MasukPagkatapos ng pag-aaral sa isang sikat na unibersidad sa Amerika, bumalik si Aricella Vermillion sa Pilipinas para magbukas ng isang financial company kasama ang kanyang matalik na kaibigan. Siya ay parehong shareholder at direktor. Siya ay kinidnap noong isang taon at iniligtas ni Igneel Mauro, isang pulubi. Upang mabayaran ang kanyang kabaitan ni Igneel, inalok niya si Igneel na maging asawa niya. - Ang tagapagmana ng pamilyang Rubinacci ay pinaalis sa pamilya 10 taon na ang nakakaraan para sa isang pagsubok na ibinigay ng pamilya. Naging pulubi sa loob ng 9 na taon sa ilalim ng interbensyon ng pamilya hanggang natagumpayan niya ang pagsubok. Matapos siyang mailigtas ay pumasok siya sa buhay ni Aricella at naging manugang ng pamilya ni Aricella. Ano nga bang mangyayari sa buhay ni Igneel sa puder ng bagong pamilya o pamilya nga ba ang turing sa kanya? Alamin ang kuwento ni Igneel at ni Aricella .
Lihat lebih banyak"I-igneel...." mahinang hikbi ni Lienne sa kabilang linya.Agad namang bumangon si Igneel mula sa pagkahiga niya, at tila nagising ang kanyang diwa nang marinig ang hikbi ni Lienne. "Anong problema? Si Karlo, nasaan na?" nag-aalalang tanong ni Igneel."Si Karlo...hindi na siya gumigising, Igneel. Hindi ko kaya...tinawagan ko na rin sila Itay para pumunta rito pero bukas pa. Hindi ko kaya, Igneel...puntahan mo ako please." Tuluyan nang umiyak si Lienne. Agad namang tumayo si Igneel mula sa kanyang kama at nagmamadaling lumabas. "Papunta na ako," sabi niya at binabaan ng tawag si Lienne. Wala siyang ibang iniisip ngayon kundi ang tulongan si Karlo at si Lienne. Iyon ang dahilan kung bakit siya nahuli sa pagsundo kay Aricella. Tumawag si Lienn sa kanya at humingo ng tulong para kay Karlo. Dahil nang umuwi si Lienne sa apartment nila, hindi pa lang siya nakakapasok sa loob ay nakita niya na ang kanyang kapatid na si Karlo na dugoan sa labas at walang malay. May tama ito sa tyan niya. At
Nang buksan ni Aricella ang pintuan, bumungad sa kanya ang mukha ng kanyang Uncle, ang kapatid ng kanyang ina kasama ang mga kasamahan niya na gustong bumisita kay Arman, ang ama ni Aricella. Nakita ng uncle at ng mga kasama nito na wala si Igneel kaya nagsimula nila itong insultuhin, pinagtawanan na para bang wala lang sa kanila kung gaano nila insultuhin si Igneel. Nakikitawa rin ang ina ni Aricella dahil iniisip niya na tama lang kay Igneel na makatanggap ng insulto, meron man siya o wala. Pero natigil lang din sila nang pumasok bigla si Igneel sa loob ng kwarto. Nabigla ang uncle ni Aricella kaya naman para hindi siya mapahiya, lumakas ang boses niya at tinanong si Igneel. “Sino ka para magbukas agad ng pintuan na hindi kumakatok, hindi ka mayaman tulad namin kaya matuto kang rumespeto! Galing ka nanga sa kalye, ang ugali mo ay asal kalye din!” galit na turan ng Uncle ni Aricella. Sumabay din sa pang-iinsulto ang ibang kasama ng uncle ni Aricella na mga kamag-anak lang din nila.
Habang hinahabol ni Igneel si Aricella kanina ay hindi niya maiwasan na mag-alala. Hindi siya sanay na makitang nagagalit si Aricella. Pero naabutan niya rin naman si Aricella sa paglalakad at ngayon ay magkasama na silang dalawa. Tahimik silang nasa loob ng kotse ni Igneel, habang nasa back seat naman ang dalang pagkain ni Aricella. "Hey," tawag ni Igneel. Hindi pa rin nagsasalita si Aricella dahil hanggang ngayon ay pinapakalma niya pa rin ang sarili niya. Alam niyang hindi siya nakapag timpi sa ginawa niya kanina kay Kristine, pero kung tutuosin ay para sa kanya kalmado pa iyon dahil sinasabi niya lang naman ang gusto niyang sabihin kay Kristine, hindi niya ito sinakyan pisikal. Naiinis lang siya dahil ang kapal ng mukha ni Kristine para sabihin iyon sa mismong harap niya, na para bang hindi gugustuhin ni Kristine magbigay ng respeto kay Aricella. Lalo na kung hindi naman sila magkakilala talaga personally. "I'm sorry for what happened earlier," mahinang sabi ni Igneel. Hinawakan
“Totoo ba ang nalaman ko? Magkasama na ulit kayo ng asawa mo?” Iyan ang bungad na tanong ni Senior Elias kay Igneel nang makarating siya sa palasyo. “Yes, Senior.” Seryoso niyang sagot at umupo na sa pwesto niya. Nakatingin sa kanya ang lahat ng pinsan niya na pinatawag din ng kanilang Lolo. Hindi nila alam kung ano ang rason kung bakit sila pinapatawag,“Mabuti naman na nandito na kayong lahat,” panimula ng kanilang Lolo nang maka-upo siya sa kanyang pwesto. Tinignan niya isa-isa ang mga apo niya na kasali sa ginawa niyang paligsahan na kung sino ang unang makakabigay sa kanya ng bagong tagapag mana. “Kumusta ang pinapagawa ko sainyo?” tanong niya. Tahimik lang si Igneel at ibang mga pinsan niya na walang pakialam sa ginawang laro ng senior. Kaya nagtataka sila kung bakit pa ba sila pinatawag sa mansyon kung alam naman na ni Senior Elias na hindi sila interesado sa gusto nitong mangyari. “May ipapakilala na ako sainyo, Senior.” Lahat ay bumaling sa nagsalita na si Laurence, natah












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Peringkat
Ulasan-ulasanLebih banyak