LOGINPaalis na si Beatrice nang marinig pa niya ang malulutong na pagmumura ni Gab sa likod niya.
Desidido na itong magsumbong kay Iñigo.
Dati, dahil gusto niyang mabura ang masamang impresyon sa kanya ni Iñigo, kahit gaano pa siya itrato na parang basahan o alipustahin nina Gab ay hindi siya umiimik.
Nagpapakababa pa siya noon para lang magustuhan nila.
Pero ngayon? Hinding-hindi na iyon mangyayari!
Kaya lang, sa apat na taon na minahal niya si Iñigo, ang tuluyang pagbitaw ay hindi ganoon kadaling gawin sa isang iglap.
Iiyak siya, masasaktan, pero hinding-hindi na siya muling magmamahal.
Pagdating niya sa lugar kung saan sila magkikita ng Lance, napansin agad ni Beatrice na panay ang tingin nito sa may p***o.
Kinawayan niya ito, pero hindi man lang siya napansin.
"Lance?" Diretso siyang naglakad palapit kay Lance at tinawag ito.
Nagbawi ng tingin si Lance at tumingin kay Beatrice na nakasuot ng itim na jacket sa harap niya.
Matapos itong titigan nang maigi, parang hindi ito makapaniwala at natigilan sandali bago napagtanto, "Ikaw... Ikaw na ba yan, Beatrice?"
Mapait na napangiti si Beatrice. Tiningnan niya ang salamin sa may bintana na nagrereplekta sa kanyang matabang pangangatawan, pati na ang mga nakakatakot na wrinkles sa kanyang mukha dahil sa pagbubuntis.
Hindi na kataka-taka kung bakit hindi siya namukhaan ni Lance.
Walang maniniwala na siya ang dating campus beauty ng National University.
"Ako nga."
Gulat na gulat si Lance, naaalala niya si Beatrice na dating punong-puno ng sigla at buhay.
Pero matapos ang tatlong taong pagkakahiwalay, ganito na pala ang sinapit ni Beatrice.
Mukha na siyang matandang babae.
Ngunit ang sumunod doon ay ang matinding pagkirot sa puso ng lalaki.
Gusto niya itong piliting iwanan na si Iñigo at bumalik sa kumpanyang itinayo nilang dalawa bilang second-in-command, pero nasa dulo na ng dila niya ang mga salita ay pinili niya itong itikom.
Masyadong mahal ni Beatrice si Iñigo, at kahit ganito na ang hitsura niya dahil dito, paano niya ito matitiis na iwan?
Lalo na't buntis pa ito sa anak ni Iñigo.
Dahil sa inis na wala siyang magawa, diretso na lang niyang iniabot ang confidentiality agreement at pinapirma ito.
Hindi nag-atubili si Beatrice. Matapos pumirma, tinanong agad niya ang tungkol sa trabaho.
Gusto na niyang bumalik sa kung ano siya noon.
Sinampal niya si Iñigo ngayong araw at umalis pa nang maaga. Sa higpit ni Iñigo pagdating sa trabaho, baka hindi na umabot ng bukas ay sisante na siya.
Sa sobrang galit ni Lance, halos hindi na niya mapigilan ang sarili.
“Buntis ka na nga, tapos trabaho, trabaho, at trabaho pa rin ang iniisip mo!”
Ganoon ba talaga siya kadesidido na patunayan ang sarili niya sa harap ni Iñigo, at kung anu-anong paraan ang ginagawa?
"May gaganaping space technology exhibition sa National University sa susunod na linggo. Ang mga top tech experts lang ang pwedeng makapasok. Kung may oras ka, pumunta ka."
Tiningnan ni Beatrice ang ticket para sa aerospace technology na iniwan ni Lance sa ibabaw ng lamesa.
Matapos kunin ang ticket, hindi niya lubos maisip kung bakit parang napaka-unstable ng emosyon ni Lance.
Tatawagin sana niya si Lance para magtanong, pero sa sandaling iyon, biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Nang makita ang dalawang salitang "Hubby" sa screen, nag-atubili muna si Beatrice bago sumagot.
"Hello?"
"Sa loob ng limang minuto, magpakita ka sa akin sa kumpanya."
Ang malinaw na boses ng lalaki, na walang kahit katiting na init, ang dinala sa pandinig ni Beatrice.
Ibaba na sana niya ang telepono nang hindi sumasagot.
Pero naunang nagbaba ang kabilang linya.
Natigilan si Beatrice saglit. Tumayo siya para burahin ang pangalan nito sa phone, pero dahil naaksidente siya kagabi at sumailalim lang sa operasyon matapos makunan, hindi siya nakapagpahinga nang maayos. Sa biglaang pagtayo niya, biglang nagdilim ang buong paligid niya.
Malabo niyang narinig ang sigaw ng mga tao sa paligid, "May nahimatay rito! Dinudugo ang bibig at ilong niya! Siguradong brain hemorrhage ito, delikado ang buhay niya! Dalhin niyo agad sa ospital! Kontakin niyo agad ang pamilya niya!"
Nang matanggap ni Iñigo ang tawag ni Beatrice, nakarating na siya sa bahay nila.
Dati, tuwing uuwi siya, gaano man kagabi, sasalubungin siya ni Beatrice at sabik na makikipag-usap sa kanya.
Ngayon, ang kasambahay lang ang lumapit na hawak ang telepono.
Si Donya Gloria ang tumatawag, at sinagot ito ni Iñigo.
"Tinuturuan ko lang si Beatrice kung paano pamahalaan ang bahay, pero nag-inarte agad siya at umalis. Pati sa mga katulong, nagmamataas siya. At nasa kumpanya siya kanina, sinampal pa niya si Gab!."
Nagdilim ang mukha ni Iñigo. Tiningnan niya ang serye ng mga numero sa kanyang phone na walang nakasulat na pangalan—si Nan Chu ang tumatawag—at diretso niya itong pinatayan, sabay tanong, "Hindi pa ba siya bumabalik?"
Tumango ang kasambahay bilang pagsang-ayon.
Nakita ni Iñigo na hawak pa rin ng kasambahay ang mga damit na nilabhan at pinlantsa ni Beatrice para sa kanya.
Nang muling umilaw ang screen, si Beatrice pa rin ang tumatawag.
Lalong nagdilim ang mukha ni Iñigo. Agad niya itong ni-blocklist at naglabas ng utos sa HR department ng kumpanya: sibakin si Beatrice.
Iba ang masibak sa kumpanya kaysa sa kusang mag-resign.
Sa Saldivar Corporation, kapag sinibak ka, ibig sabihin ay maba-blackist ka sa buong industriya, at hindi ka na makakakuha ng kahit anong trabahong may kinalaman doon. At kung nakagawa ka ng pagkakamali dahil dito, kailangan mong magbayad ng napakalaking danyos.
Bago umalis, ibinigay ni Iñigo ang huling utos, "Simula ngayong araw, wala nang papatol o magpapasensya sa kanya."
Nang magising si Beatrice, limang araw na ang nakalipas.
Nagkaroon pala siya ng brain hemorrhage at muntik nang mamatay.
Lumapit sa kanya ang doktor at bumuntong-hininga, "Masyado yatang abala ang asawa mo. Ilang araw na namin siyang sinusubukang kontakin, pero hindi talaga namin siya makontak."
Kinuha ni Beatrice ang kanyang cellphone at nakita na simula nang mangyari ang insidente, ginamit ng ospital ang kanyang telepono para tawagan si Iñigo —na may pangalang 'Hubby' sa kanyang pribadong contact—nang higit sa limangpung beses.
Buntis siya, at sa bingit ng buhay at kamatayan, si Megan muna ang iniligtas nito, kaya sa huli ay nahuli ang lahat at namatay ang kanilang anak sa sinapupunan.
Nagkaroon siya ng brain hemorrhage at muntik nang mamatay ngunit wala pa rin itong pakialam sa kaniya.
Dahan-dahang pinindot ni Beatrice ang screen, tuluyang binura ang lahat ng bakas na may kinalaman kay Iñigo sa kanyang telepono.
Simula ngayong araw, hindi na niya ito kailanman kusang kokontakin.
Sa sandaling iyon, isang napaka-agaw-pansing mensahe ang biglang lumitaw sa kanyang paningin.
Mensahe ito mula sa kumpanya.
“Beatrice, opisyal ka nang sinibak ng ating kumpanya. Paki-asikaso agad ang iyong mga personal na gamit. Dahil sa malaking pagkakamali mo sa trabaho na nagdulot ng pagkalugi sa kumpanya, kailangan mong magbayad sa amin ng 5.1 milyong piso. Pakiusap, bayaran ito sa lalong madaling panahon!”
Pagkakamali?
Natawa si Beatrice.
Bilang isang isinasantabi na assistant, anong klaseng malaking pagkakamali naman ang magagawa niya para magkapagpalugi ng 5.1 milyon sa kumpanya?
Malinaw na may taong hindi gumawa ng trabaho nang maayos, at ginamit siya para pasanin ang kasalanan at parusa!
Sinulyapan niya ang oras at pumirma na para lumabas ng ospital sa sarili niyang desisyon at nagtungo sa kumpanya.
Nagmamadaling lumapit ang doktor na hawak ang ultrasound report, ngunit nakitang bakante na ang kama ni Beatrice.
Nang makarating siya sa kumpanya ay ayaw na siyang papasukin..
Sinibak na siya, at tinanggal na ng HR ang kanyang facial recognition.
"Gusto kong makita ang Ceo."
Kilala ng guwardiya sa p***o si Beatrice, dahil matagal nang kumakalat sa buong kumpanya ang balita na buntis siya.
Tiningnan lang ng guwardiya ang mukha niya, sabay irap ng mga mata, at hindi man lang nag-abalang sumagot.
Agad na inilabas ni Beatrice ang kanyang telepono, handa nang tumawag sa pulis.
Anong klaseng pagkakamali sa trabaho ang nangangailangan sa kanyang magbayad ng napakalaking limang milyong danyos?
Nagulat siya nang biglang may humawak sa kanyang braso at hinila siya sa tabi.
Sumunod sa tingin ng lahat, nakita nila si Iñigo na pinaliligiran ng isang grupo ng mga kasosyo sa negosyo.
Nang makita niya si Beatrice ay nanatiling kalmado at blanko ang mukha ni Iñigo. Para lang siyang nakakita ng isang estranghero sabay iwas ng tingin.
Agad na binawi ni Beatrice ang kanyang braso at diretso itong naglakad palapit kay Iñigo.
"Sir, may gusto akong sabihin."
Dahil umabot na rin lang sila sa puntong ito, ilatag na nila ang lahat ngayon tungkol sa nangyari sa kanilang kambal—huwag na nilang patagalin pa!
Paalis na si Beatrice nang marinig pa niya ang malulutong na pagmumura ni Gab sa likod niya.Desidido na itong magsumbong kay Iñigo.Dati, dahil gusto niyang mabura ang masamang impresyon sa kanya ni Iñigo, kahit gaano pa siya itrato na parang basahan o alipustahin nina Gab ay hindi siya umiimik.Nagpapakababa pa siya noon para lang magustuhan nila.Pero ngayon? Hinding-hindi na iyon mangyayari!Kaya lang, sa apat na taon na minahal niya si Iñigo, ang tuluyang pagbitaw ay hindi ganoon kadaling gawin sa isang iglap.Iiyak siya, masasaktan, pero hinding-hindi na siya muling magmamahal.Pagdating niya sa lugar kung saan sila magkikita ng Lance, napansin agad ni Beatrice na panay ang tingin nito sa may pinto.Kinawayan niya ito, pero hindi man lang siya napansin."Lance?" Diretso siyang naglakad palapit kay Lance at tinawag ito.Nagbawi ng tingin si Lance at tumingin kay Beatrice na nakasuot ng itim na jacket sa harap niya.Matapos itong titigan nang maigi, parang hindi ito makapaniwala a
Pagkalabas na pagkalabas niya, nakita niya ang kasambahay na nag-uto sa kanyang magpalit ng damit. Nakatakip ang kamay nito sa bibig habang pilit na pinipigilan ang tawa.Hindi na kumibo si Beatrice, itinaas niya ang kanyang kamay at buong lakas na sinampal ito sa mukha ng kasambahay.Napasigaw sa gulat at sakit ang kasambahay, "Anong ginagawa mo!"Malamig na tiningnan ni Beatrice ang kasambahay na bakas ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha. "Sige, magsumbong ka! Magsumbong ka kung gusto mo!"Pagkatapos non ay tumalikod na siya at umalis. Wala na siyang pakialam sa mga pagmumura ng kasambahay sa likod niya, na siguradong handa nang isumbong siya kay Iñigo.Kinaumagahan ay hindi umuwi si Iñigo. Sanay na si Beatrice kaya hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin. Bumangon siya para pumasok sa kumpanya.Matapos i-print ang kanyang resignation letter, iniabot niya ito kay Gab Saldivar—ang assistant ni Iñigo na kapatid din nito, at siyang direktang namamahala sa mga sekretarya na tu
Simula noong nabuntis siya ay naka schedule na ang kaniyang mga check up sa Saldivar Medical Center. Ngunit kanina ay nandoon siya hindi para sa check up kung hindi ay para alisin ang namatay nilang mga anak sa sinapupunan niya.At iniisip pa nito na sinusundan siya?Napalunok si Beatrice habang kumikirot ang kaniyang puso, “Hindi kita sinusundan. Andoon ako dahil…”Hindi manlang pinatos si Inigo si Beatrice magsalita at agad itong sumingit, “Tigilan mo ang mga ganyang style mo. Kapag nanganak ka na ay itutuloy ko na ang divorce.” Tila nanigas si Beatrice sa kaniyang kinatatayuan.Alam niyang mangyayari ang divorce. Ngunit ang marinig ito mismo sa bibig ni Inigo ay parang patalim na binabaon sa kaniyang dibdib.Kahit na masakit ang kaniyang nararamdaman ay pinilit niya paring magsalita, “Hindi mo na kailangan hintayin pa ang panganganak ko. Pwede na natin gawin ang gusto mong mangyari dahil…”Wala na ang kambal.Apat na salita, ngunit hindi niya nasabi dahil sa isang tawag sa phone
“Ms. Beatrice, kailangan mo nang ma-operahan agad. Andito na ba ang pamilya mo?”Hindi na mabilang ng nars kung ilang beses niya itong kinulit. Nakaupo lang si Beatrice sa kaniyang wheelchair, nakatitig sa dugong umaagos sa kaniyang paahan, bago sumulyap sa kaniyang phone. Mula nang maipit siya sa nayuping tren dahil sa askidente hanggang sa maisugod siya sa ospital, ilang beses niyang tinawagan si Inigo ngunit hindi niya ito makontak.Kaninang madaling araw ay sumakay siya ng taxi papasok sa kumpanya nang bigla silang mabangga ng isang pulang SUV, kaya tumagilid sila at nahulog sa ilog. Ang nagmamaneho ng pulang SUV ay agad isinugod sa ospital, habang si Beatrice ay hindi manlang matawagan ang asawa niya at dalawang oras pang nakababad bago maihaon ng rescuer. Ngunit ang kapalit nito ay ang pagkawala ng sanggol sa kaniyang sinapupunan.“Ms. Beatrice?” muling tugon ng nars.Bumalik si Beatrice sa wisyo. Nanginginig ang kaniyang labi habang nagsasalita, “Baka may inaasikaso ang asaw







