Se connecterNagising ako kinaumagahan na may isang goal: kalimutan ang lahat ng nangyari kahapon.
Madali lang dapat ‘yon.
May mga klase akong pupuntahan. May mga gawaing kailangang tapusin. May boyfriend akong naghihintay na tulungan ko siyang maghanda para sa upcoming naming anniversary.
Ang dami kong pwede at kailangan pang gawin, kaya wala akong dahilan para mag-aksaya pa ng oras sa pag-iisip tungkol sa ninong ko.
Pero sa kasamaang-palad, tila desidido ang utak ko na gawing mahirap ang mga bagay na dapat ay madali lang.
Kaya kahit habang nagsisipilyo ako, bumabalik na naman sa isip ko ang mga tingin ni Gideon kagabi. Habang nagbibihis, naririnig ko pa rin ang kalmado niyang boses tuwing magkausap kami. At ngayong nakaupo na ako sa hapag-kainan para mag-almusal, binanggit na naman ni Mommy ang pangalan niya.
“Nag-message ang ninong mo kanina,” sabi niya habang nagsasalin ng pagkain sa kanyang plato.
Muntik na naman akong mabilaukan nang marinig ang pangalang ‘yon.
“Tinanong niya ang schedule mo. He said he could arrange the hospital visit once your schedule aligns,” dagdag pa niya.
“Oh…”
“He’s very thoughtful. You should be grateful to have someone like him who’s willing to guide.”
“I am, mom.”
‘Yan lang ang tanging naisagot ko sa kanya.
Totoo naman, at iyon ang nakakabagabag sa sitwasyon na ‘to. Wala namang maling ginagawa si Gideon sa ‘kin kaya wala rin akong dahilan para umiwas sa kanya. Pero sana man… sana hindi na iparamdam ng mga magulang ko na parang umuwi siya para sa akin.
Pagkatapos naming mag breakfast ay nagmamadali akong lumabas ng bahay. Agad akong pumasok sa sasakyan at hinugot muna ang cellphone sa bulsa bago ito paandarin.
May tatlong message mula kay Adrian.
Adrian: Good morning, beautiful.
Adrian: Are we still meeting after your classes?
Adrian: I need your opinion about something for our anniversary.
Agad na sumilay ang ngiti sa aking mga labi ng mabasa ko ‘yon, at mabilis ding nagtipa ng reply. Nang matapos ang usapan ay masaya kong nilagay ang phone sa bag at saka bumyahe patungo sa aming university.
—
Pagdating ng tanghalian, halos nakalimutan ko na si Gideon. Halos lang.
Umupo ako kasama ang aking mga kaklase sa usual namin na tambayan. Ang mga kasamahan ko ay nag-uusap lang tungkol sa papalapit naming assessment. May naririnig din akong nagrereklamo sa dami ng aming gagawin at kung ano-ano pang mga kwento tungkol sa klase. Nakikinig lang ako, ngunit minsan ay sumasali na rin sa usapan para maabala ang sarili imbes na mag-isip ng kung ano-ano.
“So Alodia, kumusta kayo ng boyfriend mo?” biglang tanong ng isang kaibigan ko.
Gulat akong napatingin sa kanya. “Ha, bakit anong meron?”
“Girl, malapit na anniversary niyo, ‘di ba? Na-mention mo ‘yon last week.”
“Oh yes. Magkikita kami mamaya to plan it out.”
“Sana all? Lucky you.” Tawanan nila.
Ngumiti lang ako. Pero naalala ko na naman ang consultation. Pumunta ako doon kasi gusto kong maging sigurado sa desisyon ko. Gusto kong maging maingat at alam ang ginagawa ko, hindi lang basta sumusunod sa kung ano ang inaasahan ng iba. Doon ko naisip na hindi ko kailangan patunayan ang pagmamahal ko sa pamamagitan ng pagmamadali.
Maganda naman ‘yon. Bakit parang hindi pa rin ako mapakali?
“Hello? Alodia?”
Napakurap ako. “Sorry. Ano ’yon?”
“I asked if okay ka lang. You’ve been spacing out all morning.”
“I’m fine. Pagod lang siguro.”
At hindi naman ‘yon puro kasinungalingan.
Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari. Baka nga ang paraan para ‘di na maisip si Gideon ay ang hindi na nga talaga pag-iisip ng tuluyan. Pero hindi rin naman ‘yon posible.
—
Nang matapos ang klase ko ay dumiretso na ako sa gate. Tanaw ko naman agad si Adrian sa labas ng aming university, naghihintay sa akin. Pagkalapit ko sa kanya ay binati niya ako agad ng halik sa noo at kinuha ang bag mula sa ‘king balikat bago pa ako makatanggi.
“Pagod na pagod ka yata,” sabi niya.
“Medyo pagod lang. Ang dami naming ginawa ngayong araw.”
“Hayaan mo, punta nalang tayo sa favorite nating cafe.”
Pumasok kami sa sasakyan niya at hinayaan ko lang siyang magmaneho.
Dinala niya ako sa paborito naming kapehan, ang usual naming pinupuntahan tuwing pagkatapos ng aming klase. Hindi naman sobrang sosyal doon, pero gusto ko ang lahat — mula sa ambiance, interior design hanggang sa mga pagkain at inumin.
Inorder naming ang paborito naming drinks and pastries, at umupo malapit sa window.
Sa sandaling iyon, parang normal ang lahat.
Nagkukwento siya tungkol sa araw niya at sa mga nakakatawang pangyayari kasama ang mga kaibigan niya. Tumatawa ako at naging komportable sa piling ng taong kilalang-kilala ako.
Hanggang sa nabanggit na niya ang anniversary namin.
“I was thinking we could book a room at a nice hotel,” sabi niya. “Just the two of us, spending the night with dinner, then enjoying the next morning together.”
Napakapit ako ng mahigpit sa aking cup. “Sa hotel?”
He smiled before responding. “Yeah. It would be special. We don’t get much time alone and I want us to have something memorable.”
Hindi naman siya naghiling ng bagay na hindi ko pa naisip noon. Napag-usapan na namin ang tungkol sa pagiging mas malapit, at alam kong inaasahan niyang mas lalalim pa ang relasyon namin. Pero kahit na, nakaramdam ulit ako ng kung ano sa aking tiyan dahil sa pag-aalala.
“Adrian, pwede bang pag-usapan muna natin nang maayos ‘to?”
Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. “About what?”
“About sa overnight stay. Gusto ko lang siguraduhin na pareho tayo ng naiintindihan.”
“Of course. What’s there to discuss?”
“Ayoko kasing parang napagdesisyunan na agad ang lahat bago pa ako nakapag-isip nang mabuti.”
Napatahimik siya ng ilang sandali. Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay ko.
“Babe, hindi kita pinipilit. Gusto ko lang naman na maging masaya tayo.”
Tuloy ay nahihirapan na ako sa paghahanap ng tamang salitang sasabihin.
“Alam ko,” sagot ko.
“Edi ano pa ang problema?”
Wala naman akong matukoy na partikular na dahilan. Hindi naman ako pinilit o tinakot ni Adrian. Pero sa paraan ng pagsasalita niya, parang ang pagsang-ayon ko ang natural na dapat kong gawin, at kapag nagtanong man ako, parang ako pa ang gumagawa ng problema kung gayong wala naman dapat.
“Kailangan ko lang talaga ng oras,” dahan-dahan kong sabi.
Naging kalmado ang kanyang mukha pero halata pa rin sa kanyang mga mata ang pagkabigo.
“Sige, pag-usapan natin ulit.”
Pinisil niya ang kamay ko, at nakaramdam ako ng kaunting pagsisisi na nakita siyang hindi masaya. Ayaw kong nakakadismaya ako, lalo na sa taong mahal ko.
Pero habang tinatapos namin ang aming drinks, naalala ko ang sinabi ni Dr. Montecillo noong consultation.
You can stop at any time, even if you’ve already agreed to something.
Hindi ko namalayan kung gaano ko kailangang marinig ang mga salitang iyon hanggang ngayon..
Kaya pag uwi ko nang gabing iyon, mas nakaramdam ako ng sobrang pagod.
Naabutan ko si Mommy sa living room at may kinakausap sa phone. Nang makalapit ako sa kanya para mag mano ay saka niya pinatay ang tawag.
“Your ninong just confirmed that he can show you around the hospital next week. He’ll let you know the exact schedule.” sabi niya.
Napahinto ako nang marinig iyon. “Next week?”
Sana naman ay hindi sa araw ng anniversary namin ni Adrian.
“Yes, Isn’t that exciting?”
Pilit nalang akong ngumiti at sumagot, “Oo naman po!”
“You’ll learn so much from him. Just imagine how helpful it will be.”
“I know, mom.”
Mommy scanned my face and asked, “You seem distracted. Is something bothering you?”
Parang huminto ang puso ko. For one second, akala ko ay nalaman niyang nakapunta na ako sa hospital, lalong lalo na sa clinic ni Gideon.
“Wala po. Pagod lang talaga ako galing sa school.”
Hindi na humaba pa ang aming usapan at pinaakyat niya na ako sa kwarto upang magpahinga. Nang sa wakas ay nakapasok ako sa kwarto, pabagsak kong nilapag ang aking bag at tumitig nalang sa kawalan.
Sa susunod na linggo, pupunta na naman ako sa ospital.
Pinaalalahanan ko ang sarili na magandang oportunidad ‘yon para matuto at wala nang iba pa.
Dr. Montecillo was an experienced medical professional who owns a hospital, while I am a nursing student who could benefit from his guidance.
Walang dapat ikabahala.
Wala ring dahilan para isipin kung titingin ba siya sa akin katulad ng noong dinner namin.
Ilang saglit pa ay bumukas ang aking phone dahil sa message na galing sa aking boyfriend.
Adrian: I love you, okay? I hope you know that.
Tinitigan ko ‘yon ng mabuti bago mag type ng reply.
Alodia: I love you, too.
I mean it. At least, I believed I did.
Pero habang inilalapag ko ang cellphone at naghahanda para matulog, hindi ko maitatanggi ang dahan-dahang pagkamulat sa akin na hindi laging madali ang pagmamahal.
Minsan, ibig sabihin nito ay matutong tumanggi nang hindi nakakaramdam ng kasalanan. At minsan, ang pinakamahirap na tao na maging tapat ay ang sarili mo.
Sa susunod na linggo, pupunta ako sa ospital, matututo mula sa Ninong ko, at kikilos na parang walang kakaibang nangyari sa amin noon.
Gano’n lang dapat kadali.
Sana lang makisama ang puso ko.
Alam kong may mali nang makita ko si Adrian na may dalang mga bulaklak.Bihira lang siyang magbigay ng bulaklak nang walang okasyon. Sa susunod na araw pa naman ang anniversary namin, at hindi siya ang tipo ng lalaking bigla na lang magbibigay ng regalo sa simpleng hapon lang. Kadalasan kasi ay sa maliit at simpleng bagay niya ipinapakita ang pagmamahal niya.Pero ngayon, nakatayo na naman siya sa labas ng gate namin pero may dalang flower bouquet at nakangiti nang malapad.“For you,” ani niya at inabot sa akin.“Anong meron, may occasion ba?”“Bawal bang walang rason?”“Hindi naman, pero uhh… thank you.”Hinalikan niya ako sa noo at kinuha ang bag ko, gaya ng lagi niyang ginagawa. Napansin kong may ilang estudyante na nakatingin sa amin.“Tara, let’s walk and talk for a while,” aya niya pa.Dumaan kami sa campus courtyard. May mga nadaanan kaming students sa ilalim ng mga puno at ang iba naman ay nagmamadali para sa susunod siguro nilang klase. Habang magkatabi kaming naglalakad, nag
Nakailang bihis na ako hanggang sa pinili nalang ang simpleng blouse and jeans.Nakakatawa. Bibisita lang naman ako sa ospital, hindi pupunta sa isang job interview. Pero tumayo pa rin ako sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili ko kung bagay ba ang suot o kung magmumukha lang akong hindi komportable sa sitwasyon.Maya-maya pa nyan ay tumunog na ang aking phone mula sa message na galing kay mommy.Mommy: Your ninong will pick you up at nine. Don’t keep him waiting because he still has to clock in, ‘nak.Agad ko naman chineck ang oras.Eight forty-five.“Great!” Bulong ko sa sarili at hinablot agad ang bag para makapag hintay na kay Gideon sa baba.Buong gabi kong kinumbinsi ang sarili na isa lang itong ordinaryong educational visit, wala nang iba.Nag-alok si Dr. Montecillo na ilibot ako dahil isa akong nursing student. Pumayag ang mga magulang ko, at alam kong malaking tulong ito para mas maintindihan ko ang kursong kinuha ko.Walang namang kakaiba ron. Wala talaga.Bumalik ako s
Nagising ako kinaumagahan na may isang goal: kalimutan ang lahat ng nangyari kahapon.Madali lang dapat ‘yon.May mga klase akong pupuntahan. May mga gawaing kailangang tapusin. May boyfriend akong naghihintay na tulungan ko siyang maghanda para sa upcoming naming anniversary. Ang dami kong pwede at kailangan pang gawin, kaya wala akong dahilan para mag-aksaya pa ng oras sa pag-iisip tungkol sa ninong ko.Pero sa kasamaang-palad, tila desidido ang utak ko na gawing mahirap ang mga bagay na dapat ay madali lang.Kaya kahit habang nagsisipilyo ako, bumabalik na naman sa isip ko ang mga tingin ni Gideon kagabi. Habang nagbibihis, naririnig ko pa rin ang kalmado niyang boses tuwing magkausap kami. At ngayong nakaupo na ako sa hapag-kainan para mag-almusal, binanggit na naman ni Mommy ang pangalan niya.“Nag-message ang ninong mo kanina,” sabi niya habang nagsasalin ng pagkain sa kanyang plato.Muntik na naman akong mabilaukan nang marinig ang pangalang ‘yon.“Tinanong niya ang schedule m
Hindi pa ’ko kailanman naging interesado sa pagkain sa plato ko.Itinuon ko ang aking atensyon sa mga pagkain at kung paano ko hinihiwa ang manok, umaasang walang makakapansin kung gaano ako katahimik ngayon. Sa tapat ko naman nakaupo si Dr. Montecillo at komportable na kinakausap ang parents ko, sinasagot ang mga tanong nila tungkol sa buhay niya sa ibang bansa.Sana talaga hindi umabot sa akin ang usapan lalo na ‘yong tungkol sa consultation na nangyari kanina.Everytime I remembered the questions I’d asked him, heat crept up my neck. I had told him about my boyfriend, about our anniversary, and my concerns about taking the next step of our relationship. I listened to him explain things I’d been too embarrassed to ask anyone else.And he’s my ninong?!Great! Absolutely great!“Gideon, you should have seen Alodia when she was younger,” sabi ni mommy habang nakangiti. “She used to follow everyone around the house, asking questions about everything.”“Some things never change,” dagdag
Iginugol ko na ang buong umaga ko kaka-basa ng mga articles na nahihiya akong itanong sa iba. Nanood na rin ako ng mga educational videos na ilang beses ko na ring pinause kapag naging personal na ang mga explanations. Panay titig nalang din ako sa screen ng aking laptop hanggang sa gusto ko nang sumuko.Paulit-ulit kong tina-type sa search bar: “How do you prepare for your first time?”. Hindi bababa sa anim na beses ko na ‘yan ginawa, sobrang daming sagot pero hindi pa rin ako kuntento.At nineteen, I considered myself reasonably informed. I am a first-year nursing student, after all. Alam ko ang basic human anatomy. Alam kong hindi dapat kinakahiya ang sexual health. Pero iba pala talaga kapag sarili mo na ang usapan. Lalo na at malapit na ang anniversary namin ni Adrian — ang boyfriend ko.“Ang seryoso mo d’yan,” sabi niya pagkakita sa akin. “Anong nangyari ba?”Tinawagan ko na talaga ang bestfriend ko, buti nalang at sumagot siya agad.Kinuwento ko sa kanya ang lahat, ang tungkol







