Share

CHAPTER 8

last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-29 20:26:24

Maaga akong naggising dahil isa ako sa walong kasambahay na sasama sa underground transaction na gaganapin sa tagong emperyo ni Lord Amann.

Kapwa nakasuot kami ng puti na pang-itaas at pang-ibaba, naka-face mask at gloves din. Sa unang tingin ay nagmumukha kaming mga nurses sa isang ospital.

"Don't you ever cry again." narinig ko ang boses ni Young master Evan nang mahuli ako sa pagpasok sa van na maghahatid sa amin. Nakasuot siya ng itim na suit na para bang dadalo sa isang malaking okasyon.

Hindi na ako sumagot.

Naalala ko na naman kasi ang huling tagpo namin noong isinama niya ako sa isa sa kanilang mga hideout. Walang nagsasalita sa aming dalawa habang nasa biyahe at hindi ko rin maintindihan kung bakit sa mga oras na iyon, ay pakiramdam ko ay walang harang sa gitna namin. Para bang pantay ang antas ng aming buhay.

Nakabalik kami noon sa laboratoryo ng walang imik at minsan ay nahuhuli kong tumitingin sa akin ngunit nawalan ako ng paki. Nasaktan ako ng labis sa mga tinuran niyang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • That Frigid Mafia!   CHAPTER 11

    Ilang oras na lamang ay mag-uumaga na, ngunit hindi pa rin ako nakararamdam ng antok sa kabila ng pagod ng aking katawan. Hindi mawala-wala sa aking isipan ang katotohanang nakakubli, at hindi ko rin alam kung paano ko ito matutuklasan.Ano ang nangyayari sa akin?Bumangon ako at isinuot ang aking tsinelas. Hindi ko na rin inabalang itali ang buhok ko, hinayaan ko na lamang itong nakalugay. Nakasuot ako ng kremang pantulog habang binabaybay ang mahabang pasilyo pababa ng hagdanan.Maybe if I drink milk, I might fall asleep.Mabagal at may pag-iingat ang bawat hakbang ko. Tumungo ako sa kusina at nagtimpla ng gatas. Umupo ako sa isa sa mga upuan sa dining hall at pinakiramdaman ang paligid.Mula sa nakabukas na sliding door ng pool area, naaninag ko ang pamilyar na anyo ng isang tao. Nakatalikod siya, may hawak na wine glass, at nakasuot ng puting pantulog habang nakatanaw sa malayo.Sa hindi malamang dahilan, kusang gumalaw ang aking mga paa papalapit sa kanya. Wala akong nararamdaman

  • That Frigid Mafia!   CHAPTER 10

    Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari ang pamamaril sa mansyon ni Lord Amann. Matapos kung mawalan ng malay sa araw na iyon ay natagpuan ko ang sarili na nakahiga sa isang malambot na kama.Mabigat at masakit ang buong katawan ko. Nakapa ko pa na mayroong mga benda ang aking mukha, mga braso, mga binti, at may sweras din na nakakabit sa akin. Ayon kay Manang Berta ay halos bente-kwarto oras akong nakatulog.Kaonti lamang ang nakaligtas sa amin sa pagsabog at nagpapasalamat ako na kabilang doon sina Manang Berta, Ruth, Lourdes, at mahigit limang kasambahay. Sa kasamaang palad ay marami ang nasawi.Kasalukuyang nasa ospital pa si Young master Luke. Sina Young master Evan ay hindi raw masyadong napurohan dahil agad itong nakaiwas matapos ang paghagis ng granada.Napag-alaman na ang namamaril sa mansyon noon ay isa sa mga business partners ni Lord Amann. Si Lord Amann naman ay agad na lumikas at naririto kami ngayon sa isa sa mga hideout niya sa East. Tago, payapa, at wa

  • That Frigid Mafia!   CHAPTER 9

    Abala kami nina Ruth at Lourdes sa paglalaba kasama ang iba pang kasambahay sa mansyon. Nabalitaan ko rin na naggising na si Young master Evan matapos itong mawalan ng malay, dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya matapos masaksak sa tagiliran. Mabuti na lang talaga at hindi natamaan ang internal organ na nasa gawing iyon.Habang yakap niya ako sa pagkakataong iyon ay naramdaman ko na lamang na bigla siyang nawalan ng malay. Habang akay-akay siya ay napapansin kong may mga dugong naiiwan sa sahig na nadadaanan namin. Huli ko nang napagtanto na nasaksak pala siya ng isa sa apat na lalaking armado na nakaharap niya matapos niya akong patakasin.Nalaman ko ring binaril niya ang mga iyon dahilan upang mapaslang ang mga ito. Silencer naman ang gamit niya na baril sa pagpaslang sa lalaking hila-hila ako sa buhok kaya hindi ako nakarinig ng tunog noon nang barilin niya ito.Si Lord Amann at si Young master Shawn ang kaniyang mga pangunahing blood donor. May mga ilan pa silang sinuhulan up

  • That Frigid Mafia!   CHAPTER 8

    Maaga akong naggising dahil isa ako sa walong kasambahay na sasama sa underground transaction na gaganapin sa tagong emperyo ni Lord Amann. Kapwa nakasuot kami ng puti na pang-itaas at pang-ibaba, naka-face mask at gloves din. Sa unang tingin ay nagmumukha kaming mga nurses sa isang ospital."Don't you ever cry again." narinig ko ang boses ni Young master Evan nang mahuli ako sa pagpasok sa van na maghahatid sa amin. Nakasuot siya ng itim na suit na para bang dadalo sa isang malaking okasyon.Hindi na ako sumagot.Naalala ko na naman kasi ang huling tagpo namin noong isinama niya ako sa isa sa kanilang mga hideout. Walang nagsasalita sa aming dalawa habang nasa biyahe at hindi ko rin maintindihan kung bakit sa mga oras na iyon, ay pakiramdam ko ay walang harang sa gitna namin. Para bang pantay ang antas ng aming buhay.Nakabalik kami noon sa laboratoryo ng walang imik at minsan ay nahuhuli kong tumitingin sa akin ngunit nawalan ako ng paki. Nasaktan ako ng labis sa mga tinuran niyang

  • That Frigid Mafia!   CHAPTER 7

    Sabay-sabay kaming napalingon lahat nang marinig ang sigaw mula sa mga lalaking nakaitim. Halos isang libong pakete na ang na-packed namin ngunit malayo-layo pa sa nasabing quota. Napag-alaman ko rin mula sa narinig na pag-uusap na mga kliyente mula sa Nigeria, America, Thailand, at Vietnam ang mga nag-purchased. Sa katunayan ay may mga orders pa na hindi na-rereplyan.Malakas ang kitaan kaya hindi maubos-ubos ang kayamanan at pera ni Lord Amann."Kailangan namin ng isa sa inyo na sasama kay sir Evan sa secret hideout sa North para kumuha ng iilang mga kakailanganin pang ingredients dahil nagkaubusan," malakas ang boses na sabi ng lalaki.Sinuyod niya ang mga mata niya sa amin isa-isa at nahinto iyon nang sa akin na siya nakatingin. Nagulat ako nang ituro niya ako kaya natigil ako sa ginagawa."Bago ka rito?" Tanong niya dahilan upang mapatango ako.May kutob ako na baka ako ang piliin niyang pasamahin."Ikaw na ang sumama at nang maranasan mo." Sambit niya.Hindi agad ako nakagalaw sa

  • That Frigid Mafia!   CHAPTER 6

    Naggising ako nang maramdaman ang mahinang pag-uga sa aking mga balikat ng kung sino man. Nang imulat ko ang aking mga mata ay sumalubong sa akin ang mukha ni Ruth. Basa rin ang buhok niya na halatang kakasuklay pa lamang. Pipitikin na sana niya ang noo ko nang hawakan ko ang kamay at agad na napabalikwas ng bangon."Tulog mantika ka kasi, Ada." Kumakamot na sabi ni Ruth.Naalala ko ang nangyari sa nagdaang gabi nang maabutan ko si Young master Evan sa gazebo. Ang tagpo namin nang bigla niyang hapitin ang aking baywang at sabihin ang mga katagang hindi ko inaasahan."Dalian mo Ada, kasi pinapatawag tayong lahat ni Lord Amann sa baba," dagdag ni Ruth na nagpabalik sa akin sa sandaling pagkawala sa ulirat.Napatingin ako sa orasan at napagtantong tatlong oras pa lamang ang aking itinulog. Ala una na ng madaling araw ako nakatulog kagabi matapos kong iwan si Young master Evan sa gazebo nang mapansin kong mahimbing na siyang natutulog sa aking dibdib habang nakaupo.Dahan-dahan ko siyang i

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status