Share

Chapter 5

Author: Nayeon Ink
last update Last Updated: 2025-12-13 19:30:44

Parang nawawalang bata na nagpaikot-ikot si Blaire, pinagmamasdan ang malaking mall na kinaroroonan nila ni Elion.

“Will you sto— pwede bang itigil mo ‘yang pag-ikot ikot na ginagawa mo.” Suway sa kanya ni Elion, napasimangot naman siya. Nagsusungit na naman ito.

“Ang laki at ang ganda po kasi ng lugar na ‘to, sir.”

“Wala bang mall sa lugar niyo?”

“May maliliit po, pero sobrang punuan ng mga gamit at siksikan talaga kapag namimili.”

“Your place is a mess then.”

“Ho? Tagalog po, sir.”

Huminto ito, masama ang tingin sa kanya. Napahinto rin siya, naguguluhan kung may nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan.

“Wala akong oras mag-paliwanag sa lahat ng sinasabi ko, mag-aral ka ng ingles kung gusto mong tumagal sa pagta-trabaho sa ‘kin.”

Yumuko siya. Bigla na naman siyang nakaramdam ng panliliit sa sarili. “Opo, sir.” Napapahiyang tugon niya.

“Anong naiisip mong paraan kung paano ka mag-aaral?”

Natigilan siya sa sumunod nitong tanong, nagsimula na ulit silang maglakad patungo sa destinasyon nila.

“Ang totoo ay wala pa po akong naiisip, mahirap din kasing mag-isip habang naglalakad. Hindi po kaya ng utak ko ‘yon.”

Huminga ito ng malalim, para itong nai-stress sa isang bagay na labis na pinagtataka ni Blaire.

“Ako ang magtuturo sa ‘yo,” deklara nito.

Nanlaki ang mata ni Blaire, mabilis siyang naglakad at humarang sa harapan ni Elion. Napilitan namang tumigil sa paglalakad ang huli dahil sa ginawa niya.

“Gagawin mo ‘yon, sir?” Ang isipin palang na tinuturuan siya nito ng english ay nakakatakot na para kay Blaire, naglalaro sa kanyang imahinasyon ang minu-minuto nitong pagsigaw kapag nahihirapan siyang makuha ang mga tinuturo nito. Nakakapanginig ng balahibo. Ngunit may parte ng puso niya na masaya, hindi makapaghintay na matuto ng ibang lenggwahe, hindi dahil gusto niyang si Elion ang magtuturo sa kanya. Sa halip ay masaya siya dahil pangarap niya noon pang makapagtapos ng kolehiyo at matutong mag-ingles, ang kaso ay sa hirap ng buhay, wala silang pribelihiyo na magawa ang mga gusto nila.

“Ayaw mo ba?”

Mabilis na umiling si Blaire.

“Maraming salamat po,” iniyuko pa nito ng bahagya ang kanyang ulo upang ipabatid dito ang pasasalamat. Masiglang naglakad na siyang muli, sumunod naman sa kanya ang lalaki.

Lingid sa kaalaman ni Blaire ay ang umalpas na ngiti sa mga labi ni Elion habang hindi siya nakatingin. Somehow Elion feels lighter than usual, parang may kakaibang hatid na saya ang babae. Iyon nga lang ay madalas din itong nakakaramdam ng stress dahil kailangan niyang mag-adjust para lang magkaintindihan sila.

Nang makarating sila sa supermarket, panay ang ikot at pabalik-balik na paglalakad ni Blaire, isa-isa nitong nilalapitan at chine-check ang mga estante kung nasaan ang mga bilihin. Gusto itong suwayin ni Elion, ngunit minabuti nitong hayaan nalang ang dalaga. Kahit na medyo nakakatawag na sila ng atensyon, ang iba ay naguguluhan sa inaakto ni Blaire, habang ang iba ay natatawa. But Elion didn't mind, he wanted Blaire to get used to that place, para hindi niya na kailangang sumama sa tuwing mamimili ito. Isa pa naman sa pinaka-mabilis umubos ng kanyang pasensya ay ang pamimili.

“Sir, ano pong unang bibilhin natin?” Baling ni Blaire kay Elion, nagtataka kasi siya kung bakit kanina pa silang nag-iikot ay wala pa rin silang binibili.

“Tapos kana ba sa pag-i-stroll?”

Napakurap siya. May tanong na naglalaro sa kanyang isipan, kaya ba hindi pa sila nagsisimulang mamili ay dahil hinihintay siya nitong maging pamilyar sa lugar? Nakakapanibago kung ganoon ang totoong rason para kay Blaire, kasi sigurado siyang walang konsiderasyon ang among nakilala niya.

“Opo, sir. Pasensya na po.” Minabuti niyang humingi nalang ng paumanhin, kahit papaano ay nakaubos din siya ng time sa sobrang engganyo sa lugar.

“Hayaan mo na ‘yon. Bili muna tayo ng mga pang-ulam, ayoko ng mga stocks na pinagpilian na.” Kahit dati pa ay palaging inuuna ni Elion ang pamimili ng mga pang-ulam, lalo na ang mga isda, gulay at karne, madalas kasi ay maraming bumibili doon at hinahalungkat ang bawat ilalim sa paghahanap ng quality na gusto nila. Ang kaso ay kawawa naman ang mga huling bumibili, puro mga medium goods nalang ang makukuha. Kaya hangga't maari ay inuuna nito ang mamili ng pang-ulam. Sa mga packed goods and condiments naman ay pare-pareho lang ang quality, unlike sa mga fresh goods na mayroong malaking difference.

“Anong mga gusto mong ulamin?” tanong ni Elion kay Blaire nang makarating sila sa meat section.

“Sir? Wala ho akong pera pambili ng mga ‘yan, ang mamahal.” Gusto nalang maluha ni Blaire nang makita ang presyo ng mga karne na naka-display sa meat section, doble at ang iba ay triple ang tinaas ng presyo sa palengke. Kahit isang klase lang ang bilhin niya ay siguradong wala ng matitira sa pera niya.

“Sagutin mo nalang ang tanong ko, hindi ako nag..." napamura si Elion dahil nahihirapang mag-formulate ng words sa tagalog. Nasanay kasi itong ingles ang palaging lenggwahe na ginagamit. “Hindi kita hinihingan ng pambili."

Nagtataka si Blaire dahil sa iba ang sinabi nito kumpara sa sinasabi nito bago ito huminto sa pagsasalita.

Lumunok siya at tumingin sa paligid, kung gusto lang ay marami siyang gustong matikman. Pero kung magiging praktikal siya, gusto niya nalang ay simpleng mga putahe. Ngunit dahil boss niya ang namimili at sinasamahan niya lang ito, malamang ay ang tinatanong nito'y hindi ang gusto niyang pagkain, sa halip ay kung ano ang kaya niyang lutuin. Marami naman siyang kayang lutuin dahil bata palang sila ng kanyang mga kapatid ay tinuruan na sila ng kanilang mga magulang sa gawaing bahay. Para kapag nakapag-asawa raw sila ay hindi sila mahihirapang mag-adjust, isama pang baka maliitin daw sila ng kanilang mga biyenan kapag kahit isang gawaing bahay ay wala silang alam. Trabaho raw ng babae ang pangalagaan ang tahanan at pagsilbihan ang kanilang pamilya, habang ang mga lalaki ang magta-trabaho at magbibigay ng mga pangangailangan nila.

“Hey, ano bang tumatakbo d‘yan sa maliit mong utak? Ang simple lang ng tanong ko, hindi rin ingles ‘yon, mahirap bang sagutin?”

Napukaw siya sa pag-iisip nang muling marinig ang boses ni Elion, mukhang napundi na naman niya ang pasensya nito. Masama na naman ang tabas ng dila at matalim ang mga tingin sa kanya. Kaya labis siyang naguguluhan, para itong kape na sala sa init, sala sa lamig. Minsan mabait, madalas nga lang ay suplado.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Pleasure me, Attorney   Chapter 5

    Parang nawawalang bata na nagpaikot-ikot si Blaire, pinagmamasdan ang malaking mall na kinaroroonan nila ni Elion.“Will you sto— pwede bang itigil mo ‘yang pag-ikot ikot na ginagawa mo.” Suway sa kanya ni Elion, napasimangot naman siya. Nagsusungit na naman ito.“Ang laki at ang ganda po kasi ng lugar na ‘to, sir.”“Wala bang mall sa lugar niyo?”“May maliliit po, pero sobrang punuan ng mga gamit at siksikan talaga kapag namimili.”“Your place is a mess then.”“Ho? Tagalog po, sir.”Huminto ito, masama ang tingin sa kanya. Napahinto rin siya, naguguluhan kung may nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan.“Wala akong oras mag-paliwanag sa lahat ng sinasabi ko, mag-aral ka ng ingles kung gusto mong tumagal sa pagta-trabaho sa ‘kin.”Yumuko siya. Bigla na naman siyang nakaramdam ng panliliit sa sarili. “Opo, sir.” Napapahiyang tugon niya.“Anong naiisip mong paraan kung paano ka mag-aaral?”Natigilan siya sa sumunod nitong tanong, nagsimula na ulit silang maglakad patungo sa destinasyon n

  • Pleasure me, Attorney   Chapter 4

    “Saan ka pupunta?"Huminto si Blaire sa akmang paglabas nang marinig ang baritonong boses ng kanyang amo, huminga muna siya ng malalim bago pumihit paharap dito."Mamimili po sana ng stock, sir." Sinalubong niya ang malamig na mga titig nito, para siyang naninigas sa tuwing nagtatama ang mga mata nila pero hindi rin niya gustong magpadaig dito.Tumingin ito sa orasang nakasabit sa wall clock saka muling binalik ang tingin sa kanya.“At this hour? At mukhang wala kang planong magpaalam sa akin?""Sir?" gulat na tugon niya. "Naisip ko lang po na lunch break naman, tapos ko na rin po ang mga kailangan kong gawin ngayong umaga."Pinasadahan siya nito ng tingin, bahagya pa siyang napaayos ng tayo dahil sa awkwardness na naramdaman."Looking like that?" Mahinang bulong nito na narinig pa rin niya, nakatayo kasi ito hindi kalayuan sa kanyang kinaroroonan. Pinili niyang huwag nalang mag-react, bukod sa hindi niya naintindihan ang ibig nitong sabihin ay mukhang ang sarili nito ang kausap at hi

  • Pleasure me, Attorney   Chapter 3

    Tahimik at maingat ang galaw ni Blaire habang naghahain ng pagkain sa mesa, ang boss niya kasing ubod sa sama ng ugali ay pinapanood siya at hinihintay matapos. "Tapos na po," mahinang imporma niya rito. "Sit," utos nito. Hindi siya agad nag-react sa pag-aakalang nabibingi lang siya. Tumingin ito sa kanya na para bang hinihintay ang sagot niya. "Ako po ba?" maang na tanong niya. "May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Inilibot nito ang tingin sa paligid pagkatapos ay ibinalik sa kanya. Seryoso ang mukha nito, kaya hindi niya sigurado kung nagti-trip na naman ba ito. Huminga siya ng malalim para manatiling kalmado, kahit kasi ang pagtatanong nito ay sarkastiko. "Wala po, pero..." "Sit means maupo ka, simpleng english lang ‘yon. Hindi mo rin maintindihan?" Kumuyom ang kamao niya, paulit-ulit pinapaalala sa sariling magtimpi dahil hawak nito ang kapalaran niya. "Naintindihan ko po, sir. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pinapaupo niyo ako." "Ah. Para kainin ang mga pagka

  • Pleasure me, Attorney   Chapter 2

    Ihinarang ni Elion ang isang kamay sa kanyang mukha nang maramdaman ang mainit na sikat ng araw, kumirot ang sintido niya dahil sa biglaang paggising. Nang makabawi sa pagkasilaw ay saka pa lamang niya tinignan ang nangyayari.“What the hell are you doing in my room?!” Pagalit na saad niya nang mamataan si Blaire na nakatayo sa gilid ng wideview window at inililihis ang kurtinang nagsisilbing pananggalang niya sa labas.Bahagyang napatalon ang dalaga sa gulat at natitigilang pumihit paharap sa kanya. Kunot na kunot ang noo niya sa magkahalong inis at sakit ng ulo.“Ano ang ginagawa mo sa loob ng silid ko?” Nauubusan ng pasensyang ulit niya sa tanong nang maalalang hindi siya nito naiintindihan.“Alas syete na po ng umaga, sir.”Lalong sumama ang timpla niya sa narinig na sagot nito. “Hindi ko tinanong ang oras, ang sabi ko ay anong ginagawa mo sa silid ko?” Hinilot niya ang sintido dahil parang mas lumala pa ang pagsakit no’n.“Tanghali na po?”Tumaas ang isang kilay niya, hindi makap

  • Pleasure me, Attorney   Chapter 1

    Malakas na hampas ng gavel ang pumailanlang sa apat na sulok ng court matapos ang hearing na naganap nang araw na iyon.“The court hereby declares that the defendant of the offense is guilty beyond unreasonable doubt.”Inayos ni Elion ang itim na coat nang marinig ang final verdict ng kasong hawak niya, muli ay nagtagumpay siyang ipanalo ang isa na namang kaso.“Court adjourned.”Tinanguhan niya lang ang kanyang kliyente at ang nagpupunyaging pamilya nito, panay ang pasasalamat ng mga ito sa kanya. Ngunit para sa kanya ay normal na lamang iyon, kahit kailan ay wala pa siyang kasong hinawakan na natalo siya. Palagi siyang handa sa tuwing sumasabak sa gyera.Nagpakawala siya nang malalim na hininga nang makarating sa office nila, bahagya niyang niluwagan ang necktie at nagtungo sa vending machine para kumuha ng malamig na beer. Hindi pa man siya nakakaupo ay biglang bumukas ang pinto ng opisina ng CEO, agad siyang napaayos ng tayo at binati ito.“How’s the trial?” tanong nito. Sinenyas

  • Pleasure me, Attorney   Prologue

    Lost in the clouds of thoughts, walking in an endless void.Hindi na alam ni Blaire kung gaano na kalayo ang nalalakad niya, basta nalang siyang nagpadala sa agos at kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Malamig ang simoy ng hanging dumadampi sa kanyang balat, ang malamig na tubig ay paminsan-minsang humahagod sa naninigas niyang talampakan, habang ang anino niya ay unti-unting kinakain ng kadiliman.“Blaire!”Huminto siya nang marinig ang kanyang pangalan, blangko ang ekspresyong nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Mula sa hindi kalayuan ay may isang lalaki na humahangos, tila napakalayo ng tinakbo nito para lang maabutan siya.“You’re late…” mahinang usal niya. Napakagaan ng mga salita niyang tila inilipad lang ng malakas na hangin, “...again.” Hindi niya alintana ang ilang hibla ng kanyang buhok na nililipad sa kanyang maamong mukha.“I-I’m sorry,” namamaos ang boses nito. Naglakad ito palapit sa kanya, hindi siya gumalaw o nagkaroon ng ibang reaksyon. Pinanood niya la

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status