Pagkatapos sigawan si Kinoshita, naging malagim ang mukha ni Aki. “Talagang ginalit kita ngayong gabi Sir York, pero sinampal mo naman ako nang husto. Nabawi mo na ang reputasyon mo!” “Hindi ko na kailangang ungkatin pa ang tungkol dito, pero umaasa akong ganito rin ang gagawin mo!” "Kapag umalis ka sa lugar na ito, tatayo ako!" Tinitigan nang seryoso ni Aki si Harvey na parang nakikipagnegosyo. "Mula ngayon, maghihiwalay na tayo ng landas na para bang hindi tayo nagkita! Ano sa tingin mo?" Pakiramdam ni Aki masyado na siyang mabait dito. Ayos siyang pakawalan si Harvey kahit pagkatapos siya nitong sampalin nang maraming beses. Naniniwala siyang alam ni Harvey na magkikita pa sila ulit. Akala niya alam ni Harvey na tulungan ang iba para tulungan ang kanyang sarili… Sigurado siyang palalampasin ito ni Harvey. Tumawa nang malakas si Harvey. "Bahala na." "Nakaluhod na ako dito! Ano pa bang gusto mo?!" Nagkaskasan ang ngipin ni Aki. "Walang kahulugan ang pagsamp
“Arghhhh!”Narinig ang mga sigaw na parang mga baboy na kinakatay.Natakot nang sobra ang mga inspektor sa nakita nila. Hindi nila kilala kung sino si Harvey, ngunit alam nilang isa siya sa mga tao ni Yoana. Walang nag-akalang ang bagong-tayong Dragon Pakace na ito ay magiging ganitong nakakatakot. Krak! Pagkatapos mabalian ng bawat Islander na nandoon, binalian ni Kinoshita ang sarili niya pagkatapos. Matibay siya dahil hindi narinig ang kahit isang sigaw mula sa kanya. Tumutulo ang malamig na pawis sa kanyang likod habang namumutla ang kanyang mukha.Pagkatapos ay nanginig siya habang lumuluhod sa harapan ni Harvey. Sa sigaw ng mga tao doon, mahina siyang nagtanong, “Sir York, masaya ka ba dito?”“Magaling. Ito ang tinatawag kong Bushido Spirit.” “Tandaan mo ‘to. Kapag nakita mo kami sa hinaharap, umatras ka na kung kailangan. Kung kailangan mong lumuhod, edi lumuhod ka,” sinabi ni Harvey nang hindi sumasagot nang diretso. “Salamat sa iyong papuri.” Walang magawa
Tumagaktak ang malamig na pawis sa mga tao ng Dragon Palace na nakasunod kay Yoana. Sumugod silang lahat at kaagad na itinulak sa sahig si Purple Sparrow. Pagkatapos itong makita, natakot nang husto kay Harvey ang mga tao ng Dragon Palace. Habang iniisip ito, napagtanto nilang si Harvey ang nagsimula ng pag-angat ni Yoana. Sa sandaling ito, walang naglakas-loob na kumontra kay Yoana habang nandoon si Harvey. Binalak pa nga ni Yoana na barilin ang mga Islander doon. Madali siguro para sa kanyang patayin ang mga taong susuway sa utos niya.Nagbago ang ekspresyon ni Purple Sparrow habang nakakaramdam siya ng panganib. Patuloy siyang nagpumiglas habang galit na sumissigaw, “Bitawan niyo ako! Bitawan niyo ako! Ako ang biktima dito!” Sayang at ang lugar ay puno ng mga inspektor. Walang kahit isang karaniwang tao ang nandoon. Sa ganitong sitwasyon, titingin lamang sila nang masama habang si Yoana ang umaasikaso sa lahat. Imposibleng kumilos sila at ipatupad mismo ang batas. Kal
Walang customer ang matatagpuan sa eleganteng flower shop, isang grupo lang ng mga young master ang nagtipon sa loob.Nags-swipe ng phone si Quinton habang may masamang tingin sa mukha niya.“Nabalitaan namin na kontrolado na ni Yoana ang branch ng Dragon Palace.”“Agad na pinalayas si Aki, at pilay na si Kinoshita. Nagmamadali silang umalis ngayon sa Lan Kwai Fong.”Si Quinton ang isa sa mga Four Master ng Hong Kong, at isa sa pinakamahalagang mga tao sa labas ng mga York.Hindi niya inaasahan na babastusin siya ng sobra pagkatapos niyang makaisip ng isang magandang plano.Kaswal na inihanda ni Lexi ang mga bulaklang niya, na para bang wala siyang interes sa pakikipag usap sa mga batang ito.Pero alam niya na pagkatapos ng gabing ‘yun, ang branch ng Dragon Palace ay magbabago ng pamumuno.Kokontrolin ni Yoana ang posisyon ni Lexie sa susunod, baka pati ang kabuuan ng Dragon Palace kapag nagpatuloy siya.Uminon ng red wine si Vince ng walang emosyon sa kanyang mukha. Sa harap
Sa kabilang linya ng phone, nakapark ang van ni Scarlett sa harap ng Hamilton Residence. Sumingkit ang mga mata niya sa mamahaling mansyon sa harap niya. Namula ang kanyang mukha.Habang iniisip ang pangako na ginawa ni Vince, huminga siya ng malalim at tahimik niyang sinabi, “‘Wag kang mag alala Vince!”“May mga plano na ako para harapin ang pamilya Hamilton!”“Hindi ba’t gusto ng matandang si Fabian na harapin ang multo na naiwan ng Three Demon Monks?”“Nakuha ko ang Outer Elder ng Five Virtues Temple at ang number one geomancy master ng Hong Kong, si Jon Surrey, para tumulong sa sitwasyon.A”“Sigurado ako na mamamatay ng masama si Fabian!”“Pakiusap, mag ingat ka, Scarlett!”Tila malambing ang tono ni Vince.“Nabalitaan ko na sinulat na ni Fabian ang huling habilin niya.”“Kapag may nangyari sa kanya, ang apat na bahay ng pamilya Hamilton ay paghahatian ang mga asset.”“Kung may mamamatay sa loob ng tatlong taon pagkatapos niyang mamatay, ang lahat ng mga asset ay idodonat
Nang magpakita si Harvey sa Hamilton Residence, ang lugar ay puno ng kaguluhan.Kahit na may ilang mga guard na nakaposte sa harap na gate, puno sila ng takot.“Dali! Magpadala kayo ng tao sa Five Virtues Temple!”“Nahimatay ang Third Young Master natin!”“Wala mang magawa ang mga doctor dito!”“Ano ang dapat nating gawin?!”“Hindi ito maganda! Nahimatay na rin ang Fourth Young Master!”“May mga taong walang malay din dito!”Nagkagulo ang buong pamilya. Maliban sa mga kamag anak ng pamilya, ang mga katulong at guard ng pamilya ay nahimatay ng hindi umiimik.May mga tao na sinubukan iligtas ang pamilya, ngunit ang mga katulong at bodyguard ay hindi sinwerte.May nanunuyang tingin si Harvey nang nilagpasan niya ang kaguluhan. Tumingin siya ng masama sa ancestral hall ng wala siyang ginagawa.‘Puno ng Yin sa lugar na ito…’‘Puno ng kagustuhan na pumatay…’‘Isang masamang senyales ito!’‘Mahusay nga talaga ang number one geomancy master!’“Pakiusap, iligtas niyo ang nanay ko
Nabigla din si Zina nang makita niya si Harvey, hindi niya inaasahan na makita si Harvey sa lugar na ito. Sinabi niya ng nasusuklam, “Senior, ito ay si Harvey. Kaibigan siya ng tatay ko.”Pagkatapos, tumitig ng mayabang at nanunuya si Zina kay Harvey. “Harvey, ano ang ginagawa mo dito? Sa tingin mo ba ay isang lugar ito na pwede mong puntahan ng kaswal?”Walang pakialam si Harvey kung ayaw sa kanya ni Zina, “Ang tatay mo ang tumawag sa akin at nagmakaawa sa akin na pumunta dito.”Para patunayan ang mga salita niya, inilabas niya ang phone niya at pinakita niya kay Zina ang call history niya.Kumunot ang noo ni Zina, hindi siya natutuwa. Galit at malamig niyang sinabi, “Hindi ko alam kung bakit tatawag sayo ang tatay ko.”“Pero ngayon at nandito na ang mga senior ko, siguradong mahaharap nila ang mga problema ng mga Hamilton!”“Hindi kita kailangan dito!”“Mukhang hindi ka namin pwedeng paalisin agad dahil kami ang tumawag sayo dito. Heto, tanggapin mo! One hundred fifty thousand
Lumala ang ekspresyon ng matanda nang marinig niya ito, “Hindi tatagal ang buhay niya.”Nanatiling walang ekspresyon si Jon at hindi siya nagsalita, ngunit ang mga mata niya ay naging matalas. Tumingin siya kay Harvey ng may intriga.Tumingin ng masama si Scarlett kay Harvey, kinamumuhian niya ito. Mabilis siyang lumapit kay Jon para bumulong ng ilang salita sa kanya, at sumingkit ang mga mata nito.Pagkatapos, sinabi ni Scarlett, “Harvey, alam mo ba kung anong sitwasyon ang meron ka ngayon? Hindi ito lugar para magsabi ng kalokohan mo.”“Ang aking master, si Jon Surrey, ay kilala bilang number one Feng Shui master sa Hong Kong.”“Salamat sa kanya, ang Fourth Lady ay bumalik sa normal na kalagayan niya.”“Kaya bakit hindi ka tumigil sa mga akusasyon mo? Kakasuhan ka namin ng slander at mabubulok ka sa kulungan ng habang buhay!”Hindi siya pinansin ni Harvey, hindi niya man lang pinansin na nagsasalita ito. Sa halip, tumingin siya kay John at sinabi niya, “Wala ka bang ideya kung