
Relived To Marry The Masked CEO
Astrid Guevarra, isang 3rd Year college student na gusto lamang makapagtapos. Ngunit ang kanyang ina ay mukang may ibang plano para sa kanya.
Sa hindi malaman na rason, siya ay ipinakasal (ibinenta) ng kanyang ina sa isang kilalang at mayaman na anak ng pamilyang ito.
"Nay naman! Nag aaral pa po ako! 3rd year nako, malapit na ako grumaduate! Hindi ba kayang maaantay yun?!"
"Hindi."
Sa loob ng isang araw na yun, hindi na alam ni Astrid ang kanyang gagawin.
Lahat ng pagod, galit, gulat at pagkabalisa naramdaman niya, ngunit wala naman siyang ibang magawa kundi tanggapin na lamang.
Eh ano pa nga bang magagawa niya? Pumayag na ang kanyang nanay? Hindi rin naman ito makikinig sa kanya.
Ngunit ng paggising niya galing sa kanyang mahimbing na tulog, ay kaharap na niya ang tatay ng kanyang papakasalan.
"Are you okay Miss Astria?”
"I'm Timothy Miller. Ang tatay ng iyong mapapangasawa na si Tristan Miller, ang aking anak.”
At teka sino si Astria?! Ito na ba ang sinasabi ng kanyang nanay? Ngunit bakit wala siya rito?!
Natulog lamang siya, at pag gising ibang tao na siya?!
Anong ibig sabihin non? Siya ba ay namatay? Sa buhay din na ito, siya ay papakasalan sa hindi niya na naman kakilala, at nakamaskara ito?!
Read
Chapter: Chapter 63: Luigi's PurposeNang marinig ni Tristan na darating ang kanyang tatay, wala na siyang sinayang oras para abangan ito sa labas. At dahil nanggaling ang balita mula sa kanyang lola, may tiwala siya dito na totoo ang sinasabi nito, lalo na at nababasa naman niya ang mga susunod na maaaring mangyari. Ngunit may isang katagang nakatatak sa kanya na sinabi pa ng kanyang lola, "Keep in mind that it could be your father, your ally, or an enemy. The future constantly shifts, so I can't tell which one of the three would likely come." Kaya sinisigurado ni Tristan na alerto pa rin siya, limang bodyguard kasama na si Luigi sa limang yun. Nakapaikot silang lima kay Tristan habang inaaabangan nila kung sino man ang dadating sa gabing ito. Panay ang lakad niya pabalik-balik sa kaliwa't-kanan, habang tahimik na pinapanood lang siya ni Luigi at nang iba pa niyang bodyguard na kasama. "Baka sila Bandit ang dadating boss. Diba nag-missed call yung mag-kapatid sayo kanina?" Napahinto siya, at nag-kibit balika
Last Updated: 2025-04-30
Chapter: Chapter 62: Message of the Cards Nang binaliktad na isa-isa ang mga card, hindi muna umimik ang nakakatanda. Matapos niyang makita ang mga ito, tumaas ang parehong kilay niya, at hindi alam ni Astrid kung dahil ba sa gulat, o intriga ba ito? Nang tignan ni Astrid ang mga card, ang unang napansin niya ay ang card na may demonyo, at isang tao na nakalambitin. Nanlamig siya at mabilis na kiniskis ang balat niya. 'Gabi na nga pala, kaya nilamig ako. Oo ganon nga, hindi dahil kinilabutan ako sa mga cards.' Pangungumbinsi niya sa kanyang sarili dahil hindi pa naman niya alam kung ano ang ibig sabihin ng bawat card na lumabas. Inaboy mg humigit na tatlong minuto ang matanda sa pag-aanalyze ng card bago pinaliwanag kay Astrid ang ibig sabihin ng mga ito. Una niyang ginawa ay binanggit ito isa-isa. "The Devil" "The Hanged Man" "The Wheel of Fortune" "Queen of Wands" "7 of Swords" "These cards are interesting, and I already see why this happened to you." Tahimik na nakikinig si Astrid, gusto lamang
Last Updated: 2025-04-27
Chapter: Chapter 61: Cards, and Chasing"Ano pong ibig mong sabihin?" Puno ng pag-tataka ang tono ng boses ni Astrid. Inaaantay ang susunod na sagot ng matanda. Nakita niyang tumango ito, at nilahad ang kamay niya sa isang bodyguard na papalapit sa kanila, may hawak-hawak upang ibigay dito. Agad na isinalansan at binalasa niya ng umabot na tatlong beses gaya ng mga typical na baraha. Pag-tapos na isalansan ng mabuti, pinag-hati niya na ito sa gitna at sprinead out niya ito ng pa u-shape sa lamesa, ang mga likuran ng mga bahara ang tanging nakikita. "Before I start, and answer you question, I'm if I didn't do any of my rituals today, or even did a proper cleansing, with where we are and the urgent situation. I thought it wouldn't be logical to do that." Tumango si Astrid bilang sagot, ayos lang sa kanya. Gusto lang din niya malaman na ang katotohanan, ayun lamang ang naiiisip niyang mahalaga sa kanya ngayon. "I thought you already knew the truth from the true Astria. Hasn't she told you anything?" Umiling si As
Last Updated: 2025-04-27
Chapter: Chapter 60: AnswersAgad na nag-iwas ng tingin ng lalaki, at umalis sa kanyang table. 'Hindi ako pwede mag-kamali. Siya nga yun! Ano nga ulit ang pangalan nung lalaking yun?' 'Kamag-anak pala sila ni Tristan? Pero bakit hindi siya kilala nito??' Maraming katanungan na naman ang pumasok sa maliit na kokote ni Astrid, at alam niyang ang makakasagot lang nito ay ang lalaki, kaya napag-isipan na niyang sundan ito at kausapin. Mula sa kanyang likuran, hindi pa niya napapansin ang nalalapit na lola ng kanyang asawa, kaya nung nakita nito na pag-tayo ng dalaga, binilisan ng matanda ang pag-lapit sa kanya. Bago pa makalayo si Astrid, kinalabit na agad niya ang dalaga, kaya napalingon ito sa likuran niya, at laking gulat niya nang makita ang lola pala ito ng lalaking kasama niya. "Hello, Mrs. Miller!" Agad na bati niya, at ngumiti ang matanda."Oh please, you can just call me however you want. Even mom is good. I'm sure you didn't have anyone to call one, so you can call me that." Matamis ang ngiti ng pinaki
Last Updated: 2025-04-25
Chapter: Chapter 59: With ConfidenceInangat agad ni Astrid ang sarili sa pagkakayuko, at inayos ang postura niya. "There. You look gorgeous, and a woman like you should be confident." At nginitian si Astrid, natutuwa na makitang paano nito iprisenta ang sarili. Kung kanina ay kabadong-kabado pa siya, tila nag-laho agad na parang bula yun. Dahil sa mga salitang nanggaling sa nakakatanda. 'Kailangan kong ipakita sa kanya ang gusto niya makita, kung gusto kong tumagal sa pag-papanggap ko bilang asawa nito. Lalo pa't ang iilang katanungan ko ay alam kong siya ang makakasagot.' "Thank you so much for the kind words. I almost forgot to show that I am confident due to the beautiful people I've met today." Mga bulungan ay biglang nag-bunga mula sa likod ng nakakatanda. Ngunit hindi siya nag-patinag, nanatili lang siyang tuwid ang likod, chin up, may ngiti sa mukha at nakatingin siya ng diretso sa mga mata nito. Maging si Tristan ay nagulat sa mabilis na pag-babago nito, na gawa ng ilang salitang pag-pupuri na nan
Last Updated: 2025-04-25
Chapter: Chapter 58: Sweets "Of course, Tristan! Enjoy yourselves!" Malaking ngiti na sabi ng nakakatanda, at tumango si Tristan. Sinabit ni Tristan ang kamay ni Astrid sa elbow ni Tristan. Mabilis na tinalikuran nila ang dalawa, at tinungo ang side kung nasaan ang mga pagkain. "Are you okay?" Bulong ni Tristan sa kanya, tahimik na tumango si Astrid. "Oo, thank you. Hindi ko alam ano dapat sasabihin kanina." "It's fine. Hindi rin sila matatapos kakatanong kung ikaw yung mag-sasalita kanina." "Edi wag na lang ako mag-sasalita buong party?" Napabuntong hininga si Tristan sa sinabi nito. "Of course not. Pipi ka ba para di mag-salita?" "Hindi. Pero ang hirap naman kasi pakisamahan ng mga tao dito." Tumango si Tristan sa sinabi nito, "That I could agree with at least." "Edi-" Hindi natapos ang sinabi ni Astrid nang sumabat agad ang kanyang asawa. "But that doesn't mean you won't talk." Sumimangot si Astrid sa nakuha niyang sagot, kaya bumitaw na si Astrid sa pagkakahawak niya sa braso ni Tristan,
Last Updated: 2025-04-17