MasukSi Heather ay isang maybahay at hands-on sa lahat ng kailangan ng pamilya niya. Siya ay isang asawa ng CEO na nagmamay-ari ng Madrigal Group of Companies at ilang mga resort sa kamaynilaan na si Cregan Madrigal. May isang anak sila na ang pangalan ay Erryc, walong taong gulang na at palaging sakitin. Mas gusto nitong kasama ang Tita Febbie na kapatid ni Heather dahil spoiled na spoiled ang bata sa dalaga. Samantalang si Heather ay isang stirktang ina at lahat pinagbabawalan ang anak. Hanggang sa nagka-anak ulit sila ni Cregan at ni isa sa pamilya nila ay walang nag-asikaso habang nasa labor siya, naroon kasi ang mga ito sa birthday party ng kanyang kapatid na si Febbie. Doon niya na-realize na wala siyang halaga sa pamilya niya lalo na sa asawa at anak niya. Makakaya pa ba niyang pakisamahan si Cregan at Erryc gayong hindi naman siya ang gusto nitong makasama? o mag-fi-file na lamang siya ng dibursyo sa asawa at magbagong buhay kasama ang pangalawang anak nila?
Lihat lebih banyakKanina pa tawag ng tawag si Heather sa kanyang asawang si Cregan ngunit hindi ito sumasagot. Nasa sa ospital siya at kasalukuyang naka-admit dahil muntik na siyang makunan kanina.
Mabuti na lamang ay may tumulong sa kanyang mga tao sa mall. Balak niya kasing bilhan ng mga gamit ang kanilang second baby na nasa sinapupunan pa lang niya. Malapit na nga itong lumabas dahil ngayon ang kanyang kabuwanan.
Napapikit siya ng mariin nang marinig ang paulit-ulit na ring ng telepono ng kanyang asawa at ang mas ikinakasakit pa ng kanyang kalooban…pinatay pa ni Cregan ang telepono kung kaya’t hindi niya na ito matawagan.
Napahangos siya ng malalim at kinalma ang sarili. Sabi ng doktor sa kanya ay okay na ang kalagayan niya, sinabi rin nito na kailangan niya ng ma-admit ngayon dahil sa tingin nito’y papalabas na raw ang baby niya.
“Misis, kailangan mo ng tawagan ang asawa mo, i-admit na kita rito sa ospital dahil pansin kong malapit ka ng manganak. Nakita ko kanina na pumutok na ang iyong panubigan at nasa state of labor ka na. Pansin mong medyo nakakaramdam ka na ng sakit, tama?” sabi nito kung kaya’t napatango siya.
Iyan ang eksaktong sinabi sa kanya ng doktor. Nasa state of labor na siya pero hindi na rin masyado masakit para sa kanya ang nangyayari dahil ikalawang beses na rin niya sa panganganak.
Bigla niyang naalala ang kanyang anak na si Erryc, palagi nitong hawak-hawak ang phone dahil mahilig itong maglaro ng Roblox. Mabuti na lang at naalala niya iyon kung kaya’t mabilis niyang tinawagan ang numero ng anak.
Wala pa ngang isang minuto ay sinagot na nito ang tawag.
“Hello, Mom? Bakit? Naglalaro ako eh,” inis na sabi ni Erryc sa kanya. Alam niyang naka-pout na naman ito sigurado.Rinig na rinig niya ang mga tawanan sa kabilang linya kung kaya’t napakunot siya ng noo. “Erryc, nasaan ka? Sino ang kasama mo?” tanong niya sa anak.
“Mom, narito kami sa isang restaurant and we’re celebrating Tita Febbie’s birthday. Nakalimutan mo na ba? Nasaan ka ba, Mom? Bakit hindi ka pumunta rito?” inosenteng tanong ng kanyang anak kung kaya’t napakunot ang noo niya.
Sa pagkakaalam niya, hindi mag-ce-celebrate si Febbie ngayon dahil pupunta itong Cebu para mag-shoot. Isang model kasi ang kapatid niya. Sinabi iyon sa kanya kanina ni Febbie kung kaya’t hindi na siya nag-abala pang gumawa ng cake at pumunta na lamang sa mall upang bilhan ang kanyang unborn baby ng mga gamit.
Mayamaya ay narinig niya ang boses ng kanyang manugang sa kabilang linya.
“Erryc, hijo… Sino ba iyang kausap mo? Hinahanap ka na ni Tita Febbie at Dad mo. Sabay-sabay raw kayong mag-blo-blow ng cake. Patayin mo na iyang cellphone, bilis!”
“Si Mom kasi eh. Tumatawag, Wowa.”
“Naku, si Heather ba iyan? Heather, nagkakasiyahan kami rito kung kaya’t huwag mo na kaming isturbuhin. Sabi ni Febbie, ginusto mo raw na manatili riyan sa mansyon noong inaya ka niyang um-attend sa party niya! Ano na naman ba ang pinuputok ng butsi mo ngayon? Nakakaisturbo ka, alam mo ba iyon? Mas maigi ngang hindi ka na um-attend dahil kabuwanan mo na, kailangan mong magpahinga. Huwag ka ng tumawag sa amin, okay!?”
Kinagat ni Heather ang kanyang labi nang marinig ang sinabi ng ina ng kanyang asawa. Gusto niyang magsalita ngunit hindi niya magawa. Ayaw niyang sabihin sa manugang na hindi naman niya alam na mag-ce-celebrate si Febbie ng birthday nito. Ang alam niya pupunta ito ng Cebu.
“Mom… Narito po ako sa ospital ngayon, kailangan ko pong makausap si Cregan—”
Naputol ang kanyang sasabihin nang biglang pinatay nito ang tawag. Nakaramdam si Heather ng kirot sa dibdib, ganto naman talaga ang manugang niya, hindi na rin siya nagulat pa. Kung sabagay mas gusto nitong si Febbie ang makatuluyan ng anak nito. At dahil siya ang panganay na anak ng pamilyang Del Mundo ay siya ang napangasawa ni Cregan Madrigal.
It was only an arrange marriage walang love, pawang napilitan lang silang dalawa, or should she say si Cregan lang dahil matagal niya na ring mahal ang lalaki, simula noong bata pa sila.
Naputol ang pagmumuni-muni niya nang lumapit ulit sa kanya ang doktor. “Misis, narito na ba ang pamilya mo? May kailangan kasi silang permahan bago tayo pumunta sa delivery room…”
Napatingin siya sa doktor saka napailing. “Hindi ko po kasi makontak ang asawa ko. Pwede bang ako na lang ang magpirma ng form?”
Umiling ng marahas ang doktor at medyo nairirita na rin, “Misis, ang guardian po ang magpipirma ng form na ito. Hindi pwedeng kayo. Tawagan niyo po ulit ang asawa niyo, babalik ulit ako.”
Wala siyang nagawa kung ‘di ang tingnan ang doktor na papaalis sa kanyang kwarto. Hindi niya mapigilang mapahawak sa kanyang tiyan, talagang sumasakit na ito at kailangan na kailangan na niyang ilabas ang anak.
Pinikit niya ng mariin ang mga mata at ibinuhos ang natitirang lakas para matawagan ang asawa. Pipi siyang nanalangin na sana sagutin nito ang tawag niya.
Hanggang sa ilang ring ay may sumagot.
“Thank God, Cregan. Kanina pa ako tawag ng tawag sa’yo ngunit hindi mo naman ako sinasagot. Pumunta ka rito sa—”
Naputol ang sasabihin niya nang magsalita si Cregan sa kabilang linya.
“Heather? Ano? Hindi kita marinig?” sabi nito.
“Sabi ko manganganak na ako, puntahan mo ako ospital—”
“Dad, si Mom na naman ba iyan? Kanina pa siya tawag ng tawag sa akin, nakakairita na. Kakausap pa lang namin kanina eh. Dapat kasi nag-attend siya ng birthday ni Tita Febbie para hindi niya tayo naiisturbo…”
Doon na namutla ang mukha ni Heather. Hindi siya makapaniwala na sasabihin iyon ni Erryc sa kanya. Ang pinaka mamahal niyang anak.
“Bakit ba ang strict ni Mom sa atin? Birthday naman ni Tita Febbie at magkapatid din naman sila, nakakainis naman. Sana si Tita Febbie na lang ang nanay ko. Tita is very supportive unlike Mom, she is so annoying! I don’t really understand her.”
Tumulo ang kanyang luha nang marinig niya ang sinabi ni Erryc sa kanya. Alam niyang bata pa si Erryc at hindi nito alam ang sinasabi ngunit kahit gano’n masakit pa rin bilang isang ina na marinig na hindi ka gusto ng sarili mong anak.
She’s a strict mom, yes… Aaminin niya iyon ngunit para naman iyon sa kapakanan ng kanyang anak. She’s disciplining him, ayaw niyang lumaki ang kanyang anak na sobrang spoiled kagaya ng kapatid niyang si Febbie.
Nag-expect siyang pagsasabihan ng kanyang asawa ang anak nila ngunit tahimik lang ito. Para bang sumasang-ayon pa nga ito sa anak nila.
Nanginig ang kanyang labi at unti-unti siyang napahikbi. Halo-halo ang kanyang sakit na nararamdaman… Sakit sa katawan at higit sa lahat sa puso. Para siyang tinutusok ng ilang libong kutsilyo sa kanyang dibdib.
“Heather? Bakit ang tahimik mo?” naiiritang sabi ni Cregan sa kanya. “Kung hindi ka naman pala magsasalita bakit tumawag ka pa? I’ll hang up now, text ka na lang kung may kailangan ka. We’re in the middle of celebrating your sister’s birthday. Hindi naman pwedeng uuwi kami ng anak mo para lang sundin ang kagustuhan mo. Febbie is our family too…”
Parang siya pa ang naging masama, ano ba ang kasalanan niya? Hindi ba pwedeng pakinggan muna ang hinaing niya? Manganganak na siya; Hindi ba importante ang lagay niya kay Cregan?
Wala na ba talaga itong pakialam sa kanya at pinatayan pa talaga siya nito ng tawag.
Naalala niya noong nakaraang linggo, dali-dali nitong ni-rescue si Febbie at dinala sa ospital dahil may sinat ito. Lahat ay nagkakagulo, ultimo kanyang anak na si Erryc ay umiiyak dahil sa pag-aalala.
Subalit noong siya ang nagkaroon ng lagnat at nagdedeliryo pa sa init ay wala itong pakialam.
“Lagnat lang iyan, Cregan. Huwag kang mag-alala, itulog lang niya iyan, sigurado akong bukas ay maayos na siya,” sabi ng ina ni Cregan knowing na pinagbubuntis niya noon si Erryc.
Masakit isipin na ni isa ay walang nagmamalasakit sa kanya. Simula noong bumalik ang kanyang kapatid galing sa Paris ay nag-iba na ang lahat. Lahat ng simpatya ay napunta na kay Febbie, pati na ang sarili niyang pamilya ay sa babae na rin naka-pokus.
Kinagat niya ang labi ng mariin, pinipigilan ang luhang papatulo na naman. Hanggang sa nalasahan niya ang dugo, napahawak siya sa kanyang umbok na tiyan at malakas na napasigaw.
Manganganak na siya!
Isinugod nila si Erryc sa ospital na ang tanging bukambibig ay ang kanyang ina na si Heather. Hindi alam ang gagawin ni Cregan dahil sa sobrang panic, wala rin si Heather para tulungan sila dahil nasa ospital ito. Si Heather lang ang nakakaalam kung ano ang gagawin kay Erryc kaya namomroblema siya pati na ang kanyang ina kung ano ang gagawin. Mas minabuti na lang nilang idala ang bata sa ospital upang doon gamutin. “Doc, kumusta po ang anak ko?” tanong ni Cregan sa doktor. Huminga ng malalim ang doktor saka nilingon ang batang natutulog na ngayon. “Okay na ang anak mo, Mr. Madrigal. Alam kong busy ka Mr. Cregan, pero kailangan mong pagtuunan ng pansin kahit papaano ang anak mo. Kapag maulit muli ito, hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa anak mo. Sinabihan ko na rin ang asawa mo noon na allergy ang bata sa chocolates, anong nangyari ngayon?” tanong ng doktor kay Cregan. Natahimik na lamang ang lalaki sa napayuko. Ang doktor ay napahinga ng malalim saka nagsalita ulit. “Al
“Wow! Hindi na po ako nakakatikim ng chocolates matagal na, miss na miss ko na po ang lasa nito, Tita Febby!” masayang turan ni Erryc sa dalaga. Napangiti na lamang si Febby saka tumango. Ang ina naman ni Febby ay biglang nagsalita, natatakot at nag-aalala para sa kalagayan ng apo. “Anak, hindi ba’t sinabi ni Heather na allergy si Erryc sa mga chocolates kaya huwag na huwag natin siyang papakainin nito? Isa pa, too much sweet ‘yan iho, huwag mo ng kainin,” paalala ng ina ni Febby sa kanila. Subalit hindi man lang nakinig si Febby, “Okay lang naman, Mom. Isa pa, kunti lang naman ang kakainin ni Erryc. Allergy lang naman yun, paano siya masasanay kung hindi mo siya papakainin. Kapag nasanay na siyang kumain ng chocolates mawawala na rin ang allergy niya, sure ako riyan! Sabi nga, hindi naman masama kung pakunti-kunti lang!”Napakunot ang noo ni Cregan ngunit hindi na nagsalita pa. Tila ba naniwala ang binata sa sinabi ni Febby, sobrang confident naman kasi ng pagkakasabi nito sa ka
Kabanata 9|Si Karen na kanina pa nakaabang sa pintuan at inaabangan ang pagdating ng asawa ni Heather na si Cregan ay napataas ng kilay nang makita niyang alas onse na ng umaga’t hindi pa rin ito dumadalaw sa asawa. Kahit mga in-laws pati na ang mga magulang ni Heather ay wala ring paramdam. “Alam mo, Madam nakakainis iyang pamilya mo lalo na ang asawa mo. Napaka walang puso! Anong oras na oh, alas onse na! Ni hindi man lang magawa kayong bisitahin! Nakakainis na talaga, nakaya nitong kalimutan ang bunsong anak niya?” hindi mapigilang reklamo ni Karen kay Heather. Si Heather naman ay busy sa kakalaro kay Baby Erich. Ni hindi man lang nito pinansin ang sinabi ni Karen dahil nakatuon ang atensyon nito sa cute na baby-ng nasa harapan. “Omg! Tingnan mo, Karen oh. Ngumiti si Baby Erich sa akin! Ngumiti siya!” masayang sabi ni Heather kung kaya’t nilapitan ni Karen ang mag-ina. Totoo ngang ngumingiti si Baby Erich, mabuti na lang at dumating si Erich sa buhay ni Heather kung hindi baka
Kagabi ay nakabalik na ang sina Cregan sa mansyon at may balak na pumunta kay Heather sa ospital. Ngunit umaga pa lang ay nagkakagulo na ang mansyon. Dahil sa si Heather ang palaging naghahanda ng almusal sa anak na si Erryc ay nasanay na ang bata sa panlasa ng luto ng ina. At dahil wala si Heather doon ay nagkakagulo na ang mga katulong, ayaw kasi ni Erryc ng luto ng mga kasambahay. “Dad, ayaw ko nito! Ayaw ko ng egg! Pati na ng rice. Gusto ko yung niluluto ni Mom sa akin na friedrice, yung may toyo. Gusto ko yun!” sigaw ni Erryc habang nagpapadyak ang mga paa. “Hindi ako marunong nun anak, kapag umuwi na ang Mom mo ay lulutuan ka niya ng napakarami. Gusto mo yun? Pero sa ngayon, luto muna ni Manang ang kakainin mo, okay?” pagsuyo ni Cregan sa bata. Subalit umiling lang ng marahas si Cregan na para bang hindi maintindihan nito ang sinabi ng ama. “Ang pangit ng lasa ng egg! Pati na ang rice ayaw ko nito, Dad! Ayaw!!” Napahilamos ng mukha si Cregan habang nakatingin sa anak. Hind






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak