Kabanata 14

IPINANGANAK na mahirap, kasalanang mamatay ding mahirap.

Simula bata pa lamang sina Celes. Wala pang muwang ang dalawa pa niyang kapatid. 'Di lingid sa kanya ang katotohanan na maraming kayang gawin ang pera, at isa na roon na gawing miserable ang buhay nilang magkakapatid.

Habang nagkakaisip siya sa pagdaan ng panahon, kasabay niyon ang pagkalayo rin ng loob ng ina sa kanilang ama lalo na sa kanilang magkakapatid dahil sa kasalatan nila ng buhay. Nakatira lamang sila sa squatter area, kaya madalas na kung 'di mula sa barangay ang mga taong magtataboy at magpapalayas sa kanila ay minsan ay dinadampot na sila ng pulis.

Ang akala niya ay ayos lamang 'yon dahil likas na mahirap sila. Ngunit hindi para sa kanilang mga magulang.

Sa hirap ng buhay, ilang uri ng trabaho ang kanyang pinapasok at kung ano rin ang mabigyan ng pagkakataon na 'di malalagay sa alanganin ang puri at buhay niya, ay kanilang pinapasok. Lalo na kung 'yon ang sugal na bukod na malaki ang t

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status