Se connecterNakailang bihis na ako hanggang sa pinili nalang ang simpleng blouse and jeans.
Nakakatawa. Bibisita lang naman ako sa ospital, hindi pupunta sa isang job interview. Pero tumayo pa rin ako sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili ko kung bagay ba ang suot o kung magmumukha lang akong hindi komportable sa sitwasyon.
Maya-maya pa nyan ay tumunog na ang aking phone mula sa message na galing kay mommy.
Mommy: Your ninong will pick you up at nine. Don’t keep him waiting because he still has to clock in, ‘nak.
Agad ko naman chineck ang oras.
Eight forty-five.
“Great!” Bulong ko sa sarili at hinablot agad ang bag para makapag hintay na kay Gideon sa baba.
Buong gabi kong kinumbinsi ang sarili na isa lang itong ordinaryong educational visit, wala nang iba.
Nag-alok si Dr. Montecillo na ilibot ako dahil isa akong nursing student. Pumayag ang mga magulang ko, at alam kong malaking tulong ito para mas maintindihan ko ang kursong kinuha ko.
Walang namang kakaiba ron. Wala talaga.
Bumalik ako sa aking sarili dahil sa isang busina ng sasakyan. Alam kong ang ninong ko na ‘yon kaya agad ko rin itong nilabas.
Nakatayo si Gideon sa tabi ng kanyang sasakyan habang may tinitingnan sa cellphone niya. Nakasuot siya ng puting polo at maitim na pantalon. Sa totoo lang, hindi siya nakakatakot kapag wala ang puting lab gown niya.
Pero hindi ko maitatanggi, gwapo pa rin niya.
Mabilis kong iniling ang ulo ko. Bakit ko pa ba naisip ‘yon?
“Good morning,” bati niya at pinagbuksan ako ng passenger door.
“Good morning… ” bati ko pabalik.
“You look happy, and pretty.”
Agad akong pumasok sa sasakyan at hindi na sumagot pa.
Gusto kong isipin na walang ibang ibig sabihin 'yon, pero iba ang nararamdaman ko. Tuloy ay medyo naging tahimik lang kami sa byahe.
May mga ilan siyang tanong na kinaya ko pa ring sagutin. Buti nga at tungkol lang iyon lahat sa pag-aaral. Kinakaya ko pa naman na sumagot ng maayos pero tipid nga lang.
“Gusto mo na bang maging doctor simula pa noong bata ka?” tanong ko pabalik.
“Ang alam ko lang noon ay gusto kong mag medicine dahil may ospital ang pamilya namin. Mas lalo ko lang minahal ang trabahong ito noong lumipad ako sa ibang bansa,” sagot niya pa.
“Dahil po ba … sa pagkawala ng fiancee niyo?”
Agad ko namang napagtanto ang aking sinabi. Hindi ko na pala napigilan ang bibig at nailabas na rin ng bunganga ko ang mga dapat nanatili nalang sa aking utak.
“I’ll answer that next time,” tanging sagot niya dahil eksaktong nakarating na kami sa ospital.
Nang tumayo kami sa harap ng gusali, naintindihan ko na kung bakit ipinagmamalaki siya ng mga magulang ko.
Napakalaki ng Montecillo Medical Center. May mga glass doors at maluwag ang bawat pasilyo. Pagpasok namin, makikita mong abala ang lahat. May mga pasyenteng nakaupo kasama ang kanilang pamilya, habang ang mga nurse ay nagmamadali, may hawak na mga documents at tinuturo ang daan sa iba’t ibang departament.
Maingay at abala, pero maayos ang lahat.
Binabati si Gideon sa mga nakasalubong namin, at binabati niya rin sila pabalik. Pinanood ko lang siya. Mula sa taong nakausap namin sa aming dinner noon, ngayon ay mukhang ibang tao na ang nasa harap ko. May awtoridad siya, at kilala siya ng lahat.
Ito ang mundo niya. At nagsisimula pa lang akong maintindihan kung gaano karami pa ang kailangan kong matutunan para makapasok din ako rito balang araw.
—
Dinala ako ni Gideon sa hospital’s administration. Masigla nila akong tinanggap nang malaman nilang inaanak niya ako at isang nursing student.
“Your ninong has been away for a long time, it’s good to have him back and see you here with him as well.” sabi ng isa sa kanila.
“Yeah, he’s so nice to show me around. My family is grateful for this opportunity.” I explained.
“Then you’re in good hands. Make sure you pay attention and enjoy your tour around.”
Ngumiti ako. “I’ll do my best. Thank you!”
Mula roon, ipinasyal ako ni Dr. Montecillo sa iba’t ibang departaments. Ipinaliwanag niya ang gamit ng bawat isa at kung paano nagtutulungan ang iba’t ibang professionals. Hindi naman siya nagbibigay ng masyadong maraming impormasyon na hindi ko kayang intindihin. Kaya sa unang pagkakataon simula noong nakilala ko siya, ngayon pa lang ako naging komportable na kasama siya.
Hindi lang siya ang doctor na kinabahan ako noong consultation ko. Mahusay siya, mahaba ang pasensya, at seryoso siya sa kanyang trabaho. Naintindihan ko na kung bakit siya pinagkakatiwalaan ni Dad at kung bakit iginagalang siya ng lahat. Siguro masyado lang akong nababahala sa aming hindi inaasahang pagkakakilala kaya hindi ko agad nakita kung sino talaga siya.
—
“You did well today,” saad ni Gideon habang naglalakad kami pabalik sa parking lot.
Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at sumagot pabalik, “Thank you for showing me around. I learned a lot.”
“Mabuti naman kung gano’n. Nakikita ko rin namang interesado ka talaga sa pinag-aaralan mo.”
Nang marating naman ang kanyang sasakyan ay nagpasalamat ulit ako bago pumasok sa passenger seat.
Naging mabilis lang ang biyahe pauwi sa bahay. Pagkarating namin sa harap ng gate ay akma ko ng hawakan ang door handle na agad din naman niyang pinigilan.
Sa hindi malamang dahilan, kumabog ng sobra ang aking dibdib.
“Alodia?”
Malambot ang boses niya. Parang bulong na halos, parang nag-aalinlangan kung dapat bang sabihin niya pa.
“Don’t hesitate to ask for guidance if you need it. Whether it’s about nursing or finding reliable information about your health. I’d rather you ask someone qualified than for you to figure everything out alone...”
Nagtagpo ang aming mga mata at nandyan naman ang tingin na para bang may higit pa doon.
“Thank you, ninong!” Binigyang-diin ko ang huling salita.
Wala akong ibang salita na makapa. Iba ang nararamdaman ng puso ko mula sa aking iniisip.
Ang ngiti niya tuloy ay unti-unting nawawala. “You’re welcome. I’ll treat you to dinner sometime, if our schedule allows.”
Ngumiti lang ako at tumango bago bumaba. Kumaway siya mula sa bintana bago umandar papalayo. Pinanood ko ang sasakyan niya hanggang sa hindi ko na ito makita, bago ako pumasok sa bahay.
Inakala kong magiging hindi komportable ang pagbisita ko sa ospital. Sa halip, nakilala ko ang ibang side ni Gideon, na lalo kong hinahangaan at iginagalang.
Madali lang dapat ang lahat dahil do’n.
Pero habang papasok ako sa aming bahay, isang bagay din ang hindi ko matanggal sa isipan.
Habang mas nakikilala ko si Locar Gideon Montecillo, mas nahihirapan akong tingnan siya bilang simpleng ninong lang na ipinakilala lang ng aking mga magulang.
At nagsisimula na akong matakot. Dahil ang mas makilala siya ay mas mapanganib pa kaysa sa pag-iwas ko sa kanya.
Alam kong may mali nang makita ko si Adrian na may dalang mga bulaklak.Bihira lang siyang magbigay ng bulaklak nang walang okasyon. Sa susunod na araw pa naman ang anniversary namin, at hindi siya ang tipo ng lalaking bigla na lang magbibigay ng regalo sa simpleng hapon lang. Kadalasan kasi ay sa maliit at simpleng bagay niya ipinapakita ang pagmamahal niya.Pero ngayon, nakatayo na naman siya sa labas ng gate namin pero may dalang flower bouquet at nakangiti nang malapad.“For you,” ani niya at inabot sa akin.“Anong meron, may occasion ba?”“Bawal bang walang rason?”“Hindi naman, pero uhh… thank you.”Hinalikan niya ako sa noo at kinuha ang bag ko, gaya ng lagi niyang ginagawa. Napansin kong may ilang estudyante na nakatingin sa amin.“Tara, let’s walk and talk for a while,” aya niya pa.Dumaan kami sa campus courtyard. May mga nadaanan kaming students sa ilalim ng mga puno at ang iba naman ay nagmamadali para sa susunod siguro nilang klase. Habang magkatabi kaming naglalakad, nag
Nakailang bihis na ako hanggang sa pinili nalang ang simpleng blouse and jeans.Nakakatawa. Bibisita lang naman ako sa ospital, hindi pupunta sa isang job interview. Pero tumayo pa rin ako sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili ko kung bagay ba ang suot o kung magmumukha lang akong hindi komportable sa sitwasyon.Maya-maya pa nyan ay tumunog na ang aking phone mula sa message na galing kay mommy.Mommy: Your ninong will pick you up at nine. Don’t keep him waiting because he still has to clock in, ‘nak.Agad ko naman chineck ang oras.Eight forty-five.“Great!” Bulong ko sa sarili at hinablot agad ang bag para makapag hintay na kay Gideon sa baba.Buong gabi kong kinumbinsi ang sarili na isa lang itong ordinaryong educational visit, wala nang iba.Nag-alok si Dr. Montecillo na ilibot ako dahil isa akong nursing student. Pumayag ang mga magulang ko, at alam kong malaking tulong ito para mas maintindihan ko ang kursong kinuha ko.Walang namang kakaiba ron. Wala talaga.Bumalik ako s
Nagising ako kinaumagahan na may isang goal: kalimutan ang lahat ng nangyari kahapon.Madali lang dapat ‘yon.May mga klase akong pupuntahan. May mga gawaing kailangang tapusin. May boyfriend akong naghihintay na tulungan ko siyang maghanda para sa upcoming naming anniversary. Ang dami kong pwede at kailangan pang gawin, kaya wala akong dahilan para mag-aksaya pa ng oras sa pag-iisip tungkol sa ninong ko.Pero sa kasamaang-palad, tila desidido ang utak ko na gawing mahirap ang mga bagay na dapat ay madali lang.Kaya kahit habang nagsisipilyo ako, bumabalik na naman sa isip ko ang mga tingin ni Gideon kagabi. Habang nagbibihis, naririnig ko pa rin ang kalmado niyang boses tuwing magkausap kami. At ngayong nakaupo na ako sa hapag-kainan para mag-almusal, binanggit na naman ni Mommy ang pangalan niya.“Nag-message ang ninong mo kanina,” sabi niya habang nagsasalin ng pagkain sa kanyang plato.Muntik na naman akong mabilaukan nang marinig ang pangalang ‘yon.“Tinanong niya ang schedule m
Hindi pa ’ko kailanman naging interesado sa pagkain sa plato ko.Itinuon ko ang aking atensyon sa mga pagkain at kung paano ko hinihiwa ang manok, umaasang walang makakapansin kung gaano ako katahimik ngayon. Sa tapat ko naman nakaupo si Dr. Montecillo at komportable na kinakausap ang parents ko, sinasagot ang mga tanong nila tungkol sa buhay niya sa ibang bansa.Sana talaga hindi umabot sa akin ang usapan lalo na ‘yong tungkol sa consultation na nangyari kanina.Everytime I remembered the questions I’d asked him, heat crept up my neck. I had told him about my boyfriend, about our anniversary, and my concerns about taking the next step of our relationship. I listened to him explain things I’d been too embarrassed to ask anyone else.And he’s my ninong?!Great! Absolutely great!“Gideon, you should have seen Alodia when she was younger,” sabi ni mommy habang nakangiti. “She used to follow everyone around the house, asking questions about everything.”“Some things never change,” dagdag
Iginugol ko na ang buong umaga ko kaka-basa ng mga articles na nahihiya akong itanong sa iba. Nanood na rin ako ng mga educational videos na ilang beses ko na ring pinause kapag naging personal na ang mga explanations. Panay titig nalang din ako sa screen ng aking laptop hanggang sa gusto ko nang sumuko.Paulit-ulit kong tina-type sa search bar: “How do you prepare for your first time?”. Hindi bababa sa anim na beses ko na ‘yan ginawa, sobrang daming sagot pero hindi pa rin ako kuntento.At nineteen, I considered myself reasonably informed. I am a first-year nursing student, after all. Alam ko ang basic human anatomy. Alam kong hindi dapat kinakahiya ang sexual health. Pero iba pala talaga kapag sarili mo na ang usapan. Lalo na at malapit na ang anniversary namin ni Adrian — ang boyfriend ko.“Ang seryoso mo d’yan,” sabi niya pagkakita sa akin. “Anong nangyari ba?”Tinawagan ko na talaga ang bestfriend ko, buti nalang at sumagot siya agad.Kinuwento ko sa kanya ang lahat, ang tungkol







