Nagising si Heather nang may marinig na sermon sa labas ng kanyang silid. “Papasukin niyo ako! Gusto kong kumustahin ang apo’t anak kong si Heather.”
“Miss Dianne, nagpapahinga po si Miss Heather, maya na lang po kayo—”
“Hindi, gustong makita ang apo ko, NOW na!” sabi ng matanda kaya napapailing na lamang siya. Pilit siyang ngumiti nang makita ang galit na mukha ng matanda.
“Moma, anong ginagawa niyo rito?”
Inirapan lang siya nito at lumapit sa table upang ilagay ang mga prutas doon.
“Bawal ko na bang bisitahin ang anak-anakan at apo ko? Kakarating ko lang galing Paris tapos ganito na ang nabalitaan ko? Ayon sa sekretarya kong si Eunice, wala raw ang pamilya mo sa panganganak mo? Nasaan sila? Sa birthday ng kapatid mo? Aba’t kung nakita ko lang sila pinagmumura ko na!”
Si Moma Dianne ay may-ari ng isang sikat na clothing business sa Pinas. Nakilala niya ito dahil minsan na niyang nasagip ang matanda sa isang heart attack sa kalsada. Kung hindi dahil sa kanya ay baka matagal na itong wala sa mundo.
At dahil saktong nagpapagaling noon ang kanyang Moma Dianne ay siya na muna ang nag-acting CEO ng kompanya.
Hindi niya alam kung paano niya nakaya ang trabaho ngunit grabe ang tuwa ng matanda habang nire-report niya ang mga achivements ng kompanya nito. Walang anak si Moma Dianne, pati pamilya ay wala na rin, siya lang ang pinagkakatiwalaan nito at ang sekretarya nitong si Eunice.
Siya ang naging isang ina-inahan niya na at sobrang naging mabait sa kanya. At kahit nga naka-recover na ito sa heart attack ay siya pa rin ang pinagkatiwalaan ng matanda, nag-resign lang siya sa trabaho niya nang maikasal siya sa kanyang asawang si Cregan.
Hindi rin alam ng kanyang mga magulang na nagttrabaho siya noon sa isang sikat na clothing business dahil kahit sabihin niya ito sa kanila ay hindi pa rin ito magiging interesado. Sa katunayan, malaki-laki na ang naipon niyang pera sa bangko at dahil iyon sa pagsusumikap niya.
“Moma naman, huwag kang maingay at natutulog ang apo mo. Tsaka chillax ka lang at baka sumpungin ka na naman ng highblood mo. Sige ka,” pananakot niya sa matanda.
Ayaw na ayaw pa naman nitong ma-admit ulit sa ospital dahil sobrang boring daw.
“Kung sumpungin man ako at ma-admit ulit, babalik ka ba sa kompanya? Sinabi ko sa’yo ikaw na lang ang pinagkakatiwalaan ko, matanda na ako Heather, kailangan ko ng tulong mo. Para naman ma-train ka na dahil ikaw naman ang magmamana—”
Pinutol niya ang sasabihin ng matanda saka umiling.
“Moma… How many times do I have to tell you na malakas ka pa at pag-isipan mo ng mabuti ‘yang desisyon mo…”
“Heather, buo na ang desisyon ko. Huwag na nga nating pag-usapan ito, so nasaan na ang gago mong asawa? Kumusta na? Sinabi ko naman sa’yo hindi worth it ang lalaking iyon, ipinagpalit mo ang maganda mong future sa kanya!” inis na sabi ni Moma Diane sa kanya.
Dahil doon, kumirot ang kanyang dibdib. Tila ba natamaan siya sa sinabi ng matanda. Tama, nabulag nga siya sa kanyang katangahan. Akala kasi niya magiging okay ang lahat, akala rin niya’y matatanggap siya ng kanyang mga magulang ngunit nagkamali siya.
Napayuko si Heather at kinagat niya ng mariin ang kanyang labi. Pinipigilang bumuhos na naman ang kanyang luha.
“T-Tama ka, Moma. Mali ako ng desisyon pero ngayon itatama ko na ang lahat. Hindi na rin ako magpapakatanga sa lalaking iyon.”
Nakahinga ng maluwag ang babaeng matanda nang marinig ang sinabi ni Heather.
“Hay mabuti naman at natauhan ka na hija. Basta’t palagi mong tatandaan na narito lang ako upang suportahan ka sa lahat ng gusto. Alam mo naman na ikaw lang ang itinuturing kong pamilya ‘di ba?” malambing na sabi ng matanda saka hinawakan pa ang kanyang kamay.
Magsasalita pa sana si Heather nang marinig nila ang mumunting ungol ng kanyang anak kung kaya’t napatingin sila sa loob ng crib. Mukhang gising na ang kanyang little princess.
Agad namang nilapitan ito ng Moma Diane niya. Kita ang masayang mukha ng matanda habang tinitingnan ang cute na baby-ng nasa harapan nila.
“At sino naman itong little cuttie baby na ito? Ako ang Lola Diane mo, baby girl!”
Kita ang pagngiti ng sanggol habang itinataas nito ang kamay.
“Peek-a-Boo!”
Nagulat ang anak niya kung kaya’t malakas itong umiyak. Dahan-dahan niyang kinuha ang little princess niya at pina-dede.
“Ikaw talaga, Moma. Huwag mong gulatin ang apo niyo tuloy naiyak na,” reklamo niya kaya napa-upo na lang sa sofa ang matanda.
“Umiiyak ang baby dahil gutom na siya. Ikaw naman, hija. Ano pala ang mga kailangan niyo at tatawagan ko agad si Eugene upang magpabili ng mga kakailanganin.”
“Huwag na po, Moma. Okay na rin ang lahat, nakabili na ako,” paliwanag ni Heather kung kaya’t tumango-tango ito.
“Hm… So balak mo talagang makipag-hiwalay sa lalaking iyon?”
Nawala ang ngiti ni Heather nang marinig ang sinabi ng kanyang Moma.
“Yes, Moma.”
“Totoo na ba talaga ‘yan? Baka mamaya mag-backout ka?”
Dati pa man ay talagang hindi aprubado ng kanyang Moma ang pagpapakasal niya kay Cregan ngunit wala itong magawa dahil desisyon niya naman iyon.
“Tama nga kayo, una pa lang Moma. Na hindi naman talaga mag-wa-workout ang isang relasyong una pa lang ay wala ng pagmamahalan…” naluluhang sabi ni Heather sa ina-inahan niya.
“Hay naku, hija. From now own, huwag na huwag ka ng iiyak sa lalaking iyon, okay? So, kailan ka babalik sa kompanya?” tanong nito.
“Pagkatapos ng recovery ko, Moma. Huwag kang mag-alala, career ko na ang uunahin ko ngayon at kapakanan na rin ng little princess ko…”
“Paano ang panganay mong anak? Sa ama niya?” tanong ng matanda kung kaya’t tumango siya.
“Alam mo naman na maki-daddy ang batang yun Moma, ‘di ba?”
“Kung sabagay, sobrang spoiled na spoiled ang batang iyon sa asawa mo. Anyway kung ano ang desisyon mo ay roon din ako. Kapag naka-recover na ako at gumaling na ang sugat ko, si Nars Karen na muna ang mag-aalalaga kay Baby Erich,” paliwanag ni Heather sa matanda.
“Kailangan mo pa ba ng mag-aalaga? Magdadala ako bukas ng isang nanny para dalawa na silang mag-aalaga sa inyo—”
“Hindi na Moma. Salamat na lang, maggagastos ka pa,” putol niyang sabi ngunit nagpumilit ang matanda.
Kumuha pa rin ito ng isang kasambahay na nakatoka sa paglilinis at pagluluto sa condo niya.
“Sige na, mauuna na ako’t magpahinga ka. Huwag mong kalimutang mag-update sa akin at kung may problema ka tawagan mo agad ako, hija…”
“Salamat po, Moma…”
Nagising si Heather nang may marinig na sermon sa labas ng kanyang silid. “Papasukin niyo ako! Gusto kong kumustahin ang apo’t anak kong si Heather.” “Miss Dianne, nagpapahinga po si Miss Heather, maya na lang po kayo—” “Hindi, gustong makita ang apo ko, NOW na!” sabi ng matanda kaya napapailing na lamang siya. Pilit siyang ngumiti nang makita ang galit na mukha ng matanda. “Moma, anong ginagawa niyo rito?” Inirapan lang siya nito at lumapit sa table upang ilagay ang mga prutas doon. “Bawal ko na bang bisitahin ang anak-anakan at apo ko? Kakarating ko lang galing Paris tapos ganito na ang nabalitaan ko? Ayon sa sekretarya kong si Eunice, wala raw ang pamilya mo sa panganganak mo? Nasaan sila? Sa birthday ng kapatid mo? Aba’t kung nakita ko lang sila pinagmumura ko na!” Si Moma Dianne ay may-ari ng isang sikat na clothing business sa Pinas. Nakilala niya ito dahil minsan na niyang nasagip ang matanda sa isang heart attack sa kalsada. Kung hindi dahil sa kanya ay baka matagal na
Habang nag-ddrive pauwi sina Cregan kasama sina Erryc, Febbie at kanyang ina, hindi mapigilan ng bata ang magtanong sa ama. “Dad, is Mom okay? I think she's mad at us. Alam niyo po ba ang dahilan, Dad? Maybe she's mad because we celebrated Tita Febbie's birthday,” malungkot na saadni Erryc sa kanyang ama habang yakap-yakap ang Tita Febbie nito. Inunahan naman ni Febbie si Cregan at ito na ang sumagot sa bata, “Alam mo, Erryc. Hindi galit ang mom mo. Galing kasi siya sa panganganak sa sister mo kaya ganyan siya. Pagod lang ang Mommy mo, okay? Huwag kang mag-isip ng ganyan.” Narinig din nila ang bulong ng ina ni Cregan, “Hindi siya galit kung di nagddrama lang ang nanay mo.” Si Cregan ay napatingin sa rearview mirror ng kotse at sinamaan ng tingin ang ina. “Mom, will you please stop?” “Aba totoo naman! Nag-drama lang ang babaeng iyon!” “Tita Febbie, masakit po bang manganak? Kaya siguro galit si Mom kasi wala tayo sa tabi niya… Maybe she really hurt that's why she's mad at us…” “
Nagising si Heather dahil sa iyak ng kanyang anak na si Erich, hindi na siya nagulat nang makita ang isang nars na nagpapatahan at nagpapahele sa kanyang anak. Ngumiti ng matamis sa kanya ang nars na si Karen, naging kaibigan na rin niyang nars doon. Kahit medyo echoserang froglet ang dalaga ay ayos lang. Ginagawa rin naman kasi nito ang lahat para hindi siya mabagot doon. Na kahit off nito ay bumisita pa rin sa kanya para kamustahin siya. “Hindi ba't off mo ngayon?” tanong ni Heather sa dalaga. Tumango si Karen habang pinapatahan ang baby niya. Dahan-dahan nito itong inilagay sa kanyang braso upang ihiga si Erich sa tabi niya. “Gutom siguro si Baby Erich, padedehin mo na siya.” Kaya naman agad niyang inilabas ang kanyang malusog na dibdib nang walang pag-aalinlangan, mabuti na lang at may gatas ang kanyang dibdib, noong isinilang niya kasi ang panganay niyang si Erryc noon ay ni patak ng gatas ay wala siya. Sobrang nahirapan siya dahil sa pagpapadede ng artificial gatas sa anak n
Alas tres na ng umaga nang magising si Heather, ramdam niyang may humahaplos sa kanyang pisngi kung kaya’t napamulat siya ng mata. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng kanyang asawa. “I’m sorry, Heather. Hindi ko alam na nasa ospital ka pala,” malungkot na sabi sa kanya ni Cregan, talagang kitang-kita ang pagsisisi sa mukha nito. “Nung tumawag ka, hindi ko marinig ang sinabi mo dahil ang hina ng signal—” “ATE HEATHER! Oh my God! Sorry, hindi namin alam na nanganak ka na pala. This is all my fault, kung hindi ko sana inimbitahan si Cregan at Erryc na pumunta sa party ko hindi na sana mangyayari ito,” naiiyak na sabi ni Febbie sa kanya.Lumapit ang dalaga at niyakap siya ng mahigpit. Dahil sensitive ang kanyang katawan at may tahi pa siya, hindi niya sinasadya naitulak si Febbie. Nagulat ang dalaga pati na ang mga magulang nila sa ginawa niya. “Heather! Ano ka ba naman, bakit ganyan ka? Hindi naman kasalanan ni Febbie ang nangyari sa’yo. Alam ba namin na manganganak ka ngayon?
“Hindi ka tunay naming anak. Sampid ka lang Heather, ampon ka lang!” Napabalikwas si Heather sa higaan nang mapanaginipang muli ang mga salitang nagpaguho ng kanyang mundo at pagkatao. Tama, isa siyang ampon at recently lang din niya nalaman iyon. Nang malaman ng kanyang ina at ama na mababa ang tsansang magka-anak pa ang mga ito ay napagpasyhan nilang mag-ampon na lang at siya nga ang nakuha, hanggang sa ilang taon ang nakalipas, miraculously nabuntis ang kanyang ina at isinilang si Febbie. Simula noon, nalipat na ang atensyon ng mga magulang niya kay Febbie, noon pa man ay hindi niya maintindihan kung bakit ang unfair ng treatment nito sa kanya, ngayon na-realize niya na kung bakit— dahil ampon lang pala siya. Nang malugi ang kumpanya nila ay wala siyang choice na makasal sa panganay na anak ng mga Madrigal. At dahil gusto niyang makatulong sa mga magulang at umaasang mapapansin din siya ng mga ito kaya naman pumayag siya sa gusto ng mga ito. Sariwang-sariwa pa sa kanya ang usa
Nang marinig ng mga nars ang sigaw ni Heather ay agad na nagsipasukan ito sa loob. Kitang-kita ang sakit sa mukha ng babae habang hawak-hawak nito ang malaking tiyan. “Manganganak na ata a-ako. Tulungan niyo ako!” sigaw ni Heather sa mga ito kung kaya’t agad siya nitong inasikaso. Ang doktor na kanina’y kausap niya ay naroon din. “Wala pa ba ang asawa mo, misis? Anong klaseng asawa—” Huminga ng malalim ang doktor saka napailing. Siguro na-realize nito na wala ito sa posisyon na sabihin ang gusto nitong sabihin. “Misis, kailangan ng guardian na magpipirma rito sa form, hindi ka namin pwedeng ilagay sa emergency room hangga’t wala pa ang asawa mo—” “A-Ano!? Dito niyo ba ako papa anakin? Amin na ang form na iyan! Ako na lang ang magpipirma, ako ang guardian ng sarili ko! Kahit anong mangyari sa akin ay ako ang mananagot hindi kayo, kaya please lang… Lalabas na ang anak ko! Parang awa niyo na—Ahhh!” sigaw niya habang namimilipit sa sakit. Nararamdaman niya na rin ang ulo ng kanyang an