Partager

Chapter 5

Auteur: amusesaira
last update Date de publication: 2026-11-05 20:36:39

Alam kong may mali nang makita ko si Adrian na may dalang mga bulaklak.

Bihira lang siyang magbigay ng bulaklak nang walang okasyon. Sa susunod na araw pa naman ang anniversary namin, at hindi siya ang tipo ng lalaking bigla na lang magbibigay ng regalo sa simpleng hapon lang. Kadalasan kasi ay sa maliit at simpleng bagay niya ipinapakita ang pagmamahal niya.

Pero ngayon, nakatayo na naman siya sa labas ng gate namin pero may dalang flower bouquet at nakangiti nang malapad.

“For you,” ani niya at inabot sa akin.

“Anong meron, may occasion ba?”

“Bawal bang walang rason?”

“Hindi naman, pero uhh… thank you.”

Hinalikan niya ako sa noo at kinuha ang bag ko, gaya ng lagi niyang ginagawa. Napansin kong may ilang estudyante na nakatingin sa amin.

“Tara, let’s walk and talk for a while,” aya niya pa.

Dumaan kami sa campus courtyard. May mga nadaanan kaming students sa ilalim ng mga puno at ang iba naman ay nagmamadali para sa susunod siguro nilang klase. Habang magkatabi kaming naglalakad, nagkukwento lang si Adrian tungkol sa kanyang araw tulad ng nakasanayan. Mga bagay na simple lang pero masaya kung pakinggan.

Nang makarating kami sa may tahimik na bahagi malapit sa university fence, bigla niyang nilabas ang kanyang phone.

“Nakapag-book na ako ng room,” simula niya.

Napahinto na rin ako sa paglalakad para harapin siya. “Anong room?”

“Para sa anniversary natin. ‘Yong hotel na sinabi ko sayo.” Hinarap niya ang kanyang screen sa ‘kin para ipakita ang reservation confirmation.

Unti-unti, parang may kakaibang ganap sa tiyan ko. “Adrian, akala ko ba pag-uusapan muna natin ‘to?”

“Nag-usap na tayo,” Nawala ang sigla sa kanyang mukha. “Sabi mo need mo ng time. Akala ko kinakabahan ka lang, hindi naman siguro para i-cancel mo ang lahat.”

“Hindi ko sinabing oo,” giit ko.

“Hindi mo rin sinabing hindi,” bato niya pabalik.

Nararamdaman ko na ang bigat at tensyon ng usapan. Pilit ko tuloy na hinukay sa aking memorya at inuulit sa utak ang mga nagdaan naming pag-uusap para hanapin at alalahanin kung may nasabi ba akong nagparamdam sa kanya na pumayag na ako.

“Sabi ko sa ‘yo, hindi pa ako handang magdesisyon. Hindi ibig sabihin noon ay pumayag na ako.”

Ibinalik ni Adrian ang cellphone sa bulsa at humarap ng bahagya sa ibang direksyon, pilit na kinokontrol ang sarili.

“I’ve been trying to make this special for you. I even asked my cousins for recommendations because I wanted you to feel comfortable,” sabi niya.

“Na-a-appreciate ko ‘yon. Pero hindi ka dapat mag-book ng hindi ako kinakausap.”

“So now I’m wrong for planning something for my girlfriend?”

“Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin, Adrian.”

“Edi ano ang gusto mong patunayan, Alodia?”

Ayoko sa bilis na pagbabago ng usapan … na parang ako na lang ang may kasalanan.

“Sinasabi ko lang na gusto kong may karapatan din akong magdesisyon. Ayokong maramdaman na may utang ako sa ‘yo dahil gumastos ka.”

“Ah, ganun ba?” Tumawa siya ng mapakla. “Hindi ko alam ganyan ka baba ang tingin mo sa ‘kin.”

“Hindi naman …”

“Because that’s what it sounds like. Like I am some guy trying his way into your pants.”

“Huwag mong baliktarin ang point ko.”

“Hindi ko binabaliktad ang kahit ano. Sinasabi ko lang ang nararamdaman ko.” Napamunas nalang siya ng kamay sa kanyang mukha. “Do you know how embarrassing it is to tell people I’m excited about our anniversary, then my girlfriend acts like I’m planning something terrible?”

Napakurap ako mula ro’n. “Kanino mo sinabi?”

“My cousins. A few friends … and my mom, too.”

Napahigpit nalang ako ng hawak sa bouquet.

“Bakit mo sinabi sa Mom mo?”

“Because she asked what we’ll be doing. Sinabi ko lang namang we’re going away for the night. Hindi ko naman sinabi ang buong detalye, Alodia. I just thought we were finally ready to take the next step.”

Finally ready.

Paulit-ulit ‘yon sa isip ko.

Inabot ni Adrian ang kamay ko. Mainit at pamilyar ang hawak niya sa akin. Sandali kong hinayaan ang sarili ko na hawakan niya ako, at hinihintay kong maiintindihan niya rin ako.

“Listen, I am not forcing you to do anything.” His thumb moved slowly over my knuckles. “Kapag ayaw mo talaga, hindi tayo tutuloy. Ic-cancel ko nalang.”

Huminga siya ng malalim.

“I’ll just explain to everyone that my girlfriend doesn’t trust me enough to be alone with me.”

Bahagya akong napaatras nang marinig ‘yon.

“Hindi ‘yan fair.”

“Neither is making me feel like a bad person for wanting to be closer to you.”

Napabuka nalang ako ng aking bibig, ngunit wala na akong mailabas pang mga salita.

Napabalik sa alaala ko ang mga sinabi ni Dr. Montecillo sa consultation,

You don’t have to prove you love someone by agreeing to something you’re not ready for.

May nagbago sa mukha ni Adrian. Kumalma ang noo niya at tinitigan niya ako nang matagal.

“Fine.” Humakbang siya paatras mula sa akin. “Kalimutan nalang natin ang lahat ng ‘to.”

Nagsimula siyang maglakad pabalik sa parking area kaya hinabol ko siya.

“Saan ka pupunta?”

“Uuwi na. Ayokong makipagtalo sayo.”

Ibinigay niya sa akin ang bag ko at tumingin sa mga bulaklak na hawak ko. “Enjoy your flowers,” iyon na ang huling sinabi niya at tuluyan na siyang umalis.

Sa wakas ay parang gumaan ang pakiramdam ko sa dibdib. Pero hindi ko alam kung ano ang gagawin tungkol kay Adrian. Mahal ko pa rin naman siya, pero hindi ko na alam kung ang ugali niya ba ay dahil lang sa kawalan niya ng kapanatagan, o pakiramdam niya ay may karapatan siya sa akin. Siguro hindi niya namamalayan ang ginagawa niya.

Pero naiintindihan ko na hindi sapat ang mabuting intensyon kung nakakasakit naman ang epekto ng ginagawa mo. At mahalaga 'yon.

—

Pag-uwi ko, may nakita akong malaking envelope sa dining table.

Si mommy ay nasa kitchen at may niluluto. “That came for your Dad. The hospital sent it over, but he’s upstairs when the courier arrived. Can you bring it to his study? It’s important. Your Dad said it’s connected to an old hospital record. Don’t open it ha?”

Tumango lang ako at dinala ang envelop sa taas. May awang ang kanyang pintuan pero walang sumasagot sa mga katok ko. Kaya naman ay basta nalang akong pumasok. Sa mesa niya ay may maraming nakapatong na documents, at sa tabi ay isang nakataob na picture.

Inilapag ko nalang ang envelope sa mesa at nang akma na akong aalis, may napansin akong pangalan sa may bandang ibaba na parte ng picture.

Celeste Alonza.

Napahinto ako nang mabasa ‘yon.

Alam ko ang pangalang ‘yon mula sa mga nakaraang kwento ng aking mga magulang. Si Celeste ay fiancee ni Gideon. Namatay siya ngunit walang ni isa ang kompartableng magkwento kung ano ang nangyari.

Muli kong sinilip ang envelope. May nakalabel pala sa may bandang likod: Archived Incident Review — Confidential.

Lumingon ako palayo. Wala akong karapatan na buksan ‘yan.

Pero nakuha talaga ng litrato ang atensyon ko.

Nakita ko ang mas batang Gideon na kasama si Celeste sa isang okasyon sa ospital. Nakangiti sila, at nandoon din ang mga magulang ko. Nasa balikat ni Gideon ang kamay ni Dad, habang si Mommy ay nakangiti rin sa tabi niya.

Ohh… hindi ko pa ‘to nakita dati.

May nakatago pa sa likod, isang lumang dyaryo. May nakasulat na pamagat tungkol sa pagkamatay ng isang pasyente sa Montecillo Medical Center, at may petsa na ilang taon na ang nakalipas.

Ngunit bago ko pa man mabasa nang maayos, may narinig akong yabag ng mga paa sa labas.

Napaatras ako mula sa desk at inabangan ang pagpasok nito.

Mabilis akong umatras mula sa mesa. Pumasok si Daddy, maluwag ang necktie niya at mukhang pagod. Tumingin siya sa akin, sa sobre, at sa litrato.

“Inutusan kang dalhin ‘yan?” Tanong niya.

“Sabi ni Mom galing sa hospital ‘yan. Hindi ko po binuksan.”

“I see. Thank you, ‘nak.”

Dapat umalis na ako. Pero sa halip ay nagawa ko pa ring magtanong, “Doktor po ba si Celeste?”

Napahinto naman si Dad dahil sa tanong ko.

“No.” Simpleng sagot niya.

“Edi bakit kasama ang pangalan niya sa report ng ospital?”

Sandaling siyang tumahimik. Iba ang katahimikan niya ngayon. Hindi gaya ng dati niyang pagiging kalmado.

“Some things are complicated,” sa wakas ay sagot niya. “And some things should be kept and better left to people who were involved.”

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Forbidden Love with My Ninong   Chapter 5

    Alam kong may mali nang makita ko si Adrian na may dalang mga bulaklak.Bihira lang siyang magbigay ng bulaklak nang walang okasyon. Sa susunod na araw pa naman ang anniversary namin, at hindi siya ang tipo ng lalaking bigla na lang magbibigay ng regalo sa simpleng hapon lang. Kadalasan kasi ay sa maliit at simpleng bagay niya ipinapakita ang pagmamahal niya.Pero ngayon, nakatayo na naman siya sa labas ng gate namin pero may dalang flower bouquet at nakangiti nang malapad.“For you,” ani niya at inabot sa akin.“Anong meron, may occasion ba?”“Bawal bang walang rason?”“Hindi naman, pero uhh… thank you.”Hinalikan niya ako sa noo at kinuha ang bag ko, gaya ng lagi niyang ginagawa. Napansin kong may ilang estudyante na nakatingin sa amin.“Tara, let’s walk and talk for a while,” aya niya pa.Dumaan kami sa campus courtyard. May mga nadaanan kaming students sa ilalim ng mga puno at ang iba naman ay nagmamadali para sa susunod siguro nilang klase. Habang magkatabi kaming naglalakad, nag

  • Forbidden Love with My Ninong   Chapter 4

    Nakailang bihis na ako hanggang sa pinili nalang ang simpleng blouse and jeans.Nakakatawa. Bibisita lang naman ako sa ospital, hindi pupunta sa isang job interview. Pero tumayo pa rin ako sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili ko kung bagay ba ang suot o kung magmumukha lang akong hindi komportable sa sitwasyon.Maya-maya pa nyan ay tumunog na ang aking phone mula sa message na galing kay mommy.Mommy: Your ninong will pick you up at nine. Don’t keep him waiting because he still has to clock in, ‘nak.Agad ko naman chineck ang oras.Eight forty-five.“Great!” Bulong ko sa sarili at hinablot agad ang bag para makapag hintay na kay Gideon sa baba.Buong gabi kong kinumbinsi ang sarili na isa lang itong ordinaryong educational visit, wala nang iba.Nag-alok si Dr. Montecillo na ilibot ako dahil isa akong nursing student. Pumayag ang mga magulang ko, at alam kong malaking tulong ito para mas maintindihan ko ang kursong kinuha ko.Walang namang kakaiba ron. Wala talaga.Bumalik ako s

  • Forbidden Love with My Ninong   Chapter 3

    Nagising ako kinaumagahan na may isang goal: kalimutan ang lahat ng nangyari kahapon.Madali lang dapat ‘yon.May mga klase akong pupuntahan. May mga gawaing kailangang tapusin. May boyfriend akong naghihintay na tulungan ko siyang maghanda para sa upcoming naming anniversary. Ang dami kong pwede at kailangan pang gawin, kaya wala akong dahilan para mag-aksaya pa ng oras sa pag-iisip tungkol sa ninong ko.Pero sa kasamaang-palad, tila desidido ang utak ko na gawing mahirap ang mga bagay na dapat ay madali lang.Kaya kahit habang nagsisipilyo ako, bumabalik na naman sa isip ko ang mga tingin ni Gideon kagabi. Habang nagbibihis, naririnig ko pa rin ang kalmado niyang boses tuwing magkausap kami. At ngayong nakaupo na ako sa hapag-kainan para mag-almusal, binanggit na naman ni Mommy ang pangalan niya.“Nag-message ang ninong mo kanina,” sabi niya habang nagsasalin ng pagkain sa kanyang plato.Muntik na naman akong mabilaukan nang marinig ang pangalang ‘yon.“Tinanong niya ang schedule m

  • Forbidden Love with My Ninong   Chapter 2

    Hindi pa ’ko kailanman naging interesado sa pagkain sa plato ko.Itinuon ko ang aking atensyon sa mga pagkain at kung paano ko hinihiwa ang manok, umaasang walang makakapansin kung gaano ako katahimik ngayon. Sa tapat ko naman nakaupo si Dr. Montecillo at komportable na kinakausap ang parents ko, sinasagot ang mga tanong nila tungkol sa buhay niya sa ibang bansa.Sana talaga hindi umabot sa akin ang usapan lalo na ‘yong tungkol sa consultation na nangyari kanina.Everytime I remembered the questions I’d asked him, heat crept up my neck. I had told him about my boyfriend, about our anniversary, and my concerns about taking the next step of our relationship. I listened to him explain things I’d been too embarrassed to ask anyone else.And he’s my ninong?!Great! Absolutely great!“Gideon, you should have seen Alodia when she was younger,” sabi ni mommy habang nakangiti. “She used to follow everyone around the house, asking questions about everything.”“Some things never change,” dagdag

  • Forbidden Love with My Ninong   Chapter 1

    Iginugol ko na ang buong umaga ko kaka-basa ng mga articles na nahihiya akong itanong sa iba. Nanood na rin ako ng mga educational videos na ilang beses ko na ring pinause kapag naging personal na ang mga explanations. Panay titig nalang din ako sa screen ng aking laptop hanggang sa gusto ko nang sumuko.Paulit-ulit kong tina-type sa search bar: “How do you prepare for your first time?”. Hindi bababa sa anim na beses ko na ‘yan ginawa, sobrang daming sagot pero hindi pa rin ako kuntento.At nineteen, I considered myself reasonably informed. I am a first-year nursing student, after all. Alam ko ang basic human anatomy. Alam kong hindi dapat kinakahiya ang sexual health. Pero iba pala talaga kapag sarili mo na ang usapan. Lalo na at malapit na ang anniversary namin ni Adrian — ang boyfriend ko.“Ang seryoso mo d’yan,” sabi niya pagkakita sa akin. “Anong nangyari ba?”Tinawagan ko na talaga ang bestfriend ko, buti nalang at sumagot siya agad.Kinuwento ko sa kanya ang lahat, ang tungkol

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status