Share

Eighth Attack

Sandali ko pa lamang silang nakakasama ay mas lalo na akong naguguluhan. After the mention of the name Iris Aquino, the team decided to rest. 

We created a small tent using leaves and trunk of trees. Sa labas nito ay ang sigang hindi parin nawawala.

"Pahangin lang ako," saad ni Nate kahit wala namang nagtatanong kung saan siya pupunta. Hindi siya pinansin ng apat at ako lang ang napatingin sa kanya.

Ramdam ko ang pagod dahil sa mahabang paglalakbay pero kahit anong gawin ko ay hindi ako dinadalaw ng antok. Dahil siguro sa alam kong anumang oras ay maaaring may sumulpot na zombies dito.

Nakahiga na kaming lahat at si Nate na lang ang gumagala. Sana lang ay maging safe siya.

"Mahigit pitong taon na ang virus na ito pero wala pa akong gaanong alam tungkol sa mga zombies." Tulala lamang si Max habang sinasabi 'yon.

"Matalas ang pandinig nila," wika ni Celine.

"Iyon lang?" tanong ni Max.

"Shoot their brain and they will die," sagot ulit ni Celine.

"Tss," Max said with a hint of disappointment.

"Kailan ba matatapos ang bangungot na ito? 'Yon ang mas mahalagang tanong, Max," Celine shotback.

"Sleep now. Keep the woods burning, Max." Tumalikod si Pisces para matulog.

"Copy..."

I closed my eyes. I couldn't sleep. When will this nightmare end? Mas gugustuhin ko pang matapos ang lahat ng ito kaysa maalala ang lahat ng mga nakalimutan ko. Kung pwedeng ganon nalang sana. Gusto kong makita ang pamilya ko kahit na hindi ko talaga sila naaalala. Matutuwa kaya sila kapag nakita nila ako? Na ang anak nila na inaakala ng lahat na patay na ay buhay pa rin pala.

I smiled to myself. I can't wait to see them. Hindi na rin ako makapaghintay na matapos ito. Wala yatang oras na hindi kumakabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Kahit anong oras ay may zombies na maaaring lumapa sa akin dito.

My thoughts slowly faded before I could know it.

"Collier, wake up." Nate patted my shoulders gently. "We need to get going."

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. I gently rubbed my eyes as I nodded. They were all silent. Bagong gising lang din.

"Malapit na tayo sa east." Nanatili kaming alerto. 

It's been six days of walking. Tingin ko ay wala nang katapusan ang paglalakad namin dahil sa layo ng lugar. Ang inaakala kong magiging malapit na paglalakbay ay tila habang buhay pala.

Hindi ko alam kung kailan huling naging kampante ang puso ko. Kada hakbang ko pa-abante ay natatakot ako na baka huling hakbang ko na pala iyon.

"Kung hindi lang talaga nagsimula ang apocalypse na 'to ay malamang may asawa't anak na ako ngayon." Si Maximus.

"Kahit walang apocalypse ngayon, walang magtyatyaga sa'yo, gummy bear!" Pang-aasar naman ni Celine.

"Sa'yo 'yon!"

"Sayo! Mahal na mahal kaya ako ni Sijrik ko!"

"Sa'yo kaya! Hindi pa dumadating ang 'the one' ko kaya ganon." at nagsimula na nga silang mag-asaran.

Humihinto kami sa paglalakbay sa tuwing napapagod o kailangang kumain. 

"Oh, naubusan na si Collier." Napansin yata ni Max na wala nang natirang beef jerky para sa akin. 

Walang pag-aalinlangang naglagay ng ulam sa mangkok ko si Pisces. He immediately turned away.

"Kumain na kayo," saway niya sa squad nang manatili ang tingin nila sa kan'ya.

After eating, we continued walking. The sun is on its peak and I can feel the burning heat of it on my skin. Kung hindi mapuno sa lugar na ito, baka sinusunog na kami ng araw ngayon.

Pisces looked at the top of the trees as if there was someone looking over there. He squinted his eyes as he raised his index finger to hush us.

"Shh..." he gently said. I stopped in my tracks. No one made a slightest noise. I literally stopped breathing. I let the noises in the surrounding enter my ears and there, I heard an engine from afar.

"Tago," Maximus commanded. Narinig nilang lahat ang narinig ko. Nagtago kami sa likod ng mga halaman. 

"Ang kati..." Reklamo ni Celine. I know Celine, but please be quiet.

Napatingin ako sa malayong kanan. May jeepney truck na mabilis na pinapaandar. Lalaking kalbo ang nagda drive at may dalawang babae na nakatayo sa likod. Ang isang babae ay nakikipag halikan sa lalaking may pagka moreno at ang isang babae naman ay tahimik lang na nagmamasid sa paligid.

"Whoo! This is the best day of my life!" Sabay niya sa kantang pagkalakas-lakas dahil sa speaker. 

Shit, lapitin ng zombies ang maiingay. True enough, horde of zombies are following their trail. Isang lalaki sa likod na parte ng jeepney ang naka machine gun at bumabaril sa pagkarami-raming zombies.

"Oh, fuck..." Kahit na mahina ay narinig ko si Cedrick. "Fascists..."

Sa gilid ng truck ay may pinturang pabilog. Sa loob nito ay letrang F.

"Slow down, Bubble Joe! I can't aim properly!" The one with the machine gun complained.

"Don't blame the fastness! Blame your skill, stupid kid!" Bubble Joe replied. He looks like in his mid 30's.

"What did you just say?" Looking irritated, the one with the machine gun stopped.

What the fuck, man? Continue shooting or else you'll all die! O pwede ring hindi para maging zombie na rin sila.  

"I said you are a stupid kid. Hindi lang pala stupido kundi bingi rin!" pagyayabang ni Bubble Joe.

The girl on the back stopped kissing her boyfriend, I think? "Hey, wag na kayo mag away! Blow job ko kayo later?" Oh, slut.

"Gusto mo bang kumalat ang utak mo sa wind shield?" hindi pinansin ng lalaking naka machine gun ang babaeng malandi.

"Ayos lang, kaysa naman ikaw na walang kakalat dahil wala ka namang utak." 

Ano bang problema nitong dalawang 'to? No wonder na kinatatakutan ng squad ko ang Fascist na 'to. Kahit sila mismo ay ready makipag-away sa isa't isa!

"Hey guys, chill lang!" Awat ng lalaking moreno na kaninang nakikipag halikan.

"Wag kang makisali rito, Rick."

"Okay, fine. Whatever." tinuloy ng lalaking nagngangalang Rick ang pakikipag halikan na para bang walang nangyari.

Meanwhile, a horde of zombies are running towards us. My heart boomed wildly. We can't shoot these zombies, Fascists might hear us!

"Shoot." Our team leader commanded.  

I aimed for the head. Mahirap dahil gumagalaw sila. Loud bangs enveloped the area as we shot the zombies. 

"Who's that? Be ready!" the slutty girl ordered as she heard the multiple gunshots. We immediately got their attention, dammit!

"Mamaya na kayo mag-away! Kapag may nangyaring masama sa atin ay siguradong hindi lang mga utak niyo ang papakalatin ko." 

Mas dumami ang lumalapit na zombies sa amin kaya hindi ko na pinansin ang mga Fascists. Sinisigurado ko ang ulo ng mga zombies para hindi masayang ang bala namin.

"Run." Our team leader ordered. I ran as fast as I could while still aiming at the zombies.

"Guys, may squad do'n oh!" Rinig kong sigaw ng isang Fascist.

"Habulin niyo!"

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Kapag naabutan nila ako ay siguradong hindi na ako makakarating sa pamilya ko. Gusto ko pa silang makita! Hindi pwedeng nakakakalahati pa lang ng paglalakbay ko ay magtatapos na agad!

Mga alingawngaw ng baril ang namayani sa lugar. Kasunod ng tila hindi matatapos na tunog ng baril ay sigaw ni Celine ang sumunod.

"Celine!" Cedrick's voice broke while supporting Celine.

"Cedrick, run!" Bumagal ang takbo ni Celine. Sa binti siya tinamaan. 

"Are you crazy? Hindi kita iiwan!" Cedrick's ears and eyes went red. He looked like he's on a verge of crying.

"Run! Guys!" Celine shouted at us. "Iwan niyo na ko rito kung ayaw niyong mapahamak!"

I stopped running. Hindi ako tanga para iwanan ang squadmate ko. 

"Run! Wala tayong laban sa kanila!" Si Nate naman ang sumigaw. 

Pinagbabaril ko ang mga zombie na papalapit habang inaakay ni Cedrick si Celine.

Huminto rin sa pagtakbo si Max at pumwesto malapit kay Celine.

"Bubble Joe! Bilisan mo naman!" Angal ng mga bumabaril sa amin.

Bumagal kami sa pagtakbo dahil nga sa na injured si Celine. Si Nate ang nangunguna sa pagtakbo at nasa likod naman kami ni Max.

Si Pisces ang bumabaril sa mga zombies na haharang sa amin.

Nang magsimulang sumakit ang tagiliran ko ay unti-unti rin akong napagod. Bumagal ang takbo namin at tingin ko naman ay nailigaw namin ang mga Fascist.

Tumigil kami sa isang masukal na parte ng gubat. Maraming mga halaman at puno sa paligid.

"Saan ang masakit, baby?" Tila paiyak na si Cedrick dahil sa matinding pag-aalala.

"Ayos ka lang ba, Celine?" Puno rin ng concern si Max. Kahit lagi silang magkaaway ay puno pa rin siya ng pag-aalala ngayon.

"Kaya mo bang maglakad?" Si Nate naman ang nagtanong.

Tinignan siya ng masama ni Cedrick. "Mukha bang makakalakad siya?! Nabaril siya sa binti!"

"Nagtatanong lang ako, bakit ka nagagalit?"

"Pangtanga naman kasi 'yong tanong mo!"

"I noticed what you said earlier, Nate." Ang tahimik na si Pisces naman ang nagsalita. "You shouted, 'Run, wala tayong laban sa kanila.' Binilisan mo pa ang pagtakbo mo. I wonder kung bakit ganon ang desisyon mo kanina? Handa kang iwan ang sugatang si Celine-"

"I'm just being logical, Pisces! Kung hindi tayo tatakbo nang mabilis, malamang ay nahabol na tayong lahat at namatay—"

"Napaisip tuloy ako, sa susunod kaya kung lahat kami ang sugatan, tatakbo ka kaya at iiwan kami?" Si Maximus naman ang nagtanong.

Nate is in a defensive mode. Beads of sweat formed on his forehead as he tried to speak.

"Of course not... I won't leave you guys. I'm sorry. I just tried to be logical." Nate said with a defeated tone. Mukha naman siyang sincere.

Nanatili ang mala pusang tinginan ni Pisces sa amin. Inutusan niya si Nate na gamutin si Celine habang pinapalagyan sa amin ng mga bala ang mga baril. 

"Pisces, pwede bang ako nalang ang gumamot kay Celine?" Cedrick asked, almost pleading. Hawak niya na ang first aid kit at handang gamutin si Celine.

"No, inspect our guns. Let Nate handle that."

Nagpatanggal lang ako ng hingal atsaka uminom ng tubig. Inalok ko sila at uminom naman sila. 

"Kukuha lang ako ng bandage." Mahinahon na si Nate. Nakaupo si Celine sa dahon ng saging na nakalatag sa maruming sahig. Medyo malayo sila sa pinaglalapagan ng gamit namin. Balak kong iabot nalang kay Nate ang bandage pero tumayo na siya. Kaya hinayaan ko nalang.

The dried leaves crepitated. I immediately held my gun and pointed it nowhere. The squad did the same.

"Bitaw!" Tili ni Celine. Agad kaming napatingin sa direksyon niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status