LOGINSi Xyza Gabrielle Ignacio, dalawampu 't tatlong taong gulang, ay nag-iisang anak ng isa sa pinakamayayamang pamilya sa mundo ng negosyo. Dahil dito, lumaki siyang spoiled at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto. Mas inuna pa niya ang barkada, gala at luho. Ang pag-aaral? Palaging nasa huli sa kanyang listahan. Ngunit nagbago ang lahat nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente. Dahil sa depresyon, ay napabayaan ng kanyang ina ang kanilang negosyo hanggang sa tuluyang malugi at magsara. Kaya sa isang iglap ay bigla na lamang nawala ang marangyang buhay na kinasanayan niya. At sa isang desisyong hindi inaasahan, muling nagpakasal ang kanyang ina, isang bagay na labis niyang tinutulan. Mas lalo pang gumulo ang lahat nang napag-alamang sa bahay ng bagong asawa nito sila titira. Doon niya nakilala si Flint Atlas Martinez, ang "bagong kapatid" niya sa papel. Tatlumpung taong gulang, strikto, may kayabangan, pero hindi maikakailang mapang-akit. Isa itong CEO ng matagumpay na engineering firm na siyang pagmamay-ari ng pamilya nito. Araw-araw silang nagbabangayan. Hindi sila magkasundo sa kahit maliit na bagay. Si Xyza, palaban at maarte. Si Flint, mayabang at sobrang higpit sa kanya sa hindi malamang dahilan. Pero paano kung sa likod ng kanilang mga pagtatalo, unti-unting umusbong ang isang bawal na damdamin? Bawal na damdamin sa mata ng ibang tao, dahil sa papel ay magkapatid sila. Ngunit, kung kailan unti-unti na nilang nauunawaan ang tunay nilang nararamdaman para sa isa 't isa, saka naman nagsilabasan ang mga hadlang. Una na roon ang ina ni Xyza, dahil naniniwala itong isa na silang pamilya. At ang masaklap pa, umeksena pa ang dating kasintahan ni Flint, isang babaeng handang gawin ang lahat upang maagaw muli ang lalaking minamahal niya. Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang mga damdamin sa dami ng mga humahadlang sa kanilang pag-iibigan?
View MoreTAHIMIK lamang na nakatanaw si Xyza sa labas ng bintana ng SUV habang binabaybay nito ang kalsadang patungo sa isang exclusive subdivision. Tanaw niya ang unti-unting paglubog ng nakakasilaw na araw, tila ba sumasabay sa paglubog ng lahat ng nakasanayan niyang mundo.
Sa tabi ng driver nakaupo ang kanyang ina, si Glenda, na ngayo ‘y nakatingin sa kanya sa rearview mirror.
Ito na ang araw na kinatatakutan niya, ang araw na tuluyan na silang lilipat sa bahay ng bagong asawa ng kanyang ina.
Labag man sa loob niya, wala siyang magawa kundi sumunod. Hindi pa siya handang mamuhay nang mag-isa. Pero hindi iyon dahilan para tanggapin ng buo ang ideya ng pagkakaroon ng panibagong pamilya, lalo na ‘t dalawang taon pa lang ang lumilipas mula nang pumanaw ang kanyang ama.
“Anak, okay ka lang ba riyan?” tanong sa kanya ng ina, may halong pag-aalala sa tinig nito.
Hindi siya sumagot. Nanatili lamang siyang nakatingin sa labas, pinipigilan ang sariling huwag mapaiyak.
“Hindi ko alam kung bakit ganyan ka pa rin. Sinubukan ko lang namang bumuo ng panibagong buhay para sa atin,” patuloy nito.
Hindi pa rin siya kumibo.
“Anak, huwag kang mag-alala. Mabait ang Daddy Alfredo mo—”
“He’s not my Daddy,” mariing putol niya.
Napabuntong-hininga ang kanyang ina. “Okay, fine. Hindi naman kita pipilitin na tawagin siyang ‘Daddy’. Pero sana naman, pakitaan mo siya ng maganda. Lalo na ‘t sa bahay na niya tayo titira…kasama ang anak niya.”
Napailing si Xyza, at sa wakas ay nagsalita siya, punong-puno ng hinanakit ang tinig.
“Bakit kasi kailangan pa nating lumipat sa bahay niya? Eh, maayos naman tayo sa mansyon natin. Pumayag na nga akong magpakasal ka sa kanya. Akala ko ba roon pa rin tayo titira kahit kasal na kayo?”
“Kailangan nating lumipat dahil iyon ang tama. Mag-asawa na kami, Xyza. At bilang mag-asawa, dapat lang na magkasama kami sa iisang bubong. Isinama kita dahil alam kong hindi mo pa kayang tumayo sa sarili mong mga paa. Lalo na ‘t puro ka gala at gastos! Sa tingin mo ba, may pera pa tayo ngayon kung hindi dahil kay Alfredo?”
Napatingin si Xyza sa ina, bakas ang sakit at pagkadismaya sa kanyang mga mata. Sasagot pa sana siya, ngunit biglang nagsalita ang driver.
“Ma’am, nandito na po tayo.”
Pagbukas ng gate, isang malaking bahay ang bumungad sa kanila. Moderno, malinis, at halatang pinag-isipan ang bawat sulok. May fountain sa harapan, at sa bawat bahagi ng matitigas at matataas na pader ay may mga nakatanim na iba ‘t ibang klase ng halaman at bulaklak. Tila ba hinango mula sa pahina ng isang architectural magazine ang disenyo ng bahay.
Pero kahit anong ganda niyon, hindi pa rin nito mapapantayan ang mansyon nila, kung saan naroroon ang masasaya nilang alaala noong buhay pa ang kanyang ama.
Bumaba sila sa sasakyan at agad silang sinalubong ni Alfredo. Sa edad na limampu, ay matipuno at bata pa rin itong tingnan. Nginitian sila nito nang makalapit sa kanila.
“Xyza, anak,” bati nito, sabay abot ng kamay.
Hindi niya ito kinamayan. Tiningnan lang niya ito nang walang emosyon. Alanganin itong ngumiti, tila napahiya sa malamig niyang pakikitungo.
“Pasok kayo. Ituring mo na itong sarili mong tahanan, Xyza,” ani Alfredo, habang nakayakap ang isa nitong braso sa baywang ng kanyang ina.
Naglakad na sila papasok, habang ang driver at dalawang kasambahay ay bitbit ang kanilang mga bag at nakasunod sa kanila.
Pagpasok sa loob, isang malamig na ambiance ang sumalubong kay Xyza. Marangya ang kabuuan ng bahay, marble floors, mataas na kisame, at mga painting na halatang imported.
Napataas na lang siya ng kilay. Tila kapantay din ng kanilang yaman dati noong nabubuhay pa ang kanyang ama ang yaman ng bagong asawa ng kanyang ina. Ngunit wala siyang pakialam, dahil para sa kanya, ang mansyon pa rin nila ang itinuturing niyang tunay na tahanan.
Biglang bumukas ang pintuan ng isang kwarto sa itaas. Isang lalaking nakaitim na T-shirt at shorts na above-the-knee ang lumabas. Nasa magkabilang bulsa ng shorts nito ang mga kamay habang dahan-dahang bumababa ng hagdan.
Ang mga mata nila ‘y nagtagpo.
Seryoso itong nakatingin sa kanya, na para bang binabasa ang buo niyang pagkatao. Mula pa lang sa awra nito, ramdam na ni Xyza ang pagiging strikto.
Ito na siguro ang anak ni Alfredo…Sa isip niya. Hindi kasi ito um-attend ng kasal ng kanyang ina at ni Alfredo, kaya ngayon lang niya ito nakita nang personal.
Matangkad. Maputi. At hindi maikakailang may angking kagwapuhan, tila mas higit pa sa ilang modelo o artista.
“Xyza, si Flint Atlas, anak ko,” pakilala ni Alfredo.
Katulad ng ginawa niya kanina sa ama nito, tiningnan lang din niya ito nang walang emosyon, pinipilit itago ang paghangang biglang sumiklab sa kanyang dibdib pagkakita sa kagwapuhan nito.
Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi ni Flint.
“Matagal ko na siyang kilala. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa unica hija at spoiled brat na anak ng isang sikat na businessman?” sarkastikong sabi nito, habang hindi inaalis ang mapangutyang tingin sa kanya.
Hindi agad nakahuma si Xyza. May kung anong init ang gumapang sa kanyang katawan. Alam niyang sa mga sandaling iyon ay nakuha nito ang galit niya. Hindi niya inaasahan na harap-harapan siya nitong kukutyain.
Sa ugali pa naman niyang mataray at palaban, akala siguro nito ay palalampasin niya ito nang walang ganti? Tiningnan niya ito ng matalim, sabay-krus ng mga braso sa dibdib, bago nagsalita, punong-puno ng ngiting may halong pang-iinsulto.
“Talaga? Bakit, kilala mo ba ako? Nakasama mo na ba ako nang matagal para masabi mo sa ‘kin ang mga bagay na ‘yan? Eh, ikaw? Anong tawag sa ‘yo? Mayabang na mapangutya! Baka akala mo hindi kita papalagan dahil lalaki ka?” sabay tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa, na para bang kinukutya niya rin ito.
Napangisi siya nang biglang maningkit ang mga mata nito at umigting ang mga panga. Alam niyang nakuha na rin niya ang galit nito.
“Dito sa pamamahay na ‘to, hindi mo na puwedeng dalhin ang ugali mong ‘yan mula sa bahay ninyo. Dahil bisita lang kayo rito!”
“Flint, that’s enough! Sumusobra ka na!” sigaw ni Alfredo rito.
Siya naman ay agad na hinila ng kanyang mommy palayo sa harapan ni Flint.
“Halika na, Xyza! Huwag mo nang patulan pa ang kuya Flint mo!”
“No! He’s not my kuya! And he’s not even my brother!” sambit niya, nanlalaki ang mga mata at nanginginig ang boses sa galit.
“Kahit anong mangyari, hinding-hindi ko ituturing na kapatid ‘yang halimaw na ‘yan!”
“Ako rin naman! Hinding-hindi ko gugustuhing magkaroon ng kapatid na spoiled brat at masama ang ugali!” malakas na sambit ni Flint habang nagbabaga ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
“Glenda, honey, pasensiya ka na. Paglayuin muna natin ang mga batang ‘to, mukhang hindi sila titigil sa bangayan,” hinging paumanhin ni Alfredo sa kanyang ina, bago sapilitang inakay si Flint paakyat, pabalik sa kwartong pinanggalingan nito kanina.
Tumango-tango naman si Glenda bilang tugon, saka siya marahang inakay papunta sa magiging silid niya, na sa kasamaang palad, ay katabi pa ng kwarto ni Flint.
MAGKAHAWAK-KAMAY sina Flint at Xyza habang dahan-dahang naglalakad patungo sa sasakyang naghihintay sa kanila.Sa paligid ay naroon pa rin ang kanilang pamilya at mga kaibigan, abala sa pagbati at pagkuha sa kanila ng larawan.“Congratulations!”“Happy married life!”Sunod-sunod ang pagbati ng mga bisita habang nakangiti naman silang kumakaway sa mga ito.“Besty! Congratulations sa inyong dalawa ni Flint!” bati sa kanila ni Cyla at lumapit pa ito sa kanila. “At ikaw naman, Mr. Martinez!” baling nito kay Flint. “Huwag na huwag mo na ulit sasaktan at paluluhain itong best friend ko, ha? Lalo na at babalik na ako ng U.S. after this. Wala na siyang matatakbuhan kapag inaway mo pa siya!”“Grabe naman. Ako lang ba talaga ang nang-aaway?” nakalabing sambit naman ni Flint.“Biro lang!” nakangiting sambit ni Cyla sabay mahinang hinampas si Flint sa braso.“Xyza. Congrats!” napalingon siya nang marinig niya ang boses ni Jaela.Nakaupo ito sa wheelchair habang itinutulak naman iyon ni Jared.“Tha
HINDI MATATAWARAN ang karangyaan ng kasalang pinag-isang dibdib nina Flint Atlas Martinez at Xyza Gabrielle Ignacio. Isang pagdiriwang na tila hinango sa mga pahina ng isang marangyang nobela.Idinaos ang kanilang sa kasal sa isang napakalawak at eleganteng ballroom na nababalutan ng libo-libong puting rosas, imported na mga bulaklak, at naglalakihang chandelier na nagbibigay ng gintong liwanag sa buong bulwagan.Ang bawat mesa ay pinalamutian ng mga mahahaling bulaklak at kandilang kumikislap na animo’y mga bituin sa kalangitan.Mula sa mga negosyante, diplomat, kilalang personalidad, hanggang sa mga matatalik na kaibigan ng dalawang pamilya, isa-isang dumating ang mga panauhing nakasuot ng mamahaling kasuotan mula sa mga tanyag na designer.Ngunit para kina Flint at Xyza, ang araw na ito ay hindi lamang tungkol sa karangyaan. Kundi ang araw na matagal na nilang ipinagdarasal.Ito ang araw na nagpapatunay na ang pag-ibig nilang minsang itinuring na imposible ay nagtagumpay.Dumating
DAHIL SA MGA nangyari ay minabuti nina Flint at Xyza na ipagpaliban na muna ang kanilang kasal kinabukasan, at napagdesisyunan nilang sa susunod na buwan na lang ito idaos.Nakipag-ugnayan muna sila sa mga pulis sa ginawa sa kanila ni Andro para matapos na ang lahat. Nakatulong din sa imbestigasyon ang tuluyang paggising ni Jaela. Ito mismo ang nagsiwalat na si Andro ang may gawa niyon sa kanya, kaya walang nagawa ang lalaki kundi umamin sa kasalanang ginawa.Patong-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ni Andro. Isinampa laban dito ang kasong murder, dahil napatay nito si Lance, ang kasong attempted murder dahil sa pagkakabaril nito kay Jaela, at conspiracy to commit kidnapping dahil sa pagtangkang dukutin siya.Sa wakas, naipakulong na rin nila ang taong may sala. Pero nalulungkot siya dahil sa biglang pagiging matamlay ni Cyla mula nang mamatay si Lance.Ngayon nga ay naroroon ito sa puntod ni Lance. Mag-isa, malungkot, at umiiyak. Araw-araw itong naroroon na para bang ginawa na ni
“ANDRO, PLEASE. Itigil mo na ‘yan!” pakiusap niya sa lalaki nang sa wakas ay makalabas na siya ng sasakyan.Bumaling naman sa direksyon niya ang paningin ni Andro. Nanginig siya sa takot nang makitang para itong hayok sa laman kung makatingin sa kanya.“Oh Xyza, darling!” sambit nito habang may nakapaskil na ngiting-aso sa mga labi. “Kaytagal kong hinintay na dumating ang pagkakataon na ito, ang makuha ka…” sabi pa nito at dahan-dahang lumalapit sa kanya.Pipigilan sana ito ni Flint nang bigla naman itong hawakan ng mga kasamang tauhan ni Andro.“Huwag na huwag kang lalapit kay Xyza! Binabalaan kita!” sigaw ni Flint habang sinusubukan nitong makawala sa mga humahawak dito.Impit siyang napaiyak nang tuluyan ng makapalit sa kanya si Andro. Hinaplos-haplos nito ang mukha niya.“Hindi ka pa rin nagbabago, darling. Napakaganda mo pa rin. Ang suwerte naman ng kapatid mo dahil siya pa ang minahal mo, nandito naman ako…” bulong pa nito sa kanya, bahagya pang kinagat ang punong tainga niya na
DAHIL SA NANGYARING matinding pag-aaway sa pagitan nila ng binata, ay napagdesisyunan niyang umuwi na lang at mas mabuti pang asikasuhin na lang niya ang bagong tayo niyang kompanya kaysa ang mamalagi sa isang lugar na hindi naman napapalagay ang kanyang utak.Ayaw pa sana nina Cyla at Wilma ang id
“WOW, THAT’S A GOOD IDEA, ZAYN!” pagsang-ayon ni Cyla sa sinabi ng pinsan.“What do you think, Xy?” baling sa kanya ni Zayn.“Well, I think maganda nga ‘yang idea mo!” bigla ang excitement na naramdaman niya dahil doon niya masusubukan kung talagang may natitira pang pagmamahal sa kanya si Flint.“
NAGULAT man si Xyza sa biglaang pagkikita nila ni Flint sa hindi inaasahang lugar at pagkakataon, pero mabilis din naman siyang nakabawi.Ramdam ng katawan niya ang labis na pagkabigla at hindi maintindihang pakiramdam, pero iba ang ipinapakita niyang reaksyon.Alam na alam na niya kung paano dadal
“B-BAKIT PO MA’AM? M-may problema po ba?” tila may pag-aalala sa boses ni Cherry matapos niyang mabigla sa narinig mula rito. Napataas kasi ang boses niya.“Ah, w-wala naman, Cherry. Ah, medyo nagulat lang ako kasi hindi pamilyar sa ‘kin ang pangalan ng firm na ‘yan,” napakagat-labi siya dahil sa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore