author-banner
Nayeon Ink
Nayeon Ink
Author

Novelas de Nayeon Ink

Pleasure me, Attorney

Pleasure me, Attorney

"Once a sparkling romance, faded in due time trials. With both tied in the defensive line, who will step up to take the blame?" ✯✯✯✯✯✯ Attorney Elion Carter Dimitri is a force to be reckoned with; he never loses a trial and always has a vital aspect to win, regardless of the circumstances. Nagbago lamang ang lahat nang makilala niya si Blaire, ang babaeng bumali ng mga paniniwala at pananaw niya sa buhay. Ngunit ito rin pala ang magpaparanas sa kanya kung paano matalo, ang kauna-unahan niyang talo ay labis na dumurog sa kanya. He wants to fix his mistake and undo the past, but he is conflicted. With his career, desire, and hearts on the line, he has to abandon one to grasp the other. Ano ang bibitiwan at isusuko niya? Can he set aside love for his long-awaited dreams or will he choose his heart this time?
Leer
Chapter: Chapter 5
Parang nawawalang bata na nagpaikot-ikot si Blaire, pinagmamasdan ang malaking mall na kinaroroonan nila ni Elion.“Will you sto— pwede bang itigil mo ‘yang pag-ikot ikot na ginagawa mo.” Suway sa kanya ni Elion, napasimangot naman siya. Nagsusungit na naman ito.“Ang laki at ang ganda po kasi ng lugar na ‘to, sir.”“Wala bang mall sa lugar niyo?”“May maliliit po, pero sobrang punuan ng mga gamit at siksikan talaga kapag namimili.”“Your place is a mess then.”“Ho? Tagalog po, sir.”Huminto ito, masama ang tingin sa kanya. Napahinto rin siya, naguguluhan kung may nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan.“Wala akong oras mag-paliwanag sa lahat ng sinasabi ko, mag-aral ka ng ingles kung gusto mong tumagal sa pagta-trabaho sa ‘kin.”Yumuko siya. Bigla na naman siyang nakaramdam ng panliliit sa sarili. “Opo, sir.” Napapahiyang tugon niya.“Anong naiisip mong paraan kung paano ka mag-aaral?”Natigilan siya sa sumunod nitong tanong, nagsimula na ulit silang maglakad patungo sa destinasyon n
Última actualización: 2025-12-13
Chapter: Chapter 4
“Saan ka pupunta?"Huminto si Blaire sa akmang paglabas nang marinig ang baritonong boses ng kanyang amo, huminga muna siya ng malalim bago pumihit paharap dito."Mamimili po sana ng stock, sir." Sinalubong niya ang malamig na mga titig nito, para siyang naninigas sa tuwing nagtatama ang mga mata nila pero hindi rin niya gustong magpadaig dito.Tumingin ito sa orasang nakasabit sa wall clock saka muling binalik ang tingin sa kanya.“At this hour? At mukhang wala kang planong magpaalam sa akin?""Sir?" gulat na tugon niya. "Naisip ko lang po na lunch break naman, tapos ko na rin po ang mga kailangan kong gawin ngayong umaga."Pinasadahan siya nito ng tingin, bahagya pa siyang napaayos ng tayo dahil sa awkwardness na naramdaman."Looking like that?" Mahinang bulong nito na narinig pa rin niya, nakatayo kasi ito hindi kalayuan sa kanyang kinaroroonan. Pinili niyang huwag nalang mag-react, bukod sa hindi niya naintindihan ang ibig nitong sabihin ay mukhang ang sarili nito ang kausap at hi
Última actualización: 2025-03-04
Chapter: Chapter 3
Tahimik at maingat ang galaw ni Blaire habang naghahain ng pagkain sa mesa, ang boss niya kasing ubod sa sama ng ugali ay pinapanood siya at hinihintay matapos. "Tapos na po," mahinang imporma niya rito. "Sit," utos nito. Hindi siya agad nag-react sa pag-aakalang nabibingi lang siya. Tumingin ito sa kanya na para bang hinihintay ang sagot niya. "Ako po ba?" maang na tanong niya. "May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Inilibot nito ang tingin sa paligid pagkatapos ay ibinalik sa kanya. Seryoso ang mukha nito, kaya hindi niya sigurado kung nagti-trip na naman ba ito. Huminga siya ng malalim para manatiling kalmado, kahit kasi ang pagtatanong nito ay sarkastiko. "Wala po, pero..." "Sit means maupo ka, simpleng english lang ‘yon. Hindi mo rin maintindihan?" Kumuyom ang kamao niya, paulit-ulit pinapaalala sa sariling magtimpi dahil hawak nito ang kapalaran niya. "Naintindihan ko po, sir. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pinapaupo niyo ako." "Ah. Para kainin ang mga pagka
Última actualización: 2025-02-13
Chapter: Chapter 2
Ihinarang ni Elion ang isang kamay sa kanyang mukha nang maramdaman ang mainit na sikat ng araw, kumirot ang sintido niya dahil sa biglaang paggising. Nang makabawi sa pagkasilaw ay saka pa lamang niya tinignan ang nangyayari.“What the hell are you doing in my room?!” Pagalit na saad niya nang mamataan si Blaire na nakatayo sa gilid ng wideview window at inililihis ang kurtinang nagsisilbing pananggalang niya sa labas.Bahagyang napatalon ang dalaga sa gulat at natitigilang pumihit paharap sa kanya. Kunot na kunot ang noo niya sa magkahalong inis at sakit ng ulo.“Ano ang ginagawa mo sa loob ng silid ko?” Nauubusan ng pasensyang ulit niya sa tanong nang maalalang hindi siya nito naiintindihan.“Alas syete na po ng umaga, sir.”Lalong sumama ang timpla niya sa narinig na sagot nito. “Hindi ko tinanong ang oras, ang sabi ko ay anong ginagawa mo sa silid ko?” Hinilot niya ang sintido dahil parang mas lumala pa ang pagsakit no’n.“Tanghali na po?”Tumaas ang isang kilay niya, hindi makap
Última actualización: 2025-02-11
Chapter: Chapter 1
Malakas na hampas ng gavel ang pumailanlang sa apat na sulok ng court matapos ang hearing na naganap nang araw na iyon.“The court hereby declares that the defendant of the offense is guilty beyond unreasonable doubt.”Inayos ni Elion ang itim na coat nang marinig ang final verdict ng kasong hawak niya, muli ay nagtagumpay siyang ipanalo ang isa na namang kaso.“Court adjourned.”Tinanguhan niya lang ang kanyang kliyente at ang nagpupunyaging pamilya nito, panay ang pasasalamat ng mga ito sa kanya. Ngunit para sa kanya ay normal na lamang iyon, kahit kailan ay wala pa siyang kasong hinawakan na natalo siya. Palagi siyang handa sa tuwing sumasabak sa gyera.Nagpakawala siya nang malalim na hininga nang makarating sa office nila, bahagya niyang niluwagan ang necktie at nagtungo sa vending machine para kumuha ng malamig na beer. Hindi pa man siya nakakaupo ay biglang bumukas ang pinto ng opisina ng CEO, agad siyang napaayos ng tayo at binati ito.“How’s the trial?” tanong nito. Sinenyas
Última actualización: 2025-02-11
Chapter: Prologue
Lost in the clouds of thoughts, walking in an endless void.Hindi na alam ni Blaire kung gaano na kalayo ang nalalakad niya, basta nalang siyang nagpadala sa agos at kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Malamig ang simoy ng hanging dumadampi sa kanyang balat, ang malamig na tubig ay paminsan-minsang humahagod sa naninigas niyang talampakan, habang ang anino niya ay unti-unting kinakain ng kadiliman.“Blaire!”Huminto siya nang marinig ang kanyang pangalan, blangko ang ekspresyong nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Mula sa hindi kalayuan ay may isang lalaki na humahangos, tila napakalayo ng tinakbo nito para lang maabutan siya.“You’re late…” mahinang usal niya. Napakagaan ng mga salita niyang tila inilipad lang ng malakas na hangin, “...again.” Hindi niya alintana ang ilang hibla ng kanyang buhok na nililipad sa kanyang maamong mukha.“I-I’m sorry,” namamaos ang boses nito. Naglakad ito palapit sa kanya, hindi siya gumalaw o nagkaroon ng ibang reaksyon. Pinanood niya la
Última actualización: 2025-02-10
También te puede gustar
NINONG NOAH'S LOVE CONTRACT (SPG)
NINONG NOAH'S LOVE CONTRACT (SPG)
Romance · CALLIEYAH JULY
155.9K vistas
Mr. Playboy Playmate (SPG)
Mr. Playboy Playmate (SPG)
Romance · Sapphire Dyace
153.7K vistas
Hiding The CEO'S Baby
Hiding The CEO'S Baby
Romance · Zenshine
151.8K vistas
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status