author-banner
writewithpinky
Author

Novelas de writewithpinky

The Billionaire’s Ultimate Regret: Chasing His Ex-Wife

The Billionaire’s Ultimate Regret: Chasing His Ex-Wife

Isinuko ni Beatrice ang kaniyang mga pangarap para sa lalaking minahal niya nang buong puso. Ngunit sa loob ng apat na taon, ang tanging natanggap niya mula sa bilyonaryong si Iñigo Saldivar ay malamig na pakikitungo, pangmamaliit, at paulit-ulit na sakit. Hanggang sa isang aksidente ang kumitil sa buhay ng kanilang kambal na anak. Habang duguan at naghihintay sa ospital, paulit-ulit niyang tinawagan ang kaniyang asawa. Ngunit hindi siya sinagot ni Iñigo dahil abala ito sa pag-aalaga sa babaeng tunay nitong minamahal. Doon tuluyang nadurog ang puso ni Beatrice. Hindi lamang mga anak niya ang nawala. Kasabay nilang namatay ang natitira niyang pag-asa para sa kanilang pagsasama. Kaya nang mawalan siya ng lahat, nagpasya siyang bawiin ang buhay na minsan niyang isinuko para kay Iñigo. Muli niyang haharapin ang mundong tinalikuran niya, babalikan ang kaniyang natatanging karera sa siyensiya, at patutunayan na hindi siya basta-bastang babae lamang. Ngunit paano kung ang asawang itinuring siyang walang halaga ay siya ring lalaking balang araw ay magmamakaawang bumalik siya? Ngayong handa nang lumaya si Beatrice, saka pa lamang matutuklasan ni Iñigo ang tunay na pagkatao ng babaeng itinaboy niya. Ngunit sa oras na habulin niya ang dating asawa, sapat pa kaya ang kaniyang pagsisisi upang maibalik ang babaeng minsan niyang winasak?
Leer
Chapter: Chapter 4
Paalis na si Beatrice nang marinig pa niya ang malulutong na pagmumura ni Gab sa likod niya.Desidido na itong magsumbong kay Iñigo.Dati, dahil gusto niyang mabura ang masamang impresyon sa kanya ni Iñigo, kahit gaano pa siya itrato na parang basahan o alipustahin nina Gab ay hindi siya umiimik.Nagpapakababa pa siya noon para lang magustuhan nila.Pero ngayon? Hinding-hindi na iyon mangyayari!Kaya lang, sa apat na taon na minahal niya si Iñigo, ang tuluyang pagbitaw ay hindi ganoon kadaling gawin sa isang iglap.Iiyak siya, masasaktan, pero hinding-hindi na siya muling magmamahal.Pagdating niya sa lugar kung saan sila magkikita ng Lance, napansin agad ni Beatrice na panay ang tingin nito sa may pinto.Kinawayan niya ito, pero hindi man lang siya napansin."Lance?" Diretso siyang naglakad palapit kay Lance at tinawag ito.Nagbawi ng tingin si Lance at tumingin kay Beatrice na nakasuot ng itim na jacket sa harap niya.Matapos itong titigan nang maigi, parang hindi ito makapaniwala a
Última actualización: 2026-10-26
Chapter: Chapter 3
Pagkalabas na pagkalabas niya, nakita niya ang kasambahay na nag-uto sa kanyang magpalit ng damit. Nakatakip ang kamay nito sa bibig habang pilit na pinipigilan ang tawa.Hindi na kumibo si Beatrice, itinaas niya ang kanyang kamay at buong lakas na sinampal ito sa mukha ng kasambahay.Napasigaw sa gulat at sakit ang kasambahay, "Anong ginagawa mo!"Malamig na tiningnan ni Beatrice ang kasambahay na bakas ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha. "Sige, magsumbong ka! Magsumbong ka kung gusto mo!"Pagkatapos non ay tumalikod na siya at umalis. Wala na siyang pakialam sa mga pagmumura ng kasambahay sa likod niya, na siguradong handa nang isumbong siya kay Iñigo.Kinaumagahan ay hindi umuwi si Iñigo. Sanay na si Beatrice kaya hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin. Bumangon siya para pumasok sa kumpanya.Matapos i-print ang kanyang resignation letter, iniabot niya ito kay Gab Saldivar—ang assistant ni Iñigo na kapatid din nito, at siyang direktang namamahala sa mga sekretarya na tu
Última actualización: 2026-10-26
Chapter: Chapter 2
Simula noong nabuntis siya ay naka schedule na ang kaniyang mga check up sa Saldivar Medical Center. Ngunit kanina ay nandoon siya hindi para sa check up kung hindi ay para alisin ang namatay nilang mga anak sa sinapupunan niya.At iniisip pa nito na sinusundan siya?Napalunok si Beatrice habang kumikirot ang kaniyang puso, “Hindi kita sinusundan. Andoon ako dahil…”Hindi manlang pinatos si Inigo si Beatrice magsalita at agad itong sumingit, “Tigilan mo ang mga ganyang style mo. Kapag nanganak ka na ay itutuloy ko na ang divorce.” Tila nanigas si Beatrice sa kaniyang kinatatayuan.Alam niyang mangyayari ang divorce. Ngunit ang marinig ito mismo sa bibig ni Inigo ay parang patalim na binabaon sa kaniyang dibdib.Kahit na masakit ang kaniyang nararamdaman ay pinilit niya paring magsalita, “Hindi mo na kailangan hintayin pa ang panganganak ko. Pwede na natin gawin ang gusto mong mangyari dahil…”Wala na ang kambal.Apat na salita, ngunit hindi niya nasabi dahil sa isang tawag sa phone
Última actualización: 2026-10-26
Chapter: Chapter 1
“Ms. Beatrice, kailangan mo nang ma-operahan agad. Andito na ba ang pamilya mo?”Hindi na mabilang ng nars kung ilang beses niya itong kinulit. Nakaupo lang si Beatrice sa kaniyang wheelchair, nakatitig sa dugong umaagos sa kaniyang paahan, bago sumulyap sa kaniyang phone. Mula nang maipit siya sa nayuping tren dahil sa askidente hanggang sa maisugod siya sa ospital, ilang beses niyang tinawagan si Inigo ngunit hindi niya ito makontak.Kaninang madaling araw ay sumakay siya ng taxi papasok sa kumpanya nang bigla silang mabangga ng isang pulang SUV, kaya tumagilid sila at nahulog sa ilog. Ang nagmamaneho ng pulang SUV ay agad isinugod sa ospital, habang si Beatrice ay hindi manlang matawagan ang asawa niya at dalawang oras pang nakababad bago maihaon ng rescuer. Ngunit ang kapalit nito ay ang pagkawala ng sanggol sa kaniyang sinapupunan.“Ms. Beatrice?” muling tugon ng nars.Bumalik si Beatrice sa wisyo. Nanginginig ang kaniyang labi habang nagsasalita, “Baka may inaasikaso ang asaw
Última actualización: 2026-10-26
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status