INICIAR SESIÓNIsinuko ni Beatrice ang kaniyang mga pangarap para sa lalaking minahal niya nang buong puso. Ngunit sa loob ng apat na taon, ang tanging natanggap niya mula sa bilyonaryong si Iñigo Saldivar ay malamig na pakikitungo, pangmamaliit, at paulit-ulit na sakit. Hanggang sa isang aksidente ang kumitil sa buhay ng kanilang kambal na anak. Habang duguan at naghihintay sa ospital, paulit-ulit niyang tinawagan ang kaniyang asawa. Ngunit hindi siya sinagot ni Iñigo dahil abala ito sa pag-aalaga sa babaeng tunay nitong minamahal. Doon tuluyang nadurog ang puso ni Beatrice. Hindi lamang mga anak niya ang nawala. Kasabay nilang namatay ang natitira niyang pag-asa para sa kanilang pagsasama. Kaya nang mawalan siya ng lahat, nagpasya siyang bawiin ang buhay na minsan niyang isinuko para kay Iñigo. Muli niyang haharapin ang mundong tinalikuran niya, babalikan ang kaniyang natatanging karera sa siyensiya, at patutunayan na hindi siya basta-bastang babae lamang. Ngunit paano kung ang asawang itinuring siyang walang halaga ay siya ring lalaking balang araw ay magmamakaawang bumalik siya? Ngayong handa nang lumaya si Beatrice, saka pa lamang matutuklasan ni Iñigo ang tunay na pagkatao ng babaeng itinaboy niya. Ngunit sa oras na habulin niya ang dating asawa, sapat pa kaya ang kaniyang pagsisisi upang maibalik ang babaeng minsan niyang winasak?
Ver más“Ms. Beatrice, kailangan mo nang ma-operahan agad. Andito na ba ang pamilya mo?”
Hindi na mabilang ng nars kung ilang beses niya itong kinulit. Nakaupo lang si Beatrice sa kaniyang wheelchair, nakatitig sa dugong umaagos sa kaniyang paahan, bago sumulyap sa kaniyang phone.
Mula nang maipit siya sa nayuping tren dahil sa askidente hanggang sa maisugod siya sa ospital, ilang beses niyang tinawagan si Inigo ngunit hindi niya ito makontak.
Kaninang madaling araw ay sumakay siya ng taxi papasok sa kumpanya nang bigla silang mabangga ng isang pulang SUV, kaya tumagilid sila at nahulog sa ilog.
Ang nagmamaneho ng pulang SUV ay agad isinugod sa ospital, habang si Beatrice ay hindi manlang matawagan ang asawa niya at dalawang oras pang nakababad bago maihaon ng rescuer. Ngunit ang kapalit nito ay ang pagkawala ng sanggol sa kaniyang sinapupunan.
“Ms. Beatrice?” muling tugon ng nars.
Bumalik si Beatrice sa wisyo.
Nanginginig ang kaniyang labi habang nagsasalita, “Baka may inaasikaso ang asawa ko. Pwede bang ako nalang ang pumirma sa mga papel?”
“Pasensya na, bukod sa nakunan ka ay may mild concussion ka rin. Kailangan din namin ang pamilya mo upang pumirma bago natin simulan ang operasyon. Subukan mo nalang silang tawagin ulit.” Ani ng nars.
“Sige, susubukan ko ulit.” Nanginginig na sagot ni Beatrice.
Inantay ni Beatrice makaalis ang nars saka ito tumayo, nag suot ng mahabang itim na jacket at balak na lumipat na lang sa ibang ospital na hindi naghahanap ng pirma ng pamilya.
Paglabas ni Beatrice ng ward, narinig niyang nag uusap ang mga nars.
“Alam mo ba kung sino ang nasa VIP room sa tabi natin?”
“Sino?”
“Si Megan Rivera, yung magandang anak ng pamilya Rivera! Siya yung nanalo ng maraming awards. Kakasali niya lang din sa isang national-level reaserch project. Napaka talino at sobrang ganda pa! Nakahingi pa nga ako nga autograph sa kaniya eh!”
“Ha? Bakit naman siya andito? May sakit ba siya?”
“Kaninang umaga kasi nabangga ang pulang SUV niya at nagkaroon siya ng kaunting gasgas. Sobrang nag-alala ang boyfriend niya at nagmadaling pumunta rito. Dumaan sa VIP passage ng ospital at buong araw doon sa kwarto.”
Napahinto si Beatrice nang marinig ang mga salitang halos ikabagsak niya sa sahig.
“Alam mo ba kung sino ang boyfriend niya? Si Inigo Saldivar, ang CEO ng Saldivar Group! Ang pulang SUV na yon ay regalo pa nga raw ni Sir Inigo kay Megan noong birthday niya.”
Unti-unting nawala sa pandinig niya ang boses ng mga nars nang maglakad na ito papalayo.
Hindi niya kailanman naisip na magtataksil sa kaniya si Inigo. At ang masakit pa, ang babae ng kaniyang asawa ang dahilan kung bakit nawala ang kanilang magiging anak.
Kaya pala hindi niya ito makontak dahil may mas pinili itong puntahan at alagaan.
Sa dulo ng koridor, agad niyang nakita si Inigo na may hawak na magandang babae sa kaniyang mga bisig habang lumalabas sa ward.
Gusto niya itong tawagan ulit bago makapasok sa elevator. Iniisip niya kung ano ang magiging reaskyon nito kung sasagutin nito ang tawag at makikita siya.
Muli niyang tinawagan si inigo, at sa sandaling bumukas ang elevator ay nakita mismo ng mga mata ni Beatrice ang pag sulyap ni Inigo sa kaniyang phone bago ito patayin at isilid sa kaniyang bulsa upang alalayan ang babaeng katabi nito.
Nakita ni Beatrice kung paano siya baliwalain nito.
Bago sila tuluyang pumasok sa elevator ay napansin ni Megan si Beatrice, “Inigo, hindi ba yan ang assistant na gusto mong paalisin sa kumpanya? Sinusundan ka ba niya rito?” tanong nito kay Inigo.
Sa wakas ay lumingon na si Inigo. Walang emosyon na sumulyap siya kay Beatrice bago ituon muli ang kaniyang pansin kay Megan.
Ito naman pala ang tinutukoy na usap-usapan sa kumpanya na taong nakatagpo niya sa ibang bansa.
Nang mabuntis si Beatrice ay pinilit ni Donya Gloria na maikasal sila ni Inigo. Ngunit walang pormal na kasal at tanging marriage certificate lang. Walang ibang nakakaalam na siya ay isang Saldivar.
Hindi niya na narinig kung ano ang sagot ni Inigo at tuluyan na rin nagsara ang elevator.
Ang nars na nag asikaso sa kaniya kanina ay agad na lumapit nang makita siya.
“Hindi na makakarating ang asawa ko. Pakiusap, operahan niyo na ako. Ako na ang mananagot sa lahat ng kahihinatnatan nito. Ako…”
Bago pa man niya matapos ang kaniyang sasabihin ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Nang muli niyang idilat ang mga mata niya, nakahiga na siya sa silid ng ospital.
Maya-maya pa ay pumasok na ang doctor at kinausap siya, "Madaming dugo ang nawala sayo. Sinubukan din naming kontakin ang asawa mo gamit ang phone mo pero hindi niya ito sinasagot. Kambal sila, isang lalaki at isang babae. Sayang at nawala sila nang ganoon na lang. Kung naisugod ka lang sana nang mas maaga rito sa ospital, baka nailigtas pa natin sila.”
Wala na ang kanyang mga anak. Wala na ang kaniyang mga kambal.
Ipinasok ni Beatrice ang labi ng kambal sa loob ng itim na kahon at nilagyan ito ng laso.
Matapos ang sapat na pahingang kailangan ni Beatrice, bitbit niya ang itim na kahon at paalis na sana siya sa ospital nang biglang may tumawag sa kaniyang phone.
“Beatrice, nag request si Don Francisco na gawan mo raw siya ng paborito niyang sinigang. Hindi niya nagustuhan ang luto noong matandang kasambahay at palaging hinahanap-hanap ang luto mo. Mag ayos kana at ipapasundo ka raw kay Sir Iñigo."
Nakatitig lang si Beatrice sa kawalan at nanatiling tahimik.
Mula nang pakasalan niya si Iñigo habang buntis, ginagawa niya ang lahat para mapalapit sa pamilya nito. Maganda naman ang trato sa kanya ni Donya Gloria at gusting-gustong rin ni Don Francisco ang mga luto niya.
Hindi niya na inantay na magkita pa sila muli ni Inigo at umalis na agad siya sa ospital. Pagkarating niya sa kanilang bahay ay agad na lumapit sa kaniya ang kasambahay na may malamig na reaksyon at iniabot kay Beatrice ang mga sangkap na gagamitin nito sa pagluluto.
Ito ang matandang kasambahay na ginagawa siyang para katulong o alila. Hindi nila tinuturing na amo si Beatrice dahil para sa kanila ang marriage contract nila ni Inigo ay parang kontrata niya lang bilang katulong.
Sa halip na tanggapin ang mga sangkap mula sa kasambahay katulad ng kaniyang ginagawa dati, tinalikuran niya ito umakyat sa pangalawang palapag ng bahay.
Nang makita ng kasambahay ang inasta ni Beatrice ay agad nitong tinawagan si Inigo upang mag sumbong habang si Beatrice ay wala pa ring pakialam.
Pagpasok ni Beatrice sa master’s bedroom ay tinignan niyang maigi ang kanilang wedding picture habang mahigpit na yakap-yakap ang itim na kahon sa kaniyang ga mga bisig.
Kailangan niya ng magising sa katotohanan na ang lugar na ito at ang mundo ni Inigo ay hindi para sa kaniya.
Habang malalim ang iniisip, biglang tumunog ang kaniyang phone.
Kinuha niya ito at nakita na ang tumatawag pala sa kaniya ay si Lance Mendez, ang senior niya sa kolehiyo. Hindi siya nag dalawang isip na sagutin ito.
“Beatrice, hindi na kita pipilitin. Noong nakaraan, nakiusap ka sa akin na tulungan kitang tanggihan ang imbitasyon sayo ng gobyerno para sa isang confidential space project. Nang malaman nila yon at nabalitaan ang pagbubuntis mo ay nag desisyon silang maghanap ng iba. Mula ngayon wala nang imbistasyon na ibibigay sayo ang gobyerno.”
Biglang natahimik si Beatrice sa kaniyang narinig.
Noong nasa kolehiyo pa lang siya, palihim siyang sinanay para sa isang malaking proyekto, sumali siya sa isang national confidential research project at kalaunan ay nakipagtulungan sa kaniyang senior upang bumuo ng kumpanya. Sa loob ng isang taon ay na-isapubliko ang kumpanya at si Beatrice ang naging major shareholder. Ilang beses siyang sumali sa mga confidential project na pinamumunuan ng gobyerno at dahil dito nakilala siya ng ilang top researchers mula sa ibang bansa at gusto siyang kunin bilang mentor.
Kaso, nawala ang lahat ng ito nang minahal niya si inigo. Tinalikuran niya lahat, tinanggihan ang mga imbitasyon ng gobyerno at iniwan ang dating buhay niya.
“Lance, tatanggapin ko na. Sasali na ako sa confidentiality project ng gobyerno.”
Nagising na si Beatrice sa reyalidad at gusto na nitong bumawi para sa kaniyang sarili.
“Sigurado ka ba diyan?” Akala ni Lance mula sa kabilang linya ay nagkamali lang siya ng rinig.
Sobrang pag-aalala ang naramdaman ni Lance noong sinasayang ni Beatrice ang buhay nito para sa lalakeng yon.
Napabuntong hininga si Lance sa kabilang linya, “Oh sige,” aniya at muling nagsalita, “Katulad ng mga nakaraan nating proyekto, mahigpit din itong ipinagbabawal na ipaalam sa publiko. Magkita nalang tayo bukas para sa buong detalye.” Saad ni Lance habang iniisip na sana ay tuluyan nang magising si Beatrice sa katotohanan.
Pagkababa ng tawag ay maiging tinignan ni Beatrice ang kaniyang sarili sa salamin. Hindi niya akalaing sasayangin niya ang kaniyang buhay para sa walang kwentang lalake.
Matapos mag impake at aalis na sana si Beatrice nang marinig niya ang kasambahay na magsalita.
“Sir Inigo, nakabalik na po pala kayo.”
Nanigas si Beatrice sa kaniyang kinatatayuan.
Bakit siya andito ngayon? Alam ba niyang andito si Beatrice sa mansyon?
Kunot-noong naglakad si Inigo papalapit kay Beatrice ngunit wala manlang emosyon ang mga mata nito, at agad na nagsalita na kasing lamig ng yelo ang boses.
“Wala kang oras para sa prenatal check up mo, pero may oras kang sundan ako?”
Paalis na si Beatrice nang marinig pa niya ang malulutong na pagmumura ni Gab sa likod niya.Desidido na itong magsumbong kay Iñigo.Dati, dahil gusto niyang mabura ang masamang impresyon sa kanya ni Iñigo, kahit gaano pa siya itrato na parang basahan o alipustahin nina Gab ay hindi siya umiimik.Nagpapakababa pa siya noon para lang magustuhan nila.Pero ngayon? Hinding-hindi na iyon mangyayari!Kaya lang, sa apat na taon na minahal niya si Iñigo, ang tuluyang pagbitaw ay hindi ganoon kadaling gawin sa isang iglap.Iiyak siya, masasaktan, pero hinding-hindi na siya muling magmamahal.Pagdating niya sa lugar kung saan sila magkikita ng Lance, napansin agad ni Beatrice na panay ang tingin nito sa may pinto.Kinawayan niya ito, pero hindi man lang siya napansin."Lance?" Diretso siyang naglakad palapit kay Lance at tinawag ito.Nagbawi ng tingin si Lance at tumingin kay Beatrice na nakasuot ng itim na jacket sa harap niya.Matapos itong titigan nang maigi, parang hindi ito makapaniwala a
Pagkalabas na pagkalabas niya, nakita niya ang kasambahay na nag-uto sa kanyang magpalit ng damit. Nakatakip ang kamay nito sa bibig habang pilit na pinipigilan ang tawa.Hindi na kumibo si Beatrice, itinaas niya ang kanyang kamay at buong lakas na sinampal ito sa mukha ng kasambahay.Napasigaw sa gulat at sakit ang kasambahay, "Anong ginagawa mo!"Malamig na tiningnan ni Beatrice ang kasambahay na bakas ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha. "Sige, magsumbong ka! Magsumbong ka kung gusto mo!"Pagkatapos non ay tumalikod na siya at umalis. Wala na siyang pakialam sa mga pagmumura ng kasambahay sa likod niya, na siguradong handa nang isumbong siya kay Iñigo.Kinaumagahan ay hindi umuwi si Iñigo. Sanay na si Beatrice kaya hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin. Bumangon siya para pumasok sa kumpanya.Matapos i-print ang kanyang resignation letter, iniabot niya ito kay Gab Saldivar—ang assistant ni Iñigo na kapatid din nito, at siyang direktang namamahala sa mga sekretarya na tu
Simula noong nabuntis siya ay naka schedule na ang kaniyang mga check up sa Saldivar Medical Center. Ngunit kanina ay nandoon siya hindi para sa check up kung hindi ay para alisin ang namatay nilang mga anak sa sinapupunan niya.At iniisip pa nito na sinusundan siya?Napalunok si Beatrice habang kumikirot ang kaniyang puso, “Hindi kita sinusundan. Andoon ako dahil…”Hindi manlang pinatos si Inigo si Beatrice magsalita at agad itong sumingit, “Tigilan mo ang mga ganyang style mo. Kapag nanganak ka na ay itutuloy ko na ang divorce.” Tila nanigas si Beatrice sa kaniyang kinatatayuan.Alam niyang mangyayari ang divorce. Ngunit ang marinig ito mismo sa bibig ni Inigo ay parang patalim na binabaon sa kaniyang dibdib.Kahit na masakit ang kaniyang nararamdaman ay pinilit niya paring magsalita, “Hindi mo na kailangan hintayin pa ang panganganak ko. Pwede na natin gawin ang gusto mong mangyari dahil…”Wala na ang kambal.Apat na salita, ngunit hindi niya nasabi dahil sa isang tawag sa phone
“Ms. Beatrice, kailangan mo nang ma-operahan agad. Andito na ba ang pamilya mo?”Hindi na mabilang ng nars kung ilang beses niya itong kinulit. Nakaupo lang si Beatrice sa kaniyang wheelchair, nakatitig sa dugong umaagos sa kaniyang paahan, bago sumulyap sa kaniyang phone. Mula nang maipit siya sa nayuping tren dahil sa askidente hanggang sa maisugod siya sa ospital, ilang beses niyang tinawagan si Inigo ngunit hindi niya ito makontak.Kaninang madaling araw ay sumakay siya ng taxi papasok sa kumpanya nang bigla silang mabangga ng isang pulang SUV, kaya tumagilid sila at nahulog sa ilog. Ang nagmamaneho ng pulang SUV ay agad isinugod sa ospital, habang si Beatrice ay hindi manlang matawagan ang asawa niya at dalawang oras pang nakababad bago maihaon ng rescuer. Ngunit ang kapalit nito ay ang pagkawala ng sanggol sa kaniyang sinapupunan.“Ms. Beatrice?” muling tugon ng nars.Bumalik si Beatrice sa wisyo. Nanginginig ang kaniyang labi habang nagsasalita, “Baka may inaasikaso ang asaw












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.