Accueil / Romance / Sold to the Billionaire Heir / Chapter 25 "Crafting the Perfect Gift"

Share

Chapter 25 "Crafting the Perfect Gift"

Auteur: BleedingInk29
last update Dernière mise à jour: 2026-02-11 21:35:16

AVENUE MONTAIGNE, PARIS, FRANCE

Kinabukasan…

Huminto ang itim na luxury sedan sa kahabaan ng Avenue Montaigne—ang mismong puso ng haute couture ng Paris. Salamin ang harapan ng mga boutique, kumikislap sa sikat ng araw, parang tahimik na sumisigaw ng pera at kapangyarihan.

Pagkababa pa lang ni Calista, ramdam na niya ang bigat ng lugar.

Hindi ito basta-bastang shopping street.

Ito ang uri ng lugar na humihinga ng milyon.

“Sheng…” bulong niya habang naglalakad sila papasok sa isang boutique na p
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • Sold to the Billionaire Heir   Chapter 25 "Crafting the Perfect Gift"

    AVENUE MONTAIGNE, PARIS, FRANCEKinabukasan…Huminto ang itim na luxury sedan sa kahabaan ng Avenue Montaigne—ang mismong puso ng haute couture ng Paris. Salamin ang harapan ng mga boutique, kumikislap sa sikat ng araw, parang tahimik na sumisigaw ng pera at kapangyarihan.Pagkababa pa lang ni Calista, ramdam na niya ang bigat ng lugar.Hindi ito basta-bastang shopping street.Ito ang uri ng lugar na humihinga ng milyon.“Sheng…” bulong niya habang naglalakad sila papasok sa isang boutique na parang museo sa linis at ayos.“Bakit tayo nandito?”Hindi man lang nagulat si Sheng, sanay na sanay na.“Para bumili ng gown na susuotin mo sa party ng mga Romanov,” diretso nitong sagot, parang sinabing bibili lang sila ng tubig.Napahinto si Calista.“Ha? Dito?” mahina ang boses niya. “Napaka—napakamahal dito.”Napabuntong-hininga si Sheng at bahagyang ngumiti, parang alam na ang kasunod na reklamo.“Hay, Cali… bilin ng Kuya mo,” sabi niya. “Ayaw niyang mapahiya. So please, sumunod ka na lang,

  • Sold to the Billionaire Heir   Chapter 24 "Wrapped in Riches"

    INTERNATIONAL AIRPORT, PARIS, FRANCEMaayos ang pagbaba ng eroplano. Bahagyang umuga ang cabin, saka pinalakpakan ng ilang pasahero ang landing. Napahinga nang maluwag si Calista habang tinatanggal ang seatbelt niya.“Finally…” mahina niyang sambit, sabay silip sa bintana. Paris. Totoong Paris. Pero imbes na excitement, kaba ang unang pumasok sa dibdib niya.Paglabas nila sa arrival area, mabilis niyang inilibot ang paningin, tila may hinahanap.“Sheng…” bigla niyang tanong, huminto sa paglalakad.“Where’s Kuya Lian?”Bahagyang natigilan si Sheng bago sumagot, halatang maingat sa tono.“There was an urgent meeting with the Romanov,” maikli at diretso nitong sagot.Napailing si Calista, may halong tampo at pag-unawa.“Of course… Romanov,” bulong niya sa sarili. “Lagi na lang urgent kapag sila na.”Hindi na siya nagtanong pa. Sanay na siya—kapag negosyo ang usapan, laging nauuna iyon bago ang lahat.Paglabas nila ng airport doors, bumungad sa kanila ang isang sleek black luxury car—maki

  • Sold to the Billionaire Heir   Chapter 23 "Family is Worth the Risk"

    HOSPITAL – YI CHEN’S VIP ROOMTahimik ang VIP room, tanging mahinang beep ng monitor at ang dahan-dahang pag-angat-baba ng dibdib ni Yi Chen ang maririnig. Nakapasok ang malamlam na liwanag ng umaga sa bintana, parang ayaw ding mang-iwan.Dumaan muna si Calista bago ang biyahe—hindi niya kayang umalis nang hindi nagpapaalam.Umupo siya sa upuang katabi ng kama, marahang hinawakan ang kamay ng kapatid.“Get well, dí dì,” bulong niya, sabay halik sa noo ni Yi Chen. Pilit niyang pinipigilan ang panginginig ng boses.Ngumiti si Yi Chen kahit halatang mahina pa ang katawan.“Take care, Jièjie,” mahina pero malinaw ang sagot. “Don’t worry about me… I’ll be okay.”Napangiti si Calista pero kumirot ang dibdib niya.“Saglit lang ‘to,” pilit niyang sabi. “Pagbalik ko, mas maingay ka na ulit. Hindi ka na pwede magpahinga—uutusan na ulit kita,” pabirong dagdag niya.Mahinang natawa si Yi Chen.“I’ll wait,” sagot nito. “Promise.”May kumatok sa pinto. Pumasok si Sheng, maayos ang postura, professi

  • Sold to the Billionaire Heir   Chapter 22 "No Turning Back"

    HOSPITAL – YI CHEN’S VIP ROOM | GABIPagkatapos ng bonggang debut party ni Psyche sa Manila Peninsula, dumaan muna si Calista sa bahay nila para kumuha ng ilang damit at gamit. Hindi na siya nagpalit ng ayos—simple lang, pagod na pagod. Diretso na naman siya sa ospital.Pagpasok niya sa VIP room, nadatnan niyang mahimbing na natutulog si Yi Chen. Tahimik ang paligid, tanging mahinang tunog ng medical machines ang maririnig. Umupo siya sa gilid ng kama at marahang inayos ang kumot ng kapatid.“Ang saya ng debut ni Psyche…” pabulong niyang sabi, may bahagyang ngiti.“Pero mas mahalaga ka.”Dahil sa sobrang pagod—physically at emotionally—napasandal siya sa upuan. Hindi niya namalayan, nakatulog siya nang bahagya, hawak pa rin ang kamay ni Yi Chen.Rrring. Rrring.Biglang nag-ring ang phone niya.Napamulat siya, gulong-gulo ang isip. Kinuha niya ang cellphone at nang makita ang caller ID, napaupo siya nang tuwid.KUYA LIAN – PARIS, FRANCESinagot niya agad ang tawag.(PHONE CALL – PARIS,

  • Sold to the Billionaire Heir   Chapter 21 "Behind-the-Scenes Help"

    HOSPITAL — CASHIER AREATahimik ang hallway ng ospital, pero para kay Calista, parang ang lakas ng bawat yabag niya. Mabigat ang dibdib niya habang papalapit sa cashier. Hawak niya ang maliit na papel na may nakasulat na detalye ng kwarto.Huminga siya ng malalim.“Room 808, Yi Chen Chiu,” mahinahon pero nanginginig na sabi ni Calista.Tiningnan siya ng cashier—hindi yung normal na mabilis na sulyap. Matagal. Masyadong matagal. Para bang may hinahanap sa mukha niya.“Sandali lang po, miss,” sabi ng cashier bago tumayo at pumasok sa isang pinto sa likod.Naiwan si Calista sa harap ng counter.Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.Bakit ganun ang tingin niya?May problema ba?May kulang ba sa bayad?Pinaglaruan niya ang strap ng bag niya, ramdam ang panunuyo ng lalamunan. Pumasok sa isip niya ang mga bills, ang gamutan ni Yi Chen, ang negosyo nila, si Lixin, si Kuya Lian, ang Monaco, ang Romanov—lahat nagsabay-sabay.Ilang minuto ang lumipas na parang oras.“M-Miss Chiu?” tawag ng cas

  • Sold to the Billionaire Heir   Chapter 20 "Losing his Composure for a Woman"

    MANILA, PHILIPPINES — LIXIN WANG’S OFFICEMabigat ang hangin sa loob ng opisina ni Lixin Wang—amoy mamahaling pabango, leather, at galit. Tahimik ang buong floor, parang alam ng lahat na delikado ang pumasok kapag ganito ang mood ng boss nila.Dahan-dahang bumukas ang pinto.Pumasok ang assistant ni Lixin, hawak ang tablet, halatang nag-aalangan. Ramdam niya ang tensyon kahit hindi pa nagsasalita ang amo niya.“Sir…” maingat niyang panimula.BANG!Pinalo ni Lixin ang makapal na folder sa ibabaw ng mesa. Tumilapon ang ballpen, halos mahulog ang baso ng whisky.“Ano?” singhal nito, namumula ang mata, litaw ang ugat sa leeg.Huminga muna nang malalim ang assistant, parang naghahanda sa sarili bago sumabak sa gyera.“It’s about the Chiu family, sir,” mahinang sabi niya.Tumahimik si Lixin. Dahan-dahan niyang itinaas ang ulo, malamig pero nagbabadyang sumabog.“Bakit?” tanong niya, bawat letra parang may kutsilyong kasama.Nilunok ng assistant ang laway niya.“The two major banks called, s

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status