Home / Romance / 100 DAYS WITH THE CEO / Book 2: Chapter 41

Share

Book 2: Chapter 41

Author: EL Nopre
last update Huling Na-update: 2025-08-10 02:05:22

''KUNG hindi rin lang si Jade ang mapapangasawa ko, pipiliin kong mag-isa na lang sa buhay.''

Nakasubsob sa manibela ng sasakyan si Jade habang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang mga binitiwang salita ni Miko. Ibinuhos niya sa paghagulhol ang sakit na kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon.

''Noong umalis ako at iwan siya, I'm shattered into million pieces. At hanggang ngayon, hindi ko alam kung paano kong bubuuin uli ang sarili ko.''

Ganoon din siya. Walang araw sa buhay niya na hindi niya naaalala ang sakit at lungkot nang ginawa ni Miko. Wala ring gabi na nagkaroon siya ng payapang tulog.

She was beyond being shattered. Alam niya sa sarili na kahit anong gawin niya, hindi na siya magiging masaya. Because the only person who made her smile and laugh has given up on her.

But little did he know that Miko is the one who suffered most. Nagtanim siya rito ng galit nang hindi niya inalam ang totoo.

Noong araw na muli silang magkita after eight years of being apart, masaya siya. H
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Dhei A. Tomines
ouch huhuhu
goodnovel comment avatar
Cheryl Fuentes
update please
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 3: Chapter 6

    "HEY!"Ikinagitla ni Jade ang tapik sa kanyang balikat. Napatingala siya at sinundan ng tingin ang pag-upo sa harapan niya ni Mark."Saan ka na ba nakarating? Mukhang ang layo na naman ng iniisip mo."Kasalukuyang nasa cafeteria ng ospital ang dalawa. Kapag pareho sila ng break time ay nagsasabay lagi silang kumain o magkape."Wala. May naalala lang ako.""You've been like that for days. At minsan nga nakanganga ka pa.""Hindi nga?""May sasabihin akong sekreto, pero hindi ko iyon pinagsabi sa iba. Alam mo no'ng isang beses na nakanganga ka, nakita ko na may malaking langaw na pumasok sa bibig mo nang hindi mo man lang naramdaman o napansin.""Totoo?""Nginuya mo pa nga.""Ewwww!""Akala mo siguro ampalaya.""Totoo ba 'yan?" asik ni Jade nang nakangiwi.Natawa ito. "Joke lang.""Haist!" Hinampas niya si Miko. "Pasaway ka talaga. Kapag nagkukuwento ka, akala mo seryosong-seryoso. Malapit mo na akong mapaniwala.""Mas seryoso ka. Sino ba kasi ang iniisip mo? Okay lang naman kung ako, I

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 3: Chapter 5

    "NASAAN ang sasakyan mo?''Pinagala ni Miko ang tingin habang nakakunot ang noo. "I guess I left it somewhere."“Apo...”“I’m sorry, Lola.”Napabuntong-hininga na lang si Lola Tasing. "Sana lang naiwan mo roon ang pitaka mo. At sana rin naka-lock iyon.''Nakapa naman ni Miko sa bulsa ng pantalon ang susi ng kotse nito.''Tara na. May dala akong sasakyan.''Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa nang makapasok na sila sa kotse.Naghanap naman muna ng tiyempo si Miko bago nagtanong nang kanina pa gumugulo sa isip nito. "Lola, lumipat na ba tayo ng bahay? I remember we're in Pasay.""Almost eight years na tayong nakalipat.""Sa Mandaluyong?""Alabang.""May tinamaan din pala ako. Hindi nga lang naniwala 'yong pulis."Nakaramdam si Lola Tasing ng awa sa apo. Mahigit apat na buwan na rin ang lumipas mula nang mangyari rito ang aksidente. Pagkatapos niyon ay hindi na naging normal pa ang buhay nito.Miko is suffering from a rare illness— selective amnesia. Ilan sa mga

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 3: Chapter 4

    "ANONG pangalan mo?""Miko Lastimosa.""Ilang taon ka na?""Twenty-eight.""Saan ka nakatira?"Napaisip at napakamot sa batok ang binata. "Sa Pasay?"Tumigil sa pagtitipa sa harap ng typewriter ang pulis. "Bakit parang hindi ka sigurado sa sagot mo?""Lumipat yata kami kaya hindi ko maalala.""Pinagloloko mo ba ako?" asik ng pulis na sinabayan din nito nang marahas na hampas sa mesa. "Kahit ilang ulit pang lumipat ng tirahan ang isang tao, una niyang inaalam ang address! Saan ka nakatira?" pag-uulit nitong tanong na may pagbabanta sa tono."Alabang?" Umiling si Miko, "Hindi pamilyar sa akin ang lugar. Pero parang doon nga ang bago naming nilipatan.""Sa edad mong 'yan nawawala ka pa? Ibang klase rin, ha!""Ah!” bulalas ni Miko. “Naalala ko na. Sa Mandaluyong, sir.""Baka nga sa Mandaluyong, may mental hospital doon. Nakatakas ka ba?"“Hindi ako baliw, sir. Pero aaminin kong may kunting mali lang sa utak ko.”Nakakunot-noong napatitig ang pulis sa binata. “Hindi ko lang po maipaliwana

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 3: Chapter 3

    "ANONG sinabi mo?""I'm sorry, Mik.""Hindi iyan ang gusto kong marinig! Ulitin mo ang sinabi mo!""B-buntis ako."Matalim na pinukol ng binata ang direksyon ng nakayukong kaibigan. "And that bastard is the father of your child?""Mik, please.""Please what? Gusto mong intindihin kita, Yol? We've been in this relationship for six years! Nagpaplano na nga tayong magpakasal, 'di ba?""Hindi namin sinasadyang mahulog ang loob sa isa't isa. It just happen."Napasuntok si Miko sa dingding na nasa likuran ng umiiyak na nobya. "It just happen? When? When did it happen, Yol? Matagal na ba? Bakit hindi ko man lang naramdaman? Is it because both of you are good actors?""No, no. I'm sorry.""Kailan pa?" sigaw ni Miko. "Tell me, Yol! I deserve to know! Kailan niyo pa ako niloloko?""It's...it's...""Pare."Nagliliyab sa galit na tinakbo ni Miko ang kaibigan at pinalipad sa mukha nito ang malakas na suntok."Miko!" Mabilis na sumaklolo ang ina ng binata na tinawagan lamang ng kaibigang nasa kabil

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 3: Chapter 2

    TATLONG araw ring nagtiyaga sa pagbabantay si Jade bago nagkamalay ang kapatid. He's out of danger now and on the way to recovery.Malaki ang nagawang tulong ni Mark. She will be forever grateful to him for saving the most important person in her life."Jade?""Kuya. Kumusta ang pakiramdam mo?"Sinapo ni Ferd ang pisngi ni Jade. "Okay ka lang ba?""Ha? Hindi ba dapat linya ko 'yan?""Mukha kasing mas haggard kang tingnan kaysa sa akin. Lubog na lubog ang pisngi mo. Dry rin at wala man lang kakulay-kulay. Kailangan mo ba ng expertise ko?""Kagigising mo lang, pero nagyayabang ka kaagad. Natural dahil nagbantay ako sa 'yo at nag-alala."Natawa si Ferd. "I missed you. Parang ang tagal kitang hindi nakita.""Three days, kuya.""Kaya pala ang bigat-bigat ng dibdib ko. Parang dekada na ang katumbas niyon."Napangiti si Jade. Hindi sanay ang kapatid niya na hindi sila nagkikita ng buong araw. Tuwing napapasama nga siya sa mga medical mission ay maya't mayang tumatawag ito para lang alamin an

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 3: Chapter 1

    [JADE & MIKO Story]"CODE Red! Code Red!"Napabalikwas ng bangon si Jade mula sa kinahihigaan na double-deck nang pumuno sa buong silid ang anunsiyong nagmula sa speaker na nakakabit sa isang sulok.Ilan sa kanyang mga kasama ang umangal sa pagkakaistorbo ng tulog, pero wala naman silang pagpipilian dahil iyon ang kanilang buhay bilang resident doctor."Code Red! Code Red!"Kinapa niya ang cellphone na nakapatong sa katabing mesa at pikit-matang isinuot ang doctor's gown nang mabalanse ang pagtayo."Doctors from all depertment, we have an emergency! Please proceed to ER! I repeat, we have a Code Red! Doctors from all department, please proceed to ER!"Sinalubong ang dalaga ng maingay na paligid dahilan upang magising ang kanyang inaantok pang diwa. Pinigilan niya sa braso ang isang nurse na nakabanggaan sa pasilyo. "Anong nangyayari?""May naganap na explosion sa Gazette Club."Dumiretso si Jade sa ER. Ilan sa mga pasyenteng naroon ay walang malay at duguan. Ang iba ay dumadaing sa sa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status