Share

Thirteenth Attack

I have to think critically. They were all sorry for what happened. Syempre maliban kay Pisces. Lahat sila, hindi ginusto ang nangyari. Pati naman siguro si Pisces. Pero nangyari na ang mga nangyari. Hindi ko na naman maibabalik pa.

Besides, kailangan ko sila para makarating sa pamilya ko. 'Yon ang goal ko. Ang makita sila. Para maging maayos na ang buhay ko. 

Kung mag-isa akong maglalakbay dahil sa galit ko kay Pisces, malamang ay mamatay ako sa gutom, makuha ng ibang squad, o maging zombie. I have no food to eat, water to drink, clothes to wear and weapons to defend myself.

But my anger towards Pisces is just too much. I can't even fathom his reasons and way of thinking.

Uunahin ko pa ba ang galit ko? O ang kailangan kong gawin?

"Collier, sasama ka na ba sa amin?" Celine asked almost entreatingly. 

Kanina pa siya humihingi ng tawad dahil sa nangyari kahit wala naman siyang kasalanan. Hindi niya kasalanan na nabaril siya sa binti at mas lalong hindi niya kasalanan na traydurin ako ni Pisces. 

"Sige," sagot ko. Tila nakahinga silang lahat nang maluwag. 

"Salamat naman." Si Nate.

"Pero hindi ko kakausapin si Pisces along the way."

Nagsimula kaming maglakad. Nakakakalahati palang kami sa paglalakbay pero andami na kaagad nangyari. Kanina pa kami naglalakad pero iwas na iwas pa rin ako kay Pisces. Ni hindi ko siya gustong tingnan. Kada naman lilingon siya sa akin ay titingnan ko lang siya ng blangko na para bang sinasabing, 'anong tinitingin-tingin mo r'yan?'

Hindi ko pa rin maiwasang isipin si Kira. Naging malaki ang impact niya sa buhay ko dahil sa ginawa niyang pagsagip sa akin. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nagalit sa kanya no'ng umpisa. Squadmate niya si Sasha syempre. But I learned that I shouldn't generalize people because life can take a turn very fast and you will never know whose help you will need.

Nang nag hapon ay nakakita kami ng isang abandonadong bahay. Mukha namang safe sa loob kaya pinasok na namin nang may pag iingat..

"May mga gamit at armas." Pansin ni Max.

"Kunin niyo," utos naman agad ni Pisces.

"Teka, baka patibong 'to," pag-aalalang saad ni Celine. "Baka iniwan talaga nila 'tong mga gamit nila bilang pain?"

"I guess not." Pinasadahan ni Pisces ng  dalawang daliri niya ang lamesa. May dugo roon. Kaagad niyang inamoy at ipinahid din naman sa pader nang maigi. 

"Naging zombie na sila." Si Nate naman ang nagsalita. 

Hindi pa tapos magsalita si Nate ay may nakita na akong zombie na tumatakbo sa likod ni Pisces. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.

"Yuko!" sigaw ko kay Pisces at sumunod naman siya kaagad. Binaril ko ang zombie na nakasuot pa ng leather at kaagad naman itong bumulagta sa sahig.

Pinagmasdan nila ang zombie. We walked through the hallway until we got into a room. Maximus slowly opened the door. There were five zombies inside. Maximus immediately slashed the head of the zombies that was about to bite him. Pinagbabaril naman ni Cedrick ang iba.

"Sa itsura ng pananamit nila, halatang squad sila at isa-isang naging zombie. Yung nabaril ni Collier kanina, mukhang siya ang nagkulong sa mga zombies na ito." Nate deducted.

"Kunin na natin ang mga gamit nila at umalis na tayo rito. Hindi natin teritoryo 'to. We can't risk our lives." Pisces said.

"Whose territory is this, then? They were all zombified and dead. Walang ligtas na lugar sa panahon ngayon pero mas delikado pa rin sa labas. We can't risk our lives." I shot back.

Mariin siyang tumingin sa akin dahil sa pagkontra ko sa sinabi niya. His jaw tightened and his looks sent shiver down my spine. 

"May point si Collier, leader." Max agreed. 

"Dito na muna tayo. May isa pang room doon, oh. Pwede namang share na tayong lahat!" Celine giggled. 

"Dito na muna tayo, Pisces. Para makapaghanap maigi ng mga gamit." Cedrick suggested.

"Sige..." Walang nagawa si Pisces kundi sumang-ayon sa akin. Dumaan siya sa gilid ko para makarating sa kwarto. Ramdam ko ang hangin dahil sa pagdaan niya. Mabilis at mabango. 

We're not on good terms. We will never be.

Nag-ikot ikot kami. Naghanap ng mga bagay na pwedeng gamitin. May mga pagkain din at mga bala ng baril. Kumpleto sila sa gamit.

"Malinis ang tubig nila rito. Naka purifier." Pansin ni Max.

"Mukhang mayaman ang squad na ito. Buti naman at namatay sila." Humalakhak si Cedrick ng malakas kaya agad siyang hinampas ni Celine sa braso.

"Baby!" Saway niya. "Never wish for someone's death! Bad 'yan!"

"Ano ka ba, Celine. Sa sitwasyon natin ngayon, tama lang ang hinihiling ni Cedrick. Kung hindi sila ang mamamatay, tayo ang papatayin nila." Sabat ni Max.

"Zombies are just an obstacle. Humans aren't humans anymore." Si Nate naman ang nakisali. "That's why you can't find any humanity anymore.  Mas may unity pa nga yata ang zombies kaysa sa mga tao." 

Tumawa ang mga kalalakihan dahil sa sinabi ni Nate. Pero para sa akin, katotohanan ang sinabi niya. Nakita ko ang kalagayan ng mga tao sa market. The girl holding the zombie's flesh. The way she thrust the zombie's shaft inside her mouth while totally disgusted. The guy electrifying her when she couldn't handle the abhorrence anymore. That's just inhumane.

I've learned a lot throughout my journey. I just don't like the way it was executed just to make me learn.

"Oh, guys! Ano 'to?" Tanong ni Celine at itinaas ang isang gold card na may halong black stripe sa bandang gilid. "F... Fcard?"

"Hindi ko rin alam, baby. Ano nga ba 'yan? Baka credit card?" sagot ni Cedrick habang magkasalubong ang kilay.

Mukhang walang nakakaalam sa kanila ah. Bago lang yatang patakaran ng Fascist ang Fcards.

"Galing sa Fascist yan. 63 Vanta ang isang card. I-iimplement daw nila sa isang linggo ang paggamit niyan. Isu-swipe mo raw 'yan sa mga stalls para makabili ka," paliwanag ko at halata namang gulat sila.

"63 Vanta? The hell with that! Aabutin tayo ng isang dekada para makabili ng card na 'yan!" sagot ni Celine.

"Sigurado ka bang 63 Vanta ang isang card, Collier?" mahinahong tanong ni Nate.

"Oo, no'ng dalhin ako sa S tier merchant, ipinaliwanag niya na 63 Vanta ang isa n'yan. Actually, even the Cerberus Squad couldn't believe."

"Edi napaka swerte natin kasi nakapulot tayo ng card!" Celine giggled. Cedrick hugged her tightly.

"Right, babe. Ang galing galing mo." He kissed her luscious lips. Ah, yeah. They started kissing and rubbing their noses to each other.

"PDA alert." Max shook his head in dismay.

"Cringe alert, you mean." Biglang dumating si Pisces galing sa kwarto. "May nahanap na ba kayo?"

"Yes, leader! Look what Celine have found. An Fcard!" masayang sabi ni Max.

Sinuri niya ang card. Lumingon ako para hindi siya makita. Naaalibadbaran ako sa itsura niya.

"Magluluto muna ako ng hapunan." Nagpaalam si Nate. "I checked the stove and it's working perfectly fine. Big time talaga ang squad na namatay," dugtong niya sabay tawa.

"Samahan na kita!" suhestyon ko. Basta ayaw ko sa kung saan malapit si Pisces.

"Beef Jerky lang naman ang lulutuin ko." 

"A-ayos lang!" Nahiya tuloy ako. Paepal pa yata ang dating. "Tutulong lang ako." I smiled sheepishly.

"Sige..."

Pagkarating namin sa kusina ay may ilang mga pagkain sa mga drawer.

"Magsasaing muna ako rito sa kabila. Kung gusto mo ikaw na ang mag luto n'ong beef jerky. Gusto nilang luto 'yong may sauce kaya gawin mo nalang Afritada."

Uminit ang pisngi ko nang maalalang hindi pala ako marunong magluto. Wala akong maalala kung paano magluto ng Afritada. Pero marunong nga ba ako no'n?

"H-Hindi ako marunong magluto..."

Gulat siyang tumingin sa akin. "Gano'n ba? Then... just beat these eggs then put some seasonings."

Kaagad akong tumango. 

"Pinakahilig mo ang magluto dati."

Napaangat kaagad ako ng tingin sa kanya.

"Talaga?"

"Yes. Masarap kang magluto pero the best 'yung cookies mo."

"Hoy! Kayong dalawa! Anong 'cookies ang the best' na 'yan, ha?" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Celine. She laughed mockingly. "Kayo, ha!"

"Ano bang iniisip mo Celine?" iritadong tanong ni Nate.

"Ang cookies ni Collier ay napakasarap," pang-aasar niya. 

"Hoy! kabastusan mo, Celine!" Saway ni Nate na namumula na ang tenga at leeg. "Pagluluto niya ang pinag-uusapan namin!"

"Oh, sandali lang, Nate. Kalmahan mo lang. Walang bastos sa sinabi ko." Humalakhak si Celine nang malakas. "Napagkakahalataang bastos ang utak mo."

"Bumalik ka na nga sa boyfriend mo at makipaghalikan." Kunot ang noo ni Nate. Halatang naaasar kay Celine. Si Celine naman, mas ginagalingan ang pang-aasar.

Pagtapos naming magluto ay kaagad rin kaming naghain.

"Geez, ang sarap nito! Ngayon lang ulit ako nakakain nang maayos. Feels like heaven." Halatang ninanamnam ni Celine ang bawat sandali ng pag kain niya.

"Ang sarap nga, sana ganito palagi. Mapapalaban ako ngayon ah." Si Max naman habang kinikiskis ang dalawang kamay.

"Kahit walang maalala 'tong si Collier, hindi pa rin nawawala ang skills sa pagluluto." Si Nate naman na ipinagmamalaki ako.

"Hindi naman. Tinulungan lang naman kita. Ikaw pa rin ang nagluto niyan."

Cedrick giggled. His dimples immediately appeared. "Pa-humble pa 'tong si Collier."

"You're showing your dimples again!" saway ni Celine. "Nakakaasar ka ha, napapadalas ang pagpapakita mo ng dimples kay Collier."

Napatawa kami nang malakas dahil sa pagseselos ni Celine na wala naman sa hulog.

"I told you, baby. That's inevitable."

I saw Pisces on my peripheral vision. His lips curved into a smile. Unlike us, na tawang tawa na kay Celine. May puso ba ang lalaking 'to? Di yata marunong tumawa.

"May naisip ako guys," sabi ni Celine pagtapos namin kumain. "Since, hindi pa tayo masyadong kilala ni Collier..."

Medyo kilala ko na naman sila!

"At hindi pa rin tayo inaantok. What if magkwentuhan muna tayo?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status