Share

Chapter 6

Ilang sandali pa muna akong nanatili sa condo ng senyorito dahil sumasakit pa rin ang puson. Umalis ito kanina, pinagbantaan pa akong tatanggalin sa trabaho kung maaabutang nandito pa rin pagbalik niya. Akala niya naman talaga matatakot ako. 

Muli akong gumulong sa sahig at patuloy na ininda ang sakit ng puson. Tinatamad akong lumabas para bumili ng gamot, ayaw kong kumilos para magluto... Inabot ko ang aking telepono sa sofa pagkatapos ay hinanap ang numero ng demonyo. Kinuha ko ito kanina noong pumasok siya sa kanyang kwarto para magbihis.

"Speaking," pormal na usal nito mula sa kabilang linya.

"Sa'n ka sir?"

"Alga?" I can sense his growing irritation upon hearing my voice. "Where did you get my number?" 

"Nag hula-hula lang po ako sir," 

"That will never buy me Alga," he growled. "I'm on an important meeting right now..." 

"Importante po? Ang ano?" 

"Call me again, you'll see."

Mabilis nitong pinatay ang tawag. Napabalikwas ako ng bangon saka pinagtuunan ng pansin ang nakasabit na antigong orasan. Mag-aalas dose na pala...

Hindi ako sanay na mag isa kapag may dalaw. Madalas ay sinasamahan ako ni Gee, dahil alam niya kung gaano ako katamad sa ganitong sitwasyon. Ito ang nagluluto para sa akin, minsan ay binibilhan pa ako ng mga pagkain. Ngunit sa kasamaang palad, wala siya sa tabi ko para gawin ang mga nakasanayan. 

Kung bakit ba kasi sa lahat ng araw ngayon pa? Bakit sa lahat ng lugar dito pa? 

Ayos lang sana kung sa malaking tahanan ng mga Da Silva, siguro'y may mga makakatulong pa sa akin doon. Sana pala'y hindi nalang ako pumarito kagabi. Naiinis kong sinabunutan ang aking sarili at sinipa-sipa ang sahig. 

"I want chocolate, ice cream, shake... I want something sweet," muli kong itinumba ang aking sarili sa sahig. Kapagkuwa'y nakipagtitigan sa puting kisame. Ano ang gagawin ko rito? 

My phone suddenly rung. Mabilis ko itong dinikot at ganoon nalang ang pagngiti nang makita ang pangalan ng demonyo. I cleared my throat first before answering the call. 

"Sir gusto ko ikaw-"

What the fuck?! Nasapo ko ang aking bibig. 

"What?" 

"Po? Ano po sir... Ang ibig kong sabihin, gusto ko po ng gamot at pagkain," wala sa sarili kong pinaglaruan ang aking wig. 

"Why don't you buy for your own?" 

"Ano po?" 

"Bumili ka ng pagkain mo! I'm not your assistant-"

"Sir naman. Kahit ngayon lang maging mabait ka naman po, sobrang sakit po ng puson ko. Hindi ako makakilos ng maayos," nanggigigil kong sinuntok ang sofa. Kapag ito umayaw ulit, mumurahin ko na siya.

For the second time, he ended the call. 

Napaiyak na ako sa inis. Basta-basta kong itinapon ang mga throw pillow sa sahig saka isinubsob ang mukha sa sofa. I am really pissed! So pissed that I wanted to kill Fergus right at this moment. 

Ilang sandali rin akong nanatili lang sa pwesto. Hanggang marinig ang marahang pagbukas ng pinto, kasunod ang papalapit na yapak ng senyorito. I'm pretty sure it's him, amoy na amoy ko ang perfume nito. 

"What happened here?" 

I shifted on my position, walang gana itong binalingan.

Bahagyang umawang ang kanyang bibig nang makita ang mugto kong mga mata. Mabilis ako nitong dinaluhan saka isa-isang tiningnan ang iilang parte ng aking katawan. 

"Ano po ang ginagawa niyo sir?" I wiped my tears away. 

"May pumasok ba rito? Someone hurt you?" nag-aalala nitong tanong. 

Umayos ako ng upo. Ilang ulit na suminghap bago siya muling tinitigan. 

"Naiinis po ako sayo sir!" bulyaw ko. "Konting bagay lang naman kasi iyong hinihiling ko. Gusto ko lang ng pagkain at gamot tapos-" dumako ang aking tingin sa dala nito. "Sa akin po 'yan sir?" mabilis ko dinukot ang paper bag na may lamang mga pagkain mula sa paboritong fast food. 

Marahas itong napamura at galit na itinapon sa akin pabalik ang throw pillow. 

"Akala ko may ibang pumasok dito at sinaktan ka. Naiinis ka lang pala sa akin? Damn!" padarag itong tumayo. Masama akong tinitigan bago padabog na tinungo ang kwarto. 

"Salamat po sa pagkain sir!" I shouted. Hindi ako sigurado kung naririnig niya nga. 

Him, thinking the worst out of the situation wasn't my fault! Hindi ko kasalanang iniba niya ang pagkakaintindi sa naabutang mga kalat at problemado kong mukha. 

Bahala siya kung patuloy man siyang magalit, hindi na naman bago iyan sa akin. Gutom ako, ang tiyan at puson ko muna ang iisipin ko ngayon. Pagkatapos ng pagsubok na ito'y susubukan kong bumawi sa kanya. Siguro'y isang araw ko itong papahingahin. Hindi aasarin, titigilan ang paulit-ulit na pagtatanong... Basta, depende sa maisip ko. 

-

"Normal lang ba sa isang babae ang pag iiba-iba ng kondisyon tuwing may dalaw?" bungad na tanong ni Fergus sa taong tinatawagan nito. 

Kaharap niya lang ako. Prenteng nakaupo, kasalukuyang lumalamon ng tsokolate at ice cream na pinabili rito. 

"It's my assistant. She's now acting like a boss..."

Bahagya akong natawa sa narinig. Maybe I am. Kanina ko pa siya inuutusan ng kung ano-ano. Sinusunod naman ng gago. Kahit nga ang magluto ng hapunan ay ito na ang gumawa. Hindi na gaanong masakit ang puson ko. Pwede na akong kumilos ng maayos actually, pero tinatamad pa rin kasi ako. Gagamitin ko nalang muna ang pampalakasan kong arte para makatakas sa trabaho.

"Alright...Thanks May," itinuko nito ang kanyang siko sa sandalan ng sofa, saka pinaglaruan ang labi. 

"Babae mo?" prente kong tanong matapos niyang patayin ang tawag.

"My friend. An OB," walang ganang sagot nito. 

"Sabi ko naman sayo sir, iba kapag ang babae may dalaw. Intindihin mo nalang kasi muna ako. Babawi ako pagkatapos nito," pabiro ko siyang kinindatan.

Umasim lang ang mukha nito. Bagay na kanina niya pa ginagawa tuwing may maririnig o nakikitang hindi nagugustuhan. Mula sa akin, lumipat ang tingin nito sa mga kinakain ko.

"Gusto mo sir?" puna ko rito sabay abot sa tsokolateng hindi pa nabubuksan.

Mabilis itong umiling.

"I don't like sweets."

"Ayaw mo po ng ano sir?" pagmamaang-maangan ko.

"Ayaw kita rito. Kaya kung pwede lang pagkatapos mong kumain lumabas ka na." his eyes darkened. 

"Kanina mo pa 'yan sinasabi sir. Inabot na nga ako ng gabi oh, " itinuro ko ang bintana. Kung saan ay kitang-kita ang magandang tanawin sa labas.

"I'm serious this time," humalukipkip ito. 

Biglang tumunog ang doorbell. Agad siyang tumayo at tinungo ang pinto. Hindi nakawala sa akin ang pagsilay ng binibining ngiti.

May bisita siya. That's more of a confirmation than a question. 

"Hi," rinig kong bati ng isang babae.

Mabilis akong gumapang malapit sa pader upang silipin ang mga ito. Una kong namataan ang matamis na ngiti ng isang babaeng may bilugang mata at mapulang labi. She snaked her arms around Fergus neck and kissed him passionately.

Sinapo ko ang aking dibdib at umarteng nasusuka sa nakikita. Kaya pala kanina pa ako gustong paalisin ng senyorito, may gagawin pala ito kasama ang bagong babae niya. Umirap ako saka dahan-dahang tumayo.

"Ilang babae na ang dinala mo rito sir?" pamumulabog ko.

Bahagyang napatalon ang dalawa. Mabilis ipinihit ni Fergus ang kanyang katawan paharap sa akin, his eyes pierced through me.

Lihim kong pinasadahan ng tingin ang babae. Matangkad ito, medyo payat, maputi at makinis ang kutis, may kaliitan ang mukha, ganoon din ang ilong. She's pretty. Mas pinakinang pa ng suot nitong lilang bestida ang kanyang kutis, at bagay na bagay rito ang mahabang buhok. Modelo siya, that's for sure. Sa tindig pa lang at kung paano niya dalhin ang kanyang katawan ay halatang-halata na.

"Sino siya?" nagtatakang tanong ng babae.

"Hi ma'am. Tagasilbi po ako ni sir," I waved hello at her.

"The door is now open Alga," may diin sa boses na usal ni Fergus. 

"Po?"

"Leave," his hand landed on the woman's waist.

Marahas akong napasinghap at lihim na umirap.

"Aalis po sir?" 

"Alga," he bawled.

Bigo kong tinungo ang pinto. Ayaw ko pang umalis! I don't want to leave them alone. I ought not to give Fergus the satisfaction he want. Noon pa lang ay nilinaw ko nang hindi siya hahayaang mabuhay ng normal ngayong nandito na ako. He made my life a living hell, there's no way I'll let it slide.

"Sir medyo malayo po ang tahanan ninyo mula rito. Paano kung maubusan na ako ng masasakyan?"

"Problema mo na 'yon," pabulyaw nitong tugon.

Ngumuso ako at malungkot na tumungo.

"Marami pa namang taxi. Huwag kang mag-"

"Hindi nama ikaw ang kinakausap ko," I cut the woman off. Lantaran pa itong inirapan.

Marahas siyang napasinghap. Sasagot pa sana, ngunit mabilis pinigilan ni Fergus. 

"Let's go inside," he whispered at her seductively. Walang gana ako nitong binalingan ng tingin, saka marahang sinarado ang pinto, leaving me dumbfounded.

Nanggigigil kong sinipa ang doorbell at ilang ulit na nagmura. I imagined him standing in front of me. Sinasampal-sampal at sinisipa-sipa ko kuno ito. Maging ang kanyang gitna ay hindi ko na rin pinalampas. I imagined crashing it, making him cry in so much pain.

"Tangina mo, gago ka! Mas maganda pa ako diyan sa babae mo 'no, ha!" 

Isang malakas na suntok ang aking pinakawalan. Saktong bumukas ang pinto, kaya imbis na sa ere ito tumama, sa balikat ni Fergus dumiretso ang aking kamao. 

My breathing hitched. Gulat ko siyang binalingan, ngunit nang mapansin ang galit nitong titig ay mabilis na napaatras. 

"What the-"

"Sorry po," agad akong tumalikod at tumakbo palayo. 

Galit na galit siya. Sa awra pa lang ay halatang wala na itong ibang mahanap na rason para palampasin ang aking ginawa. Marunong naman akong lumaban, hindi ko nga lang pwedeng gamitin ang natutunan habang umaarteng si Alga. Mabubuking niya ako. 

For now, I have to run as fast as I could to save myself from serious danger. The demon just showed his real color. Sa unang pagkakataon bigla akong nakaramdam ng kaba. He's indeed an alpha someone shouldn't provoke. Ngunit hindi nga pala ako simpleng tao lang. I am a woman with so much rage, exasperation, enmity...Lahat ng galit ay nasa puso ko na. Nakakatakot siya? Well, kaya ko itong sabayan. We will play fire real soon. 

Dire-diretso lang ang takbo ko hanggang sa labas ng building. Saktong may paparaang taxi, mabilis ko itong pinara. 

"Sa mga Da Silva po," hinihingal kong usal.

"Pasok ka po ma'am," magalang na tugon nito.

Agad kong binuksan ang back seat at itinapon ang sarili sa loob. I am so exhausted.

"Sino pong humahabol sa iyo ma'am?"

"Isang demonyo po. Napakalaking demonyo," wala sa sarili kong sagot.

"Halata nga po," mahina itong tumawa. 

Umayos ako ng upo, isinandal ang likod sa upuan saka pumikit. Hindi ko naman lubos akalaing mapapasabak pala ako sa marathon ngayon...

-

"Bakit ikaw lang, nasaan si senyorito Fergus?" takang tanong ni ate Maria matapos ako nitong pagbuksan ng pinto. 

"Nasa condo niya po. May bisita kaya pinauwi ako."

"Babae?" marahas itong napabuntong hininga saka umiling-iling. "Dapat masanay ka na," she tapped my shoulder. 

"Oo nga po e," mahina akong tumawa. 

"Pumunta ka na sa kwarto mo at magpahinga," isinarado muna nito ang pinto bago ako tinalikuran. "Nga pala. May naiwang kalat si senyorito sa kwarto nito. Kaso hindi niya kami basta-bastang pinapagalaw sa mga gamit niya. Pero baka pwede kapag ikaw... Maaari ba akong makiusap na linisan ang kwarto nito?"

Wala sa sarili akong napangiti. I am more than willing to do that...

Simula noong unang araw ko rito, hindi niya na ako muling pinapasok sa kanyang kwarto. Masyadong nagpapahalata itong may tinatago.

"Nakikita kong ikaw lang ang pinagkakatiwalaan niya..." dinukot ni ate Maria ang susi ng kwarto ni Fergus sa dala nitong maliit na bag, pagkatapos ay inabot sa akin.

"Sige po ate," matamis akong ngumiti bago kinuha sa kamay nito ang susi. "Ako na po ang bahala."

Kasalukuyang napipyesta sa galak ang sistema ko ngayon sa naiatas na magandang gawain. Mabuti nga talaga at umuwi ako. Napakagandang bungad ito para sa akin. 

Muli kong hahanapin ang nakitang ebidensya sa kwarto nito. This time, hindi ko na hahayaan pang mawala ito sa aking kamay. Not anymore... 

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status