แชร์

Chapter 2

ผู้เขียน: WriteWithPinky
last update วันที่เผยแพร่: 2026-10-26 07:04:32

Simula noong nabuntis siya ay naka schedule na ang kaniyang mga check up sa Saldivar Medical Center. 

Ngunit kanina ay nandoon siya hindi para sa check up kung hindi ay para alisin ang namatay nilang mga anak sa sinapupunan niya.

At iniisip pa nito na sinusundan siya?

Napalunok si Beatrice habang kumikirot ang kaniyang puso, “Hindi kita sinusundan. Andoon ako dahil…”

Hindi manlang pinatos si Inigo si Beatrice magsalita at agad itong sumingit, “Tigilan mo ang mga ganyang style mo. Kapag nanganak ka na ay itutuloy ko na ang divorce.” 

Tila nanigas si Beatrice sa kaniyang kinatatayuan.

Alam niyang mangyayari ang divorce. Ngunit ang marinig ito mismo sa bibig ni Inigo ay parang patalim na binabaon sa kaniyang dibdib.

Kahit na masakit ang kaniyang nararamdaman ay pinilit niya paring magsalita, “Hindi mo na kailangan hintayin pa ang panganganak ko. Pwede na natin gawin ang gusto mong mangyari dahil…”

Wala na ang kambal.

Apat na salita, ngunit hindi niya nasabi dahil sa isang tawag sa phone ni inigo na pumagitna sa kanilang pag-uusap.

Agad itong sinagot ni Inigo at narinig ni Beatrice ang boses ni Don Francisco na parang nakikipagtalo sa kabilang linya. 

Naisip ni Beatrice na baka gusto na naman siya ipatawag nito upang utusan mag linis sa lumang bahay.

Ilang sandali pa ay binaba na ni Inigo ang tawag. Tinignan niya nang mariin si Beatrice mula ulo hanggang paa at nagsalita.

“Pupunta tayo sa mansyon.”

Gustong tumanggi ni Beatrice. Ayaw niya ng magpaalipin ulit sa mansyon!

Ngunit wala na siyang nagawa nang pumasok na si Inigo sa sasakyan. Sumunod na rin si Beatrice at katulad nang nakasanayan, papasok na sana siya sa passenger seat nang biglang magsalita si Inigo.

“Doon ka sa likod sumakay.” Malamig na tugon nito.

Saglit na natigilan si Beatrice sa narinig. Ngunit naalala niya ang kasabihan na ang babaeng papasakayin ng lalake sa passenger’s seat ay ang babaeng mahal nila. 

Gusto niyang matawa at maiyak dahil dito.

Hindi na lamang siya nagsalita o nagreklamo, bagkos ay sinara niya muli ang p***o ng passenger’s seat at nanghihina na sumakay sa likod.

Sumulyap siya kay Iñigo mula sa rearview mirror at nakita niya ang malamig na ekspresyon nito. Malayong-malayo sa kaniyang itsura kanina sa ospital habang nag-aalala at inaalalayan si Megan.

Mga kilos na hindi niya mararanasan mula kay Iñigo. Kahit nga ilang minuto na sila magkasama ay hindi manlang siya tinanong nito kung ano ba talaga ang pinunta siya sa ospital.

Ibig sabihin lang non ay wala talaga itong pakialamsa kaniya.

Ano pa bang inaasahan niya?

Sa kaligtnaan ng biyahe ay biglang nagsalita si Iñigo, “Hindi maganda ang pakiramdam ni Lola Gloria ngayon. Nagkasakit siya pagkatapos niyang mag simba kaya wala siya sa mansyon. Kapag andoon na tayo at kinamusta ka ni Lolo tungkol sa bata, sabihin mo nalang na ayos lang ang lahat, at nagpunta ka sa ibang ospital para magpacheck up. May uutusan akong tao para mag handa ng medical certificate at ipapabigay ito sayo. Ipakita mo kay Lolo.” Saad nito at muling tumahimik. Wala manlang pag-aalala sa boses nito.

Walang kahit na sinong kakampi si Beatrice sa mansyon, si Donya Gloria lang. Simula noong nalaman ng matanda ang pagbubuntis ni Beatrice ay palagi na itong nagpupunta ng simbahan para ipagdasal siya. 

Noong nagkaroon ng krisis sa kumpanya ng pamilya ni Beatrice, nagkasakit ang papa niya, at nakulong ang kapatid niya, hindi nag alinlangan si Donya Gloria na tulungan sila.

Sobrang laki ng utang na loob ni Beatrice kay Donya Gloria.

Kung hindi maganda ang pakiramdam ni Donya Gloria ngayon, ibig sabihin nito ay hindi niya pa pwedeng sabihin ang tungkol sa kambal.

Nang makarating sila sa mansyon ay agad silang sinalubong ni Don Francisco na tuwang-tuwa makita sila.

Agad na inilabas ni Beatrice ang dating ultrasound paper at inabot ito kay Don Francisco. 

Nang makita ang bata sa ultrasound ay malawak na napangiti ang matanda.

“Ito batang ito na ata ang pinaka malaking ambag mo sa pamilyang ito, Beatrice.” Saad ni Don Francisco.

Sumenyas siya sa isang kasambahay, May binigay itong papel sa kaniya at inabot din ito ng matanda kay Beatrice, “Pinapabigay ito ng Lola niyo sayo. Regalo daw yan sa aming magiging apo.”

Ang nakalagay sa papel ay ang 5% na shares na inilaan para sa magiging anak ni Beatrice. Habang ang pinakamalaking share ng isang shareholder sa kumpanya ay 2% lang.

Ngunit para saan pa ito? Wala na ang mga anak niya. 

Umiling siya at tinanggihan ito.

Tumingin si Iñigo kay Beatrice, “Hindi tinatanggihan ang regalo ng mga nakakatanda sa pamilya natin. Kunin mo na. Para rin naman sa bata yan.” Saad nito.

Wala nang nagawa si Beatrice kundi tanggapin ito.

Tumango naman ang matanda bilang pag sang-ayon, “Simula ngayon hindi ka na muna maglilinis dito sa mansyon. Pag tuonan mo ng pansin ang pagbubuntis mo.”

Sa isip ni Beatrice ay papaanakin muna siya saka muling gagawin na alipin.

Hindi na lamang siya nagsalita. 

Habang nakikinig sa mga sinasabi ni Don Francisco ay biglang sumakit ang tiyan ni Beatrice. Aalis na sana siya nang marinig si Iñigo na magsallita.

“Ayos ka lang ba?”

Natigilan si Beatrice, hindi makapaniwala na mag-aalala si Iñigo sa kaniya sa unang pagkakataon.

Ngunit nang lingunin niya ito ay makausap pala ito sa kaniyang phone.

Malabot at magaan ang boses nito habang nagsasalita. Mga bagay na hindi niya naranasan mula sa lalake.

“Huwag kang mag-alala, papapuntahin ko dyan si Doctor Ruiz. Doctor yon ng pamilya namin. Pupunta na rin ako dyan. Huwag kang matakot.”

Pagkababa ni Iñigo ng tawag ay napatingin siya kay Beatrice na kanina pa pala siya tinitignan.

Napansin ni Beatrice ang pagbabagp sa ekspresyon nito. Mula sa kaninang nag-aalala, bigla itong naging malamig.

“Kung may binabalak ka na namang gawin ay huwag mo na ituloy. Isipin mo ang itinulong ng pamilya ko sayo. Huwag mo nang ipahiya pa lalo ang sarili mo.” Giit ni Iñigo.

Sumenyas naman ang lalake ang kasambahay. Agad na lumapit ang kasambahay kay Beatrice at inalalayan siyang maglakad. Hindi na umalma si Beatrice at tahimik na lamang sumama sa kasambahay. 

Nang malapit na siya sa p***o ay narinig niyang magsalita si Don Francisco.

“Naiintindihan ko kung bakit si Megan ang gusto mo. Bukod sa maganda, narinig ko rin na 26 palang pala siya at madami na siyang napatunayan sa career niya. Nababagay lamang siya sayo.”

Akala ni Beatrice ay tapos na ang matanda ngunit muli itong nagsalita.

“Pagkatapos manganak ni Beatrice, bigyan mo siya nang malaking pera at paalisin mo na. Maganda si Megan at malayo pa ang mararating niya. Hindi siya pwedeng mag buntis dahil ikasisira ito ng kaniyang katawan. Si Megan ang tatayong ina ng bata, nang sa ganon ay hindi ito pagtawanan dahil ordinaryong tao lamang ang kaniyang ina. Alam naman nating gusto ng Lola mo si Beatrice, ngunit kaunting paliwanag lang sa kaniya ang sigurado akong maiintindihan niya ito.”

Halos manlabot sa kaniyang kinatatayuan si Beatrice. Hindi niya akalain na ganito kalala ang pamilyang napasukan niya. Kahit hindi pa naipapanganak ang bata ay iba na agad ang kikilalanin nitong ina.

Hindi na kinaya ni Beatrice ang kaganapan kaya binaba niya sa sahig ang mainit na sabaw na inabot sa kaniya ng kasambahay kanina at agad na umalis sa mansyon.

Lumingon si Iñigo sa p***o ngunit tanging ang mangkok na lamang na may mainit na sabaw ang nakita sa sahig. Wala na si Beatrice.

Madilim na at sinundo siya ng driver pauwi sa kanilang bahay. Buong akala niya ang sabay silang uuwi ni Iñigo ngayon at mag uusap tungkol sa kambal. Ngunit may lakad nga pala ito. Mas mahalaga nga pala sa kaniya ang babaeng yon.

Pagkarating sa kanilang bahay ay agad na nag ayos si Beatrice at kalaunan ay nakatulog din dahil sa pagod. Ngunit sa kalagitnaan ng kaniyang mahimbing na tulog ay biglang kumatok ang kanilang kasambahay. Tuloy-tuloy itong pumasok sa kanilang kwarto at may inabot na mga damit.

“Nakauwi na si Sir. Suotin mo raw ito at puntahan siya. May kailangan daw kayong pag usapan.”

Biglang naalerto si Beatrice sa narinig.

Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Tumayo siya at sinuot ang vintage long dress na kulay puti. Medyo nagtataka siya dahil alam naman ni Iñigo na hindi ganito ang kasuoton niya.

Pero ano nga bang alam ni Iñigo tungkol sa kaniya?

Ito na rin siguro ang pagkakataon para kausapin siya tungkol sa kambal, nang sa ganon ay masimulan na ang proseso ng divorce bukas.

Malumanay na naglalakad si Beatrice patungo sa office ni Iñigo. Nang nasa tapat na siya ng p***o ay kinatok niya ito ngunit hindi na siya nag antay ng sagot mula sa loob at binuksan na ang p***o at agad na pumasok.

Agad niyang nakita si Iñigo na nakaharap sa computer nito.

Lumapit siya at nagsalita, “Iñigo…”

“Anong ginagawa mo rito?” Hindi manlang inangat ni Iñigo ang kaniyang tingin kay Beatrice, “Labas.” Giit nito.

Nabigla si Beatrice sa inasta nito. Mariing sinara ni Beatrice ang kaniyang kamao at handa na sanang diretsuhin si Iñigo tungkol sa kambal ngunit biglang umilaw ang phone nito na nasa lamesa niya

Kitang-kita ni Beatrice ang salitang nakalagay sa screen: Baby

Yon ba ang tawagan nila?

Sinagot ni Iñigo ang tawag, “Huwag ka ng matakot. Papunta na ako.”

Tumayo na siya at nilampasan si Beatrice habang papunta sa p***o. Ngunit bago pa man siya tuluyang lumabas ay nilingon niya si Beatrice at tinignan ito mula ulo hanggang paa. Mas napatitig siya sa dress na suot nito.

“Hindi ka papantay sa kaniya. Nag sasayang ka lang ng oras.” Saad nito at tuluyan nang umalis.

Napakunot ang noo ni Beatrice.

Akala ba ni Iñigo ay ginagaya ni Beartrice si Megan?

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Billionaire’s Ultimate Regret: Chasing His Ex-Wife   Chapter 4

    Paalis na si Beatrice nang marinig pa niya ang malulutong na pagmumura ni Gab sa likod niya.Desidido na itong magsumbong kay Iñigo.Dati, dahil gusto niyang mabura ang masamang impresyon sa kanya ni Iñigo, kahit gaano pa siya itrato na parang basahan o alipustahin nina Gab ay hindi siya umiimik.Nagpapakababa pa siya noon para lang magustuhan nila.Pero ngayon? Hinding-hindi na iyon mangyayari!Kaya lang, sa apat na taon na minahal niya si Iñigo, ang tuluyang pagbitaw ay hindi ganoon kadaling gawin sa isang iglap.Iiyak siya, masasaktan, pero hinding-hindi na siya muling magmamahal.Pagdating niya sa lugar kung saan sila magkikita ng Lance, napansin agad ni Beatrice na panay ang tingin nito sa may pinto.Kinawayan niya ito, pero hindi man lang siya napansin."Lance?" Diretso siyang naglakad palapit kay Lance at tinawag ito.Nagbawi ng tingin si Lance at tumingin kay Beatrice na nakasuot ng itim na jacket sa harap niya.Matapos itong titigan nang maigi, parang hindi ito makapaniwala a

  • The Billionaire’s Ultimate Regret: Chasing His Ex-Wife   Chapter 3

    Pagkalabas na pagkalabas niya, nakita niya ang kasambahay na nag-uto sa kanyang magpalit ng damit. Nakatakip ang kamay nito sa bibig habang pilit na pinipigilan ang tawa.Hindi na kumibo si Beatrice, itinaas niya ang kanyang kamay at buong lakas na sinampal ito sa mukha ng kasambahay.Napasigaw sa gulat at sakit ang kasambahay, "Anong ginagawa mo!"Malamig na tiningnan ni Beatrice ang kasambahay na bakas ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha. "Sige, magsumbong ka! Magsumbong ka kung gusto mo!"Pagkatapos non ay tumalikod na siya at umalis. Wala na siyang pakialam sa mga pagmumura ng kasambahay sa likod niya, na siguradong handa nang isumbong siya kay Iñigo.Kinaumagahan ay hindi umuwi si Iñigo. Sanay na si Beatrice kaya hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin. Bumangon siya para pumasok sa kumpanya.Matapos i-print ang kanyang resignation letter, iniabot niya ito kay Gab Saldivar—ang assistant ni Iñigo na kapatid din nito, at siyang direktang namamahala sa mga sekretarya na tu

  • The Billionaire’s Ultimate Regret: Chasing His Ex-Wife   Chapter 2

    Simula noong nabuntis siya ay naka schedule na ang kaniyang mga check up sa Saldivar Medical Center. Ngunit kanina ay nandoon siya hindi para sa check up kung hindi ay para alisin ang namatay nilang mga anak sa sinapupunan niya.At iniisip pa nito na sinusundan siya?Napalunok si Beatrice habang kumikirot ang kaniyang puso, “Hindi kita sinusundan. Andoon ako dahil…”Hindi manlang pinatos si Inigo si Beatrice magsalita at agad itong sumingit, “Tigilan mo ang mga ganyang style mo. Kapag nanganak ka na ay itutuloy ko na ang divorce.” Tila nanigas si Beatrice sa kaniyang kinatatayuan.Alam niyang mangyayari ang divorce. Ngunit ang marinig ito mismo sa bibig ni Inigo ay parang patalim na binabaon sa kaniyang dibdib.Kahit na masakit ang kaniyang nararamdaman ay pinilit niya paring magsalita, “Hindi mo na kailangan hintayin pa ang panganganak ko. Pwede na natin gawin ang gusto mong mangyari dahil…”Wala na ang kambal.Apat na salita, ngunit hindi niya nasabi dahil sa isang tawag sa phone

  • The Billionaire’s Ultimate Regret: Chasing His Ex-Wife   Chapter 1

    “Ms. Beatrice, kailangan mo nang ma-operahan agad. Andito na ba ang pamilya mo?”Hindi na mabilang ng nars kung ilang beses niya itong kinulit. Nakaupo lang si Beatrice sa kaniyang wheelchair, nakatitig sa dugong umaagos sa kaniyang paahan, bago sumulyap sa kaniyang phone. Mula nang maipit siya sa nayuping tren dahil sa askidente hanggang sa maisugod siya sa ospital, ilang beses niyang tinawagan si Inigo ngunit hindi niya ito makontak.Kaninang madaling araw ay sumakay siya ng taxi papasok sa kumpanya nang bigla silang mabangga ng isang pulang SUV, kaya tumagilid sila at nahulog sa ilog. Ang nagmamaneho ng pulang SUV ay agad isinugod sa ospital, habang si Beatrice ay hindi manlang matawagan ang asawa niya at dalawang oras pang nakababad bago maihaon ng rescuer. Ngunit ang kapalit nito ay ang pagkawala ng sanggol sa kaniyang sinapupunan.“Ms. Beatrice?” muling tugon ng nars.Bumalik si Beatrice sa wisyo. Nanginginig ang kaniyang labi habang nagsasalita, “Baka may inaasikaso ang asaw

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status