Masuk“Benjamin, naging asawa mo ako sa loob ng tatlong taon ngunit ni isang beses ay hindi mo man lang ako nagawang hawakan! Ngayon, ito na ang pagkakataon ko. Ito na ang tamang panahon para bumawi sa lahat ng mga masasakit na pinagdaanan ko sa piling mo bilang asawa mo at bilang babaeng minahal ka ng napakatagal! Pinagsisisihan kong naging asawa kita!” Tumutulo ang mga luha ni Lunabella habang sinasabi iyon sa nakahiga at nakataling asawang si Benjamin Alvarez sa kanilang kama. “Huwag mong gawin ito, Luna. Sinasabi ko sa'yo, hinding-hindi kita mapapatawad! Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin na hindi kita magawang mahalin? Na si Astra lang ang tanging tinitibok ng puso ko?!” Walang pusong turan ni Benjamin, puno ng galit ang mga mata. “Humanda ka sa akin kapag nakawala ako rito, talagang mapapatay kita!” Pilit itong kumakawala sa pagkakatali ngunit mahigpit ang ginawang pagkakatali rito ni Lunabella rito. ******* Mula pa nang highschool ay minamahal na ni Lunabella Cruz si Benjamin Alvarez. Wala siyang ibang nais kundi ang makasal dito. Kaya nang ipagkasundo silang dalawa dahil sa horoscope na pinaniniwalaan ng naghihingalong matandang Alvarez ay hanggang langit ang ligaya niya. Subalit ang sayang iyon ay kapalit ng tatlong taong paghihirap niya bilang asawa ni Benjamin Alvarez. Mahal na mahal niya ang lalaki ngunit may iba ito minamahal.
Lihat lebih banyakNang makita ang kalagayan ni Blueberry Lucille, namangha muna si Lunabella bago nakaramdam ng kirot sa puso. Kusa siyang lumuhod, niyakap ang bata, at hinaplos ang likod nito upang patahanin. Mahigpit na hinawakan ni Blueberry ang laylayan ng damit ng babae, hindi tumitigil sa pag-iyak. Nakita iyon ni Benjamin, at muling nagpakita ng kawalan ng pag-asa ang kanyang mga mata. Kanina pa sa bahay, noong siya ang ama na nag-alok ng yakap, umiiwas ang bata at hindi man lang sumagot. Ngayon, kay Lunabella naman siya lumalapit para humingi ng kalinga. O baka dahil likas na naghahanap ang bata ng pagmamahal ng ina? "Shush... Don't cry, baby. Tell Auntie what happened," malambing na sabi ni Lunabella. Hindi naman magsasalita ang bata, kaya si Benjamin na ang nagsalita. "Hindi nakita ni Blueberry Lucille ang mga anak mo sa kindergarten kanina, akala niya ay hindi na sila papasok. Umiyak siya nang umuwi at nagpumilit na pumunta rito." Bumuntong-hininga si Lunabella, naantig siya sa pagmamahal
Kumunot ang noo ni Benjamin. Hindi niya inasahang magagalit nang ganoon ang bata.Nang marinig ang sinabi ni Auntie Jenna, tumango siya at kumatok. "Princess, open the door. Daddy wants to talk to you."May biglang bumagsak sa pinto, malakas ang tunog. Kitang-kita na ipinapakita ng bata ang kanyang pagtutol.Tumigil sandali si Benjamin, at mas malambing na nagsalita. "Baby, what do you want daddy to do? Please open the door and tell dad, let's talk it out properly. Okay?"Muli may bumagsak, mas malakas pa sa nauna.Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Auntie Jenna ang bata nang ganito. Dahil sa kalagayan nito, natatakot siyang baka may mangyari masama. "Sir, pasukin na po natin. Nag-aalala na po ako..."Nag-alinlangan si Benjamin, pero tumango rin. Kinuha ni Auntie Jenna ang extra na susi at binuksan ang pinto.Pagpasok nila, nagulat sila sa gulo ng kwarto. Nagkalat ang mga paboritong manika ni Blueberry Lucille sa sahig. Sa may pinto, may ilang kahon ng music box, dalawa na rito an
Kahit hindi kasinghusay ni Brion si Levi pagdating sa computer, may alam pa rin naman siya tungkol dito.Buong umagang walang nagagawa ang pamilya Soledad, pero bigla na lang silang kumilos at pati si Brion ay naipahiya na nila.Siguradong hindi pangkaraniwan ang taong kausap nila.At sigurado na hindi iyon galing sa pamilya Soledad.Sapat na ang isang umaga para humingi ng tulong sa iba ang pamilya Soledad."Maybe... It's from the Al Tech?" Iyon lang ang naiisip ni Levi.Kilala ang pamilya Alvarez sa galing nila sa teknolohiya.Bukod pa rito, kung talagang ang babaeng iyon ang ina ni Blueberry Lucille, walang dahilan ang pamilya Soledad na hindi humingi ng tulong sa kanila.Nang marinig iyon, kumunot ang noo ni Brion at sumimangot sa inis.Alam naman niyang ang babaeng iyon ang ina ni Blueberry Lucille pero galit pa rin siya dahil inaapi ng masamang babae ang Mommy niya, at tinutulungan pa ito ng kanyang ama!Hindi! Kailangan niyang turuan sila ng leksyon!Nang maisip iyon, kinuha ul
Nang makita ang solusyon ng kanyang kuya, naintindihan na rin ni Brion ang nangyayari at masayang lumapit sa kanilang ina. “Mommy, mas magaan na ang pakiramdam ko! Sobrang epektibo ng gamot na binigay mo! Ikaw ang pinakamagaling na doktor sa buong mundo! Idol ka po namin ni Kuya! Mahal na mahal ka namin, Mommy!” Napaiiling na lang si Lunabella dahil sa tuwa. Matapos suriin, nakita niyang wala namang kakaiba o masama sa kalagayan ng dalawang bata. Kahit nakahinga siya nang maluwag, may naramdaman pa rin siyang medyo kakaiba. “Pero medyo masama pa rin ang pakiramdam ko,” seryosong sabi ni Brion. Nang marinig ito, kinabahan bigla si Luna at nag-aalalang tiningnan ang anak. Ngunit narinig nilang sinabi ng munting bata sa malambing at batang tinig, “Kailangan ko lang po ng yakap ni Mommy para gumaling.” Pagkatapos magsalita, tumakbo at yumakap ito nang mahigpit sa kanya. Ngumiti si Luna at niyakap pabalik ang anak, at nawala na ang kanyang hinala. Habang yakap ang bata, sabay silang
Nang tuluyang makalabas ng bahay nina Lunabella at makapasok sa kanilang sasakyan, bagama't hindi na umiiyak subalit masama pa rin ang loob ni Blueberry Lucille sa kanyang ama. Kaya naman tahimik siyang naupo sa gilid, sa may bandang bintana. Sandaling pinagmasdan ni Benjamin ang suwail na anak, i
Pinakatitigan ni Benjamin ang dalawang paslit na kasalukuyang galit na galit sa kanya, imbes na magalit din ay kakaibang pagkamangha ang kanyang nararamdaman. Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay. Halatang sinisisi siya sa lahat ng dalawang ito. Subalit sa hindi malamang kadahilanan. Sa na
Tila kalabit ang isang salitang iyon upang mapakawalan ni Blueberry Lucille ang emosyong kanyang pilit na pinipigilan. Sunud-sunod na nagsituluan ang kanyang mga luha kasunod ng matunog nitong paghikbi. Sa kabila ng pagtangis ng anak, naroon lamang si Benjamin, nakatayo, magkasalubong ang makakap
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinawakan niya sa palapulsuhan si Levy at saka sila bumalik sa carpeted floor. "Since your dad is here to pick you up, you should go back with him quickly. Our Mommy will take a nap then after she'll go to work. Wala na siyang oras para samahan ka." Malamig na wi


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan