Si Samsara Angela Sakura ay natuto nang mamuhay bilang isang breadwinner na responsable sa kanyang mga magulang at mga kapatid. Until one day, circumstances made here life twice as much harder than before. When an opportunity came for her to be one of the Miss Night Women and be purchased, tatanggapin niya ba ito?
View MoreSAMSARA's
"I fvcking tried. I swear. I just can't do it. Di ko magets." Halos maluha na ko habang iniexplain sa boss ko kung bakit ako nagkaroon ng breakdown session kanina sa cubicle. "My god, Samsara. Tatanga tanga ka pa rin eh dalawang taon ka na sa industriyang 'to?" Bigla niyang pinikot ang tenga ko kaya napaatras ako. "Aray naman! Abuse yan ah! Report kita tignan mo." Biglang buhos ng emosyon ko. Nung na realize ko kung ano ang lumabas sa bibig ko, mas napaluha ako hanggang sa tuloy tuloy na ang pag tulo ng luha ko. Siguro kulang na lang ay humikbi ako at maglupasay sa sahig ng office. "Anong sinabi mo?" Nanlalaki at nanlilisik ang matang tanong sa akin ng boss ko. Kung likas na malaki ang mata niya, mas lumaki pa to ngayon. May mas ilalaki pa pala 'yon? "Bat kasi nangurot ka? Tama ba yon?" Iyak kong pasabi. Iniimpit ko na rin ang boses ko para hindi na tuluyang lumakas pa ang tinatago kong iyak. "Ikaw ang tatanungin ko, Samsara. Tama bang inaway mo yung costumer? Ayos lang sana kung regular account ang hawak mo pero exclusive account ka! Jusko. Sa dinami dami ng aawayin mo, vip pa? Jusko. You're fired!" Kulang na lamang na pumasok sa loob ang mga katrabaho ko sa labas dahil sa tinginan nila. For sure, rinig na rinig at alam na alam nila na wala na akong trabaho. "Pero sir-- may 6 months pa ho ako sa contract." Depensa ko naman. Umamba naman siyang kakaltukan ako kaya iniwas ko ang ulo ko. "Sasalita ka pa, di mo pa ba ko naintindihan? Layas!" Wala na akong nagawa kung hindi umalis na lang. Pag labas ko ng kwarto, samu't saring tingin ang sumalubong sa akin. Bawal kasi mag usap sa office, kaya hanggang tingin na lang ang naibibigay nila sa akin. Pag lapit ko sa cubicle, hinipo ni Sean ang likod ko. "Wait mo na ko sa labas pag balot mo ng mga gamit mo. Hatid kita." "Okay, Sean. Salamat." Walang gana kong sabi habang nililigpit ang mga gamit ko. Halos wala naman akong masyadong gamit sa cubicle ko. Mostly, notebooks, sticky notes at tsaka ballpens lang. Mahilig kasi ako sumulat ng tula kada naghihintay ng calls sa mga bwisit at entitled na vip costumers dito. Mataas nga ang sweldo sa trabaho, halos naman para akong kinukuhanan ng kaluluwa sa ugali nila. Ewan ko paano ko nakayang matiis ang industriyang to sa loob ng dalawang taon. Ah, kasi breadwinner pala ako. Yung mga magulang at kapatid ko, nasa probinsya. Tatlo pa ang pinagaaral ko kaya maski ako, hindi na nakapagtapos ng pagaaral. Pangarap ko sana na maging Flight Attendant. Dalawang taon na lang eh, kuha ko na sana ang diploma ko sa Tourism Management. Kaya lang, sobrang nag hirap ang pamilya kaya di muna ako tumuloy. Isang araw, inaya ako ng kaibigan ko na lumuwas sa Manila para mag trabaho. Ako naman, gora lang. Kesa magtiis ako sa 350 a day na sahod ko sa palengke. Di pa yon sapat para sa baon ng mga kapatid ko at gamot ni mama para sa highblood. Ngayon? Yung kaibigan ko mayaman na. Malay ko ba anong trabaho niya. Bigla na lang sumama at nagpakasal sa isang lalaking mayaman. Ayon, sarap na ng buhay. Ni hindi ko na nga nakakausap. Habang palabas ako sa office, lumiko muna ako sa kanan. Doon sa bandang pantry. Libre kasi lahat ng pagkain dito pag duty ka. Duty pa ko 'no. Di pa effective and pag tanggal sakin dahil di pa naman ako nakakalabas ng pinto. Kaninong rule yon? Akin. Kinuha ko ang apat na tupperware na dala dala ko. Minsan kasi, naiiwanan ko ang mga pagkainan ko sa office kaya naiipon. Hindi ko na rin inuuwi kasi pinaglalagyan ko rin naman ng mga pagkain pag chumichibog ako rito. Onti onti kong pinuno ang mga tupperware. Walang patawad. Kahit anong makita ko, sinusuksok ko sa tupperware hanggang sa halos mahirapan na kong isara. Lintik lang ang walang ganti. Hindi ko rin pinatawad ang mga creamer pati ang mga de timplang powders. Pinasok ko sa natitirang space ng kahon ko hanggang sa halos umapaw na. Nung kuntento na ko, bumaba na ko sa parking lot at hinintay si Sean na makalabas. "T*ngin*? Ano yan? Shopping?" Agad na bungad niya ng makita ang kahon at tupperware na nakalagay na sa likod ng sasakyan. "Eh tinanggal nila ko eh. Alangan namang umalis ako ng walang dala. Di pwede yon. Tsaka wala na kong pagkain sa apartment. Kulang na lang lagyan ko ng sinigang mix yung tubig tsaka iulam." Reklamo ko. Totoo naman kasi. Halos sabay sabay ang projects ng mga kapatid ko. Pinagiipunan ko pa ang tuition f*e ni tonton, sumunod sa akin na kapatid. Gusto raw kasi mag engineering. Eh di nakapasa sa mga state universities kaya wala akong choice kung hindi pag aralin siya sa private. Kesa huminto, sayang ang panahon. Kakayanin naman ni ate. Working student din naman siya. Pero maliit lang ang sweldo kaya hindi niya kaya. "Ano na balak mo, Sam? Bwisit ka kase. Di mo na lang tiniis." "Tangek. Nakaka stress na. Burn out na ko talaga. Baka meant to be na sibakin ako dahil sa bwisit na costumer na yon." Reklamo ko. Binuksan ko na ang wafer na kinuha ko sa office habang nagsimula ng nag drive si Sean. "Bes. Di sapat yang meant to be mo kasi ilan ang pinapalamon mo. Tulungan na lang kita maghanap ng work." Alok ni sean. "Go lang. Pahinga muna ako sa bahay ng ilang araw. Padalhan mo muna ako ng ulam, ha." "Oo naman. Loka loka, ako bahala sa iyo." Pagtapos niyang sabihin yon. Tumahimik na kami. Pag may problema ako, si Sean ang andyan. Paano ba naman kasi eh mayaman. Kumbaga trip trip niya lang na mag trabaho. Doktora ang nanay at tatay niya. Kaya ano man ang mangyari, financially stable siya. Sana all may safety net, di ba? "Dito na lang, Sean. Salamat ah." Isa isa kong ibinaba ang box at tupperwares sa sasakyan at inilapag na muna ito sa gilid. Second floor pa kasi ang apartment ko kaya medyo mahirap magbitbit nang sabay sabay. "Wala yon. Para namang others." Sabi niya naman. "Ulam ko bukas ah." Paalala ko sa kanya. "Oo na. Loka ka. Mababaliw ako sa pinaggagagawa mo sa buhay mo. Adios, unemployed kong kaibigan." Pangasar pa niya bago umalis. Una kong iniakyat ang box bago ang tupperwares. Nung nakahiga na ako sa kama. Naisip ko ang mga magulang ko pati na ang mga kapatid ko. Lalo na si tonton. Dalawang linggo na lang kailangan ko na makapag down sa kolehiyong papasukan niya. Seven thousand na lang ang pera ko sa bangko. Three fifty na lang ang cash ko. Babayad pa ko ng upa, tubig at kuryente. Sumabay pa ang lintik na disconnection notice na yan. Bwisit naman oh. Bakit ba hindi ako pinanganak na mayaman? Bakit ba hindi na lang mayaman ang angkan ko? Higit sa lahat, bakit ako ang kailangan sumalo ng responsibilidad na karami rami? Sa kalagitnaan ng pag iisip ko, bigla na lamang ng ring ang phone ko. "Hello? Sino to?" Tanong ko. Sa gulat ko, biglang nagsalita ang isang babaeng boses mayaman sa telepono. "This is Avon from Miss Night. I was asked to call you. Said you might be needing a job." What an expensive voice. "Sorry? Wrong number ka po ata. May trabaho ako." Pagsisinungaling ko. Delikado na, mamaya scammer pala. "Samsara Angela Sakura. Half Filipino, Half Japanese. Based on the report I'm holding right now, you were fired earlier due to customer service mishandling on an exclusive VIP partner of your company. I can also clearly see that before exiting the office, you almost emptied half of the shelves in your pantry's office. Am I right?" Napatulala ako at hindi nakapagsalita. Legal bang alam niya lahat ng yon? "Eh teka nga! Sino ka ba? Siga ka ah." Bwisit na sabi ko. "As I said, Ms. Sakura. I am Avon from Miss Night and I am offering you a job." Inis din na sabi niya. "Eh ano bang trabaho yan? Di mo muna sabihin." "I can't tell you what it is on the phone. We will send you an agent tomorrow. Have a good night and get some sleep." Banggit niya bago ibinaba ang telepono. Anong send me an agent tomorrow? Baliw ba siya? Ni hindi nga ko pumayag. Sabi na scam eh. Isinawalang bahala ko na lamang ang tawag at nag handa na para matulog. Kailangan ko nang sulitin ang pahinga ko bago ako sumabak maghanap ng trabaho. Sa totoo lang, ang hirap maging mahirap. Sana makapang asawa na lang ako ng milyonaryo.Para sa aking mga mambabasa, Naiintindihan ko na baka ang iba sa inyo ay hindi matuwa o hindi magustuhan ang ending ng libro dahil hindi ko binigyan ng happy ending ang relasyon ni Landon at Samsara. Pero sana ay maalala niyo na binigyan ko ng masayang ending ang kwento ni Samsara bilang isang babaeng maraming hirap na pinagdadaanan. Ang mensahe ko sa inyo, nawa ay katulad ni Samsara ay hindi kayo matakot na umalis sa relasyong puno ng kasinungalingan at pagtataksil. Sana, katulad ni Samsara ay mas piliin ninyo ang inyong sarili. Pero huwag kayong mag-alala, baka may pangalawang pagkakataon pa para sa pagiibigan ni Landon at Samsara dahil opisyal kong inaanunsyo ang BOOK 2 ng A BILLIONAIRE'S PURCHASE! Sa librong ito maaari niyong abangan ang mga kaganapan sa bagong buhay ni Samsara at ang kanyang anak na kambal, pati na rin ang bagong buhay ni Landon sa kanyang bagong lugar na nilipatan. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta. Sana ay maipakita niyo pa rin ang pag suport
LEMERY's POV "Hon, lalabas lang ako saglit. I'll be back maybe in two hours or so. Sure ka na ba na hindi ka sasama?" I asked my husband who's currently cooking our boarder's healthy breakfast: ginisang gulay, brown rice, fruits, and a cup of black coffee. Puro na lang kasi alak at junkfoods o di naman kaya fastfood orders ang kinakain ng boarder namin netong mga nagdaang linggo. "I'm good, hon. Besides, hindi ko naman siya pwedeng iwan dito." He said. Sabay kaming napadungaw sa sofa na nasa sala kung saan mahimbing na natutulog ang nakainom na si Landon. Tatlong linggo na rin siyang nakatira sa amin at matagal na rin namin siyang kinukumbinsi na umuwi sa apartment niya. Ang sabi lang niya ay hindi niya pa kaya dahil pag andoon siya sa unit ay si Samsara lang ang naaalala niya pati na ang mga maling desisyon na ginawa niya sa buhay niya. Naaawa rin naman ako kay Landon pero siguro ay mas mabuti na na ganito ang nangyari para sa ikabubuti rin ni Samsara. Besides, hindi naman mangy
LANDON's POVWala akong ideya kung bakit ipinasundo ako ng mga tauhan ni Miss Avon at ngayon ay nasa sasakyan ako at tanaw ko na sa distansya abg headquarters ng Miss Night.Siguro nga ay nakarating na ang balita sa kanya at gusto niya akong kausapin. Kung kakausapin niya ako tungkol doon, ipapaalam ko sa kanya na ako na ang bahala at babawiin ko rin naman si Samsara.Pinagbigyan ko lang naman si Samsara sa kagustuhan niya na huwag ko muna siyang istorbohin. I figured that if I disturbed her again and again ay mas lalayo lang sa akin ang loob niya and I might lose her forever."We are here, sir." Malalim ang boses na anunsyo ng driver. Mula sa labas ng sasakyan ay may lumapit sa amin na tauhan ni Miss Avon at ipinagbukas ako ng pinto."Good morning, Mr. Bechtel. I am Minty and I will guide you to Miss Avon's office" A girl in a uniform greeted me.Hindi na ako nag salita. Sumunod na lang ako hanggang sa makarating na kami sa pinaka tuktok na floor ng building. Onti lang ang tao sa f
SAMSARA's POVIlang linggo na rin ang lumipas mula nang iniwan ko si Landon mag isa sa unit niya. Buti nga ay sumunod siya sa sinabi ko na wag na wag na niya akong guluhin. Ginugulo pa rin naman niya ako pero sa text at tawag lang. Mga text at tawag niya na hindi ko sinasagot. Bakit ko naman sasagutin pa eh paulit ulit lang naman ang sinasabi niya? Inubos ako ni Landon. Inubos niya lahat ng pasensya at pagiintindi na ibinigay ko sa kanya. Sinayang niya yung tiwala na meron ako sa kanya at hinding hindi ko na uubusin pa ang sarili ko para sa taong wala namang pagpapahalaga sa akin."I was going to tell you, Sam. But it was not my place. I realise now that I should've told you at dapat una pa lang hindi ko na tinolerate si Landon sa mga bagay na ginawa niya--""Hindi mo naman kasalanan." Pag putol ko sa sinasabi ni Lemery. Hinagod ko rin ang likod niya dahil hindi siya tumitigil sa pag iyak. "Kahit naman pag sabihan mo siya o hindi, alam niya yung ginagawa niya. Hindi na siya dapat p
LANDON's POV"Get out!" Nagising si Eleanor sa malakas kong pag sigaw.I shouted in anger. I shouted in frustration. I shouted on regret. But most of all, I shouted in disgust of myself. Why the fuck did I do this? Why the fuck did I let myself fall in Eleanor's trap?Now, I have everything to lose and she doesn't."What the hell?" She sat up acting innocently habang kinukusot ang mata niya. "Is this how you're going to treat me after what happened last night? You enjoyed it judging base on your screams and how you murmured my name numerous time."Sa sobrang galit ko, ibinato ko sa kanya ang mga damit niyang nag kalat sa sahig ng kama at tsaka siya hinila patayo."Did you not hear a word I just said? I said, get out!" I repeated. This time, I shouted it much louder. "You fucking fooled me!"Mas lalo akong nainis nang nakita ko ang ngisi niya pag tapos niyang mag bihis. Kinuha niya ang bag niya at bago lumabas ng kwarto, she made sure to leave me some words."Grow up, Landon. Wag mong
LANDON's POVI can't stop hugging this beautiful woman infront of me in hopes that maybe, it will stop her from leaving the house."Babalik din naman ako, kailangan lang namin asikasuhin ni Leah yung pwesto na nakita namin bago pa kami maunahan ng ibang buyer. Saglit lang yun." She promised me habang kinakabit ang hikaw sa butas ng kanyang tenga.I hug her even tighter. "Please, bukas na lang yan. Day off ko naman ngayon eh. Para sana magkasama tayo ngayong araw dito sa unit. I will order your favorite food."When I said food, napatingin siya sa akin na para bang magbabago na ang desisyon niya, but I was disappointed when her expression changes again. "Take ka uli ng day off bukas. Ikaw naman ang boss eh kaya ikaw ang masusunod. Iyon bukas, sure ako na wala akong masyadong gagawin after ko mag plan ng menu."Kumunot ang noo ko. "What menu?""Yung sa cafe. Nagpplano na kasi ako ng mga i-ooffer na food and drinks para pag nabili na yung place at habang nirerenovate, maayos ko na rin yun
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments