author-banner
BleedingInk29
BleedingInk29
Author

Novels by BleedingInk29

Sold to the Billionaire Heir

Sold to the Billionaire Heir

Lumaki si Calista Althea Chiu sa isang makapangyarihan ngunit istriktong Chinese family—kung saan ang tradisyon ay batas at ang babae ay kailangang sumunod, kahit masaktan. Mayaman ang pamilyang kinalakihan niya, ngunit sa likod ng karangyaan, isa siyang bihag ng sariling kapalaran. Sa tatlong magkakapatid, siya ang nag-iisang babae at middle child—tahimik, masunurin, at laging isinasantabi ang sariling damdamin. Ngunit isang gabi, tuluyang nagbago ang lahat. Dahil sa desperadong pangangailangan ng pera ng kanyang kuya at sa malaking pagkakautang ng kanilang pamilya sa makapangyarihang Wang family, isang lihim na kasunduan ang isinagawa. Isang desisyong hindi niya kailanman pinili. Ibinenta si Calista bilang isang “regalo” sa kaarawan ng lalaking minsan na niyang nakita sa Shanghai—ang malamig at misteryosong billionaire heir ng Monaco, si Marcus Romanov. Para kay Marcus, ang lahat ay transaksyon. Ngunit kahit pilitin niyang limutin, hindi niya maalis sa isip ang gabing pinagsaluhan nila. Para kay Calista, iyon ang gabing ninakaw ang kanyang kinabukasan. Hindi nila namamalayan, unti-unti silang nahuhulog sa isa’t isa—isang damdaming isinilang sa gitna ng kapangyarihan, katahimikan, at mga lihim na pilit itinatago. Ngunit may isang lalaking hindi handang bumitaw. Si Lixin Wang, ang mayamang Chinese heir at lalaking itinakdang pakasalan si Calista, ay handang ipaglaban ang paniniwalang pag-aari niya ito—kahit sa pamamagitan ng takot at kapangyarihan. Sa pagitan ng tradisyon at pag-ibig, obligasyon at kalayaan, kailangang pumili ni Calista: manatiling babaeng isinuko ng pamilya, o labanan ang kapalarang ipinataw sa kanya—kahit pa kapalit nito ang kanyang puso.
Read
Chapter: Chapter 10 "Her Friends are all Rich"
GREEN BEAN CAFÉMahina ang tugtog sa loob ng Green Bean Café, jazz na halos hindi marinig dahil sa mahinang bulungan ng mga tao. Umuusok pa ang latte ni Calista pero malamig na ang mga kamay niya habang nakaupo sa tapat nina Psyche at Claire.Napansin iyon ni Claire.“Cali, magkuwento ka nga,” ani Claire habang iniikot ang straw sa iced coffee niya.“Ang tahimik mo kanina pa. Hindi ‘yan normal.”“Saan?” maang na tanong ni Calista, pilit na ngumiti, sabay sulyap kay Psyche na para bang humihingi ng tulong.“Ayyy… maang-maangan,” napasimangot si Claire.“Spill it na. Alam mo namang hindi kami titigil.”Huminga nang malalim si Calista. Saglit siyang tumingin sa bintana, sa mga taong dumadaan—parang gusto niyang tumakas kahit sa tingin lang. Nang magsalita siya, mas mababa na ang boses niya.“Yun na nga…” panimula niya.“Before namatay si Daddy, malaki na talaga ang utang namin sa mga Wang.”Napahinto si Psyche sa pag-inom.“Utang?” ulit niya.Tumango si Calista, nanginginig ang daliri ha
Last Updated: 2026-01-09
Chapter: Chapter 9 "Plans Wrapped in Celebration"
WANG RESIDENCE — MANILABumukas pa lang ang pinto ng mansyon ay sumabog na ang galit ni Lixin Wang.“Putang—!”Sinipa niya ang isang marble side table, tumilapon ang dekorasyon at nabasag sa sahig. Walang pakialam ang mga kasambahay—sanay na sila. Kapag ganito ang amo nila, walang dapat lumapit.Kinuha niya ang bote ng mamahaling alak, walang yelo, walang halo. Isang salin sa crystal glass. Isang lagok. Dalawa. Tatlo.Humigpit ang hawak niya sa baso.“Calista…” bulong niya, may halong pagnanasa at galit.“Akala mo ba makakatakas ka?”Dinampot niya ang phone at tinawag ang assistant niya.Pagkasagot pa lang—“Qu ba Calista pengyou de beijing, quanbu cha qingchu.”(Investigate the background of Calista’s friends. Dig up everything.)Ramdam sa boses niya ang kontroladong poot.“Shi, Lixin xiansheng.”(Yes, Mr. Lixin.) magalang na sagot ng assistant.Uminom muli si Lixin, mas madiin.“Ta shenbian de ren tai fangsi le.”(The people around her are getting too bold.)Naglakad siya papunta sa
Last Updated: 2026-01-09
Chapter: Chapter 8 "Lixin's Filthy Game"
CHIU GROUP — LIAN’S OFFICEBumukas ang pinto ng opisina nang walang katok.Pumasok si Lixin Wang na parang siya ang may-ari ng buong gusali. Dire-diretso siyang umupo sa silya sa harap ng mesa ni Lian, walang paalam, walang hiya hiya. Ipinatong pa niya ang isang paa sa tuhod, kampanteng-kampante, parang panalo na ang laban.Nanlilisik ang mga mata ni Lian.“What do you want?” malamig niyang tanong, pilit kinokontrol ang galit.Ngumisi si Lixin—isang ngiting nakakaloko, puno ng panunuya. Kinuha niya ang sigarilyo, sinindihan ito, at dahan-dahang bumuga ng usok na tila sinasakal ang buong silid.“Wo hen xiangshou kan zhe ni yi dian yi dian bei nian sui.”(I really enjoyed watching you get crushed little by little.)Napalakas ang tibok ng puso ni Lian. Kumunot ang noo niya, pinipigilan ang sarili na hindi sumabog.“Ni wan de tai zang le, Lixin.”(You played dirty, Lixin.)pigil ang galit niyang sagot.Bahagyang tumawa si Lixin, mababa ngunit nakakainsulto. Tumayo siya at lumapit sa mesa,
Last Updated: 2026-01-09
Chapter: Chapter 7 "A flicker of hope"
BARBARA’S HERITAGE RESTAURANT — MANILAMaingay ang restaurant—tunog ng kubyertos, mahihinang tawanan, halong amoy ng lutong bahay.Pero sa gitna ng lahat ng ’yon, parang hiwalay si Calista sa mundo.Tulala siya, nakatingin sa baso ng tubig sa harap niya na hindi man lang niya ginagalaw.Paulit-ulit sa isip niya ang iisang tanong—Hanggang kailan ko kakayanin ’to?Hindi niya namalayan ang pag-upo ng isang pamilyar na babae sa tapat niya.Pinitik ni Psyche ang kamay sa harap ng mukha niya.“Hello? Earth to Calista.”Walang reaksyon.Pinitik niya ulit—mas malakas.“Cali.”Ilang segundo pa ang lumipas bago kumurap si Calista.“O… andito ka na pala?” matamlay niyang saad, pilit na ngiti ang isinunod.Sumandal si Psyche, pinagkrus ang mga braso.“Okay. That smile? Fake. What’s your problem?”“Wala,” sagot ni Calista sabay iwas ng tingin.Umirap si Psyche.“C’mon, Cali. I know you. Ganyan ka lang kapag may gustong sumabog pero ayaw mong umiyak sa publiko.”Nanahimik si Calista.Huminga siya
Last Updated: 2026-01-09
Chapter: Chapter 6 "Whether to save or not,"
MANILA, PHILIPPINES CHIU RESIDENCE, MIDNIGHTCALISTA POVIsinara ko ang pinto ng kwarto ko nang dahan-dahan.Parang takot akong marinig ng mundo kung gaano na ako ka-basag.Pagkasara ng pinto, doon bumigay ang tuhod ko.Napaupo ako sa sahig, yakap ang sarili ko.Ang lamig ng tiles, pero mas malamig ang pakiramdam sa dibdib ko.Ganito ba talaga?Hanggang dito na lang ba ako?Huminga ako nang malalim-pero parang walang hangin na pumapasok."Hindi ko kasalanan 'to..." mahina kong bulong, pero parang ako rin ang hindi naniniwala.Naririnig ko pa rin ang boses ni Lixin sa ulo ko.Marry me. The debts vanish.Parang isang sumpa.Tumawa ako-isang pilit, basag na tawa."Grabe ka," bulong ko sa sarili ko. "Ginawa mo na akong collateral."Tumayo ako at humarap sa salamin.Nandoon ang babaeng mukhang matapang... pero ang mga mata-pagod, galit, takot."Ano bang kasalanan ko?" tanong ko sa repleksyon ko."Dahil babae ako? Dahil mahal ko ang pamilya ko?"Pinunasan ko ang luha ko, pero mas dumami la
Last Updated: 2026-01-09
Chapter: Chapter 5 "The Chius Struggle"
PARIS, FRANCE – MARCUS’ OFFICEMainit ang ulo ni Marcus. Ramdam niya mismo ang sariling init ng dugo—hindi niya maipaliwanag kung bakit basta-basta siyang naiinis sa pangalan ni Lixin Wang sa Shanghai.Biglang tumilapon ang mga documents sa hangin, nagkalat sa sahig. Napulasan ang mga empleyado niya. Lahat sila ay takot sa pangalan niyang Romanov. May napagalitan at nahampas ng folder, isang tahimik na babala sa lahat.Pumasok si Dimitri sa eksena, tahimik lang na nanunood bago magsalita.“Quel est le problème ?”(What’s the problem?) tanong niya sa French, may bahid ng pag-aalala.Hiningi ni Marcus ang isang dokumento, pinisil ang folder sa kamay niya, halatang irritated.“C’est une perte de temps de donner de mauvais drafts. Merde !”(It’s a waste of time giving wrong drafts. Bullshit!) sagot niya, matunog at matapang.Huminga si Dimitri, sabay ngiti na may bahid ng biro.“Relax… Est-ce à cause de ce Chinois en Chine ou de la femme que tu as croisée à Shanghai ?”(Relax… Is it becau
Last Updated: 2026-01-05
The Billionaire's Precious Diamond

The Billionaire's Precious Diamond

Harrison Cale Ellison - Don Ramon's grandson and the heir of his entire wealth. He is known as a cold-hearted businessman and mercy isn't part of his vocabulary- only power, control, and dominance. He's untouchable.... except when it comes to Psyche. Psyche Azalea Ellison - Don Ramon's adoptive granddaughter. She's a treasured princess of the old man and in a world where Harrison feared nothing...she was his only weakness. How long can they keep running from the truth burning inside them? Harrison - the man who spent years pretending she didn't exist, as if she were nothing but air in his world. And Psyche - the woman who hid in the shadows, too afraid to even meet his gaze, too scared of the storm he carried with him. And what if Psyche's childhood crush, Brent comes back- ready to make her fall in love again? But emotions like theirs...they don't stay buried forever. Eventually, the walls crack. And when they do - everything shatters.
Read
Chapter: Chapter 75 "Stories that wait in Silence"
WALTON-ELLISON MANSION, MONACO…Nagising si Psyche na may bahagyang dilim na sa labas. Ang malalaking glass windows ng kwarto niya ay tanaw ang kumikislap na ilaw ng Monte Carlo—mga yacht na parang mga bituin sa dagat, mga sasakyang dumaraan sa serpentine roads sa ibaba, at ang katahimikang tanging sa Monaco mo lang mararamdaman—mayaman, elegante, at mapanganib sa sariling paraan.Paglingon niya, agad niyang nakita si Harrison—mahimbing na natutulog sa couch sa gilid ng kama. Nakabukas pa ang isang butones ng tailored shirt nito, bahagyang gusot ang buhok, at nakataas ang isang braso na parang handang bumangon anumang oras.Ilang beses na niyang nahuhuling ganito si Harrison—natutulog sa couch, nakabantay sa kanya, parang isang bantay na hindi kailanman pinapayagang pumikit nang tuluyan.Napangiti siya, may lambing at kaunting kirot sa dibdib.Grabe ka talaga… kahit tulog ako, ikaw ang gising para sa’kin.Dahan-dahan siyang bumangon, tahimik na tahimik, para bang takot siyang magising
Last Updated: 2026-01-12
Chapter: Chapter 74 "The Princess who could tame the beast"
WALTON-ELLISON MANSION IN MONACOTahimik ang buong Walton Ellison Mansion matapos ang magarbong gabi sa Monaco. Ang umagang iyon ay parang pahinga matapos ang unos—ang dagat ay malayo na, ngunit ang bigat ng mga nangyari ay nananatili pa rin sa hangin.Kasama nilang umuwi si Don Ramon, at agad itong umupo sa malawak na lounge ng mansion—Italian marble floors, crystal chandeliers na sumasalo sa liwanag ng umaga, at ang amoy ng bagong timplang espresso na palaging kasama ng kapangyarihan ng pamilyang Romanov. Ang baston ng Don ay nakasandal sa gilid ng upuan, simbolo ng edad, awtoridad, at takot na kayang iparamdam ng isang iglap.Ilang sandali pa’y dumating si Harrison. Maayos ang suot—tailored suit kahit nasa bahay—pero halata sa mga mata niya ang puyat at pagod. Hindi iyon dahil sa alak o party, kundi dahil sa takot na muntik na niyang maranasan kagabi.“Where’s my princess?” malamig pero may halong pag-aalala ang tinig ng matanda.“She’s resting in her room, Lolo,” maingat na sagot
Last Updated: 2026-01-12
Chapter: Chapter 73 "A worried friend"
ROMANOV SUPERYACHT- SUITE..Nagising si Psyche mula sa malalim at payapang tulog.May bahagyang kirot pa rin ang ulo niya, pero hindi na katulad ng kanina. Ang unang pumasok sa pandinig niya ay ang banayad na alon na humahampas sa gilid ng Romanov superyacht—parang lullaby ng karagatan na eksklusibo lang para sa mga may kayang bayaran ang ganitong katahimikan.Dahan-dahan siyang bumaling ng tingin.At doon niya siya nakita.Si Harrison—mahimbing na natutulog sa couch.Naka-unbutton ang ilang butones ng suot nitong shirt, bahagyang gusot ang manggas, isang braso ang nakalaylay habang ang isa ay nakapatong sa dibdib niya. Ang lalaking kanina lang ay parang leon na handang pumatay para sa kanya—ngayon ay tahimik, vulnerable… almost unreal.Napangiti si Psyche.Hindi niya napigilang titigan ito.He looks so different when he sleeps.Parang wala ang bigat ng mundo sa balikat niya.Parang walang galit, walang selos, walang takot.“Innocent…” mahina niyang bulong, halos hindi marinig kahit n
Last Updated: 2026-01-12
Chapter: Chapter 72 "A tyrant tamed by love"
The party continued—pero hindi na kasing ingay ng kanina.Unti-unti nang humuhupa ang musika sa Romanov superyacht. Ang ilan sa mga bisita ay nagpahinga na sa kani-kanilang private suites, ang iba nama’y umalis na sakay ng helicopter o speed yacht, parang normal lang umuwi mula sa isang birthday party—even if that party floated on the Mediterranean and cost millions to host.Sa isang private room sa third deck, tahimik na nakahiga si Psyche sa malambot na king-size bed na balot ng Egyptian cotton sheets. Nasa paligid niya sina Claire, Kenshin, at Lance—nakaupo sa sofa, sa gilid ng kama, at sa carpet na parang limang-star hotel ang kapal.Tahimik… pero may kaba sa hangin.“Where’s Calista?” biglang tanong ni Psyche, bahagyang bumabangon at napapakunot-noo. May bakas pa rin ng pag-aalala sa mukha niya kahit halatang pagod na.Nagkatinginan sina Claire at Kenshin.“Ewan ko,” sagot ni Claire, huminga nang malalim. “Kanina ko pa siya hindi nakikita. Nawala na lang bigla.”“Malaki masyado a
Last Updated: 2026-01-12
Chapter: Chapter 71 "Don Ramon’s Soft words but Sharp threat"
Sa private room ng Romanov Superyacht—isang silid na mas kahawig ng opisina ng isang emperador kaysa kwarto sa barko—sapilitang dinala si Nathalie ng mga tauhan ni Senior Alberto Romanov. Tahimik ang hallway, tanging yabag ng polished shoes sa marble floor ang maririnig. Ang mga ilaw ay dim, gold-accented, parang mismong dilim ay may kapangyarihan.“Elle est ici, Don Ramon.”(She’s here, Don Ramon.)mahinahong ani ng isa sa mga tauhan.Nakatalikod si Don Ramon, nakaupo sa swivel chair na yari sa Italian leather, ang baston ay nakapatong sa gilid ng mesa—simple ngunit nakakatakot na simbolo ng awtoridad.“Who are you? Why are you doing this to me?” pumapalag na saad ni Nathalie, nanginginig ang boses ngunit pilit pinatatag ang tindig.Dahan-dahang umikot ang swivel chair.Sa sandaling iyon, tila nawalan ng hangin ang silid.“Don Ramon…” halos pabulong na sabi ni Nathalie, namumutla, nanlalamig ang mga kamay.Tumayo ang matanda, mabagal ngunit mabigat ang bawat hakbang. Ang bawat tapak
Last Updated: 2026-01-12
Chapter: Chapter 70 "The crown they call her"
ROMANOV SUPERYACHT – SUITEPumasok si Brent sa loob ng suite ni Psyche.Tahimik ang buong silid—isang uri ng katahimikan na mas mabigat pa sa ingay ng party sa labas. Ang malalaking bintanang salamin ay nakabukas, kita ang kumikislap na ilaw ng Monaco sa ibaba, parang mga diyamanteng nakakalat sa dagat. Ang halimuyak ng mamahaling lavender diffuser ay humahalo sa amoy ng asin ng Mediterranean Sea, ngunit hindi iyon sapat para pakalmahin ang kaba sa dibdib ni Brent.Nakita niya si Psyche na nakahiga sa king-sized bed na balot ng Italian silk sheets. Maputla ang mukha nito, basa pa ang ilang hibla ng buhok, at may manipis na kumot na nakatakip sa nanginginig na katawan. Dahan-dahan siyang lumapit, parang natatakot na baka masaktan pa ito sa simpleng paghinga niya.“Psy…” mahina niyang bulong, halos punit ang boses. “I’m here.”Sa gilid ng kama, nakaupo si Harrison. Basa pa rin ang manggas ng tuxedo nito, nakabukas ang unang dalawang butones ng polo, at halatang hindi na nito inintindi
Last Updated: 2026-01-09
You may also like
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status