Share

Kabanata 10

Crying is a healthy way to reduce stress and negative effects in our body but seems like it didn't make me feel nor look good. My chest feels heavy from crying last night. I also looked like a corpse that gets up from its coffin because of the dark circles around my eyes, as well as my pale skin. 

Mas lalo yata akong na-stress sa itsura ko habang nakaharap sa salamin. I pouted while fixing my hair. Mas lalo siguro akong hindi magugustuhan ni Rius nito. I'm so ugly and stressed from everything.

I will go to our house since my parents arrived last night. Ano na naman kaya ang masasakit na salita ang maririnig ko mula sa kanila? Napabuntong hininga nalang ako habang naghahanda para sa pag-alis. 

Hindi ko na hinintay na magising si Hope. Kuya Lucky was still here pero hindi na ako nag-abalang magpaalam. I don't want them to get worried about me.  

Nakarating ako sa bahay namin ng mag-isa.  My eyes narrowed when I heard someone shouting inside. I hurriedly walked towards the noise. I saw them sitting in the living area.

“You don't have the right to dictate me. I will do whatever I want to do with her because I am her mother!”

Iyon ang una kong narinig mula sa bibig ng aking ina. Her face was red from shouting. 

“Ganiyan ba kakitid ang utak mo para hindi makinig sa mga sinasabi ko, Ate? Mali na nga ang pakikitungo mo sa anak mo, nagmamatigas ka pa,” mahinahon na tugon ni Tita Loren sa nanggagalaiting kausap. 

Natigil ako sa paglalakad at nanatiling nakikinig sa usapan nila. They are not aware that I'm already behind them because of their serious talk.

Mommy dramatically rolled her eyes before talking. 

“Oh come on, Loren. Anong alam mo sa pagiging ina? You don't even know how it feels to be a mother. Kung gusto mong magpakananay, gumawa ka ng sarili mong anak,” nang-uuyam na sabi niya. 

She even smirked at her before taking a sip from her coffee.

Tita Loren gritted her teeth upon hearing mom's words. Kumuyom ang mga kamay niyang nasa kaniyang kandungan pero hindi na muling nagsalita. Napakunot-noo ako sa nasaksihan. Why are they fighting?

I cleared my throat to get their attention. Si Mommy ang unang nakapansin sa presensya ko. Umayos siya nang upo at tinaasan ako ng kilay bago ngumiti ng matamis.

“What took you so long, my lovely daughter?  Did you enjoy the moments while I'm away?” nakangising aniya ngunit nagbabanta ang mga mata. 

I looked away at her side. Tumingin ako sa banda ni Tita Loren.

“Goodmorning po, Tita. Nandito po pala kayo,” bati ko sabay ngiti. 

Tumango lang siya sa akin bago tumayo. She went near me. Hinawakan niya pisngi ko at magaang hinalikan sa noo dahilan para mapapikit ako. Napangiti ako sa ginawa niya.

“I'll go ahead. Always take care of yourself, Aria. Just call me if you have a problem, hmm?” malambing niyang sabi. 

I nodded at her. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa niya. Nagpaalam siya ulit bago tuluyang umalis. 

I glanced at Mommy's side again. She crossed her arms on her chest and arched her brows at me. 

“You're interacting with her again? Ano 'yon close na ulit kayo? Wow, impressive!” she said with annoyance on her voice.

Napayuko ako sa sinabi niya. What's wrong with it? Tita ko naman iyon and she's her sister. 

“Tapos mas nauna mo pa siyang binati instead of me? I don't care though. I just want to clarify some things that's why I told you to come over here,” aniya. 

Kinuha niya ang tasa ng kape at sumimsim doon. Pinanood ko siya habang nilalapag ulit iyon pabalik sa round table na kaharap niya.

“Have a seat first, Agony. Ayokong mapagod ka sa kakatayo riyan,” maarteng turan niya.

Sinunod ko naman ang sinabi. 

“A-Ano po iyong sasabihin niyo?” mahinang tanong ko.

“You're currently studying at UP, right?” 

“Opo,” bulong ko.

She raised her brow. “Without informing me? Even your dad?”

Kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. Oo nga pala hindi ako nakapagpaalam sa kanila. I thought they won't mind.

“B-But I-I'm old enough to decide for me, Mom,” nauutal na pangangatwiran ko.

Umasim ang mukha niya sa sinabi ko. She crossed her legs before leaning on the backrest of the couch.

“Old enough to be disowned? If you'll decide again without informing us, then I'm willing to disown you...totally. Don't test my patience, Fortunate Agony,” kalmado ngunit mariing aniya. “sa oras din na malaman kong nakikipaglandian ka lang sa halip na mag-aral, ako mismo ang kakaladkad sa'yo paalis sa lugar na iyon.”

Nangilid ang luha ko sa sinabi niya. Kinurap-kurap ko ang mga mata ko para burahin ang luha but my tears rolled down my cheeks. Her words hurt me so damn much. See? She doesn't love me at all. She's willing to abandon me anytime soon. 

I manage to smile at her after wiping my tears. Wala nang emosyon ang kaniyang mukha nang humarap ako. 

“I-I'm s-sorry po. 'Di na po mauulit," I said before getting up from my seat. "Uhm, k-kung wala na po kayong sasabihin aalis na po ako.”

I didn't wait for her to respond. Agad akong naglakad paalis sa harap niya. Sunod-sunod na nagsilaglagan ang mga luha ko habang naglalakad sa malawak na bakuran ng aming mansyon patungo sa labas. 

Our house was located in a private subdivision that was made only for the Fariscal family. Medyo malayo ito sa highway at dahil pribado walang ibang nakakapasok na mga sasakyan. 

Walang tigil sa pagtulo ang luha ko dahilan para lumabo ang aking paningin. Gusto ko sanang may maka-usap pero ayokong makaabala sa iba. I'll deal with my own problems. I need to be strong.

Hindi ko namalayang nakarating na ako sa main gate ng subdivision. Binati ako ng mga guard but I wasn't able to reply. 

Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa napadpad ako sa isang lugar. I don't know where it was since I'm not familiar with the surrounding. Para akong natauhan sa reyalisasyong naligaw ako. I weakly sat on the wooden chair I saw. 

Bumuntong hininga ako habang nakatanaw sa himpapawid. Hindi ko man lang nakita si daddy sa bahay kanina. Siguro busy na naman siya. Kailan ba hindi?

“Hindi nga tayo pwedeng lumayo. Ang kulit mo naman eh!”

Napabaling ako sa nagsalita. I saw a kid scolding another kid. Magkasing tangkad lang silang dalawa. I can't see their faces kasi nakatalikod sila sa banda ko.

“Diyan lang naman, Lucas! Ang damot mo,” saad ng batang babae. 

Natigilan ako sa narinig. Her voice sounds familiar. Because of curiosity, I slowly walked towards them. 

“Hi!” bati ko.

They immediately noticed my presence the moment I spoke. Agad na nanlaki ang mata ng batang babae nang makita ako, as well as me. 

“Leanna?” gulat kong tanong.

“Ate pretty!” she exclaimed.

Lumundag ang puso ko ng makumpirmang siya nga iyon. Pumantay ako sa lebel niya para mayakap siya. I hugged her tightly. I missed her. Kumalas ako sa pagkakayakap at humarap sa batang lalaki na nakatingin lang sa amin.

“Sino siya?” tanong ko.

“Ah, ate pretty siya po iyong kapatid ko na sinasabing ko pong iniwan ko rati noong tumakas po ako sa bahay. Lucas po ang name niya,” masiglang aniya.

Napangiti ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa bata na nananatiling seryoso sa pagmamasid ngunit makikita pa rin ang pagiging kuryoso. 

“Wow! Ang cute mo naman. Ako nga pala si Agony or you can call me Ate Fortunate. Ayos ba iyon?” nakangiting ani ko. 

Tumango naman ito. “O-Opo.”

Halos mapapalakpak ako sa tuwa. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. I saw him blushed because of what I did. Napangisi ako sa naging reaksiyon niya. So cute. 

“Bakit pala kayo nandito? A-Asan ang kuya niyo?” pasimpleng tanong ko sa huli. 

Wala na akong naging tugon sa mga mensahe niya kahapon mula nang may sumagot na ibang babae sa tawag ko. I-I'm just... jealous. Oo wala akong karapatan pero ang masaktan meron.

“Nasa bahay po. Tara sama ka po sa bahay namin.”

Wala na akong nagawa nang hinila nilang dalawa ang kamay ko papunta sa bahay nila. We arrived in front of their house. It was a simple bungalow house. Hindi siya gano'n kalaki pero sapat na para sa isang maliit na pamilya. Napakaaliwalas ng paligid dahil sa mga halamang nakapalibot. 

“Ayon po si kuya oh!” sigaw ni Leanna. 

I looked at his side. He's busy doing something on the plants. I think he's cutting it to create a design. My cheeks heated when I noticed that he's half-naked. 

Dahil sa mainit na panahon, kumikintab ang hubad niyang katawan sa pawis. His bronze skin tone matches his well-built body that makes him look good. I observed that their neighbors are secretly looking at his side with a parted mouths especially those girls. Sumimangot ako sa nasaksihan. He's mine! 

Tumikhim ako nang makitang papalapit na siya sa puwesto namin. I brushed my hair using my hands unknowingly. I can hear my heart pounding out of my chest as he becomes nearer.

“What are you doing here, Fortunate?" bungad niyang tanong habang nakakunot ang noo.

Galit ba siya? Hindi ba magkausap palang kami kahapon...sa text? Uh, did I assumed again? Ano naman kung nag-text siya sa'yo, Fortunate? Big deal ba iyon?

“Uhm, naglakad-lakad lang tapos nakita ko sila,” kinakabahang ani ko. 

Baka mahalata niyang naligaw lang ako. Umiwas ako nang tingin at bumaling sa mga kapatid niya na nakamasid lang sa amin. Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.

“Ano?! Ikaw lang ba mag-isa?” tanong niya.

Dahan-dahan akong tumango. He sneered at me. Ngumuso ako pero tumiim lang ang panga niya. Hindi na siya nagsalita at tumalikod para pumasok sa bahay nila. Hinila ulit ako ng dalawa papasok. 

I got nervous thinking about how will his dad react if I will come inside their house. Baka isipin na nilalandi ko ang anak niya. 

Pagpasok namin sa loob ay hindi ko napagilang mapahanga sa ganda ng kanilang bahay. Simple yet elegant. Sobrang linis ng bawat sulok. Parang oras-oras nililinisan. Ang gaganda rin ng mga palamuti sa loob. Kung papapiliin lang ako, mas gusto kong mamuhay sa ganitong lugar...kasama siya. I shook my head to erase my ridiculous thoughts. 

“What are you doing?”

Napapitlag ako sa biglaan niyang tanong. “W-Wala ah!”

Masungit siyang umiwas ng tingin sa akin. Napamaang ako sa ginawa niya. Anong problema niya? Bakit ang sungit-sungit na naman? Wala siyang planong ngumiti? 

“May bisita ka pala, anak. Hindi ka manlang nagsabi.”

Napasulyap ako sa nagsalita. He was sitting in a single chair. In just one glance, I already knew that it's their father. I was mesmerized by his face. It feels like I'm looking right now at Rius' older version. Their eyes are the only difference. Rius has hazelnut eyes while his dad was dark brown. Natulala ako saglit sa pagtitig sa kaniya. Ang guwapo rin ng tatay niya!

“G-Good afternoon po! By the way po, I'm Fortunate Fariscal,” pakilala ko nang makabawi sa pagkamangha. 

He smiled at me. May ngiting naglalaro sa mga labi. “Nice meeting you, hija. You can call me, tito Luca. Pwede ring ...papa,” pagbibiro niya.

“Papa!” asik ni Rius. 

Uminit ang pisngi ko aa sinabi ng papa niya. Nakakahiya! Pero puwede rin.

“Kidding, son,” aniya habang nagpipigil na tumawa. “Upo ka, Fortunate.”

I immediately sat in front of him. Nakita kong umalis si Rius. Sinundan ko lang siya nang tingin.

“Fariscal ka pala, hija. Isa lang naman ang kilala kong Fariscal sa mundo ng mayayaman. If I'm not mistaken, it was the family of Nario Fariscal II. Nagka-anak siya at iyon ay si Nario Fariscal III. Hindi naman maaaring maging tatay mo iyong una kong binaggit kaya ikaw ang anak ng pangalawa, ni Rio, right?” nakingiting saad niya pagkaraan ng ilang minuto.

When he smiled, I saw his dimple on his left cheek. May dimple rin siya katulad ni Rius. 

“Opo.”

“And your mother is Loren Dilema, tama ba ako?” siguradong sabi niya. 

Alanganin akong ngumiti. Hindi alam kung bakit ganito siya kasigurado. 

“P-Po? Nagkakamali po kayo. Loren Dilema is my aunt. Her sister is my mom po. Samara Dilema,” I explained.

He laughed awkwardly. “Ganoon ba? I'm sorry, hija. Nagkakamali nga talaga ako. Matanda na e, signs of aging,” pagbibiro niya ulit.

Ngumiti lang ako nang tipid. I glance at Rius' side. Mula sa bintana ay nakita kong magkausap sila ni Agatha. Taga rito rin pala siya? 

He crossed his arms on his chest while talking to her. I think she's telling him a joke that makes him laughed at her. My heart throbbed with pain by just seeing him happy with her. Buti pa siya napapatawa niya si Rius. Hindi ko iyon kaya because I don't have a sense of humor. I'm just plain and boring. Kung iinisin at gagalitin siya ay kaya ko dahil lagi siyang gano'n sa'kin.

I look at Agatha. She's beautiful even with her inexpensive clothes while I'm just pretty because of these luxurious things. Pinahahalagahan lang ako dahil mayaman ako. Maybe Rius was just treating me nicely sometimes because I'm a relative of Hope and the Dela Serna family. 

Tumigil ang paghinga ko nang ilapit niya ang mukha niya patungo kay Rius at halos sumakit ang puso ko sa inggit when he touched her waist to guide her. I looked away at them because I couldn't't take it anymore. 

Tumayo na ako hindi para umalis kundi para lapitan sila. I don't care if their moment get ruined. 

“Kakausapin ko lang po si Console,” paalam ko. Tumango lang ito.

Gano'n pa rin ang puwesto nila. Pagdating ko sa harap ay pilit akong ngumiti. 

“Hi.”

Agatha immediately get away from his hold.  Bumaling siya sa akin at ngumiti.

"Nandito ka pala, Agony," Siniko niya ang katabing nakatitig lang sa kaniya. "Hindi ka man lang nagkuwento. Kainis."

“It's not important. Aalis din naman 'yan agad,” balewalang sabi niya. Hindi man lang siya sumulyap sa akin.

Kinurot ang puso ko. Sa tono niya ay parang hindi mahalaga presensya ko... katulad ng pagkatao ko. 

“Ah, oo uuwi rin naman ako agad. Gusto ko sanang makausap si Sole. Kung okay lang.”

Pinakita kong hindi ako apektado.

“Sige. Kausapin mo na siya,” utos niya sa katabi. Seryoso lang itong nakatingin sa kaniya bago bumuntong hininga. 

“Fine.”

Mas lalong sumakit ang puso ko. Isang utos lang mula kay Agatha ay sumunod agad siya, na parang salita lang nito ang mahalaga sa kaniya. 

Agatha walked out from the scene. Nakatitig lang siya sa malayo habang ako ay nasa kaniya lang ang paningin.

“Ano ba'ng sasabihin mo?” inip niyang tanong.

“I will just ask a question.” Huminga ako nang malalim. “Bakit ka ganiyan makitungo sa akin? May nagawa ba akong mali? O-Okay na tayo 'di ba?  We even exchanged messages. N-Nagtataka lang ako kung bakit ganiyan ka na.” 

”I'm just bored that time. I realized na hindi ko pala talaga kayang makipaglapit sa'yo.” 

“But I thought... you like me,” mahinang turan ko.

He laughed ridiculously na parang isang biro ang sinabi ko. 

“You're just imagining things, Fortunate. Bakit kita magugustuhan? Masyado ka pang bata para lumandi. Atupagin mo nalang ang pag-aaral mo para naman may magawa kang tama.”

Parang akong sinuntok sa dibdib. Napako ang mga mata ko sa aking paa. I'm used of hearing harsh words from my family and other people but coming from him... it hurts.   Kinagat ko ang labi at ikinurap ang mga mata para burahin ang namumuong luha.

Tutal wala naman akong gagawin dito sa kanila. Mukhang makakaabala lang ako rito.  Baka masama ang loob niya dahil naistorbo ko sila kaya uuwi na ako.

Muli akong humarap sa kaniya. Isang masayang ngiti ang iginawad ko. I smiled like I didn't heard those heartbreaking words from him. I will never show my vulnerable side to anyone. Ipapakita kong malakas ako para tanggapin ang masasakit na salita mula sa kaniya.

“Grabe ka naman magsalita!” I laughed without humor. “Binibiro lang naman kita tungkol do'n sa gusto mo ako. Alam naman nating imposible 'yong sinabi ko. Hindi ka na mabiro. Saka may iba akong gusto 'no. Guwapo ka lang pero 'di kita type.”

I forced myself to be energetic. He just sighed and shook his head. Natahimik siya kaya muli akong nagsalita.

“Ah, sige mauuna ako. See you when I see you.”

Agad akong tumalikod para maglakad. He didn't stop me kaya mas lalong kumirot ang puso ko.

Malungkot kong tinahak ang daan patungo sa sakayan. Wala naman talaga akong kasama. I'm also scared that the incident that happened might repeat. Ako lang mag-isa ngayon...walang karamay. 

Napagtanto kong hindi magkakagusto sa akin ang taong gusto ko. He will never like someone like me. Nagmula ako sa mayamang pamilya. He hates rich people like me. Well, I hate being rich too... as well as myself.

Sometimes, we can't force someone to feel the same way. Kung ipipilit mo ang isang bagay, maaaring maging pangit ang epekto o kalalabasan nito, at sa huli ay tayo lang din ang masasaktan. 

From now on, I will no longer bother him. Hindi na ako lalapit pa sa kaniya. Kapag nasaktan na, matutong lumayo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status