author-banner
Wysiwyg
Wysiwyg
Author

Nobela ni Wysiwyg

The Billionaires’ Phony Wife

The Billionaires’ Phony Wife

Lumaki si Ryaia Louisse Domingo sa isang simpleng pamumuhay kasama ang kanyang lola sa isla ng Guimaras. Hindi na niya nakilala pa ang kanyang mga magulang. Ang kuwento ng lola niya ay na aksidente raw sila ng sanggol pa lamang siya. Kahit na lumaki siya na walang magulang, sapalagay niya ay sobra-sobra rin naman ang pag-aalaga at pagmamahal sa kanya ng lola. Kaya naman handa niyang gawin ang lahat para sa ikabubuti niya. Kahit pa magkunwari at magtago ng katotohanan. Hindi mabilang sa daliri ang mga mansyon at ari-arian ng pamilyang Constantino. Ayon sa sabi-sabi ay halos pagmamay-ari na raw nila ang Guimaras. Puno ng mga establishments na nakapangalan sa kanila. But what do these riches serve if they always try to pull each other down. An eye for an eye, and tooth for a tooth. Kahit pa kadugo, o kapatid mo ay di mo kayang pagkatiwalaan. All for that to be the heir. Timothee Matthews Constantino, the oldest among four siblings, the most favored Constantino by their grandfather. Ruthless and cold, walang ordinaryong tao ang magtatangkang kalabanin siya. Ang posibleng tagapagmana at ang ikakasal kay Veronica Guerreo, ang anak ng Governor na matalik na kaibigan ng kanyang lolo. Kaya nga lang, Timothee is in coma. Sino ba naman ang gustong magpakasal sa mukhang lantang gulay na nakahiga na lamang. Kaya naman si Veronica na kung anong gusto ay kailangang makuha, forced Ryaia to fool the billionaire. With their uncanny resemblance with no familial relation at all, walang manghihinala na na-iiba silang tao. Pano naman gagampanan ni Ryaia ang pagiging asawa kung magigising na ang lalaking lolokohin niya? How can she be the billionaire’s phony wife?
Basahin
Chapter: Chapter 5
Nagsimula ng kumain ang lahat. Napupuno ng tawanan ng mga matatanda ang mesa habang ang mag-asawang Guerreo, mag-asawang Constantino at kaming mga anak nila ay tahimik lang na kumakain.“Buti na lang talaga Amigo at nagkaapo ka ng babae.” Sabi ng matandang Constantino.“Kaya nga, bakit kasi lalaki ang mga naging anak natin.” Sabat naman ng matandang lalaking Guerreo. Mukhang nasa 70’s na siya, kagaya ni Agustus Constantino, ang lolo nina Timothee.“Alam niyo ba na dapat ang mga anak namin nitong si Thelio ang gusto namin ikasal sa isa’t isa? Malas at iisang lalaki lang ang mga naging anak namin.” Kuwento ni lolo Agustus.“Buti na lang at nag-anak ng babae itong si Sebastian kaya sa wakas at natali na rin ang pamilyang Guerreo at Constantino.” Pagdagdag naman ni lolo Thelio sa kuwento. “Ilang anak ba ang gusto niyo?” nabilaukan ako sa biglaang tanong ni lolo Agustus.“Ayos na ang tatlo.” Sagot ng asawa ni lolo Thelio. Inubo ako ng ilang beses habang hinahagod ang aking dibdib. Dalawa
Huling Na-update: 2026-11-18
Chapter: Chapter 4
Matapos naming kumain ng hapunan ay inaya akong maglibot ni Timothee sa kanilanapakalaking mansion. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak niya at naisipang samahan akong maglibot sa bahay niya. Siguradong hindi naman ako mawawala dahil sa bawat sulok ng bahay nila ay may mga katulong.Nandito kami ngayon sa kanilang garden area. Malapad, maraming mga bulaklak, halos sunflower ang karamihan. Sa gitna naman ay may fountain na mukhang luma na dahil kumukupas na ang puting pintura nito. Meron ring mga wooden benches sa mga sulok ng kanilang hardin.“Ang dami niyo namang bulaklak” ani ko habang palibot-libot kami dito. “Yeah, my mom adores sunflowers too much.” Tipid na sagot niya, nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang likod habang naglalakad. “Did I lose my memories? Because I remember telling you the same thing before?” Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko nga alam kung may nakaraan itong si Timothee at Veronica eh. Bakit kasi hindi niya ako sinabihan sa mga past niya? Baka m
Huling Na-update: 2026-11-18
Chapter: Chapter 3
Nakarating na kami ngayon sa kwarto niya. Mas malaki pa ito kaysa sa hospital room niya. Merong king size bed at sariling mini-living room. May dalawa pang pinto sa loob, isa para sa walk-in closet at ang isa naman ay papunta sa banyo. Dumiretso siya kaagad sa banyo at ako naman ay napaupo sa sofa. Nilibot ko ang tingin sa kanyang kwarto. Halos itim o di kaya brown ang mga gamit dito kaya nagmumukhang madilim ang kwarto niya. Ilang minuto ang lumipas ay natapos na siya at lumabas sa banyo. “I’m done.” Ani niya. Mabilis kong inialis ang tingin ko sa kanya. Lumabas siya na tanging tuwalya lang nakabalot sa kanyang baywang. Kahit galing hospital ay kitang-kita ko pa rin ang hulma ng kanyang katawan. Tumutulo ang mga butil ng tubig sa kanyang mga abs at kitang-kita ang mga nanggigiliting ugat sa biceps niya. Pinikit ko na lang ang aking mga mata para mabura ang itsura ng katawan niya. Ngunit parang nagmarka na ito sa utak ko. “Hindi ka maliligo?” tanong niya habang pinupunasan ang b
Huling Na-update: 2026-11-18
Chapter: Chapter 2
‘Di gaya noong kinasal kami, puno ngayon ng pamilyang Constantino ang hospital room. Katabi niya ngayon ang ina na nakaupo sa kama, hawak-hawak ang kamay ni Timothee, ang ama niya naman ay nakatayo kaharap ang kanilang doctor. Ang dalawang niyang mga kapatid kasama na dun si Anthony ay nasa likod ng kanilang ama.“Wala kaming negatibong nakita sa kanyang test results. For now, kailangan muna namin siyang obserbahan, kung normal na ang iyang pakiramdam ay pwede na siyang umuwi mamayang gabi. Paalam po Mrs. and Mr. Constantino.” Ani ng doctor at lumabas.“Oh thank God you’re doing okay. Isang buwan kaming nag-aalala sayo.” Sabi ng ina ni Timothee sa kanya na may bakas ng pag-alala.Tama nga ako, gwapo siya kung gising. Makapal ang kilay, mapupungay ang mata, at matatangos na ilong. Pero mukhang suplado. Mula noong nagising siya ay nakatumpok ang mga kilay niya. Na para bang default face niya na ang naiinis.“Did the police caught the black sedan who crashed om my car?” tanong ni Timothe
Huling Na-update: 2026-11-18
Chapter: Chapter 1
“Malaki ang posibilidad na magkastroke ang mga matatanda, lalo na ang lola mo ay 85 na. Mas maigi na muna kung oobserbahan pa naming ang lola mo sapagkat ang stroke sa ganitong edad ay delikado na.” Ani ni Doc na nakatayo saking harapan.Nakaupo ako sa gilid ng hospital bed kung saan nakahiga ang lola ko ngayon. Buti na lang ay may mga mangingisda na napadaan sa bahay namin kaya naisugod namin ng agaran si lola sa hospital.“Gawin niyo po ang lahat para gumaling ho si lola doc.” Pagmamakaawa ko sa Doctor.“Huwag kang mag-alala. Sa ngayon ay ipagdasal mo na lang ang lola mo.” Sambit ni Doc bago tuluyang umalis sa kwarto.Parang bagyo na nagsitulo ang mga luha ko pagka-alis ni Doc. Hindi pa pwedeng umalis si lola sa piling ko, babawi pa ako. Pinunasan ko ang aking mga luha at lumabas sa hospital room. Dumiretso agad ako sa Cashier Window upang makita ang posibleng babayaran ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera.Hindi mahaba ang pila sa cashier. Isang babae lang na kasing tangk
Huling Na-update: 2026-11-18
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status