Share

CHAPTER 20

“Tired?” tanong ko kay Neil at tinulungan siyang alisin ang kanyang blazer. Nitong alas-singko ng umaga na kami umuwi at mas lalo yatang napagod si Neil dahil pag-uwi namin ay nagbihis at kumain lang siya at saka na siya dumiretso sa company nila, pero umuwi siya ng alas dos. Magca-camping daw kami.

Excited ako dahil mas nakakaenjoy daw sa camping site kaysa sa rooftop kagabi. Kanina nga ring umaga ay namalengke kami ng pagbabarbecue namin. Inayos ko na nga lahat at tinusok ko na ang ihihihaw namin para mamaya. Hindi naman ganun karami at sakto lang para sa aming dalawa.

Nagulat na lang ako nang haplusin niya ang mukha ko. Bigla siyang nag-alala. Ang hawak niya ay parang hindi na kami magkikita pa bukas.

“Bakit?”

“Sana kaya kong itigil ang oras para hindi na matapos ‘to,” bulong niya at ang dalawa niyang palad ang humahaplos ngayon sa pisngi ko.

“May nangyari ba?” takang tanong ko at hinawakan ang kamay niya. Tamad niya akong tiningnan at parang nalulungkot ang mga mata niya.

Ngayon
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status