Astrid Guevarra, isang 3rd Year college student na gusto lamang makapagtapos. Ngunit ang kanyang ina ay mukang may ibang plano para sa kanya. Sa hindi malaman na rason, siya ay ipinakasal (ibinenta) ng kanyang ina sa isang kilalang at mayaman na anak ng pamilyang ito. "Nay naman! Nag aaral pa po ako! 3rd year nako, malapit na ako grumaduate! Hindi ba kayang maaantay yun?!" "Hindi." Sa loob ng isang araw na yun, hindi na alam ni Astrid ang kanyang gagawin. Lahat ng pagod, galit, gulat at pagkabalisa naramdaman niya, ngunit wala naman siyang ibang magawa kundi tanggapin na lamang. Eh ano pa nga bang magagawa niya? Pumayag na ang kanyang nanay? Hindi rin naman ito makikinig sa kanya. Ngunit ng paggising niya galing sa kanyang mahimbing na tulog, ay kaharap na niya ang tatay ng kanyang papakasalan. "Are you okay Miss Astria?” "I'm Timothy Miller. Ang tatay ng iyong mapapangasawa na si Tristan Miller, ang aking anak.” At teka sino si Astria?! Ito na ba ang sinasabi ng kanyang nanay? Ngunit bakit wala siya rito?! Natulog lamang siya, at pag gising ibang tao na siya?! Anong ibig sabihin non? Siya ba ay namatay? Sa buhay din na ito, siya ay papakasalan sa hindi niya na naman kakilala, at nakamaskara ito?!
View More"Astrid?" Agad na rinig ni Astrid na tawag ng kanyang nanay pagkabukas niya ng pinto pagpasok ng kanilang bahay.
"Ako nga po." Nilakasan niya ang kanyang boses upang marinig siya ng kanyang nanay na alam niyang nasa loob ng kanilang kusina. "Halika rito sa kusina, may mahalaga akong sasabihin." Agad nagtaka si Astrid sa sambit ng kanyang nanay. Napagtanto nito na baka natalo nanaman sa sugal ang kanyang nanay, at nagtungo na sa kusina. "Mabuti naman at nakauwi ka ng ligtas." Nag-taka si Astrid, dahil mabait ito kausap ngayon. 'May kailangan siguro to, kaya ambait kausap ngayon.' Tumango ito. "Ano po pala sasabihin mo nay?" Tumigil ito sa ginagawa niya. "Oo nga pala. Bukas kikitain natin ang pamilya ng mapapangasawa mo." Agad na pinaulit ni Astrid at baka siya ay namali lang ng narinig. "Ikaw ay mag papakasal, kikitain natin bukas ang pamilya, at ang mapapangasawa mo." Maikling inulit ng kanyang nanay, na para bang wala lang ito sa kanya. "Ano?! Ipapakasal mo ako?! At kanino naman?!?" Kakauwi lang nito galing sa kolehiyo, tapos ito pa ang unang balita na maririnig niya mula sa nanay niya. "Hindi mo na kailangan malaman pa kung sino ang iyong papakasalan, pumayag na ako at kikitain natin sila bukas." Sagot nito at ininom ang kanyang tsaa. "Nay naman! Nag aaral pa po ako! 3rd year nako, malapit na ako grumaduate! Hindi ba kayang maaantay yun?!" Umakyat ang tingin ng nanay niya sa kanya at tinarayan siya. "Hindi." Tipid na sagot nito. Nagpatuloy na ulit siya sa pag-inom ng kanyang tsaa at pag-basa ng dyaryo. Habang ang kanyang anak naman ay parang sasabog na sa halong galit at gulat. Malas siguro ang araw na ito. Mula sa pagpasok niya palang kanina sa kolehiyo, at ngayong nakauwi na siya mas malala naman ang tumambad sa kanya. Ayaw na siguro ni Lord padaliin ang buhay niya. Iisang bagay lang naman ang makakapag papayag sa kanyang nanay, pera. "Sino ba yan, at mukang big time ang naloko mo." Pabirong sabi nito sa nanay niya, na naging dahilan din ng pagsimangot niya. Kitang kita niya ang ngisi sa muka nito. Iba nga naman ang nagagawa ng pera sa isang tao, gaya na lamang ng kanyang nanay na mahilig sa pera. "Makikilala mo rin naman sila kinabukasan. Halika, hanap tayo ng susuotin mo! Kailangan maayos ang itsura mo." Sambit nito, at tumayo. "Oh? Ano pang inaaantay mo diyan?! Halika na, baka masaraduhan pa tayo ng mga pamilihan sa bayan!" Sigaw ng kanyang nanay. Napasinghal ng malalim si Astrid, tila hindi alam ang gagawin. 'Nice. Kaya niyang ipagpalit anak niya, kapalit ng pera. Wala talagang pinagbago.' Napakamot na lamang siya sa kanyang sentido, at tumayo upang tignan ang sarili sa salamin. 'Mas mabuti na rin siguro ito. Ayoko na rin mag tagal pa dito.' Mula sa salamin nakita niya ang nanay niya na nag aantay sa pinto. Matagal na ding binabalak ni Astrid ang lumayas, at least nanay niya na mismo ang gumawa ng paraan para sa kanya. Tahimik na tinignan ni Astrid ang likod ng kanyang nanay na nangunguna sa pag lakad, at binilisan na ang kanyang lakad upang makahabol dito. Matapos ang mahigit na dalawang oras natapos din sila, at umuwi na sila. Ngayon palang niya naramdaman ang lahat ng pagod. "Hindi pa talaga siya titigil kung hindi pa ako nag aya umuwi." Mahinang baling niya sa sarili niya pagka pasok niya ng kwarto. Hinayaan niya na lamang sarili niya na mahulog sa kama niya. Nakapatay ang lahat ng ilaw, at ang tahimik na paligid lang ang karamay niya. "Gugustuhin ko pang mamuhay bilang ibang tao, kaysa na mapakasalan ang hindi ko naman kilala." Agad niyang niyakap ang unan na hawak niya ng mahigpit, bago ito idiniin sa kanyang mukha at sumigaw ng malakas. Gumaan agad pakiramdam niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa ilalim ng unan niya at hinanap agad ang specific na pangalan sa contacts. Nang makita na niya, agad niyang pinindot ito at nag simula magtipa ng maikli pero malinaw na mensahe. 'I'm getting married, I'm sorry but I think it's best to stop what we have now.' Gusto niya sanang sabihin ito sa personal, ngunit alam niyang hindi naman ito papansinin ng lalaki. Alam naman na din niya na niloloko na lamang siya ng kanyang nobyo, mabuti nang inunahan na niya ito. Pagtapos masend ng mensahe, agad niyang pinatay ang kanyang cellphone at hinayaan na malaglag ito sa tabi niya. Tumingala siya at tinignan na lamang ang kisame. Hindi rin nag tagal ng maramdaman ni Astrid ang sarili niyang tuluyan na makatulog. _________________ "Astri-!" Bahagyang napangiwi si Astrid sa nagtatawag sa kanyang pangalan. Kung sino man ito, hindi ba nito nakikitang tulog ang tao? "Stri-!" Muli niya na naman niyang narinig, at di gaya kanina mas malakas ang tawag sakanyang pangalan ngayon. 'Ano ba naman to. Sarap na ng tulog ko eh.' Kinusot-kusot na niya ang kanyang nakapikit na mga mata, at medyo nagtaka. Naramdaman niyang siya'y nakaupo? Sa kanyang pagkakatanda nakahiga siya sa kanyang higaan. Agad na kumunot ang kanyang mga kilay, at pinilit na gisingin ang sarili. "-Miss Astria?" Medyo nagulantang siya nang marinig niya ang boses ay tila nasa harapan niya lamang. 'Astria? Sino yun?' Agad napaisip siya kung may kilala ba siya sa pangalan na iyon. Imposible na siya ang tinatawag nito? 'May pumasok ba sa kwarto ko?' Sinimulan na siyang kabahan. Nang tuluyan na niya magising ang sarili niya, at mamulat ang kanyang mata, labis ang gulat sa mukha nito. "Ayos ka lang Astria? Are you not feeling well?" Tanong sa kanya ng lalaking may kaedaran na hindi niya kilala. "Huh?" Wala sa sariling sagot ni Astrid dito. Tinignan agad ni Astrid ang paligid niya. Siya ay nasa isang restaurant na hindi niya alam ang pangalan. 'Sino ito? Anong ginagawa ko dito?’ Agad namang hinanap ni Astrid nanay niya, ngunit wala ito rito. "Pwede naman nating itigil muna itong pag uusap natin ngayon, Astria." Nag aalala para kay Astrid. "Paumanhin, ngunit sino po kayo? At bakit Astria po ang tawag mo sa akin?" Bakas sa muka nito ang gulat sa sinabi ni Astrid. "What do you mean? Ayos ka lang ba, iha? Masyado ka bang nagulat sa petsa na binanggit ko? Pwede pang mabago yun." Sagot ng nakakatanda kay Astrid, na kinakunot ng kanyang kilay. "Hindi ko po maintindihan ang sinasabi mo." Napaawang na lang ang bibig ng kanyang kausap, at tila hindi na alam ang sasabihin sa kanya. Nakita niyang napakamot ito ng ulo, at tinignan ng mabuti si Astrid kung ito ba ay nagbibiro. Nang makita niya na seryoso ang dalaga na nag-aabang ng kanyang sagot, napabuntong hininga siya at napahawak sa kanyang sentido. "I didn't think that I would encounter your sickness already." Gulat na sambit nito sa kanya. ‘Sickness? Kaloka, ano bang sinasabi nito!' Hindi maintindihan ni Astrid ang sinasabi nito, ngunit nanatili lang siyang nanahimik. "At mukang nalimutan mo na nga ang napag usapan natin kanina, at ang sarili mo rin. Papaalala ko na lang." Napabuntong hininga ito at bago mag simulang mag salita. "I'm Timothy Miller. Ang tatay ng iyong mapapangasawa na si Tristan Miller, ang aking anak." Bahagyang napaawang ang bibig ni Astrid sa kanyang narinig. "At ikaw naman si Miss Astria Santiago-" "Ano?"Agad na nag-iwas ng tingin ng lalaki, at umalis sa kanyang table. 'Hindi ako pwede mag-kamali. Siya nga yun! Ano nga ulit ang pangalan nung lalaking yun?' 'Kamag-anak pala sila ni Tristan? Pero bakit hindi siya kilala nito??' Maraming katanungan na naman ang pumasok sa maliit na kokote ni Astrid, at alam niyang ang makakasagot lang nito ay ang lalaki, kaya napag-isipan na niyang sundan ito at kausapin. Mula sa kanyang likuran, hindi pa niya napapansin ang nalalapit na lola ng kanyang asawa, kaya nung nakita nito na pag-tayo ng dalaga, binilisan ng matanda ang pag-lapit sa kanya. Bago pa makalayo si Astrid, kinalabit na agad niya ang dalaga, kaya napalingon ito sa likuran niya, at laking gulat niya nang makita ang lola pala ito ng lalaking kasama niya. "Hello, Mrs. Miller!" Agad na bati niya, at ngumiti ang matanda."Oh please, you can just call me however you want. Even mom is good. I'm sure you didn't have anyone to call one, so you can call me that." Matamis ang ngiti ng pinaki
Inangat agad ni Astrid ang sarili sa pagkakayuko, at inayos ang postura niya. "There. You look gorgeous, and a woman like you should be confident." At nginitian si Astrid, natutuwa na makitang paano nito iprisenta ang sarili. Kung kanina ay kabadong-kabado pa siya, tila nag-laho agad na parang bula yun. Dahil sa mga salitang nanggaling sa nakakatanda. 'Kailangan kong ipakita sa kanya ang gusto niya makita, kung gusto kong tumagal sa pag-papanggap ko bilang asawa nito. Lalo pa't ang iilang katanungan ko ay alam kong siya ang makakasagot.' "Thank you so much for the kind words. I almost forgot to show that I am confident due to the beautiful people I've met today." Mga bulungan ay biglang nag-bunga mula sa likod ng nakakatanda. Ngunit hindi siya nag-patinag, nanatili lang siyang tuwid ang likod, chin up, may ngiti sa mukha at nakatingin siya ng diretso sa mga mata nito. Maging si Tristan ay nagulat sa mabilis na pag-babago nito, na gawa ng ilang salitang pag-pupuri na nan
"Of course, Tristan! Enjoy yourselves!" Malaking ngiti na sabi ng nakakatanda, at tumango si Tristan. Sinabit ni Tristan ang kamay ni Astrid sa elbow ni Tristan. Mabilis na tinalikuran nila ang dalawa, at tinungo ang side kung nasaan ang mga pagkain. "Are you okay?" Bulong ni Tristan sa kanya, tahimik na tumango si Astrid. "Oo, thank you. Hindi ko alam ano dapat sasabihin kanina." "It's fine. Hindi rin sila matatapos kakatanong kung ikaw yung mag-sasalita kanina." "Edi wag na lang ako mag-sasalita buong party?" Napabuntong hininga si Tristan sa sinabi nito. "Of course not. Pipi ka ba para di mag-salita?" "Hindi. Pero ang hirap naman kasi pakisamahan ng mga tao dito." Tumango si Tristan sa sinabi nito, "That I could agree with at least." "Edi-" Hindi natapos ang sinabi ni Astrid nang sumabat agad ang kanyang asawa. "But that doesn't mean you won't talk." Sumimangot si Astrid sa nakuha niyang sagot, kaya bumitaw na si Astrid sa pagkakahawak niya sa braso ni Tristan,
Nang makapasok na sila, napanganga si Astrid nang makita ang loob. Alam niyang party ito ng mga mayayaman, ngunit ito ang unang pagkakataon na ay magiging parte nito. Napakalawak ng loob ng dome, isang napakalaking chandelier ang nasa gitna, maliwanag na nag-niningning. At dahil isang pabilog ang venue, napakalaking espasyo ang mayroon. Sa itaas na parte ay mayroong iilang bintana na paikot sa chandelier. Sa isang gilid makikita ang catering ng mga pagkaing handa para sa party, sa kabilang gilid ay makikita ang isang bar, sa sumunod na gilid ay isang photobooth, na mayroong nang gumagamit, katabi nito ay ang naglalalakihang mga speaker na napakalakas ng volume ng party music ay maririnig, ang soundwaves nito ay vumivibrate sa buong dome at sa gitna ay ang isang malaking bilog na lamesa. 'Tas itong party na ito ay para sa isang welcome party na ginanap lang para sa sarili niya?' Hindi makapaniwalang isip ni Astrid habang diretso ang tingin sa pinsan ng kanyang asawa na busy
Maliksi niyang iniwasan ni Ban ang mga lumilipad na bala sa kanyang direksyon, habang mabilis na nagpaputok pabalik ng mga bala. Tatlo sa mga ito ay natamaan sa balikat, paa, at kamay. Tahimik na natawa si Ban sa nakuha niyang reaksyon galing sa mga ito, at ngumisi. "I'll make sure to return all of you to your master how she usually likes, bloodied." Matapos sabihin ang mga katagang ito, sumugod siya sa kanyang mga kalaban, puno ng masayang ningning sa mata nito, nakatutok ang baril sa kanila. Sa loob ng limang segundo, bumagsak ang tatlo sa lapag ng malakas, at gaya ng sinabi ni Ban kanina, lubhang nagdurugo ang mga natamo nilang sugat galing sa lalaki. Nanginginig ang kamay ng isa sa mga na baril ni Ban na may malay pa, pilit na inaaabot ang baril na hindi kalayuan sa kanya. Ngunit napahiyaw ito sa sakit ng naramdaman niya nang maaapakan ang kamay niya. Diniinan pa lalo ni Ban ang pagapak niya, "Sorry. We can't have you shooting aimlessly anymore, don't you know how
𝘛𝘢𝘵𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘭𝘪𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘱𝘪𝘨𝘶𝘳𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨-𝘵𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘨-𝘵𝘢𝘵𝘢𝘬𝘣𝘶𝘩𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘨𝘪𝘵𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘭𝘢𝘺𝘨𝘳𝘰𝘶𝘯𝘥. 𝘚𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘳𝘰𝘳𝘰𝘰𝘯, 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘨-𝘬𝘬𝘸𝘦𝘯𝘵𝘶𝘩𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘵𝘢𝘣𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘦𝘯𝘤𝘩 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘭𝘢, 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘤𝘩𝘪𝘬𝘪𝘵𝘪𝘯𝘨. “𝘩𝘢!” “𝘔𝘢𝘥𝘢𝘺𝘢 𝘬𝘢! 𝘛𝘪𝘮𝘦 𝘧𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘯𝘨𝘢 𝘦𝘩!“ “𝘋𝘢𝘭𝘪𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘯𝘢, 𝘓𝘶𝘤𝘢𝘴. 𝘉𝘢𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢 𝘱𝘢𝘶𝘸𝘪𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰.” 𝘗𝘶𝘯𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘢𝘴𝘢𝘳𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘪𝘳𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘰 𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘥𝘢𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘱𝘭𝘢𝘺𝘨𝘳𝘰𝘶𝘯𝘥 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯. 𝘔𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘥𝘶𝘭𝘰 𝘯𝘨 𝘱𝘭𝘢𝘺𝘨𝘳𝘰𝘶𝘯𝘥, 𝘮𝘢𝘺 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘯𝘢𝘯𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘳𝘰𝘰𝘯, 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘯𝘰𝘰𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘵𝘭𝘰. “𝘚𝘪?
“Julia.” Tipid na tawag ni Tristan dito. Tahimik na inikot ni Astrid ang mga mata niya sa kung nasaan sila. Nasa isang napakalawak na garden sila, nakapaligid ang mga lamesa at upuan sa iba't-ibang bahagi nito. Sa hindi kalayuan makikita ang isang malaking dome, mukhang dito gaganapin ang sinasabi ng asawa niya na masquerade ball, sa harap ng pintuan dalawang butler ang nakatayo, sa gitna nila ay may isang red carpet. Sa kanilang harapan ay isang napakagandang maputi na blondina, naka-pulang makinang na wrap-up dress, ang dibdib nito ay hindi gaanong natatago, at isang mahabang slit na umabot hanggang sa thighs niya, pinapakita ang maputi at makinis na balat nito. Napakaraming suot na gold jewelry, at high-heels na kulay gold din. Sa unang tingin alam nang isang mayaman ang babaeng ito, ngunit hindi halata na isang baliw na mahilig sa mga aktibidad na nag-aagaw buhay ang mga tao. Nasa likod niya ay iilan na mga taong nakapormal ang mga suot, at iilan din na hindi maintindihan a
Barilan, habulan, iwasan.Ayan ang naging byahe nila Astrid papunta sa party.Sa gitna ng kanilang byahe, bigla na lang may nag-paputok ng baril sa sinasakyan nila, at mabilis na kumilos ang dalawang lalaking kasama niya para lumaban.Andaming butas ng bintana ng likurang pinto, at harap na salamin ng sasakyan.Ilang mga bala ang natamo ng dalawang kasama niya mula sa kanina pa nilang pakikipagbakbakan sa mga taong nakasunod sa kanila.Dahil sa suot nilang mga balot na kulay itim, at itim na face mask na madalas makitang suot ng mga holdaper, hindi malaman ni Tristan kung sino ang nag-utos sa mga ito.Puno ng kaba ang itsura ni Astrid habang hinaharangan ang sarili sa upuan, takot na baka masalo niya ang isa sa mga bala na pinapuputok ng kotseng nasa likuran nila. “Sino ba yang mga yan?! Hanggang dito nakaabot sila!” “It must be one of Julia's schemes. Or the other subordinates of the spies from the airport.” Walang emosyong ani Tristan, habang dumungaw sa bintana at nag-paputok pab
“Tristan, this is what Astria is going to where! You should at least wear the same colored tie to match with her!” Nag-salubong ang kilay ni Tristan sa narinig niya.“No.” Tipid na sagot niya, habang inaaayos ang sarili.Madramang sumigaw si Astria, pinipilit ang lalaki na bagayan ang suot ng kanyang asawa.Kasalukuyan na silang nag-hahanda dahil dalawang oras na lamang at pupunta na sila sa masquerade ball na gaganapin ng pinsan ni Tristan.At dahil hindi kasama si Theo at Astria, maiiwan sila sa condo kasama ang mag-kapatid bilang mga taga-bantay nila.At si Luigi naman at ang kasama ng mag-asawa papunta sa ball.Isang makinang na purple elegant ruched side slit, off shoulder dress ang suot ni Astrid, ang kanyang buhok ay naka messy bun, na may mga ligaw ng hibla ng buhok niya na nakakulot sa gilid ng mukha niya.“Ang ganda mo, madam!”“You look stunning.”Sabay na pag-bibigay puri ng mag-kapatid, ‘Bakit kaya namumula tong si Ban? May sakit ba to?’ tinignan ng mabuti ni Astrid ang m
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments