Share

Kabanata 7

I was walking with a smile on my face at the hallway of the university. Sobrang ganda ng araw ko ngayon dahil sa nangyari kagabi. 

Nasa gitna ako nang paglalakad nang makita si Console na nagmamadaling umalis.

Napatigil ako nang may ideyang pumasok sa utak ko. I nibbled on my lower lip and walked towards his way.

“Wait!” I called him.

Tumigil siya sa paglalakad. 

“May trabaho ka mamaya 'di ba? Can I... Can I go with you? I j-just want to see the place you are working with.”

Tuluyan siyang humarap sa akin na parang may mali sa sinabi ko.

“Just go home, Miss. Masasayang lang ang oras mo do'n.” 

I pouted. “Please... promise I won't bother you there. Kakain nalang din ako then I will leave after.

Our interaction yesterday was still vivid. He's kinda extra showy and sweet that night after the gathering. 

Hindi niya kami ihahatid ngayon dahil off niya today. 

“Fine!”

Halos mapasigaw ako sa galak. I followed him with a smile on my face.

Tahimik akong nakatayo sa tabi niya habang naghihintay ng jeep. Pagkaraan ng ilang sandali ay may huminto sa harap namin at inalalayan niya akong pumasok. I felt his hands pulled down the tip of my skirt as I entered the jeepney. Narinig ko ang mahina niyang pagmumura. Hindi ko namalayang umangat pala iyon. 

Magkatabi kaming umupo. I looked outside the window and my eyes caught the plane above. 

I smiled unknowingly at myself. Someday, I will be riding one, not as a passenger but as a flight attendant. I will chase my dreams even the world will forbid. No one can stop me including my family. 

Tumigil ang sasakyan sa harap ng restaurant na pinagtatrabahuan niya. 

“Who own this place?” tanong ko kalaunan.

“My friend's family.”

Inilibot ko ang paningin sa labas ng gusali  “When did you start working here?” 

“Matagal na. When I was thirteen actually. Naghuhugas lang ako ng mga pinggan dati at nag-apply ako bilang waiter pagtungtong ko sa tamang edad.” 

Napakurap-kurap ako. He's been working for long time, then. Nakakapag-aral siya sa sariling sikap at tiyaga. I want to be like him but I don't know how.

“Paano mo nama-manage ang oras mo? You're working as a bodyguard and as waiter too. Hindi ka ba nahihirapan?” I asked. “I can help you if you want--”

“No! Hindi ko kailangan nang tulong mo o ng kahit sino. I'm working hard for myself! I am not like you who can live freely without worrying about the future. Ang lakas ng loob mong mag alok nang tulong kahit hindi naman ikaw ang naghirap para kumita. Palibhasa kasi anak mayaman ka kaya hindi mo alam ang salitang pagsisikap,” he said, angrily. 

Nalaglag ang panga ko sa biglaang pagsabog niya. I didn't meant to offend him. I just want to help.

“I didn't meant to say that.” Napayuko ako. “I'm sorry...”

Hindi siya nagsalita at tumalikod na.

Pumasok ako sa loob ng restaurant nang mabagal at umupo sa bakanteng puwesto. Nilapitan ako ng ibang mga waiter pero sinabi ko nalang na mamaya pa ako o-order.

Ilang sandali lang ay nakita ko ang paglalakad ni Console papunta sa gawi ko. Napaayos ako nang upo at tipid na ngumiti sa kaniya pero seryoso lang ang kaniyang mukha. 

“What's your order, Ma'am?” pormal na tanong niya.

I glance at the menu pero wala ang paborito ko at napanguso nalang. 

“Wala kayong spicy roasted cauliflower?” mahinang tanong ko. 

“Our restaurant doesn't offer that kind of food, Ma'am.”

Tumango ako at itinabi ang menu. 

“Pineapple juice, please.” 

He nodded and left silently. Napahalumbaba ako at napatingin sa ibang customers. My eyes directed at the couple near me. The guy was holding his girl's hand gently while staring at her eyes.

“Saan mo gustong pumunta sa susunod, babe?” the guy asked.

The girl pouted. “Ayoko na sa ganitong mga lugar, babe. Ang mahal eh. Okay na ako sa street foods dahil makakatipid pa tayo, basta ikaw kasama ko.” 

That brought smile on my face. It's not about the precious and expensive things or place around, the most important thing is the two person love each other unconditionally. Kahit saang lugar basta kasama ang mo mahal mo sa buhay. Higit na mas matimbang ang pagmamahal kaysa sa karangyaan ng mga bagay-bagay.

“Here's your food, Ma'am.” 

Napalingon ako sa nagsalita. My eyes went round when I saw the food he served. He placed the spicy roasted cauliflower and a glass of pineapple juice on the table.

“I thought...”

“Ni-request ko 'yan personally sa chef namin. Just stop asking and eat. Ako na rin magbabayad niyan,” masungit niyang turan.

Umiling ako. “Ako na! I have money with me.”

“Alam ko pero kaya ko 'yang bayaran.” 

Tumitig ako sa kaniya at gano'n din siya. Ayaw magpatalo. Bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin.

I nodded at him and said, “Thank you!” and start eating. Pinanood niya ako saglit bago tuluyang umalis. 

Nakaramdam ako nang sobrang tuwa sa ginawa niya. Kahit masungit siya napagbigyan niya pa rin ang gusto. 

I think I fall for him a little more.

Napasulyap ako sa pambisig na orasan pagkatapos kumain. It's already 5:09 in the afternoon. Inilibot ko ang paningin para hanapin siya but I couldn't see him. Gusto kong magpaalam na aalis na pero pinigilan ko ang sarili. Bakit kailangan niyang malaman? Baka mainis na naman siya sa'kin. 

I decided to go home alone. Malapit Lang naman ang restaurant na iyon sa condo.  I suddenly felt tired. I wanna sleep already. 

Nang makarating ako sa unit namin ay agad akong humiga sa kama. Hindi na ako nag-abalang magbihis. My eyes felt heavy that I instantly fell asleep.

The sound of laughter woke me up. I get up from my bed but suddenly stopped when I felt my head throbbed rapidly with pain. I rested my head in my hands and began to rub my temples, trying to massage away the pain.

I stood up to get some water, maybe it will make me feel better. My forehead wrinkled when I heard laughter outside. 

Sino ang kasama ni Hope? Kami lang naman dalawa ang nandito. 

Pagdating ko sa dining area ay nakita ko si Console. Pumayag pala siya sa imbitasyon ni Hope kanina. 

Ngunit napatigil ako nang may mapansin akong iba. 

There's a girl beside Console. She's smiling sweetly at them... no, probably at him. Napansin ko rin ang isang maputing lalaki na tahimik lang sa tabi. 

Bumaling ang atensiyon nila sa akin. Their waves of laughter subsided. Umiwas ako nang tingin sa kanila at tumuloy sa kusina para kumuha ng tubig.

I'm about to go back to my room when Hope called my name. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanila. 

“Fortunate! Lapit ka here,” sigaw niya.

I brushed my hair before walking towards them. 

“B-Bakit?” mahinang usal ko. 

Masakit pa rin ang ulo ko. Gusto kong bumalik sa pagtulog.

“Eat ka muna. I will pakilala you sa friends ni Console,” nakingiting aniya.

Umupo ako sa tabi niya, kaharap ni Sole at noong babae. I shyly looked away when I saw him staring at me. Tumingin ako sa mga kamay ko na nasa hita ko. Bahala siya!

“Here. Eat ka na.”

Napaangat ang tingin ko sa kaniya. She handed me a plate with different foods on it.

“Thank you, Hope.” 

Nagsimula na akong kumain. They start talking again. Console was silent like me. Gano'n din ang isang lalaki. Nakikinig lang ako sa usapan nila. Sumasagot lang pag tinatanong. 

“By the way, Hope. This is Agatha Pahate, Console's matalik na friend. Aga, she's my pinsan. You can call her Fortu--” Pinutol ko ang sasabihin niya.

“A-Agony. You can call me Agony,” sabi ko bago ngumiti ng tipid. 

Kumunot ang noo ni Hope sa sinabi ko.

Ayokong may tumatawag sa pangalan ko na 'yon. Gusto ko 'yong mga piling tao lang. I'm not comfortable with her even though she looks like an angel. Ayaw ko lang sa presenya niya. Dahil ba katabi niya si Sole at hindi ako? Hindi siguro dahil kakakilala ko palang sa kaniya. They're friends anyway.

“A-Ah okay. Tawagin mo nalang akong Aga o Agatha. Ikaw kung anong gusto mo,” turan niya at ngumiti ng matamis. 

Her voice was gentle. Napakahinhin at parang 'di makabasag pinggan. Simple lang siya manamit. Bumagay ang kayumanggi niyang balat sa puti niyang damit. We have so many differences. Morena siya, maputi ako. Her lower back shiny straight hair was glowing on her back. 'Yong tipong kahit guluhin mo ay babalik pa rin sa ayos. 

Unknowingly, I touched my mid-back soft wavy hair. Maganda din naman ang buhok ko ah. I am beautiful too. 

“Ito pala si Justin Alindogan,” 

Tipid lang itong tumango. I did the same. He looks bored on his seat. Parang napipilitan lang na makisama.

“How long was your pagkakaibigan? Is it matagal na or what?” Mala-chismosang tanong ni Hope.

Mahinhing tumawa si Agatha. 

“Uh, matagal na kaming magkaiban ni Console. Simula nang lumipat sila rito sa Quezon. Actually apat kaming magkaibigan. I'm the only girl.” pagmamalaki niya.

“Siguro you're their prinsesa? Isa lang you na girl eh.”

Agatha nodded. “Sinabi mo pa! Ang overprotective nga nila sa'kin.”

“Mahalaga ka sa'min, Aga,” Console uttered. 

Isang masayang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. “Alam ko ano ka ba!”

“Wow! So kilala niyo na ang each other?” Tumango ito. “How about 'yong lovelife niyo?”

Tumingin ito sa tahimik na katabi. Hinawakan niya ang kamay ni Sole at inangat. Nagtagal ang tingin ko sa mga kamay nila.

She smiled proudly at us while holding his hand. “Nako! Wala akong naging karelasyon, pati na rin itong si Sole. Ayokong magsayang ng oras sa hindi ko naman makakatuluyan. Ewan ko kung anong dahilan niya. Siguro...may hinihintay hahaha.”

“Hala, maybe it's you ang ni-wiwait niya. Ayie,”  she teased her. 

Parang mas lalong sumakit ang ulo ko ng mahinhin niyang inipit ang buhok niya sa likod ng tenga niya.

“Uy hindi ah. Magkaibigan lang kami.” 

She even slapped Sole's shoulder gently before leaning on it.

Napaiwas ako ang nang tingin. Ibinaling ko nalang ang atensiyon ko sa pagkain. Ano naman kung matagal na kayong magkakilala? Ang importante hindi kayo! 

“Why nga pala, Sole? Anong tipo mo sa girl? Sabi mo before gusto mo 'yong fierce and courageous,” she asked before chewing the food inside her mouth.

“Yeah, in terms of her personality. Kung panlabas ang pagbabasehan, gusto ko 'yong morena at matangkad. Ayoko sa mga kulot ang buhok dahil bugnutin ang mga ganiyan. Gusto ko rin 'yong conservative manamit, hindi masyadong nagpapakita ng balat,” mariing bigkas niya sa huli.

Napasimangot ako dahil kabaliktaran ako sa babaeng tipo niya. Parang lahat ng gusto niya na kay Agatha na. Sumikip ang dibdib ko sa inis at panibugho. 

Tumawa si Agatha at Hope. Namamangha sa mga sinabi niya.

“O kahit ano basta hindi mayaman,” he uttered coldly this time. 

I stiffened on my seat. Gumuho ang mundo ko sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng lamig sa kalamnan. Wala nga sa akin ang mga unang nabanggit, tapos may mas malala pa pala. Ibig sabihin ba malabong magkagusto siya sa akin? 

My heart throbbed in pain just by thinking about the possibility. 

Kung mahirap lang ba ako, magkakagusto siya sa'kin? Dumps glowed within me. Ano naman kung ayaw niya sa mayayaman? Yeah, right. Oo na gusto ko siya pero tingin ko'y mawawala rin ito kalaunan. I'm just confused with my feelings.

Hindi ako nag-angat ng tingin sa kanila. Minadali ko nang kumain para makatulog na ako agad. I felt itchy already because I didn't even changed my clothes before sleeping. 

Tumayo na ako ng matapos ko ang pagkain. I glance at them and spoke. “I'll go ahead. I need to change my clothes. I'm sleepy too. Goodnight.”

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtitig ni Justin. Ang kaniyang malumanay na mata ay blankong tumitig sa akin.

Narinig ko ang tugon nila pero 'di na ako nag-abalang lumingon kahit kanino at deretsong naglakad papunta sa kuwarto ko. Pumasok ako sa bathroom at nilublob ang sarili sa bathtub.

I closed my eyes to relax but my mind can't stop thinking about earlier. What's with the rich people like me? Bakit ayaw niya sa mayayaman? 

I always want to have a simple life. I want to do everything I want without restrictions. Ano ang kaya ang feeling noong mga taong nagagawa ang gusto nila? Is it satisfying? Is it good?

Ako kasi hindi ko naranasan ang mga ginagawa ng mga karaniwang bata katulad ng paglalaro sa labas, pagtakbo hanggang sa mapagod at pagpawisan, at makahanap ng kaibigan noong bata pa ako. Lagi akong pinagbabawalang magpagod at lumabas.

I remember when I am still 5 years old, I saw Hope with her mom... I felt a twinge of envy when she put a powder and towel on  Hope's back. It's just a simple gesture but it means a thousand words. Gusto ko ring lagyan ako ni mommy ng gano'n sa likod pero masyado siyang ilap sa akin. I don't know why she's treating me like that. Did I do something wrong to her?

I'm aching for a mother's love... more likely, a parent's love. They are always busy with their work. Minsan hinihiling ko na sana hindi nalang kami mayaman para mapagtuunan din nila ako nang pansin. But time passes by, I became used to it. Iniisip ko nalang na wala akong magulang na nag-eexist.

I open my eyes as tears roll down on it and wiped it afterwards. Ayokong umiyak. Crying is not healthy for me though I am not weak. This is just a piece of cake. 

Bumangon ako para magbihis. I just wore  silk pajamas. Nawala rin ang sakit sa ulo ko pagkatapos magbabad.

I lay down on the bed but I couldn't sleep. Naisipan kong pumunta sa music room na ginawa ni kuya Lucky para sa akin. 

I opened the lighting on the ceiling. Dahil gabi na, mas gumanda ang tanawin sa loob at lalo na sa labas ng terrace na kung saan makikita ang city lights. I walked towards there and sit on the sofa. 

Tumingin ako sa kalangitan. Napakaganda. Ang sarap mamuhay rito sa mundo kung walang problema. But problems are inevitable in life. We have to deal with it wether we like it or not. Pagkatapos ng problema, may saya naman 'di ba?

I raised my hand on the air like I'm touching the stars above. I smiled widely and starts humming slowly with my favorite song. 

“Gabi na pero ang nandito ka pa rin.”

His voice sent shiver to my spine. Napahinto ako sa ginagawa at tumingin sa kaniya. Napaawang ang bibig ko nang lumapit siya sa tabi ko at umupo.

“A-Anong g-ginagawa mo rito? Akala ko umuwi ka na,” usal ko nang makabawi sa pagkagulat.

Umayos ako nang upo tumingin sa kaniya. He deeply stared at me too. Hindi ko maalis ang tingin ko mukha niya...lalo na sa mga mata niya. I'm always mesmerized with his hazel eyes. Natulala ako sa kakatitig doon. Naalala ko si Leanna. 

“Sabi ni Hope nandito ka raw kaya sinundan kita. Bakit ka umalis agad kanina?” he seriously asked.

Umiwas ako nang tingin sa kaniya. 

Does it matter if I'll stay? Gusto mo bang saktan pa ang inosente kong puso na nahuhumaling sa'yo? Ang sama naman kung gano'n nga.

“Pagod lang ako. Gusto ko lang magpahinga... n-nandoon din naman si A-Agatha kaya 'di na ako kailangan,” nauutal na turan ko sa huli. 

His forehead creased. “Bakit siya nasali sa usapan? I'm asking about you.”

Hindi ako nakasagot agad. Tumingin ulit ako sa kalangitan. “W-Wala lang.”

I want to pinch my lips for stuttering. Bakit ba ako nauutal pag kausap siya? Baka mahalata niyang may gusto ako sa kaniya. Baka layuan niya ako...ayaw pa naman niya sa mayayamang katulad ko. 

I sighed before looking at him. “Matagal na ba kayong magkaibigan ni Agatha?” tanong ko.

Kinuha niya ang gitarang nasa mesa at sinuri.

“Matagal na. Simula nang lumipat kami rito sa Quezon City. Makulit lang siya kaya napilitan akong makipagkaibigan,” aniya.

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Napilitan lang siya nang ganun katagal? I shook my head in disbelief. Napilitan pero protective. Hindi ko rin maiwasang hindi maghangad na sana napipilitan lang siya na makasama ako para maprotektahan niya rin balang araw... pero alam kong imposible.

“Pero paano siya nakarating dito sa condo ko?” nalilitong tanong ko.

“Hinatid niya ang susi ng bahay at sinamahan siya ni Justin. Siya ang pinagkakatiwalaan ni Papa sa tuwing naiiwan ko 'yon. Hope invited them to come inside your suite,” he explained. 

Ngayon ko lang napansin na medyo umaliwalas ang kaniyang mukha habang nakikipag-usap sa akin. He's always moody and serious when it comes to me. Siguro gano'n siya kairitado sa akin kapag kinakausap ako. 

Nakakairita ba ang presenya ko?

“Curious lang ako. Why are you  speaking English language every time you work as a bodyguard for Hope or for the Dela serna family?”

Tumingin sa gawi ko. 

“It's an order from your aunt. We should speak English to show respect and be professional at work.” 

Tumango-tango ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga napaka perfectionist ni tita Vicky. Puwede namang magtagalog eh.

“Pero bakit may accent 'yong sayo?  Foreigner ka ba? Well, halata naman sayo,” I teased. 

My heart skips a beat when he smiled. His dimple showed on his left cheek. 

Ang hot!

“Half Filipino, half British.” 

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. 

Kaya pala ang guwapo niya. His hazel eyes were very attractive with matching dimple on his cheek. Nanaig lang ang pagiging pilipino ng balat niya. He's moreno. 

“Ang guwapo,” wala sa sariling bulalas ko. I immediately covered my mouth using my hands with widen eyes.

He laughed with my reaction while staring at me. He even patted my head before ruining my hair. 

“You're cute,” he uttered.

I pouted. “Cute lang? Sabagay ayaw mo sa'kin.”

Natatawang umiling lang ito. Napansin kong hawak niya pa rin ang gitara.

Tumingin ako sa kaniya at nagtanong.

“Do you know how to use it?”

He shrugged. “Kinda.”

Inayos niya ang pagkakahawak dito. He started strumming the guitar. Wow! He knew it then. His fingers were gently touching the chords.

“Can you sing for me, Fortunate?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status