LOGINPagkalabas na pagkalabas niya, nakita niya ang kasambahay na nag-uto sa kanyang magpalit ng damit. Nakatakip ang kamay nito sa bibig habang pilit na pinipigilan ang tawa.
Hindi na kumibo si Beatrice, itinaas niya ang kanyang kamay at buong lakas na sinampal ito sa mukha ng kasambahay.
Napasigaw sa gulat at sakit ang kasambahay, "Anong ginagawa mo!"
Malamig na tiningnan ni Beatrice ang kasambahay na bakas ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha.
"Sige, magsumbong ka! Magsumbong ka kung gusto mo!"
Pagkatapos non ay tumalikod na siya at umalis. Wala na siyang pakialam sa mga pagmumura ng kasambahay sa likod niya, na siguradong handa nang isumbong siya kay Iñigo.
Kinaumagahan ay hindi umuwi si Iñigo. Sanay na si Beatrice kaya hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin. Bumangon siya para pumasok sa kumpanya.
Matapos i-print ang kanyang resignation letter, iniabot niya ito kay Gab Saldivar—ang assistant ni Iñigo na kapatid din nito, at siyang direktang namamahala sa mga sekretarya na tulad ni Beatrice.
"Magre-resign ka?" Sinulyapan lang ito ni Gab nang walang pakialam, at parang naliwanagan o natawa pa nga.
Alam ng lahat ng beteranong empleyado sa kumpanya na naging Saldivar lang siya dahil dumaan siya sa kama.
Ngayong buntis siya, akala ba niya ay pwede na siyang mag resign at magpaka-senyorita?
Mukha na ngang ordinaryo, wala pang hiya—kaya naman walang may gusto sa kanya rito.
"Ang proseso ng resignation at turnover ng trabaho ay dapat matapos sa loob ng isang linggo, saka ka pwedeng umalis."
Masyadong matagal ang isang linggo para sa kaniya.
Iba ang Saldivar Group kumpara sa ibang kumpanya. Noong unang hawakan ni Iñigo ang pamamahala, magulo pa ang takbo nito.
Matapos niyang bumalik mula sa serbisyo militar, nagpatupad siya ng malawakang reporma. Sa loob lang ng kalahating taon, hindi lang niya naisaayos ang sitwasyon at nadoble ang ari-arian ng kumpanya, kundi marami rin siyang nabiling malalaking kumpanya na nakalista sa stock market.
Sa loob lang ng isang taon, umabot na sa ibang bansa ang negosyo ng Saldivar Group.
Noon, alam ni Beatrice ang lahat ng ito kaya lalo siyang humanga at nagkagusto rito. Ngunit hindi niya naisip na sa likod ng lahat ng tagumpay na ito ay ang pagiging malupit at walang puso ng isang lalaki na negosyo at kita lang ang laging pinahahalagahan.
Ngayon, ang pagre-resign ay hindi nangangahulugang kapag nagpasa ka ngayon ay pwede ka nang umalis bukas.
Sa likod ng malaking sahod at mga benepisyo, napakahirap pumasok at mas mahirap lumabas sa kumpanyang ito.
Naiintindihan ni Beatrice ang patakaran, ngunit isa lamang siya sa maraming assistant ni Iñigo.
Wala namang mababago kung naroon siya o wala; kaya namang saluhin ng ibang sekretarya ang mga gawain niya.
"Kung ganoon, gusto ko sanang mag-leave muna ng isang linggo." Saad ni Beatrice.
Tumingala si Gab kay Beatrice, itinaas ang isang kilay, at tumango. "Sige, bumalik ka muna doon at maghintay. Ipapaalam ko sa 'yo."
Kapag ang opisina ng presidente ang kukuha ng leave na hihigit sa kalahating araw, kailangan itong iulat sa presidente para sa kanyang personal na pag-apruba.
Ito ay isang patakaran na espesyal na itinalaga ni Iñigo kahapon lang, bilang tugon sa isang araw na hindi pagpasok ni Beatrice.
Dahil hindi ito sinabi ni Gab kay Beatrice, lalong walang nagmalasakit na iba.
Sa puntong ito, sa wakas ay naupo na si Beatrice para mag-impake ng mga gamit niya. Plano niyang puntahan si Lance mamaya.
Para tapusin ang mga detalye sa pagsali sa kumpanya nito at pumirma ng mga kasunduan tungkol sa confidential project.
Biglang tumunog ang telepono ni Gab, "Pinapapunta ka ng kuya ko sa opisina niya." Aniya kay Beatrice.
Nagtaka si Beatrice. Simula noong gabi na iyon, hindi pa kailanman nagkusa si Iñigo na kontakin siya.
Pagkahakbang pa lang ni Beatrice sa opisina ng CEO, nakita niya si Iñigo na hawak ang kanyang resignation letter at aplikasyon para sa leave. Malamig ang tingin nitong nakatitig sa mga papel.
"Sir, ipinatawag niyo raw ako... Ano po yon?"
Bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin, ibinato na sa kanya ang kanyang resignation letter at leave request.
"Hindi pwede."
Malamig at walang emosyon ang boses ng lalaki, na parang isang hatol na nagpabagsak sa kanya.
Naging kasing-puti ng papel ang mukha ni Beatrice.
Nakausap na niya si Lance at maayos na ang lahat.
Pero kung hindi papayagan ni Iñigo ang kanyang pagre-resign, paano siya makakasali sa confidential project?
Hindi pwedeng pumirma ang isang tao sa dalawang kumpanya nang sabay.
Kinagat ni Beatrice ang kanyang labi, nanginginig ang buong katawan. Tinitiis ang sakit mula sa operasyon matapos makunan, yumuko siya para pulutin ang kanyang resignation letter at aplikasyon ng leave mula sa sahig.
"Sir, gusto ko nang mag-resign. Pakiusap, i-approve niyo na."
Ibinaba niya ang kanyang tingin at pilit na iniabot muli ang kanyang resignation letter kay Iñigo.
Ngayong araw na ito, kailangan niyang mag-resign at umalis.
Nag-angat ng tingin ang lalaki at tahimik na pinagmasdan si Beatrice. Pagkaraan ng ilang sandali, nagbawi ito ng tingin. "Huwag mo akong ipahiya dahil sa mga pinaplano mo."
Hindi makapaniwalang napatitig si Beatrice sa lalaki sa harap niya.
Ang lahat ng pagsisikap niya ay nauwi lang sa ganito, at ang lahat ng kilos niya sa paningin nito ay may motibo lang para makuha ang atensyon nito.
Wala nang naramdaman si Beatrice kundi matinding paghihirap.
"Iñigo..."
"Hindi kawalan ang Saldivar Group sa 'yo, at hindi ka rin naman mahirap palitan. Kung mauulit pa ito, mag-impake ka na at umalis. Lumabas ka na."
Hindi man lang ito nagpakita ng kahit katiting na awa sa kanya.
Sumikip ang dibdib ni Beatrice, parang may nagbabadyang luhang mula sa kanyang mga mata nang biglang tumunog ang telepono sa ibabaw ng desk.
"Hubby, naiwan mo ang sinturon mo sa akin kagabi. Dinala ko na rito para sa 'yo."
Ang salitang "hubby" ay tuluyang nagpatulala kay Beatrice.
Boses iyon ni Megan.
Nag-angat ng tingin si Beatrice at nakita si Iñigo na nakatalikod sa kanya.
Ngunit bahagya niyang napansin na parang ngumiti ang gilid ng mga labi ng lalaki, na tila hindi man lang nandidiri sa tawag na iyon, at sa katunayan ay hinahayaan lang ito.
Ibinaba niya na ang tawag. Humarap ang lalaki, at sa sandaling magtagpo ang mga mata nila ni Beatrice, nagdilim ang mga mata nito na puno ng pagkamuhi.
Hawak ni Beatrice ang kanyang resignation letter, at sa sandaling tumalikod siya, hindi na niya napigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha.
"Hindi ba't tamang-tama lang ang dating ko?"
Isang boses ang narinig mula sa may pintuan.
Binalak ni Beatrice na lumingon, ngunit malabo na ang paningin niya dahil sa mga luha.
Bahagya na lamang niyang nakita ang isang babaeng papasok mula sa labas: "Iñigo, bakit ka ba nagagalit nang ganyan? Paano kung magkasakit ka sa sobrang galit?"
Hawak ni Beatrice ang kanyang resignation letter at sa wakas ay nakita na niya nang malinaw.
Iyon nga ang babaeng nakita niya sa ospital—si Megan.
Hawak pa rin nito ang sinturon na naiwan ni Iñigo sa poder nito.
Ang sinturon ng isang lalaki na naiwan sa bahay ng isang babae—anong ibig sabihin niyon? Hindi tanga si Beatrice.
Mukhang may nangyari na sa kanila.
Marahil, hindi lang ito isang beses nangyari.
Hinigpitan niya ang hawak sa kanyang resignation letter, bago siya biglang hinila palabas ni Gab na papasok pa lang.
Sa likod niya, naririnig pa rin ang malalambing na salita ng babae, "Huwag ka nang magalit, mukha na siyang nanghihina. Sa tingin ko naman ay hindi niya sinasadya, baka masama lang talaga ang pakiramdam niya. Mahirap maghanap ng trabaho ngayon, kaya bigyan mo pa siya ng isa pang pagkakataon..."
Hindi na niya narinig ang boses ng lalaki.
Hindi niya alam kung paano pa siya inaalo ni Megan sa loob.
Sa kanyang sariling desk, tiningnan ni Beatrice ang kanyang resignation letter at aplikasyon para sa leave.
Naglakad palapit si Gab habang hawak ang kanyang kape, sabay ngisi. "Nagbabago ang katawan ng babae at pumapangit pagkatapos mabuntis. Siyempre, hindi gusto ng kuya ko na si Megan ang magdusa sa pagbubuntis, kaya ikaw ang pinapapasan niya sa batang ito. Akala mo ba talaga ay pinakasalan ka para magbuhay-reyna? O gusto mo lang makita kung maaawa sa 'yo ang kuya ko dahil lang buntis ka?"
Hawak ni Beatrice ang resignation letter at aplikasyon sa kanyang kamay, at buong lakas na sinampal si Gab sa mukha.
Paalis na si Beatrice nang marinig pa niya ang malulutong na pagmumura ni Gab sa likod niya.Desidido na itong magsumbong kay Iñigo.Dati, dahil gusto niyang mabura ang masamang impresyon sa kanya ni Iñigo, kahit gaano pa siya itrato na parang basahan o alipustahin nina Gab ay hindi siya umiimik.Nagpapakababa pa siya noon para lang magustuhan nila.Pero ngayon? Hinding-hindi na iyon mangyayari!Kaya lang, sa apat na taon na minahal niya si Iñigo, ang tuluyang pagbitaw ay hindi ganoon kadaling gawin sa isang iglap.Iiyak siya, masasaktan, pero hinding-hindi na siya muling magmamahal.Pagdating niya sa lugar kung saan sila magkikita ng Lance, napansin agad ni Beatrice na panay ang tingin nito sa may pinto.Kinawayan niya ito, pero hindi man lang siya napansin."Lance?" Diretso siyang naglakad palapit kay Lance at tinawag ito.Nagbawi ng tingin si Lance at tumingin kay Beatrice na nakasuot ng itim na jacket sa harap niya.Matapos itong titigan nang maigi, parang hindi ito makapaniwala a
Pagkalabas na pagkalabas niya, nakita niya ang kasambahay na nag-uto sa kanyang magpalit ng damit. Nakatakip ang kamay nito sa bibig habang pilit na pinipigilan ang tawa.Hindi na kumibo si Beatrice, itinaas niya ang kanyang kamay at buong lakas na sinampal ito sa mukha ng kasambahay.Napasigaw sa gulat at sakit ang kasambahay, "Anong ginagawa mo!"Malamig na tiningnan ni Beatrice ang kasambahay na bakas ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha. "Sige, magsumbong ka! Magsumbong ka kung gusto mo!"Pagkatapos non ay tumalikod na siya at umalis. Wala na siyang pakialam sa mga pagmumura ng kasambahay sa likod niya, na siguradong handa nang isumbong siya kay Iñigo.Kinaumagahan ay hindi umuwi si Iñigo. Sanay na si Beatrice kaya hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin. Bumangon siya para pumasok sa kumpanya.Matapos i-print ang kanyang resignation letter, iniabot niya ito kay Gab Saldivar—ang assistant ni Iñigo na kapatid din nito, at siyang direktang namamahala sa mga sekretarya na tu
Simula noong nabuntis siya ay naka schedule na ang kaniyang mga check up sa Saldivar Medical Center. Ngunit kanina ay nandoon siya hindi para sa check up kung hindi ay para alisin ang namatay nilang mga anak sa sinapupunan niya.At iniisip pa nito na sinusundan siya?Napalunok si Beatrice habang kumikirot ang kaniyang puso, “Hindi kita sinusundan. Andoon ako dahil…”Hindi manlang pinatos si Inigo si Beatrice magsalita at agad itong sumingit, “Tigilan mo ang mga ganyang style mo. Kapag nanganak ka na ay itutuloy ko na ang divorce.” Tila nanigas si Beatrice sa kaniyang kinatatayuan.Alam niyang mangyayari ang divorce. Ngunit ang marinig ito mismo sa bibig ni Inigo ay parang patalim na binabaon sa kaniyang dibdib.Kahit na masakit ang kaniyang nararamdaman ay pinilit niya paring magsalita, “Hindi mo na kailangan hintayin pa ang panganganak ko. Pwede na natin gawin ang gusto mong mangyari dahil…”Wala na ang kambal.Apat na salita, ngunit hindi niya nasabi dahil sa isang tawag sa phone
“Ms. Beatrice, kailangan mo nang ma-operahan agad. Andito na ba ang pamilya mo?”Hindi na mabilang ng nars kung ilang beses niya itong kinulit. Nakaupo lang si Beatrice sa kaniyang wheelchair, nakatitig sa dugong umaagos sa kaniyang paahan, bago sumulyap sa kaniyang phone. Mula nang maipit siya sa nayuping tren dahil sa askidente hanggang sa maisugod siya sa ospital, ilang beses niyang tinawagan si Inigo ngunit hindi niya ito makontak.Kaninang madaling araw ay sumakay siya ng taxi papasok sa kumpanya nang bigla silang mabangga ng isang pulang SUV, kaya tumagilid sila at nahulog sa ilog. Ang nagmamaneho ng pulang SUV ay agad isinugod sa ospital, habang si Beatrice ay hindi manlang matawagan ang asawa niya at dalawang oras pang nakababad bago maihaon ng rescuer. Ngunit ang kapalit nito ay ang pagkawala ng sanggol sa kaniyang sinapupunan.“Ms. Beatrice?” muling tugon ng nars.Bumalik si Beatrice sa wisyo. Nanginginig ang kaniyang labi habang nagsasalita, “Baka may inaasikaso ang asaw







