Share

Pleasure me, Attorney
Pleasure me, Attorney
Author: Nayeon Ink

Prologue

Author: Nayeon Ink
last update publish date: 2025-02-10 18:59:15

Maulan na hapon ng Sabado. Nakaupo si Blaire sa puntod ng kanyang anak, hindi pa rin nauubos ang kanyang luha.

"Blaire, let's go." Aya ni Elion, lumapit ito sa asawa at pinipilit itong tumayo.

"Ayoko, mauna kana. Dito lang ako sa tabi ng anak ko." Mariing pagtanggi ni Blaire, mas nagpabigat pa nang subukan ni Elion na itayo siya.

"Wala na ang anak natin, Blaire. Kailangan mo na siyang pakawalan."

Tagos sa puso ni Blaire ang narinig, doble pa dahil mula iyon kay Elion. Sa lalaking isa sa mga naging dahilan kung bakit nawala ang anak niya.

"Sinabi ko nang ayoko eh!" Sigaw ni Blaire, malakas na hinawi niya ang kamay ng asawa.

"Blaire," bulalas ni Elion. Naupo ito sa tabi ni Blaire, nangungusap ang mga mata.

"Bakit ba nandito ka pa, Elion? Wala ka bang trabaho? Hindi ba't mas kailangan ka ng trabaho mo kaysa namin ng anak mo?"

Hindi nakaimik si Elion. Naupo siya sa harap ni Blaire, napapagitnaan nila ang puntod ng kanilang anak.

"Ilang beses akong tumawag, lahat napupunta sa missed calls. Palagi mong sinasabi may trial ka pa, hindi mo pwedeng iwan, importanteng case iyon na kailangan mong ipanalo. Palaging huwag kang abalahin kasi mawawala ka sa focus. Palaging work muna, saka na ang pamilya. Kaya ano pang ginagawa mo dito, Elion? Mag-trabaho kana kasi kailangan ka ng kumpanya niyo, ako dito lang ako sa anak ko."

Tumingala si Elion para pigilan ang pagbagsak ng mga luha nito.

"I'm sorry, I know wala ng magagawa ang sorry ko. Wala na ang anak natin, hindi ko na maibabalik ang buhay nito. Pero Blaire nandito ka pa, nandito pa tayo, hayaan mong makabawi ako." Pakiusap ni Elion, bahagyang nanginginig ang boses sa labis na pagpipigil ng emosyon.

"Babawi? Paano? Yung taong mas kailangan ng pagbawi mo, ito na oh..." Madiing itinuro ni Blaire ang puntod ng anak, humagulhol siya sa sobrang sakit na nararamdaman. "Wala na, patay na. Ilang gabi na ikaw lang ang hinihintay niya, kahit kaunting oras mo lang para makaalis siya ng may alaala mo."

"I'm sorry," wala ng ibang masabi si Elion. Alam nitong kahit ano pang lumabas sa bibig ay wala ng mababago pa.

"Ano pang magagawa ng sorry mo? Kaya ba niyang ibalik ang anak ko?" Tiningnan ni Blaire si Elion, mata sa mata. Ni hindi siya nag-abalang punasan ang mga luha.

Umiling si Elion, yumuko at tahimik na umiyak. Hindi niya kayang makita si Blaire na nasa gano'ng disposisyon, lalong ayaw niyang ipakita sa asawa na pinanghihinaan na din siya ng loob.

"I understand. Wala ng magagawa pa ang sorry ko, pagabi na at malapit ng umulan. Let's go home for now." Pilit pa ring pinapahinahon ni Elion ang kanyang boses. Palihim niya ring pinunasan ang kanyang mga luha saka muling tumingin kay Blaire.

"Hindi ako uuwi, umuwi kang mag-isa mo. Naghihintay pa sa 'yo ang trabaho mo."

"Uuwi na tayo, Blaire. Uulan na oh, hindi mo ba nararamdaman? Let's go home, kung gusto mo bumalik nalang tayo dito bukas." Pilit pinapatatag ni Elion ang boses.

Tumawa si Blaire. Nakakalokong masamang tuming ito kay Elion.

"Unlike you wala ng naghihintay sa akin pag-uwi, ikaw nariyan pa ang trabaho mong naghihintay sa 'yo."

Lumunok si Elion. Gusto niyang sabihing siya, paulit-ulit na maghihintay para dito. Pero alam niyang hindi iyon akma sa sitwasyon, lalong hindi tatanggapin ni Blaire ngayon.

"Babalik tayo bukas. I promise." Sinubukan ulit ni Elion na itayo si Blaire.

"Hindi ko iiwan ang anak ko, siya nalang ang meron ako. Ayokong mawala siya sa akin." Pero sa halip na magpagiya si Blaire, dumapa pa ito sa puntod ng anak at niyakap ito.

Pumikit si Elion, maraming beses na huminga ng malalim. Pakiramdam niya ay any moment bibigay na rin siya, nasasaktan din siya dahil nawalan sila ng anak. Pero ni hindi niya magawang maging mahina, kasi kasalanan niya ang lahat at ngayon kailangan niyang harapin ang kabayaran.

"Blaire please. Honey." Sinubukan niyang maigi na huwag mabasag ang boses.

"Dito lang ako sa tabi ng anak ko, Elion. Wala ng makakapaghiwalay pa sa amin." Mahinang usal ni Blaire, parang kumakanta itong paulit ulit iyong sinasabi. Nakatulala sa kawalan habang nakadapa pa rin sa puntod ng anak nila.

Hindi na makatiis si Elion. Gusto man niyang i-comfort si Blaire, alam niyang hindi presensya niya ang kailangan nito ngayon. Pero hindi rin niya ito iiwan, kahit pa ipagtabuyan siya nito.

"Ayaw ni Gabriel na makita kang nagkakaganyan, alam kong maluwag sa loob niyang nagpaalam sa 'yo. Ayaw niyang tumigil ang mundo mo dahil sa pagkawala niya, gusto niyang magpatuloy ka, Blaire." Muling sinubukan ni Elion na kausapin ng maayos si Blaire. Huling alas niya ang anak, kung hindi pa rin magiging epektibo ay wala na siyang ibang pagpipilian kundi pwersahing iuwi si Blaire.

"Nakakatawang sinasabi mo yan ngayon, Elion. Paano mong nalamang yan ang gusto ni Gabriel, eh hindi mo nga sinubukang kilalanin ang anak ko." Wala pa ring buhay na wika ni Blaire, tila nakikipag-usap ito sa hangin.

"Maybe it's the wind, binulong niya sa akin or whatever explanation you can think of. Nagmamakaawa ako, Blaire."

Tahimik na ngumiti ng mapait si Blaire. Ramdam niya ang dahan dahang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya, gaya ng dahan dahang pagkawala ng rason niya para mabuhay. Unti unti niyang ipinikit ang mga mata, matutulog siyang mahimbing kasama ng kanyang anak.

"Blaire?" Nagtataka si Elion sa biglang pananahimik ng asawa. Tanging mahihinang hikbi nalang nito ang naririnig niya.

"Blaire," muling tawag ni Elion kay Blaire. Naupo siya sa tabi nito para malaman kung bakit nananahimik ito, natigilan siya nang mapagtantong nakatulog na ito. Marahil dahil sa pagod dahil hindi ito natutulog habang nakaburol ang kanilang anak, isama pang panay lang iyak nito at galit sa kanya.

"I'm sorry, hon." Mahinang bulong ni Elion, pinunasan niya ang luhang nagbabantang malaglag pa lamang. Marahan niyang binuhat si Blaire, nilingon pa niya ang puntod ng anak.

"I'm sorry, anak. Sana mapatawad mo si papa, palagi mong bigyan ng lakas ang mama mo para magpatuloy itong mabuhay ha. Alam kong marami akong pagkukulang at kasalanan sa iyo, pero nagmamakaawa ako. Huwag mo munang kukunin si Blaire sa akin." Iyon ang huling sinabi ni Elion bago buhat buhat si Blaire na nilisan ang lugar.

Lingid sa kaalaman ni Elion ay nagising si Blaire sa pagbuhat nito. Narinig pa ang lahat ng sinabi nito sa kanilang anak, pero parang hangin lang na dumaan sa tainga ni Blaire iyon. Wala ng epekto pa sa kanya, kasi sa pagkawala ng kanilang anak, nawala na rin ang pagmamahal niya sa kanyang asawa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Miss Briannah
gandaaaaaaaa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Pleasure me, Attorney   Chapter 5

    Parang nawawalang bata na nagpaikot-ikot si Blaire, pinagmamasdan ang malaking mall na kinaroroonan nila ni Elion.“Will you sto— pwede bang itigil mo ‘yang pag-ikot ikot na ginagawa mo.” Suway sa kanya ni Elion, napasimangot naman siya. Nagsusungit na naman ito.“Ang laki at ang ganda po kasi ng lugar na ‘to, sir.”“Wala bang mall sa lugar niyo?”“May maliliit po, pero sobrang punuan ng mga gamit at siksikan talaga kapag namimili.”“Your place is a mess then.”“Ho? Tagalog po, sir.”Huminto ito, masama ang tingin sa kanya. Napahinto rin siya, naguguluhan kung may nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan.“Wala akong oras mag-paliwanag sa lahat ng sinasabi ko, mag-aral ka ng ingles kung gusto mong tumagal sa pagta-trabaho sa ‘kin.”Yumuko siya. Bigla na naman siyang nakaramdam ng panliliit sa sarili. “Opo, sir.” Napapahiyang tugon niya.“Anong naiisip mong paraan kung paano ka mag-aaral?”Natigilan siya sa sumunod nitong tanong, nagsimula na ulit silang maglakad patungo sa destinasyon n

  • Pleasure me, Attorney   Chapter 4

    “Saan ka pupunta?"Huminto si Blaire sa akmang paglabas nang marinig ang baritonong boses ng kanyang amo, huminga muna siya ng malalim bago pumihit paharap dito."Mamimili po sana ng stock, sir." Sinalubong niya ang malamig na mga titig nito, para siyang naninigas sa tuwing nagtatama ang mga mata nila pero hindi rin niya gustong magpadaig dito.Tumingin ito sa orasang nakasabit sa wall clock saka muling binalik ang tingin sa kanya.“At this hour? At mukhang wala kang planong magpaalam sa akin?""Sir?" gulat na tugon niya. "Naisip ko lang po na lunch break naman, tapos ko na rin po ang mga kailangan kong gawin ngayong umaga."Pinasadahan siya nito ng tingin, bahagya pa siyang napaayos ng tayo dahil sa awkwardness na naramdaman."Looking like that?" Mahinang bulong nito na narinig pa rin niya, nakatayo kasi ito hindi kalayuan sa kanyang kinaroroonan. Pinili niyang huwag nalang mag-react, bukod sa hindi niya naintindihan ang ibig nitong sabihin ay mukhang ang sarili nito ang kausap at hi

  • Pleasure me, Attorney   Chapter 3

    Tahimik at maingat ang galaw ni Blaire habang naghahain ng pagkain sa mesa, ang boss niya kasing ubod sa sama ng ugali ay pinapanood siya at hinihintay matapos. "Tapos na po," mahinang imporma niya rito. "Sit," utos nito. Hindi siya agad nag-react sa pag-aakalang nabibingi lang siya. Tumingin ito sa kanya na para bang hinihintay ang sagot niya. "Ako po ba?" maang na tanong niya. "May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Inilibot nito ang tingin sa paligid pagkatapos ay ibinalik sa kanya. Seryoso ang mukha nito, kaya hindi niya sigurado kung nagti-trip na naman ba ito. Huminga siya ng malalim para manatiling kalmado, kahit kasi ang pagtatanong nito ay sarkastiko. "Wala po, pero..." "Sit means maupo ka, simpleng english lang ‘yon. Hindi mo rin maintindihan?" Kumuyom ang kamao niya, paulit-ulit pinapaalala sa sariling magtimpi dahil hawak nito ang kapalaran niya. "Naintindihan ko po, sir. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pinapaupo niyo ako." "Ah. Para kainin ang mga pagka

  • Pleasure me, Attorney   Chapter 2

    Ihinarang ni Elion ang isang kamay sa kanyang mukha nang maramdaman ang mainit na sikat ng araw, kumirot ang sintido niya dahil sa biglaang paggising. Nang makabawi sa pagkasilaw ay saka pa lamang niya tinignan ang nangyayari.“What the hell are you doing in my room?!” Pagalit na saad niya nang mamataan si Blaire na nakatayo sa gilid ng wideview window at inililihis ang kurtinang nagsisilbing pananggalang niya sa labas.Bahagyang napatalon ang dalaga sa gulat at natitigilang pumihit paharap sa kanya. Kunot na kunot ang noo niya sa magkahalong inis at sakit ng ulo.“Ano ang ginagawa mo sa loob ng silid ko?” Nauubusan ng pasensyang ulit niya sa tanong nang maalalang hindi siya nito naiintindihan.“Alas syete na po ng umaga, sir.”Lalong sumama ang timpla niya sa narinig na sagot nito. “Hindi ko tinanong ang oras, ang sabi ko ay anong ginagawa mo sa silid ko?” Hinilot niya ang sintido dahil parang mas lumala pa ang pagsakit no’n.“Tanghali na po?”Tumaas ang isang kilay niya, hindi makap

  • Pleasure me, Attorney   Chapter 1

    Malakas na hampas ng gavel ang pumailanlang sa apat na sulok ng court matapos ang hearing na naganap nang araw na iyon.“The court hereby declares that the defendant of the offense is guilty beyond unreasonable doubt.”Inayos ni Elion ang itim na coat nang marinig ang final verdict ng kasong hawak niya, muli ay nagtagumpay siyang ipanalo ang isa na namang kaso.“Court adjourned.”Tinanguhan niya lang ang kanyang kliyente at ang nagpupunyaging pamilya nito, panay ang pasasalamat ng mga ito sa kanya. Ngunit para sa kanya ay normal na lamang iyon, kahit kailan ay wala pa siyang kasong hinawakan na natalo siya. Palagi siyang handa sa tuwing sumasabak sa gyera.Nagpakawala siya nang malalim na hininga nang makarating sa office nila, bahagya niyang niluwagan ang necktie at nagtungo sa vending machine para kumuha ng malamig na beer. Hindi pa man siya nakakaupo ay biglang bumukas ang pinto ng opisina ng CEO, agad siyang napaayos ng tayo at binati ito.“How’s the trial?” tanong nito. Sinenyas

  • Pleasure me, Attorney   Prologue

    Maulan na hapon ng Sabado. Nakaupo si Blaire sa puntod ng kanyang anak, hindi pa rin nauubos ang kanyang luha. "Blaire, let's go." Aya ni Elion, lumapit ito sa asawa at pinipilit itong tumayo. "Ayoko, mauna kana. Dito lang ako sa tabi ng anak ko." Mariing pagtanggi ni Blaire, mas nagpabigat pa nang subukan ni Elion na itayo siya. "Wala na ang anak natin, Blaire. Kailangan mo na siyang pakawalan." Tagos sa puso ni Blaire ang narinig, doble pa dahil mula iyon kay Elion. Sa lalaking isa sa mga naging dahilan kung bakit nawala ang anak niya. "Sinabi ko nang ayoko eh!" Sigaw ni Blaire, malakas na hinawi niya ang kamay ng asawa. "Blaire," bulalas ni Elion. Naupo ito sa tabi ni Blaire, nangungusap ang mga mata. "Bakit ba nandito ka pa, Elion? Wala ka bang trabaho? Hindi ba't mas kailangan ka ng trabaho mo kaysa namin ng anak mo?" Hindi nakaimik si Elion. Naupo siya sa harap ni Blaire, napapagitnaan nila ang puntod ng kanilang anak. "Ilang beses akong tumawag, lahat napupunta sa misse

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status