Chapter: KABANATA 5: KASAL NA KAMIMahigit dalawampung taon na siyang naging masunuring anak sa kanyang mga magulang, at sa pagkakataong ito ay gusto na niyang gumawa ng sarili niyang mga desisyon tungkol sa kanyang kasal, kaysa pumayag sa gustong mangyari ng magulang sa sapilitang magpapakasal sa isang matandang lalaki tulad ni Pancho Gomez.Ang katotohanang tinanggap mismo ng mga magulang niya ang dalawampung libong piso bilang deposito ni Pancho ay nagpapatunay na nakapagdesisyon na sila na ibenta siya matandang ito.Walang sinuman ang nakakaalam kung ano pa ang kakila-kilabot na bagay o paraan na kaya nilang gawin para pilitin siyang pumayag sa kasal. At may pagkakataon pa rin na ipakilala siya sa ibang mga lalaki tulad nina Jose Mercado o Rafael Mercado.Kahit na sumang-ayon at pumayag na si Grace ay hindi pa rin nagpapakita ng kung anong emosyon ang mukha ni Eric Dinero. Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mga mata at mahinahon siyang nagsalita, "Kung ganun, pumunta na tayo sa Civil Affairs Bureau ngayon."Hindi
Huling Na-update: 2026-11-12
Chapter: KABANATA 4: NAUWI SA KASALANPait na natawa si Grace at hindi na nagsalita pa. Hindi na niya kailangang ilantad ang lahat. Marahil, sadyang nasisiyahan lang si Drake sa pakiramdam na may umaasa at nangangailangan sa kanya.“Imposible!” bulong ni Drake sa sarili bago tumalikod at umalis.Papunta siya sa paaralan kung saan nag-aaral si Queenie. Gusto niyang makita mismo kung talagang nasaktan ito o nagsisinungaling lamang sa kanya.Panatag naman ang loob niya pagdating kay Grace. Sa talas ng paningin at sa galing kumilatis ng tao si Grace ay imposibleng magkakagusto ito sa matandang lalaki.Nang makaalis si Drake, bigla namang natauhan si Pancho Gomez sa kabilang upuan na pinanood at pinakinggan ang nangyaring eksena sa kanyang harapan.“Miss Grace, iyon ba ang dati mong boyfriend? Mukhang may relasyon ‘yata sila ng kapatid mo ah? Hind ka dapat pumapatol sa lalaking hind marunong makuntento sa isang babae. Mas bagay sa’yo ang isang lalaking matapat na kagaya ko.”Noong una ay nakaramdam ng kahihiyan si Pancho pagka
Huling Na-update: 2026-11-09
Chapter: KABANATA 3: PLANO NG PAGPAPANGGAP“Pero sabi ni Kuya Drake, ako lang nasa puso niya. Sorry, Ate, pero hindi ko ibibigay si Kuya Drake, sa’yo.”Ang dating iniisip ni Grace na inosente at cute na nakababatang kapatid, ngayon ay isa na palang ganap na pokpok na adik sa green-tea.Ibinaba niya ang kanyang paningin, kunwari’y nahihirapan. “Hindi ko talaga kayang bitawan si Drake. Dalawang taon din kaming magkasama. Kaya ipako mo ‘yang mga mata mo sa kanya, dahil baka anumang oras ay aagawin ko s’ya.”“Ate, ikaw–” Namumula ang mukha ni Queenie sa galit habang tumayo naman si Grace at naglakad pabalik sa kanyang kuwarto.Araw na ng sabado, at hindi na kinaya pa ni Grace ang walang-tigil na pagbubunganga sa kanya ng ina kaya napilitan siyang pumayag na makipag-blind date.Nang dumating siya sa napagkasunduang restawran, pumili siya ng upuan na malapit sa bintana at doon ay tahimik na naghintay sa kanyang ka-date.Limang minuto ang nakalipas, isang lalaking may kaedaran na ang lumapit sa kanya. Malaki ang tiyan nito, may kat
Huling Na-update: 2026-11-09
Chapter: KABANATA 2: NAGSIMULA SA PILITANNaikuyom ni Grace ang magkabilaang palad at halos mabaon ang mga kuko sa palad sa sobrang diin, at pakiramdam niya ay lumalamig ang daloy ng kanyang dugo sa katawan. “Ma, anong ako ang hindi manghimasok? Sobrang linaw naman po siguro na ang kapatid ko mismo ang umagaw sa boyfriend ko!”Mapanuyang ngumiti ang ina, “Ibig sabihin lang niyan ay hindi kayo para sa isa’t isa ni Drake. Kung para sa’yo ang isang bagay, sinuman ay walang makakaagaw nito sa’yo.”Kita naman sa mukha ni Mang Anton ang nararamdamang awa sa anak at nagpakawala na lamang ng isang malakas na buntong-hininga. “Grace, alam nating mali ang kapatid mo. Pero huli na ang lahat. Kailangan mo ng hiwalayan si Drake. Kung mag-aaway kayong magkapatid nang dahil sa lalaki pagtatawanan ka ng mga tao.”Muling nagsalita si Ginang Luz, “Ikaw ang ate, ikaw ang mas may isip kaya dapat ikaw ang mapagbigay sa bata mong kapatid!”Para siyang pinukpok ng malaking bato sa ulo sa salitang sinabi ng ina at gumising sa kanya. Huli na nang nap
Huling Na-update: 2026-11-09
Chapter: KABANATA 1: NAGMAMAHALANG MGA AHAS SA KAMAPasado ala-una na nang madaling araw. Nagising si Grace Bermillo sa mensahe ng isang kliyente na tungkol sa trabaho. Pilit mang ipikit muli ang mga mata ay ayaw naman ng mga ito na makisama, labis siyang nababalisa nang matapos basahin ang hindi makatwirang hiling ng kliyente. Bumangon siya at naisipang pumunta sa banyo.Maingat siyang naglalakad papunta sa pintuan at dahan-dahang binuksan, ayaw niyang maabala ang natutulog na pamilya at magising kahit sa konting langitngit ng pinto. Luma na ang kanilang bahay at kaunting kalampag lang ay maririnig na ng lahat.“Kuya Drake,dahan-dahan.”Uminit ang kanyang magkabilaang-pisngi sa boses na narinig nang napadaan sa kuwarto ng kapatid.“Queenie, ‘wag kang sumigaw at baka marinig ka ng ate mo,” mababang singhap ng lalaki.“Marinig na kung marinig. Kuya Drake, akin ka lang,” mahina at gatol na boses ng babae.Natuod si Grace sa kinatatayuan. Ramdam niya ang pamamanhid ng buo niyang katawan, na parang nagyeyelo ang daloy ng dugo rito.Ang in
Huling Na-update: 2026-11-09