Home / Romance / 100 DAYS WITH THE CEO / Book 2: Chapter 40

Share

Book 2: Chapter 40

Author: EL Nopre
last update Last Updated: 2025-08-09 22:59:08

''WALA na bang pasyente?''

''Wala na po, doc.''

''Okay.'' Iniunat ni Jade ang mga braso. ''Nakakapagod ang araw na ito.''

''Oo nga po,'' sang-ayon ng nurse. ''Ang dami ng pasyente ngayon.''

''Sige na, magpahinga na kayo.''

''Opo, doc.''

Matapos ayusin ng nurse ang mga folder na naglalaman ng record ng bawat pasyente ay lumabas na ito ng silid. Pero nakasalubong nito si Amira.

''May appointment ka ba?''

''Wala. Gusto ko lang makausap si Dra. Fortaleza. Magkakilala kami. Pakisabi si Amira.''

''Sandali.'' Binalikan nito sa loob ng silid si Jade. ''Doc, may bisita po kayo. Amira raw po.''

''Amira?''

Sumilip ang dalaga sa nakabukas na pinto na nahaharangan ng nurse. Ngumiti siya at kumaway. ''Hi!''

''Oh. Come in.''

Pinapasok ng nurse si Amira at saka nito isinara ang pinto.

''Take a sit.''

Naupo naman si Amira sa isa sa dalawang bakanteng silya na nasa harapan ng mesa ni Jade.

''What brings you here? Kasama mo ba ang Lola mo?''

''Hindi. Malusog na siya.''

''Good to hear that.''

''Pero nagt
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 3: Chapter 4

    "ANONG pangalan mo?""Miko Lastimosa.""Ilang taon ka na?""Twenty-eight.""Saan ka nakatira?"Napaisip at napakamot sa batok ang binata. "Sa Pasay?"Tumigil sa pagtitipa sa harap ng typewriter ang pulis. "Bakit parang hindi ka sigurado sa sagot mo?""Lumipat yata kami kaya hindi ko maalala.""Pinagloloko mo ba ako?" asik ng pulis na sinabayan din nito nang marahas na hampas sa mesa. "Kahit ilang ulit pang lumipat ng tirahan ang isang tao, una niyang inaalam ang address! Saan ka nakatira?" pag-uulit nitong tanong na may pagbabanta sa tono."Alabang?" Umiling si Miko, "Hindi pamilyar sa akin ang lugar. Pero parang doon nga ang bago naming nilipatan.""Sa edad mong 'yan nawawala ka pa? Ibang klase rin, ha!""Ah!” bulalas ni Miko. “Naalala ko na. Sa Mandaluyong, sir.""Baka nga sa Mandaluyong, may mental hospital doon. Nakatakas ka ba?"“Hindi ako baliw, sir. Pero aaminin kong may kunting mali lang sa utak ko.”Nakakunot-noong napatitig ang pulis sa binata. “Hindi ko lang po maipaliwana

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 3: Chapter 3

    "ANONG sinabi mo?""I'm sorry, Mik.""Hindi iyan ang gusto kong marinig! Ulitin mo ang sinabi mo!""B-buntis ako."Matalim na pinukol ng binata ang direksyon ng nakayukong kaibigan. "And that bastard is the father of your child?""Mik, please.""Please what? Gusto mong intindihin kita, Yol? We've been in this relationship for six years! Nagpaplano na nga tayong magpakasal, 'di ba?""Hindi namin sinasadyang mahulog ang loob sa isa't isa. It just happen."Napasuntok si Miko sa dingding na nasa likuran ng umiiyak na nobya. "It just happen? When? When did it happen, Yol? Matagal na ba? Bakit hindi ko man lang naramdaman? Is it because both of you are good actors?""No, no. I'm sorry.""Kailan pa?" sigaw ni Miko. "Tell me, Yol! I deserve to know! Kailan niyo pa ako niloloko?""It's...it's...""Pare."Nagliliyab sa galit na tinakbo ni Miko ang kaibigan at pinalipad sa mukha nito ang malakas na suntok."Miko!" Mabilis na sumaklolo ang ina ng binata na tinawagan lamang ng kaibigang nasa kabil

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 3: Chapter 2

    TATLONG araw ring nagtiyaga sa pagbabantay si Jade bago nagkamalay ang kapatid. He's out of danger now and on the way to recovery.Malaki ang nagawang tulong ni Mark. She will be forever grateful to him for saving the most important person in her life."Jade?""Kuya. Kumusta ang pakiramdam mo?"Sinapo ni Ferd ang pisngi ni Jade. "Okay ka lang ba?""Ha? Hindi ba dapat linya ko 'yan?""Mukha kasing mas haggard kang tingnan kaysa sa akin. Lubog na lubog ang pisngi mo. Dry rin at wala man lang kakulay-kulay. Kailangan mo ba ng expertise ko?""Kagigising mo lang, pero nagyayabang ka kaagad. Natural dahil nagbantay ako sa 'yo at nag-alala."Natawa si Ferd. "I missed you. Parang ang tagal kitang hindi nakita.""Three days, kuya.""Kaya pala ang bigat-bigat ng dibdib ko. Parang dekada na ang katumbas niyon."Napangiti si Jade. Hindi sanay ang kapatid niya na hindi sila nagkikita ng buong araw. Tuwing napapasama nga siya sa mga medical mission ay maya't mayang tumatawag ito para lang alamin an

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 3: Chapter 1

    [JADE & MIKO Story]"CODE Red! Code Red!"Napabalikwas ng bangon si Jade mula sa kinahihigaan na double-deck nang pumuno sa buong silid ang anunsiyong nagmula sa speaker na nakakabit sa isang sulok.Ilan sa kanyang mga kasama ang umangal sa pagkakaistorbo ng tulog, pero wala naman silang pagpipilian dahil iyon ang kanilang buhay bilang resident doctor."Code Red! Code Red!"Kinapa niya ang cellphone na nakapatong sa katabing mesa at pikit-matang isinuot ang doctor's gown nang mabalanse ang pagtayo."Doctors from all depertment, we have an emergency! Please proceed to ER! I repeat, we have a Code Red! Doctors from all department, please proceed to ER!"Sinalubong ang dalaga ng maingay na paligid dahilan upang magising ang kanyang inaantok pang diwa. Pinigilan niya sa braso ang isang nurse na nakabanggaan sa pasilyo. "Anong nangyayari?""May naganap na explosion sa Gazette Club."Dumiretso si Jade sa ER. Ilan sa mga pasyenteng naroon ay walang malay at duguan. Ang iba ay dumadaing sa sa

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 2: Finale

    PALINGA-LINGA sa paligid si Miko. Umaasa siya. Naghihintay. Pero papalapit na ang oras ng pagsisimula ng kasal, wala pa rin ang taong pinananabikan na sana niyang makita.Nang magkaroon na siya ng lakas ng loob na kausapin si Jade, pinuntahan niya ito sa ospital na pinagtatrabahuhan nito. Pero huli na ang lahat. Nag-resign na ito. At naisip niya na marahil iyon lang ang paraan nito para maiwasan siya.''Bakit parang ikaw ang kinakabahan?'' puna ni Khal kay Miko na katabi lang nito. ''Hindi naman ikaw ang ikakasal.''''Matagal na nawala si Mika, pero ngayon mahihiwalay na naman siya sa amin.''''Akala mo naman kung pupunta siya sa malayo. Magtatayo sila ng bahay sa loob lang ng compound niyo.''Napakamot sa ulo si Miko.''Pero mukhang wala kang ka-partner ngayon...''Natuon ang tingin ng dalawa sa organizer na sinisimulan nang ayusin ang mga bumubuo sa entourage. Kinausap din nito ang mga tauhan na kasama nito roon.''Gusto mo bang ihanap kita rito ng maganda at seksi?'' pagbibiro ni

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 2: Chapter 42

    ''DARATING kaya siya?''''Darating po siya.''''Sigurado ko?''''Hindi ko po sigurado.''Umiwas si Amira sa paghampas sana ng abuwela.''Ma!'' saway ni Pablo sa ina na nasa front seat ng bridal car. ''Kasal niya ngayon!''''Haist!'' sambit ni Lola Tasing. ''Ibinilin ko sa 'yo na siguraduhin mong pupunta rito si Jade!''''Lola, hindi po natin siya puwedeng pangunahan sa magiging desisyon niya.''''Tama naman,'' singit ni Alona. ''Kahit ano pa ang sabihin natin, siya pa rin sa huli ang masusunod.''Bumagsak ang mga balikat ni Lola Tasing sa pagkadismaya. ''Nasaan ba siya? Nang pumunta ako sa ospital ay nag-resign na pala siya roon.''''Nag-resign na siya?''pag-uulit ni Amira.Hindi na siya nakibalita mula nang huli silang magkita ni Jade sa clinic nito at ibigay ang USB na may recording dito. Naging busy na kasi siya nang tatlong buwan para sa kasal nila ni Hardhie.Malaki ang paniniwala niya nang araw na iyon na mapapalambot niya ang matigas na puso nito. Dahil kung talagang mahal nito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status