Matapos ang isang malaking pagkakamali sa huli niyang mission, napilitan si Charlene Dumont na tanggapin ang trabahong personal secretary ni Bastien Morel, ang kilalang masungit, perfectionist, at ruthless na CEO ng Vireya Corporation, isang high-profile na kumpanya sa Pilipinas. Pero hindi lang basta trabaho ang pakay ni Charlene. May kailangan siyang makuhang code mula kay Bastien, isang critical na detalye para maayos ang sablay sa nakaraan niyang operasyon. Ang hindi niya alam, si Bastien ay hindi basta-basta boss. Isang maling kilos lang at puwede kang mawalan ng trabaho... o masira ang buong pangalan mo sa industriya. Iisa lang ang reputasyon nito: terror. Pero handa si Charlene na gawin ang lahat, kahit pa ang pakisamahan ang lalaking tingin ng lahat ay halimaw. Ang hindi niya inaasahan? Na unti-unti siyang mahuhulog sa lalaking dapat sana’y lalabánan niya. Makukuha ba niya ang code bago siya tuluyang bumigay sa tukso? O tuluyan na bang magiging Mission Impossible ang lahat?
Lihat lebih banyak“Ano na naman itong kagaguhan mo, Charlene?” sigaw ng Contractor niyang si Azkal halatang naiinis. Kitang-kita sa tono ng boses nito ang galit.
“Hindi ko maintindihan,” sagot ni Charlene, may halong kaba habang sinusubukang intindihin ang bigat ng sitwasyon.
“Sinira mo ang buong plano dahil lang sa maling lalaking nakasama mo, tapos nakalimutan mo pang ilagay ang code para ma-finalize ‘yung transaction. Hindi lang sarili mo ang nilagay mo sa alanganin, pati buong operasyon. Now you need to fix this before the authorities catch on, or else we’re all looking at jail time,” tuloy-tuloy ang banat nito.
Tangina. Sa pagmamadali niya kagabi, nakalimutan nga niyang i-input ang verification code. Umiikot ang utak niya sa sobrang panic, iniisip kung anong dapat gawin.
“Ayon sa insider natin, iisang tao lang ang may alam ng code na ‘yan—si Bastien Morel, CEO ng VIREYA CORPORATION. Every six months sila nagpapalit ng account info, minsan kahit three months lang. That gives you a window. Enough time para makuha mo ‘yung code sa kanya.”
“Hindi mo puwedeng i-expect na magta-trabaho ako sa isang kumpanya,” sagot ni Charlene, nanginginig nang bahagya ang boses. “I told you, last night was supposed to be the last time I’d do this kind of job. Gusto ko na maging babae na ipagmamalaki ng mga magulang ko.”
Ilang segundo ang lumipas bago muling nagsalita si Azkal. “Alam ko ‘yan, Charlene. Pero wala na tayong magagawa. You caused this mess, ikaw lang ang makakaayos nito. Target mo si Bastien, at ang mission mo, mag-apply bilang personal secretary niya. Once makapasok ka, gain his trust. You’ll need to seduce him. Halikan mo siya, paibigin mo, makipag-sex ka kung kailangan. Do everything to get the code. ‘Yun ang gagamitin natin para ma-bypass ang system at ma-validate ang transaction. May aayusin na interview ‘yung contact natin for 9:00 AM tomorrow. Make sure you’re there. He’s expecting you,” tapos ay binabaan siya ng telepono.
Napakagat si Charlene sa hintuturo niya habang unti-unting lumulubog sa kanya ang bigat ng kasalanan niya. Nakatitig siya sa malamlam na ilaw ng kwarto niya, ramdam ang bilis ng tibok ng puso. Hindi pa panahon para manghina. May panibagong mission na naman, at ang target niya ngayon ay walang iba kundi ang CEO ng VIREYA CORPORATION.
**
Gusto ni Charlene na magmukhang professional para sa bagong mission niya ngayon, kaya nagsuot siya ng corporate attire. White long-sleeved shirt at maikling black skirt, paired with sleek black heels. Kinuha niya ang cellphone niya at mabilis na nag-book ng ride. Bago siya umalis, sinungkit niya ang isang pirasong papel kung saan nakasulat ang address ng VIREYA CORPORATION, at ipinasok ito sa purse niya.
Dumating ang taxi after a few minutes. Umupo siya sa likod habang umaandar na ang sasakyan palayo sa apartment niya. Ang daming tumatakbo sa isip niya, lalo na si Bastine Morel. Ano kaya ang ugali ng lalaking ‘yon? Anong klaseng interview ang naghihintay? Pilit niyang iniwasan mag-overthink at pinilit na lang namnamin ang ganda ng tanawin sa paligid. Magaan ang traffic at mabilis silang nakarating sa destination niya.
Pagdating nila sa harap ng building ng VIREYA CORPORATION, naramdaman niya ang kakaibang kilig sa sikmura. Pinilit niyang kontrolin ang kaba at huminga nang malalim bago bumaba ng sasakyan. Napatingala siya sa napakataas na gusali sa harapan niya, halos sinasakop ang buong block. Ang itim na salamin ng building ay kumikislap sa sikat ng araw, kaya halos hindi mo ito matingnan nang direkta. May malaking signage na nakasabit sa taas ng entrance, bold at solid ang pagkakasulat ng “VIREYA.”
Sandali siyang tumigil at tiningnan ang paligid. May mga taong naglalakad papasok at palabas, naka-business attire ang iba, casual wear naman ang iba. Maingat niyang inayos ang skirt niya, hinila ito pababa para tumakip hanggang tuhod. Mag-aapply siya bilang secretary, hindi para magpaka-seductress. Nakaponytail ang buhok niya, light makeup lang ang suot, pero standout ang red lipstick niya. Saglit siyang napaisip kung may makakakilala sa kanya, pero hindi rin naman niya gusto ‘yon. Pinilit niyang wag na lang isipin.
Humampas sa pisngi niya ang malamig na hangin, paalala na kailangan niyang huminga nang maayos. Inhale. Exhale. Pumasok siya sa loob ng building. Sa front desk, may nakaupong babaeng blonde, siguro nasa mid-twenties. Chin-length ang bob haircut nito, at suot ang isang classy na business suit na perfect balance ng pagiging feminine at professional. Pagtingin nito kay Charlene, ngumiti ito nang magiliw.
Sa simpleng greeting pa lang nito, ramdam na ni Charlene ang passion ng babae sa trabaho. Sandaling naisip niya na sana may chance siyang makilala pa ito.
“My name is Bernadette Madrigal,” ani Charlene, halos pabulong ang boses. “I’m here for a job interview scheduled at 9:00 AM with the CEO.”
“Right this way, ma’am. The exclusive suite is on the top floor,” sagot ng receptionist habang itinuro ang elevator.
Habang papunta roon, hindi maiwasang mainggit ni Charlene sa professionalism nito. Alam niyang malayo siya sa gano’n. Ang babaeng ‘yon ay may karerang maipagmamalaki. Siya? Isa lang siyang babaeng nakikipagkita sa kung sinu-sino kapalit ng pera. At ngayon, mission na naman niya ang akitin ang isang lalaking ni hindi pa niya kilala.
Usually, bago siya sumabak sa ganitong mission, meron siyang sapat na oras para mag-research tungkol sa target. Pero sa pagkakataong ito, sobrang bilis ng pangyayari, wala man lang siyang background kay Bastien Morel. What if mali ang impression niya sa lalaki? Paano kung hindi pa siya handa?
“Thank you,” bulong niya habang pumapasok sa elevator.
“Good luck,” sagot ng receptionist, na parang sinadyang magbigay sa kanya ng konting lakas ng loob. She straightened her shoulders habang umaakyat ang elevator pa-top floor.
Pagbukas ng elevator, humarap siya sa isang mahabang hallway na may mga pintong nakalinya sa magkabilang gilid. Sinundan niya ang signs hanggang makarating sa pinto kung saan may nakasulat na “CEO.” Tumigil siya sandali, huminga nang malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili bago pinindot ang door button.
Sa isip niya, sinaway niya ang sarili. Bakit ba siya kinakabahan sa taong ni hindi pa niya kilala? Nagbilang siya ng ilang segundo bago pumasok sa loob.
Unang napansin niya ang floor-to-ceiling windows. Tinted ang salamin, kaya kitang-kita ang napakagandang view ng lungsod. Malinis at organisado ang buong opisina. Walang alikabok sa kahit anong surface, at kumikintab ang tiles sa sahig. Sa gitna ng room ay isang glass desk na may office chair na may pangalang Bastien Morel.
Sa isang tabi ng opisina, may apat na snow-white na sofa para sa mga bisita. Sa harap ng desk, may isang plush na tuffet, gano’n din ang nasa waiting area. Doon siguro umuupo ang mga candidates. Lumapit siya roon, pero natigilan siya nang mapansing siya lang ang tao sa loob ng room.
Mabilis na tumingin-tingin si Charlene sa paligid. Wala pa si Bastien Morel. Hindi siya sigurado kung dapat ba siyang umupo at maghintay o umalis na lang. Bigla na lang may pumulog na tunog ng pinto na bumagsak, at napalingon siya.
Sa may pintuan ay may isang lalaking nakatayo, at literal na parang galing sa isang fashion magazine. Ang buhok nito ay magulo pero sexy. Ang shirt nito ay half-tucked sa trousers, at halatang nagmamadali. Parang nagulat din ito sa kanya gaya ng gulat niya rito. Ilang sandali silang nagtitigan, walang kumikibo.
Amoy niya agad ang scent nito, sariwa, nakakalasing. Lumalakas ang kabog ng dibdib niya. Nakatitig siya sa mga mata nito, kulay ng pinakamalalim na dagat. Para bang puwede siyang mawala roon ng matagal, and she wouldn’t even care.
Pinilit niyang bumalik sa sarili.
“Good morning,” bati niya, sinubukang gawing kalmado ang boses kahit nagwawala ang mga butterflies sa tiyan niya.
Napakunot ang noo ng lalaki, pero mukhang natauhan din ito. Hindi pa rin nawala ang lamig sa ekspresyon nito. Lumapit ito nang kaunti, halos maramdaman na niya ang hininga nito sa mukha niya. Tumitig ito sa labi niyang pulang-pula sa lipstick. Hindi niya alam kung dapat ba siyang umatras o panindigan ang puwesto niya. Sinubukan niyang magmukhang composed, pero sa loob-loob niya, ang puso niya ay tumatalon na parang baliw.
“Do I know you from somewhere?” tanong nito, malamig ang boses habang dumako ang tingin nito sa dibdib niyang bahagyang bumabakat sa suot niyang blouse.
Ilang minuto pa bago tumigil ang taxi sa tapat ng kanto. Pagkababa ni Charlene, ngumiti siya sa driver habang inaabot ang bayad. Tumango ito pabalik sabay arangkada. Hindi siya nakapag-book ng taxi dahil sobrang glitchy ng app niya, kaya napilitan siyang mag-taxi na lang. Buti na lang at isang kanto lang mula sa street niya ang bus stop.Kinuha niya ang phone mula sa bag at binuksan ang music app. Pagkapasok ng earphones sa tenga niya, agad tumugtog ang unang kanta. Sa bawat beat, parang unti-unting nawawala ang gulo ng araw at lahat ng halo-halong emosyon niya tungkol kay Bastien.Yung thought na makakatrabaho niya ang demonyong ‘yon araw-araw? Tangina. Hindi niya maiwasang maramdaman yung kawalan ng control tuwing nasa paligid siya nito.Pagdating niya sa apartment building, may kaba na agad siyang naramdaman. Parang may ibang taong pumasok dito. Wala namang magulo o nawawala, pero ramdam niya talaga. Hinugot niya ang susi mula sa bag, binuksan ang pinto, at dahan-dahang pumasok sa
Charlene was taken aback by the sharpness in his tone, and Bastien realized then that she might truly be a stranger to him, despite the strange feeling of familiarity stirring inside him.Akala ni Bastien ay kilala niya ito. Pero habang tinititigan niya ang babae sa harapan niya, malinaw na ibang tao ito. Isang estrangherang napakaganda, parang bumagsak na anghel. Nakakasilaw ang ganda nito.Hindi niya naiwasang silipin ang dibdib nito, hubog na hubog sa suot nitong puting corporate shirt. Naka-skirt din ito, maiksi pero classy. Tumaas agad ang kilay niya... sigurado siyang maganda rin ang likod nito sa suot na ‘yon."I'm sorry, I don't know what you're talking about," mabilis na sagot ni Charlene, tila ipinagtatanggol ang sarili. “My name is Bernadette Madrigal, and I’m here for the interview scheduled at 9:00 AM,” dagdag pa nito, gamit ang boses na parang sadyang pang-akit.“Oh,” naalala ni Bastien ang interview na dapat niyang i-conduct. Pero kahit anong pilit niyang tumutok sa tra
“Ano na naman itong kagaguhan mo, Charlene?” sigaw ng Contractor niyang si Azkal halatang naiinis. Kitang-kita sa tono ng boses nito ang galit.“Hindi ko maintindihan,” sagot ni Charlene, may halong kaba habang sinusubukang intindihin ang bigat ng sitwasyon.“Sinira mo ang buong plano dahil lang sa maling lalaking nakasama mo, tapos nakalimutan mo pang ilagay ang code para ma-finalize ‘yung transaction. Hindi lang sarili mo ang nilagay mo sa alanganin, pati buong operasyon. Now you need to fix this before the authorities catch on, or else we’re all looking at jail time,” tuloy-tuloy ang banat nito.Tangina. Sa pagmamadali niya kagabi, nakalimutan nga niyang i-input ang verification code. Umiikot ang utak niya sa sobrang panic, iniisip kung anong dapat gawin.“Ayon sa insider natin, iisang tao lang ang may alam ng code na ‘yan—si Bastien Morel, CEO ng VIREYA CORPORATION. Every six months sila nagpapalit ng account info, minsan kahit three months lang. That gives you a window. Enough ti
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen