakaiba ron. Wala talaga.Bumalik ako s
Nagising ako kinaumagahan na may isang goal: kalimutan ang lahat ng nangyari kahapon.Madali lang dapat ‘yon.May mga klase akong pupuntahan. May mga gawaing kailangang tapusin. May boyfriend akong naghihintay na tulungan ko siyang maghanda para sa upcoming naming anniversary. Ang dami kong pwede at kailangan pang gawin, kaya wala akong dahilan para mag-aksaya pa ng oras sa pag-iisip tungkol sa ninong ko.Pero sa kasamaang-palad, tila desidido ang utak ko na gawing mahirap ang mga bagay na dapat ay madali lang.Kaya kahit habang nagsisipilyo ako, bumabalik na naman sa isip ko ang mga tingin ni Gideon kagabi. Habang nagbibihis, naririnig ko pa rin ang kalmado niyang boses tuwing magkausap kami. At ngayong nakaupo na ako sa hapag-kainan para mag-almusal, binanggit na naman ni Mommy ang pangalan niya.“Nag-message ang ninong mo kanina,” sabi niya habang nagsasalin ng pagkain sa kanyang plato.Muntik na naman akong mabilaukan nang marinig ang pangalang ‘yon.“Tinanong niya ang schedule m
Hindi pa ’ko kailanman naging interesado sa pagkain sa plato ko.Itinuon ko ang aking atensyon sa mga pagkain at kung paano ko hinihiwa ang manok, umaasang walang makakapansin kung gaano ako katahimik ngayon. Sa tapat ko naman nakaupo si Dr. Montecillo at komportable na kinakausap ang parents ko, sinasagot ang mga tanong nila tungkol sa buhay niya sa ibang bansa.Sana talaga hindi umabot sa akin ang usapan lalo na ‘yong tungkol sa consultation na nangyari kanina.Everytime I remembered the questions I’d asked him, heat crept up my neck. I had told him about my boyfriend, about our anniversary, and my concerns about taking the next step of our relationship. I listened to him explain things I’d been too embarrassed to ask anyone else.And he’s my ninong?!Great! Absolutely great!“Gideon, you should have seen Alodia when she was younger,” sabi ni mommy habang nakangiti. “She used to follow everyone around the house, asking questions about everything.”“Some things never change,” dagdag
Iginugol ko na ang buong umaga ko kaka-basa ng mga articles na nahihiya akong itanong sa iba. Nanood na rin ako ng mga educational videos na ilang beses ko na ring pinause kapag naging personal na ang mga explanations. Panay titig nalang din ako sa screen ng aking laptop hanggang sa gusto ko nang sumuko.Paulit-ulit kong tina-type sa search bar: “How do you prepare for your first time?”. Hindi bababa sa anim na beses ko na ‘yan ginawa, sobrang daming sagot pero hindi pa rin ako kuntento.At nineteen, I considered myself reasonably informed. I am a first-year nursing student, after all. Alam ko ang basic human anatomy. Alam kong hindi dapat kinakahiya ang sexual health. Pero iba pala talaga kapag sarili mo na ang usapan. Lalo na at malapit na ang anniversary namin ni Adrian — ang boyfriend ko.“Ang seryoso mo d’yan,” sabi niya pagkakita sa akin. “Anong nangyari ba?”Tinawagan ko na talaga ang bestfriend ko, buti nalang at sumagot siya agad.Kinuwento ko sa kanya ang lahat, ang tungkol







