JACK'S POV:
Isang buwan na ang nakakalipas magmula ng imbitahan at dalhin ako ng dalawa sa sariling bar ko.
Hindi na muli silang nag-abala pa sa akin. Kinausap lang nila ako para sa misyon na gusto nilang gawin ko, kapalit ng pagtulong sa nawawalang bagay na pagmamay-ari ng pamilya ko.
Isa na rin 'yun malaking tulong sa akin. Baka sakaling mas mapabilis ang paghahanap ko sa letcheng kahon na 'yon. At malaman ko na kung ano ba ang kahalagahan no'n sa aming pamilya.
Maski ako ay na-ko-curious sa laman. Ano kayang meron?
Sa loob din ng isang buwan na 'yon nakikilala ko na nang mabuti ang empleyado ko. Magaling siya at kitang-kita ko sa mini camera kung paano niya banatan ang mga kalalakihan na nambabastos kapag naglilinis siya ng mga libro.
Ginagawa niya talaga ang lahat para sa pamilya na kailangan siya. Nasa kaniya na talaga nakaatang ang lahat. Dahil siya ang
LINZIE'S POV:"I'm waiting." Bungad sa akin ni Sir saka hinila ako sa loob ng opisina niya. Itinuro niya pa ang nag-iisang upuan at sinenyasan na umupo. Wala na rin akong nagawa kundi ang sundin siya.Maski siya ay malayang umupo sa upuan na para talaga sa kaniya. Nilagay niya pa ang dalawa niyang palad na nakayukom sa may baba niya at seryoso akong tiningnan.Tama nga ang sinabi niya kagabi na pupunta siya sa bookstore para malaman ang sagot ko sa alok niya. Isang alok na malaki ang impact sa akin.'Yun nga lang dumating siya rito ng mga hapon na at malapit na akong magsara. Hindi ko aakalain na ang dami talagang customer dito.Kahit na gano'n man ang business owner, ang mga customer naman ay patuloy na naglalaan ng oras para magbasa o hindi kaya ay magbili na lang.Noong mga panahon na nagpunta ako rito, wala pang katao-tao. Iilan pa lang ang nalagi rito. K
LINZIE'S POV:"Your dad? Wow." Hindi makapaniwala niyang komento. Hindi niya aakalain na sa likod ng mga paghuli ay may isang tao ang nasa likod nito.Subalit hindi ganon kakilala ang pangalan niya. Ilang taon lang 'yon, ilang taon lang naging bantog sa mamamayan ang pangalan ng aking Tatay hanggang sa mawala na. Wala na rin nakaalala sa sinapit niya at hindi man lang inaalala ang kaniyang ginawa sa bansa.Pero hindi naman 'yon ang problema sa akin. Mas mabuti na 'yon na walang nakakaalam sa pamilya namin, maganda na ang malayo sa alalahanin."Yes po, pero matagal na po nangyari 'yon. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit siya nakatakas?"Nagtataka pa rin talaga ako sa mga nangyayari. Sa pagkakaalam ko malakas ang seguridad sa underworld. Walang sinuman sa mga bilanggo ang makakatakas hanggat wala pa sa oras at panahon ng kanilang paglaya.May naturang
KINABUKASAN(8AM)JACK'S POV:"Anong meron na naman d'yan sa mukha mo at nakabusangot ka?" Inis na singhal ko sa lalaking ito na kakapasok pa lang sa kwarto ko.Kapag nagkikita kami naaasiwa na agad ako sa pagmumukha niya. Kung noon ayos lang sa akin na makita siya araw-araw para may mapaglabasan ako ng inis at galit ko.Pero ngayon... ayoko na. Ayoko na talaga.Hindi man niya aminin sa akin, kahit na sa sarili niya ay lalaki siya. Ang kilos naman niya kapag kasama ako ay parang bakla na umaalam pa sa totoong nararamdaman niya.Minsan ay napapaisip na lang ako na may gusto sa akin ang lalaking ito at ginagawa lang na dahilan na takot siya magsolo sa kama niya.Napansin kong napanguso naman si Froyd sa aking harapan at mabilis na lumapit sa akin.He spread his arm side by side and ready to hug me when I po
LINZIE'S POV:"Thank you for coming, Ma'am and Sir. Please comeback if you have free time." Nakangiti kong pagpapaalam sa mag-syota na ngiti na lang din ang tugon.Hinawakan pa ng lalaki ang balikat ng babae para makalabas sila nang sabay sa pintuan. Napahalumbaba na lang ako habang pinagmamasdan ang pagiging malambing ng lalaki sa gf niya.Mahal na mahal talaga ng lalaki ang babae, akalain mo na binili talaga ang pinakamahal na libro sa bookstore na ito. 'Yun nga lang hindi ko maalala kung ano ba ang binili nito, sa pagkakaalam ko ay rare book na lang 'yun at international pa.At saka mahaba, medyo mahirap akong makaalala patungkol dito.Pero napalayo ang aking mukha sa pinto. Nakaalis na rin ang mag-syota kaso ang pumasok naman ang may-ari na naka-formal suit.Businessman na businessman talaga ang dating. At ang kaniyang paglalakad ay parang nag-mo-model la
LINZIE'S POV:"Can't wait to see a heartless and ruthless Jack Krean Miller, deeply fall in love with you. 'Yun bang makikita ko o namin ang kakaibang ugali nito. Hindi na 'yung laging lantay gulay at walang pake sa kahit sino." Mapanuring tingin ang ibinigay sa akin ni Bea matapos makita akong nakaayos na ng porma.Pa-twinkle twinkle pa ang mga mata dahil sa naiisip niya na kung anu-ano tungkol sa amin.Siya ang dahilan kung bakit nalaman ko na mayroong job hiring sa bookstore. Hindi ako mahilig sa social media, kaya wala akong alam tungkol sa anunsyo ng may-ari.Palagi rin silang magkakaibigan na tumatambay ro'n. Magbabasa-basa at kapag may natipuhan na libro ay bibilhin nila.Saka wala ring hiya-hiya ang babaeng ito kaya binigyan ko siya ng pabor kapalit ng libro na natipuhan niya sa may drawer ko.At ngayon malapit ng mag-alas sais ng gabi at panigurado n
LINZIE'S POV:Nasa harapan ko na talaga ang mag-asawang Chaiyan. Ang babae ay si Ma'am X, pero ang tunay na pangalan niya ay Zhemaickia Rozelle Oceana.Mayroon siyang school noon na ngayon ay pinasara na. Pero may mga bali-balita na ipapabalik niya ito at babaguhin ang patakaran.At ang asawa naman niya ay si Sir Creg na kung makakapit sa asawa ay parang makukuha siya ng iba. Hindi naman mahigpit ang pagkakahawak.Napagawi naman ang tingin ko sa dalawang lalaki. Magkamukha talaga silang tatlo kung naging lalaki si Ma'am X. Ang tanging palatandaan lang sa kanila ay ang kulay ng mata.Ang kulay berdeng mata ay si Sir Yasther. Hindi na ako magugulat kung ganito kalamig ang pakikitungo niya.At ang kulay asul naman na mata ay si Sir Yaune na kasama ang isang koreana na tahimik lang habang kahawak ang asawa.Si Sir Yasther nga lang ang kakaiba
LINZIE'S POV:"Are you sure about this plan? We can change it?" Pagpapaulit na naman nitong si Sir Jack.Halata sa kaniya na hindi niya gusto ang plano ko. Pero wala akong magagawa, 'yon lang ang kaya kong itulong sa kaniya."Okay lang ako, ang kailangan mo lang gawin ay pumasok sa loob. May I.D ka naman na patunay na isa kang myembro ng organisasyon nila. Mauuna ako para gawin ang pagpapanggap na bagong dancer nila."'Yun ang plano ko. Ang maging dancer nila at maakit ang tukneneng Bobby na 'yon. Sana nga lang maakit siya sa akin. Binigyan din ako ni Aze ng skin face mask. Kaya raw nitong mabago ang mukha ko.Kamukha ko raw masyado si Tatay kaya hindi na kataka-taka kung makilala rin ako ng kalaban. Nag-iingat lang daw sila sa akin, lalong-lalo na't babae ako at walang alam sa mga misyon na ito."Haist! I don't have any choice too. If something bad happen, I
Sa kaliwa at kanan. Nagsilabasan ang mga armadong tao na may dalang baril. Naunahan namin sila sa pagputok ng aming gatilyo at pinatamaan ang mga ulo nila.Hindi na sila makalaban at makatakas dahil sa surprise naming dalawa. Magkatalikod kami nitong si Jack. Inaasinta ang bawat kalaban namin.Nang mapansin naming mga wala ng buhay ang lahat ay naisipan naman namin ang maglakad. Hindi ako nakasunod dahil kinuha ko ang baril sa kalaban at isinakbit sa aking balikat.In case na mawalan ako ng bala at malayo sa direksyon ko si Jack.Tumakbo ako para makarating sa kaniyang tabi. Pero napalingon ako sa loob ng room sa pinakaunahan nito.Nakaawang at may naramdaman akong kakaiba. Kaya mabilis akong umikot pabalik sa aking nilakaran bago pa man ako matamaan.Narinig ko ang pagputok ng bala mula ro'n. Hindi na rin ako nag-aksaya ng oras at pinatamaan ang loob nito.