Habang nag-ddrive pauwi sina Cregan kasama sina Erryc, Febbie at kanyang ina, hindi mapigilan ng bata ang magtanong sa ama.
“Dad, is Mom okay? I think she's mad at us. Alam niyo po ba ang dahilan, Dad? Maybe she's mad because we celebrated Tita Febbie's birthday,” malungkot na saadni Erryc sa kanyang ama habang yakap-yakap ang Tita Febbie nito.
Inunahan naman ni Febbie si Cregan at ito na ang sumagot sa bata, “Alam mo, Erryc. Hindi galit ang mom mo. Galing kasi siya sa panganganak sa sister mo kaya ganyan siya. Pagod lang ang Mommy mo, okay? Huwag kang mag-isip ng ganyan.”
Narinig din nila ang bulong ng ina ni Cregan, “Hindi siya galit kung di nagddrama lang ang nanay mo.”
Si Cregan ay napatingin sa rearview mirror ng kotse at sinamaan ng tingin ang ina. “Mom, will you please stop?”
“Aba totoo naman! Nag-drama lang ang babaeng iyon!”
“Tita Febbie, masakit po bang manganak? Kaya siguro galit si Mom kasi wala tayo sa tabi niya… Maybe she really hurt that's why she's mad at us…”
“No, hindi Erryc. She's not mad. She's only tired, okay? How about maglaro ka na lang ng roblox sa ipad mo? Cregan nasaan ang ipad ni Erryc?” tanong ni Febbie na para bang ina ng bata.
“Febbie, it's already late. Bawal na si Erryc sa gadgets. Matutulog na rin siya pag-uwi namin sa bahay. Magagalit si Heather kapag nalaman niya ito—”
“Dad, wala naman si Mom eh! Pleaseee. O kaya gusto ko pong matulog kila Lola tabi po kami ni Ate Febbie roon. Please, Dad!” pagmamakaawa ni Erryc.
Sa isip-isip ng bata kapag kasama niya kasi ang kanyang Tita Febbie ay malaya siyang gawin ang lahat ng gusto niya dahil hinahayaan lang siya ng dalaga. Unlike sa kanyang ina na puro bawal!
Bawal maglaro, bawal ma-late ng tulog, bawal lahat!
Kay Tita Febbie niya nararamdaman niya ang kalayaan! Halos lahat ng gusto niya ay sinusunod nito. Minsan nga naisip niya na sana si Tita Febbie na lang ang kanyang naging Mommy. Kaso nga lang wala siyang magawa.
At dahil nagpupumilit si Erryc ay walang nagawa ang si Cregan kung ‘di sundin ito. Ginatungan na rin kasi ng kanyang ina at ni Febbie kaya wala na siyang nasabi pa.
“Cregan, ilang linggo na rin kasing hindi nakakapasyal sa amin si Erryc kaya sa mansyon niyo na lang muna siya patulugin. Wala naman si Ate eh, walang magagalit. Pangako, babantayan ko siya ng maigi at papatulugin agad. Bukas na bukas ay ihahatid ko siya sa inyo,” nakangiting sabi ni Febbie. Magsasalita pa sana siya ngunit naunahan siya ng kanyang ina.
“Hijo, bigyan mo na ng time na makapag-bonding si Erryc kasama ang Tita niya. Ilang linggo naman na ang nakalipas dahil pinagbawalan ng asawa mo na matulog ang batang iyan sa sarili rin niyang pamilya. Hayaan mo na—”
Pinutol niya ang sasabihin ng ina at nagsalita, “Mom, may dahilan naman kung bakit pinagbawalan na matulog doon ni Heather si Erryc. Last time ay sinugod natin siya sa ospital at muntik na siyang…”
“Promise, Cregan! Hindi na mauulit iyon, it was an accident saka hindi ko pa alam na may allergy pala si Erryc sa peanuts eh. Sige na. Pretty please!!”
Walang nagawa si Cregan kung ‘di ang tumango na lamang. Ilang minuto ang nakalipas nang makarating sila sa mansyon ng mga Nunez. Ibinaba niya ang kanyang anak at hinabilan sa in-laws niya ang bata. Medyo alanganin pa rin siya pero wala siyang magawa, agad na yumakap ang kanyang anak sa tiyahin nitong si Febbie.
“Erryc, try to remember what Mom said, okay? Bawal ang nuts at chocolates,” paalala niya sa kanyang anak habang hinihimas niya ang ulo nito. “Be a good boy.”
Kita niya ang pag-pout ng kanyang anak kaya natawa siya ng mahina. “Dad, you sound like Mom. It’s annoying, alam ko naman po iyon. Big boy na kaya ako!”
“Big boy na pala ang Erryc namin eh. Sige na pumasok na kayo sa loob ng Tita Febbie mo, baka mahamugan pa kayo sa labas,” sabi naman ng kanyang ina at inakay ang dalawa papasok sa loob ng mansyon.
Nang makabalik ang kanyang ina ay lumapit ito sa ina ni Heather.
“Okay ka lang ba, Balae? Mukhang nakabusangot ka, dahil ba iyan kay Heather? Huwag mo na lang pansinin ang babaeng iyon, nagddrama lang iyon panigurado. Bukas na bukas ay babalik din iyon sa aming bahay!”
“Hay naku, Balae. Ewan ko ba sa batang iyon, palibhasa ampon! Baka hindi matanggap kaya nagkakaganyan,” napapailing na sabi ng ina ni Heather.
Narinig iyon ng ama ni Heather kung kaya't labis itong nagalit. “Ano bang pinagsasabi mo riyan? Anak natin si Heather kahit na hindi natin siya kadugo! Ano ka ba, umayos ka nga Farah, parang hindi mo pinalaki ang batang iyon, ah!”
Napairap naman si Farah at naglakad na palayo. “Mauna na ako sa inyo, Balae. Mag-ingat na lamang kayo sa byahe ng anak mo. Sana lang matauhan siya at makipag-divorce na sa ampon naming si Heather. Tutal si Febbie naman talaga ang tunay niyang magiging asawa noon!”
Nagulat si Cregan sa sinabi ng ina ni Heather, hindi akalaing sasabihin iyon ng sarili nitong ina.
“Farah! Bawiin mo yung sinabi mo!” sigaw ng ama ni Heather at basta na lamang iniwan sila. Siguro'y nahiya sa inasta ng asawa nito.“Sana nga makapag-isip-isip ka, Cregan. Hindi tunay na Nunez si Heather. Si Febbie dapat ang mapapangasawa mo noon, hindi ang malanding babaeng iyon…”
“Mom asawa ko pa rin si Heather, please respetuhin niyo naman sa harap ko,. Dalawa na ang anak namin kung kaya't bakit pa ako makikipaghiwalay sa kanya? Ayaw kong magkaroon ng broken family ang mga anak ko,” nammroblemang sabi ni Cregan ngunit inirapan lang din siya ng kanyang ina at pumasok na sa loob ng kotse.
Habang nag-ddrive pauwi sina Cregan kasama sina Erryc, Febbie at kanyang ina, hindi mapigilan ng bata ang magtanong sa ama. “Dad, is Mom okay? I think she's mad at us. Alam niyo po ba ang dahilan, Dad? Maybe she's mad because we celebrated Tita Febbie's birthday,” malungkot na saadni Erryc sa kanyang ama habang yakap-yakap ang Tita Febbie nito. Inunahan naman ni Febbie si Cregan at ito na ang sumagot sa bata, “Alam mo, Erryc. Hindi galit ang mom mo. Galing kasi siya sa panganganak sa sister mo kaya ganyan siya. Pagod lang ang Mommy mo, okay? Huwag kang mag-isip ng ganyan.” Narinig din nila ang bulong ng ina ni Cregan, “Hindi siya galit kung di nagddrama lang ang nanay mo.” Si Cregan ay napatingin sa rearview mirror ng kotse at sinamaan ng tingin ang ina. “Mom, will you please stop?” “Aba totoo naman! Nag-drama lang ang babaeng iyon!” “Tita Febbie, masakit po bang manganak? Kaya siguro galit si Mom kasi wala tayo sa tabi niya… Maybe she really hurt that's why she's mad at us…” “
Nagising si Heather dahil sa iyak ng kanyang anak na si Erich, hindi na siya nagulat nang makita ang isang nars na nagpapatahan at nagpapahele sa kanyang anak. Ngumiti ng matamis sa kanya ang nars na si Karen, naging kaibigan na rin niyang nars doon. Kahit medyo echoserang froglet ang dalaga ay ayos lang. Ginagawa rin naman kasi nito ang lahat para hindi siya mabagot doon. Na kahit off nito ay bumisita pa rin sa kanya para kamustahin siya. “Hindi ba't off mo ngayon?” tanong ni Heather sa dalaga. Tumango si Karen habang pinapatahan ang baby niya. Dahan-dahan nito itong inilagay sa kanyang braso upang ihiga si Erich sa tabi niya. “Gutom siguro si Baby Erich, padedehin mo na siya.” Kaya naman agad niyang inilabas ang kanyang malusog na dibdib nang walang pag-aalinlangan, mabuti na lang at may gatas ang kanyang dibdib, noong isinilang niya kasi ang panganay niyang si Erryc noon ay ni patak ng gatas ay wala siya. Sobrang nahirapan siya dahil sa pagpapadede ng artificial gatas sa anak n
Alas tres na ng umaga nang magising si Heather, ramdam niyang may humahaplos sa kanyang pisngi kung kaya’t napamulat siya ng mata. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng kanyang asawa. “I’m sorry, Heather. Hindi ko alam na nasa ospital ka pala,” malungkot na sabi sa kanya ni Cregan, talagang kitang-kita ang pagsisisi sa mukha nito. “Nung tumawag ka, hindi ko marinig ang sinabi mo dahil ang hina ng signal—” “ATE HEATHER! Oh my God! Sorry, hindi namin alam na nanganak ka na pala. This is all my fault, kung hindi ko sana inimbitahan si Cregan at Erryc na pumunta sa party ko hindi na sana mangyayari ito,” naiiyak na sabi ni Febbie sa kanya.Lumapit ang dalaga at niyakap siya ng mahigpit. Dahil sensitive ang kanyang katawan at may tahi pa siya, hindi niya sinasadya naitulak si Febbie. Nagulat ang dalaga pati na ang mga magulang nila sa ginawa niya. “Heather! Ano ka ba naman, bakit ganyan ka? Hindi naman kasalanan ni Febbie ang nangyari sa’yo. Alam ba namin na manganganak ka ngayon?
“Hindi ka tunay naming anak. Sampid ka lang Heather, ampon ka lang!” Napabalikwas si Heather sa higaan nang mapanaginipang muli ang mga salitang nagpaguho ng kanyang mundo at pagkatao. Tama, isa siyang ampon at recently lang din niya nalaman iyon. Nang malaman ng kanyang ina at ama na mababa ang tsansang magka-anak pa ang mga ito ay napagpasyhan nilang mag-ampon na lang at siya nga ang nakuha, hanggang sa ilang taon ang nakalipas, miraculously nabuntis ang kanyang ina at isinilang si Febbie. Simula noon, nalipat na ang atensyon ng mga magulang niya kay Febbie, noon pa man ay hindi niya maintindihan kung bakit ang unfair ng treatment nito sa kanya, ngayon na-realize niya na kung bakit— dahil ampon lang pala siya. Nang malugi ang kumpanya nila ay wala siyang choice na makasal sa panganay na anak ng mga Madrigal. At dahil gusto niyang makatulong sa mga magulang at umaasang mapapansin din siya ng mga ito kaya naman pumayag siya sa gusto ng mga ito. Sariwang-sariwa pa sa kanya ang usa
Nang marinig ng mga nars ang sigaw ni Heather ay agad na nagsipasukan ito sa loob. Kitang-kita ang sakit sa mukha ng babae habang hawak-hawak nito ang malaking tiyan. “Manganganak na ata a-ako. Tulungan niyo ako!” sigaw ni Heather sa mga ito kung kaya’t agad siya nitong inasikaso. Ang doktor na kanina’y kausap niya ay naroon din. “Wala pa ba ang asawa mo, misis? Anong klaseng asawa—” Huminga ng malalim ang doktor saka napailing. Siguro na-realize nito na wala ito sa posisyon na sabihin ang gusto nitong sabihin. “Misis, kailangan ng guardian na magpipirma rito sa form, hindi ka namin pwedeng ilagay sa emergency room hangga’t wala pa ang asawa mo—” “A-Ano!? Dito niyo ba ako papa anakin? Amin na ang form na iyan! Ako na lang ang magpipirma, ako ang guardian ng sarili ko! Kahit anong mangyari sa akin ay ako ang mananagot hindi kayo, kaya please lang… Lalabas na ang anak ko! Parang awa niyo na—Ahhh!” sigaw niya habang namimilipit sa sakit. Nararamdaman niya na rin ang ulo ng kanyang an
Kanina pa tawag ng tawag si Heather sa kanyang asawang si Cregan ngunit hindi ito sumasagot. Nasa sa ospital siya at kasalukuyang naka-admit dahil muntik na siyang makunan kanina. Mabuti na lamang ay may tumulong sa kanyang mga tao sa mall. Balak niya kasing bilhan ng mga gamit ang kanilang second baby na nasa sinapupunan pa lang niya. Malapit na nga itong lumabas dahil ngayon ang kanyang kabuwanan. Napapikit siya ng mariin nang marinig ang paulit-ulit na ring ng telepono ng kanyang asawa at ang mas ikinakasakit pa ng kanyang kalooban…pinatay pa ni Cregan ang telepono kung kaya’t hindi niya na ito matawagan.Napahangos siya ng malalim at kinalma ang sarili. Sabi ng doktor sa kanya ay okay na ang kalagayan niya, sinabi rin nito na kailangan niya ng ma-admit ngayon dahil sa tingin nito’y papalabas na raw ang baby niya. “Misis, kailangan mo ng tawagan ang asawa mo, i-admit na kita rito sa ospital dahil pansin kong malapit ka ng manganak. Nakita ko kanina na pumutok na ang iyong panubi