LOGIN"Once a sparkling romance, faded in due time trials. With both tied in the defensive line, who will step up to take the blame?" ✯✯✯✯✯✯ Attorney Elion Carter Dimitri is a force to be reckoned with; he never loses a trial and always has a vital aspect to win, regardless of the circumstances. Nagbago lamang ang lahat nang makilala niya si Blaire, ang babaeng bumali ng mga paniniwala at pananaw niya sa buhay. Ngunit ito rin pala ang magpaparanas sa kanya kung paano matalo, ang kauna-unahan niyang talo ay labis na dumurog sa kanya. He wants to fix his mistake and undo the past, but he is conflicted. With his career, desire, and hearts on the line, he has to abandon one to grasp the other. Ano ang bibitiwan at isusuko niya? Can he set aside love for his long-awaited dreams or will he choose his heart this time?
View MoreHawak ni Blaire nang mahigpit ang kamay ni Elion. Halos hindi niya ito matignan sa mata, kung maari lang siyang tumalikod ay ginawa niya na.
Malamlam ang ngiting sumilay sa labi ni Elion, naroon pa rin ang dating init at pagmamahal sa asawa, pero mas malalim na sakit ang binabaon no’n sa puso ni Blaire.
“Don’t cry, Blaire. Wala kang ginawang mali, wala kang pagkukulang sa akin. Minahal mo ako ng sobra pa sa deserve ko, kaya lang patawarin mo ako kasi hindi ko na magagawang suklian pa yun.”
Umiling ako. Idinikit ko ang palad ni Elion sa pisngi ko, ramdam ko ang init mula doon na bahagyang nagpapakalma sa puso ko.
“We still have a chance. Babawi tayo sa isa’t isa, Elion. Hindi tayo magpapatalo sa pagsubok na ‘to.”
“Blaire,” mahinang anas ni Elion. Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito habang tinitingnan si Blaire na hindi pa rin nawawala ang pag-asa sa mga mata.
“Lalaban tayo, Elion. Gaya nang kung paano mo ipinapanalo ang mga kasong hinahawakan mo, basic lang ‘to sa iyo, okay?” Nanginginig ang boses ni Blaire, “tell me…Elion. Please tell me.” Pagmamakaawa niya.
Hindi umimik si Elion, tanging halik sa noo ni Blaire ang kaya nitong isagot sa ngayon.
“Promise me, Blaire.” Usal ni Elion, bahagyang kinakapos ng hininga. “Promise me na hahanapin mo ang kapatawaran d’yan sa puso mo.”
Mabilis na tumango si Blaire.
“Matagal na kitang napatawad, Elion.”
“Walang kapatawaran ang nagawa ko sa ‘yo, Blaire. Hanggang ngayon nandito pa rin yung guilt sa puso ko, hanggang ngayon pakiramdam ko ay hindi pa rin ako nakakabawi sa iyo. Ayoko pa sanang umalis, ayoko pang iwan ka. Kasi kailangan ko pang itama ang pagkakamali ko, kailangan ko pang punan ang mga pagkukulang ko. Kaya lang…” Suminghap si Elion.
“Hindi! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na may chance pa tayo, marami pa tayong oras para bumawi sa isa’t isa.” Putol ni Blaire sa iba pang sasabihin ni Elion.
“Excuse me, ma’am, sir. Oras na po para umalis.”
Sabay na napatingin si Blaire at Elion sa attendant na lumapit sa kanila. Tumayo si Blaire mula sa pagkakaupo, inayos nito ang coat ni Elion na bahagyang nagulo.
“Mag-iingat ka sa byahe. Hihintayin ko ang pagbabalik mo, wala akong pakialam kahit gaano katagal. Basta bumalik ka sa akin, Elion.”
Hinuli ni Elion ang dalawang kamay ni Blaire na nanlalamig. Tumingin ito sa mata ni Blaire.
“Alagaan mo yang baby natin na nasa tiyan mo. He will be my substitute while I’m gone.”
Pinahid ni Blaire ang luhang naglandas sa pisngi niya.
“I promise. Hindi ko na hahayaang mawala ulit ang anak natin, pero mangako ka rin na hindi mo kami iiwan.”
Huminga ng malalim si Elion.
“Hindi ko kayo iiwan. Kahit nasaan man ako, palagi niyo akong kasama.”
Nagyakap ng mahigpit ang dalawa. Yakap na halos ayaw pakawalan ang isa’t isa, nakabaon sa puso’t isipan nila na baka kapag bumitaw sila sa yakap na yun ay maging iyon ang last. Na baka kapag nag-hiwalay sila, hindi na sila mabigyan ng pangalawang pagkakataon para magkita ulit.
“Babalik ka ha, babalik ka.” Hindi na napigilan ni Blaire ang maiyak, kanina pa niyang pinipigilan. Ang buong akala niya ay kaya niyang magpigil hanggang makaalis ng tuluyan si Elion, pero ngayon palang para nang pinipiga ang puso niya at nahihirapan siyang huminga.
“Stop crying. Baka hindi na ako umalis niyan.” Pagpapakalma ni Elion kay Blaire. Pilit nitong pinapatatag ang loob kahit hinang hina na ang katawan.
Kumalas sa pagkakayakap dito si Blaire. Pilit na ngumiti kay Elion.
“Sige na. Baka hindi pa kita paalisin kapag nagtagal ka.”
“Magiging okay ka lang ba pag-alis ko? Tell me, Blaire.” Seryoso at may diing tanong ni Elion.
“Oo naman. Kakayanin ko, Elion. Basta kayanin mo rin, tandaan mo palaging kailangan mong bumalik sa amin.”
Nahihirapan man ay pinilit ni Elion na ibigay kay Blaire ang nakagawian nitong ngiti niya. His warmest smile na tanging kay Blaire niya lang ibinibigay kahit noon pa.
“I love you, Blaire. Kahit pa bumalik ang oras at mabigyan tayo ng pangalawang pagkakataon ulit, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko.”
“Mahal din kita, Elion. Wala akong pinagsisisihan sa pagsasama natin, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko kahit pagbali-baliktarin ang mundo.”
Mahigpit na nakakuyom ang kamao ni Blaire habang pinapanood ang papalayong bulto ni Elion kasama ang attendant nito. Huminga siya ng malalim para hindi ulit mapahagulhol sa iyak. Naniniwala siyang hindi pa ito ang huli nilang pagkikita, maghihintay siya kahit gaano katagal, kahit saang lugar at panahon. Babalik ito, babalikan sila ng anak niya.
Parang nawawalang bata na nagpaikot-ikot si Blaire, pinagmamasdan ang malaking mall na kinaroroonan nila ni Elion.“Will you sto— pwede bang itigil mo ‘yang pag-ikot ikot na ginagawa mo.” Suway sa kanya ni Elion, napasimangot naman siya. Nagsusungit na naman ito.“Ang laki at ang ganda po kasi ng lugar na ‘to, sir.”“Wala bang mall sa lugar niyo?”“May maliliit po, pero sobrang punuan ng mga gamit at siksikan talaga kapag namimili.”“Your place is a mess then.”“Ho? Tagalog po, sir.”Huminto ito, masama ang tingin sa kanya. Napahinto rin siya, naguguluhan kung may nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan.“Wala akong oras mag-paliwanag sa lahat ng sinasabi ko, mag-aral ka ng ingles kung gusto mong tumagal sa pagta-trabaho sa ‘kin.”Yumuko siya. Bigla na naman siyang nakaramdam ng panliliit sa sarili. “Opo, sir.” Napapahiyang tugon niya.“Anong naiisip mong paraan kung paano ka mag-aaral?”Natigilan siya sa sumunod nitong tanong, nagsimula na ulit silang maglakad patungo sa destinasyon n
“Saan ka pupunta?"Huminto si Blaire sa akmang paglabas nang marinig ang baritonong boses ng kanyang amo, huminga muna siya ng malalim bago pumihit paharap dito."Mamimili po sana ng stock, sir." Sinalubong niya ang malamig na mga titig nito, para siyang naninigas sa tuwing nagtatama ang mga mata nila pero hindi rin niya gustong magpadaig dito.Tumingin ito sa orasang nakasabit sa wall clock saka muling binalik ang tingin sa kanya.“At this hour? At mukhang wala kang planong magpaalam sa akin?""Sir?" gulat na tugon niya. "Naisip ko lang po na lunch break naman, tapos ko na rin po ang mga kailangan kong gawin ngayong umaga."Pinasadahan siya nito ng tingin, bahagya pa siyang napaayos ng tayo dahil sa awkwardness na naramdaman."Looking like that?" Mahinang bulong nito na narinig pa rin niya, nakatayo kasi ito hindi kalayuan sa kanyang kinaroroonan. Pinili niyang huwag nalang mag-react, bukod sa hindi niya naintindihan ang ibig nitong sabihin ay mukhang ang sarili nito ang kausap at hi
Tahimik at maingat ang galaw ni Blaire habang naghahain ng pagkain sa mesa, ang boss niya kasing ubod sa sama ng ugali ay pinapanood siya at hinihintay matapos. "Tapos na po," mahinang imporma niya rito. "Sit," utos nito. Hindi siya agad nag-react sa pag-aakalang nabibingi lang siya. Tumingin ito sa kanya na para bang hinihintay ang sagot niya. "Ako po ba?" maang na tanong niya. "May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Inilibot nito ang tingin sa paligid pagkatapos ay ibinalik sa kanya. Seryoso ang mukha nito, kaya hindi niya sigurado kung nagti-trip na naman ba ito. Huminga siya ng malalim para manatiling kalmado, kahit kasi ang pagtatanong nito ay sarkastiko. "Wala po, pero..." "Sit means maupo ka, simpleng english lang ‘yon. Hindi mo rin maintindihan?" Kumuyom ang kamao niya, paulit-ulit pinapaalala sa sariling magtimpi dahil hawak nito ang kapalaran niya. "Naintindihan ko po, sir. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pinapaupo niyo ako." "Ah. Para kainin ang mga pagka
Ihinarang ni Elion ang isang kamay sa kanyang mukha nang maramdaman ang mainit na sikat ng araw, kumirot ang sintido niya dahil sa biglaang paggising. Nang makabawi sa pagkasilaw ay saka pa lamang niya tinignan ang nangyayari.“What the hell are you doing in my room?!” Pagalit na saad niya nang mamataan si Blaire na nakatayo sa gilid ng wideview window at inililihis ang kurtinang nagsisilbing pananggalang niya sa labas.Bahagyang napatalon ang dalaga sa gulat at natitigilang pumihit paharap sa kanya. Kunot na kunot ang noo niya sa magkahalong inis at sakit ng ulo.“Ano ang ginagawa mo sa loob ng silid ko?” Nauubusan ng pasensyang ulit niya sa tanong nang maalalang hindi siya nito naiintindihan.“Alas syete na po ng umaga, sir.”Lalong sumama ang timpla niya sa narinig na sagot nito. “Hindi ko tinanong ang oras, ang sabi ko ay anong ginagawa mo sa silid ko?” Hinilot niya ang sintido dahil parang mas lumala pa ang pagsakit no’n.“Tanghali na po?”Tumaas ang isang kilay niya, hindi makap












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore