LOGIN"Sa mundo ng kasalanan, hindi lahat ng mga nagbebenta ng laman ay mga taong nawalan ng puso, at hindi rin lahat ng mayayaman ay kayang bilhin ang kapatawaran." Si Sandra Asuncion, ay isang babaeng ipinanganak sa marangyang pamilya at busog sa pagmamahal, ngunit natuldukan ito nang mangyari ang isang hindi inaasahan na massacre sa kaniyang buong pamilya. Nang mangyari iyon ay nawala sa kaniya ang lahat at napilitang siyang ibenta ang sarili para mabuhay. Sa mga gabi ng mga halakhakan, alak, at kasalanan, naging tanyag siya bilang “Ang Babaeng May Mabentang Laman.” Ngunit sa likod ng mga halik na walang saysay, isang gabi ang nagpabago sa lahat. Ang gabi na nakilala niya si Zaniel Arthur Mercer, isang multi-billionaire na kayang bilhin ang lahat lalong-lalo na ang laman ni Sandra. Ang dapat sana’y isang gabi ng bayaran ay nauwi sa paulit-ulit na pagkikita, hanggang sa ang pagkahumaling ay nauwi sa pag-ibig. Ngunit paano mo mamahalin ang lalaking nagmula sa pamilyang nagpapatay sa buong angkan mo? Sa pagitan ng init ng katawan at pagmamahal, paghihiganti at kapatawaran, kailangang pumili ni Sandra. Ang ipaglaban ang lalaking minahal niya, o ang kaluluwang matagal nang winasak ng mga Mercer? Dahil sa mundong ginagalawan nila, walang kasiguraduhan kung alin ang mas masakit para kay Sandra: Ang maging isang prostitute na patuloy na niyuyurakan ng karamihan? O, ang mahalin ang taong may dugong nananalaytay mula sa mga taong dahilan ng kaniyang matagal nang paghihirap? Isang madilim, mainit, at mapusok na kwento ng pag-ibig, kasalanan, at pagtubos. Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo, para sa pag-ibig na hindi mo kailanman inaasahan na darating upang mas lalo lamang na palalain ang iyong sitwasyon?
View MoreAbala ang lahat sa loob ng Cafe dahil pasado alas siyete pa lamang ng umaga. Nakasuot ako ng simpleng white dress at itim na flat shoes habang nakalugay ang mahaba at wavy kong buhok. Wala akong kahit na anong make up, kahit man lang kaonting lipstick ay hindi ako naglagay.
Malamig ang aking mga palad habang mahigpit na nakakapit sa sling ng aking itim na bag na nakapatong sa marble table, katabi nito ang kapeng bago lamang i-sinerve at ensaymada na hindi tinipid sa cheese at kalamay. Nakaharap ako sa isang sopistikang babae na sa tansya kos nasa edad singkwenta pataas. May suot siyang mga mamahaling mga alahas, damit mula sa kilalang brand, at kutis na kahit hindi nadadampian ng ilaw ay sadyang kumikinang dahil sa kapusyawan. Kahit na may edad na ay halata na magandang-maganda ito. Napayuko ako nang suyurin niya ang aking kabuuan at muling tumingin sa akin. Bago siya nagsimulang magsalita ay sumimsim siya sa tsaa at saka marahan iyong inalapag. Elegante-elegante at sobrang sosyal nito. "So, you are Sandra?" mahinahon ang panimula ng tano ng kaniyang boses. "O-Opo, Sandra Asun—" hindi ko naggawang tapusin ang sana ay sasabihin ko nang magsalita siya. "I don't care about you," malumanay ang boses ngunit puno iyon ng 'di mapaliwanag na sarkasmo. "Let me get straight to the point, layuan mo ang anak ko." Sambit niya at tumingin sa akin. Napayuko ako nang mapagtantong ang tinutukoy niya ay si Arthur. Ang lalaking tanging nagparamdam sa akin na kamahal-mahal ako sa kabila ng aking mga pinagdaanan at uri ng trabaho. "H-Hindi k-ko... Hindi ko po magagawa iyan, ma'am... Mahal ko po ang anak ninyo." Sagot ko at diretsong napatingin sa kaniya. Mahinang siyang tumawa na puno ng sarkasmo. Puno ng panliliit habang patuloy na sinusuyod ang aking kabuuan. "Arthur is a gem and you are trash... Hindi kayo bagay, hija... Arthur will be handling our company sooner and I don't want him to be with a woman like you... Walang inang maghahangad na makapangasawa ng isang p*kpok ang kanilang anak, naiintindihan mo naman ako, hindi ba?" malumanay pa rin ang kaniyang boses. Hindi ako nakasagot sapagkat, sa mga oras na iyon ay ramdam ko ang kirot at bigat ng aking puso. "I want you to leave this place and never come back again... I don't want you to ruin my son's future life... And magkamatayan man, hinding-hindi kita matatanggap." Sambit niya at sumimsim ulit sa kaniyang tasa. Nanatili akong tahimik habang siya ay naghihintay pa rin ng sagot ko. Nakayuko ako habang ramdam ang pangingilid ng aking mga luha. Alam na alam kong mangyayari ito. Mayaman at maayos na pinalaki ng mga magulang niya si Arthur at ako? Isang hamak na ulila na kumapit sa patalim upang pag-aralin at buhayin ang sarili. Kailanman ay hindi ko ginusto ang aking trabaho, ngunit hindi ko rin maipagkakailang malaki ang kitaan at nakakatulong itong tunay sa akin. "Have this and leave this town... I think this is enough to cover your expenses for three years." Inabot niya sa akin ang isang tseke at muntik nang mahulog ang aking panga nang makitang tumatagaktak na twenty-million pesos iyon. "You can start a business or go abroad... Just don't let your foot take a step in here again... I know, Arthur will forget you eventually," dagdag niya. Kumirot ang aking dibdib nang marinig ang sinabi niyang iyon. Nag-angat ako ng mukha at masama siyang tinitigan. Sa kaniyang mismong harapan ay pinunit ko iyon dahilan upang mapangisi siya ng sarkastiko at taasan ako ng kilay. "Hinding-hindi ko tatanggapin iyan, ma'am... Mahal na mahal ko si Arthur at handa akong magbago para maging karapat-dapat ako para sa kaniya." Sambit ko. Tumayo siya at isang malutong na sampal ang natanggap ko dahilan upang magtinginan ang mga barista at ibang staffs ng Cafe na iniistaran namin. Parang walang nangyari na yumuko siya at kinuha ang kaniyang mamahaling bag at muli akong tinignan na nakahawak pa rin sa aking kaliwang pisngi. "Ang lakas ng loob mong magsalita nang ganiyan, nakikita mo ba ang sarili mo?" puno ng diin na sambit niya. "Madumi ka pa sa basahan at ang kaluluwa mo, kahit na hindi pa man nahihiwalay sa katawan mo'y nasusunog na sa impyerno at ito ang tatandaan mo, hinding-hindi ka nababagay sa anak ko." dagdag niya at nagmadaling umalis ng Cafe. Kasabay ng paglabas niya ang siya ring pagbuhos ng napakalakas na ulan na sinundan na malakas na ihip ng hangin. Hindi ko alintana sa mga oras na iyon ang malakas na buhos nito nang dali-dali akong lumabas kahit basang-basa. Hindi ako sumakay ng kahit anong transportasyon at hinayaan lamang na mabasa ako ng ulan habang naglalakad ako pauwi ng club house. Natatawa ako sa katotohanang walang masama sa mga sinabi ng Mommy ni Arthur. Ako itong ambisyosa na pakiramdam ay magkasing-antas kami ng lalaking nasa kaniya na ang lahat ng magandang katangian. Nang makarating ako sa gate ng Rowen's Club House ay napansin ko ang isang pamilyar na sasakyang nakaparada sa labas. Nakita ko mula sa hindi tinted na glass window nito na papalabas pa lamang si Arthur. Nanatili akong nakatayo, ilang dipa lamang ang layo sa kaniya habang malayang tumutulo ang aking mga luha. Pasipol-sipol siya habang may hawak na bouquet of roses at saka malaking teddy bear. Napangiti ako nang maalalang pangalawang taon pala namin ngayon bilang magkasintahan. Nang humarap siya ay pinahid ko ang aking mga luha at ganoon na lamang ang kaniyang gulat nang makita ang aking itsura. "Baby, why are you here? Let's get—" hindi niya na naggawang tapusin ang sana ay sasabihin niya nang magsalita ako, puno ng diin at tila hindi ko kilala ang sarili ko sa mga oras na iyon. "Tapusin na natin ito, Arthur," walang emosyong sambit ko. Rumehistro ang gulat sa kaniyang mukha nang marinig ang aking sinabi. Parang sinasaksak ng ilang libo-libong kutsilyo ang aking puso nang makitang nagsisimula nang mangilid ang kaniyang mga luha. "Ano ba ang sinasabi mo, Sandra? Why are you doing this to me? May naggawa ba akong masama? Did I hurt you in a way that I don't know? Please tell me." Nabasag ang kaniyang boses nang sabihin iyon ngunit nanatili akong prente sa aking desisyon. Sinubukan niya akong hawakan, ngunit tinabig ko ang kaniyang kamay dahilan upang mas lalong rumehistro ang sakit sa kaniyang napakagwapong mukha. "P-Please, t-tell m-me, w-what d-did—" pinutol ko ulit ang kaniyang sinasabi sa pamamagitan nang mahinang pagtawa. "Alam mo, hindi ko nga alam kong bakit ako pumatol sa iyo eh! Napaka-dominante mo, napaka-demanding mo, minsa'y agresibo at palaging mainitin ang ulo. Napagtanto ko lang na hindi ako nababagay sa isang tulad mo kasi, simula nang maging tayo ay hindi ko na nagagawa ang mga gusto ko, wala na ring mga customers—" hindi ko natapos ang sana ay sasabihin ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Basang-basa na rin siya ng ulan at nagkakaputik na ang kaniyang leather shoes at gray pants. Naglandas ang kaniyang mga luha habang nakahawak sa aking mga kamay. "Magbabago na ako, please, huwag mo akong iwanan. Kahit na tumanggap ka ng customers gabi-gabi, kahit na bumalik ka ulit sa pakikipag-table ay okay lang, please." Humahagulhol siya. Tumingin ako sa gilid habang pigil na pigil sa aking mga luhang palandas na. Itinulak ko siya at tinapunan ng malamig na tingin. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Arthur? Hindi tayo bagay, naiitindihan mo ba? Madali akong manawa, lalong-lalo na kapag sa taong natikman ko na." Sagot ko habang sumisigaw. "I know there's a deep reason behind this, baby... Please tell me." Umiiyak siya habang yakap-yakap ako sa bewang. Punong-puno na ng putik ang kaniyang mga suot nang bumagsak siya sa putikan nang muli ko itong itulak. "Umalis ka na, Arthur. Tapos na tayo." Sambit ko at tinalikuran siya. Tumakbo siya at hinabol ako ng yakap, ngunit itinulak ko ulit siya. Kataka-takang agaran itong natumba dahil wala na itong lakas habang umiiyak. Agad kong isinara ang gate at pumasok sa pintuan sa likuran. Rinig na rinig ko pa ang pagkalampag niya ng gate dahilan upang kaladkarin siya ng mga security guards papaalis. "Sandra, baby!" Tawag niya sa akin na rinig na rinig sa likurang bahagi ng club. Impit na iyak ang aking ginawa habang basang-basa ang aking mga mata sa luha maging ang aking pisngi na namumula pa mula sa pagkakasampal ng mommy niya. "S-Sorry," tanging usal ko. Muntik akong mawalan ng balanse nang maglakad ako upang maupo sa upuang sira na sa likurang bahagi upang doon umiyak nang umiyak. Eksaktong abala ang lahat sa club at ang ibang kasama ko'y tulog pa. Kahit na nanginginig ay dali-dali akong tumakbo papunta sa aking kwarto at agad na nag-impake. Nang makalabas nang walang nakakapansin ay pumara ako ng taksi bitbit ang kakarampot na ipon ko sa pag-t-trabaho. Kanina pa nakaalis si Arthur kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makaalis. Kung ito ang mas nakakabuti sa amin ay gagawin ko. Kahit kamuhian niya ako sa ginawa kong pang-iiwan ay tatanggapin ko ang galit niya. Mahal na mahal ko siya na hindi ko kayang mabuhay siya kasama ako, habang nakakarinig ng magagaspang na salita mula sa ibang tao. Tama ang mommy niya, hinding-hindi kami nababagay sa isa't-isa.SANDRA'S POVRamdam ko ang tensyon sa loob, parang may mabigat na usok na bumabalot sa pagitan naming dalawa. Sinubukan kong ngumiti, pero hindi siya tumingin.“Arthur…” mahinahon kong tawag sa kaniya.Hindi siya sumagot, nakapako lang ang tingin sa daan. Kita ko ang pagkakakuyom ng kaniyang panga, at ang mga daliri niyang mariing nakahawak sa manibela.“Hindi ko alam na magagalit ka nang ganito,” mahinang sabi ko. “Kaibigan ko lang si Kaydie, Niyaya niya ako kanina—"“Kaibigan?” mabilis niyang putol, malamig pa rin ang tono. “Kaibigan na hinahawakan ka sa braso habang naglalakad sa kalsada?”Napatigil ako. Napalunok. “Arthur, hindi gano’n ‘yon. Hindi ko naman sinasadya—”“Pero hinayaan mo,” putol niya muli. “Hinayaan mong magmukha akong tanga habang nakatingin sa inyong dalawa.”Napayuko ako. Sa gilid ng aking mata, kita ko ang bahagyang pagkibot ng kaniyang labi. Bakas ang galit, selos, at may halong sakit.“Arthur, please,” pakiusap ko. “Hindi mo kailangang magselos. Alam mo naman
SANDRA'S POVEksaktong alas kuwatro ng hapon nang matapos ang aming huling klase. Pagod man ako sa dami ng lecture at activity na ginawa namin, ay napawi iyon nang makita kong may text si Arthur sa phone ko.Arthur:Hi, baby! Hintayin mo ako diyan, ha? Susunduin kita after class. Dinner tayo sa labas. Miss na rin kasi kita. Don't you dare refused. I love you!Napangiti ako habang binabasa iyon. Hindi ko mapigilang kiligin kahit alam kong madalas naman niya akong binibigla ng ganitong mga mensahe. Kaya lang, biglang bumalik sa isip ko ang sinabi niya kagabi, na gusto na niyang ipakilala ako sa mga magulang niya pag-uwi nila galing abroad. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o dapat lang na matuwa, pero isa lang ang sigurado: mahal ko siya, kahit minsan ay natatakot pa rin akong hindi tanggapin ng pamilya niya ang isang katulad ko.Habang naglalakad ako palabas ng gate, planado ko na sana kung anong isusuot mamayang gabi. Ngunit napahinto ako nang may marinig akong pamilyar na boses.“S
SANDRA'S POVPagkalabas ko sa opisina ni Ninong Rey ay tila nawalan ako ng lakas. Parang wala akong maramdaman kundi ang bigat sa dibdib na kanina ko pa pilit nilulunok. Nag-alok pa si Ninang na ihatid ako sa tinutuluyan ko, pero tumanggi na lang ako. Hindi ko rin alam kung bakit, marahil ay gusto ko lang mapag-isa. Tahimik ako buong biyahe habang nakasakay sa taxi, pinagmamasdan ang mga ilaw sa kalsada na tila mga matang nakatingin sa akin. Nang makarating ako sa apartment ay narinig ko pa ang boses ng may-ari na tumatawag, ngunit nagkunwari akong hindi ko siya narinig. Diretso ako sa hagdan, saka sa aking kwarto.Pagpasok ko, ibinagsak ko na lang ang sarili ko sa kama. Hindi ko na nagawang magbihis o maligo. Pakiramdam ko ay ubos ang lakas ko, pati na rin ang katahimikan ko. Sa gilid ng kama, nakapatong ang brown envelope, ang confession statement ng lalaki. Ilang ulit kong tinitigan iyon, ngunit ni hindi ko magawang buksan. Ang mukha niya ang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko,
SANDRA'S POVDalawang araw na ang nakakalipas simula nang magpunta ako sa ancestral house nila ni Arthur. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ko ang ngiti ni Lola Zaniella habang tinatanggap ang biko na inihanda ko para sa kaniya. Sabi niya ay sobrang nagustuhan daw iyon ng lahat, at sa susunod kong pagdalaw ay aasa siyang magdadala ulit ako. Nakakatuwa dahil kahit ilang oras lang akong nanatili roon ay parang matagal na kaming magkakilala.Friends ko na rin ngayon sa Facebook sina Zillian at Ate Lora, habang si Lola Zaniella naman ay nagpalitan pa kami ng digits. Madalas pa nga akong i-text nito sa gabi ng mga simpleng kumustahan. Ngunit kung gaano sila kabait, ay ganoon din kabigat ang pakiramdam ko tuwing naiisip ko ang tita ni Arthur, si Tita Mira. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nag-iisip, pero pakiramdam ko ay may kung anong hindi siya gusto sa akin. Noong araw na iyon, bigla na lang siyang umalis nang walang paalam, sakto pa noong sandaling gumamit ako ng banyo. Hangg
SANDRA'S POVAgad akong inanyayahan ng Lola ni Arthur na maupo sa lamesang punô ng samu’t saring nakakatakam na pagkain. May nakahandang pritong manok, kaldereta, chicken curry, lumpiang shanghai, at tempura. Ipinaghila ako ni Arthur ng upuan, na ikinangiti ko naman.“Let me introduce myself. I am Doña Zaniella Mercer—Arthur’s grandmother,” nakangiting pakilala niya sa akin.Nahihiyang napangiti ako.“A-Ah… Ako naman po si Sandra Asuncion,” pakilala ko.Sandali siyang natigilan at tumingin kay Arthur bago muling nagsalita.“Are you related to Ignacio and Selene Asuncion?” puno ng pag-iingat na tanong niya sa akin.Napatango ako, alam kong iyon na ang gustong niyang iparating. Baka sa susunod niyang tanong ay mabanggit pa niya ang kamatayan ng aking mga magulang, ngunit hindi iyon nangyari.“U-Uhh… By the way, are you still studying? Ano ang mga pinagkakaabalahan mo ngayon?” iniba niya ang usapan, na mas nagpakomportable sa akin.“Second-year college na po ako, Fine Arts sa Benison. Ka
SANDRA’S POVKakatapos pa lamang ng aking huling klase at naisipan kong mamalengke na lamang. Ang pakay ko talaga ay mamili ng mga sangkap para sa lulutuin kong biko.Nabanggit ni Arthur habang nanonood kami ng cooking videos noong isang araw, na mahilig daw ang kaniyang lola sa biko. Palagi raw itong nag-uutos sa mga kasambahay nila na lutuan ito, kaya naman naisip kong dalhan ito kinabukasan sa araw ng aming pagdalaw.Pagdating ko sa palengke ay sinalubong ako ng amoy ng sariwang isda at gulay. Una kong pinuntahan ang bilihan ng karne. Kumuha ako ng kalahating kilo ng manok, pinapili pa ako ng tindera kung gusto ko raw ng puro hita o may kasamang pakpak."Yung hita na lang po, para malasa,” sabi ko.Kumuha rin ako ng isang bote ng toyo, sachet ng oyster sauce, at isang maliit na pack ng breading mix. Dumaan din ako sa gulayan at bumili ng tatlong pirasong calamansi, dalawang ulo ng bawang, at isang sibuyas. Naalala ko kasing mas masarap kapag may pinigang calamansi bago iprito ang m












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments