Thrill of Chase
Thrill of Chase
Author: Mitchifuri
PROLOGUE

[DISCLAIMER: This is a work of fiction. All names and characters are either invented or used fictitiously. No names have been changed in order to protect the innocent. All characters have been created for the sake of this story. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.]

                               ~∆•∆~

Patuloy lang siya sa pakikipag usap sa akin ngunit hindi ko iyon binigyan ng pansin. Naaaliw akong pinagmasdan ang kaniyang mapupula at basang labi na bumubuka sa tuwing may sinasambit siyang mga salita.

"Stop fantasizing my lips Doctora," narinig ko ang mahina niyang pagtawa ng mapagtantong kanina ko pa pinagmamasdan ang labi niya.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya at ininom ang cocktail na nasa ibabaw ng bar counter.

"Ayaw mo bang sumayaw?" tanong niya sakin habang pinapanood ang karamihan na nagsasayawan sa baba.

"Not in the mood," Iling ko.

"Okay, let's stay here then,"

"Magkwento ka nga," sabi ko sa kanya. Napakunot ang noo niya sa tanong ko pero dahan dahan din syang napangisi.

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa buhay mo,"

"Kailangan pa ba 'yon? I bet you already know everything about me," saad niya sabay inom ng kaniyang alak. 

"I want to know more about you," wika ko at sabay umayos ng upo.

"Okay, then. Sa'n mo ba ako gustong magsimula?" 

"Wherever you want, as long as you end up with me," tumawa at napailing lang siya sinabi ko.

Epal nito, hindi man lang kinilig sa banat ko.

"Ano ba 'yan, ang bagal mo. Ako na nga magtanong. Bakit mapula 'yong lips mo?" 

"Mapula ba?" tanong niya at sabay ngumuso para matignan ang labi. 

He's so cute, nope, gwapo.

"Oo. Kanina ko pa napagkakamalang mansanas, gusto ko na ngang kagatin eh," mahinang bulong ko para hindi niya sana marinig pero parang narinig niya naman.

"You're drunk Addie, baka gusto mong tawagan ko ang Kuya mo." Ngumisi sya habang tinignan ako. Nagkibit balikat lang ako.

Ilang baso na ng alak ang naubos namin habang nag kwe-kwentuhan kaya nakaramdaman na ako ng konting pagkahilo. Niyaya ko siyang sumayaw sa dance floor dahil mas lalong gumaganda ang music na pinapatugtog ng DJ habang tumatagal.

Ramdam ko na talaga ang pagkatipsy ko dahil wala na akong pakialam sa mga ginagawa ko. Nakikisabay lang ako sa mga taong nagsasayawan doon at nakikitalon din sa tuwing nagtatalunan sila. Tumatawa lang din siyang pinanood ako at panay ang saway sa mga pinaggagagawa ko.

Napahinto ako sa pagsasayaw at pinagmasdan siyang tumatawa. Siguro ay lasing na talaga ako dahil nahuhumaling na ako sa paraan ng pagtawa niya. Hindi ko na namalayan ang paglapit ng sarili ko sa niya. Hinapit ko ang kwelyo niya para ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Nakita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa ginagawa ko pero gayun pa man ay hindi na ako nagpapadalawang isip na gawaran siya ng halik.

"Zim!"

Nagsinghapan at napasigaw ang mga taong nasa paligid namin. Nanlaki ang mata ko ng makitang nakabulagta na sa sahig ang lalaking kahalikan ko kanina lamang. Gulat akong nag angat ng tingin sa lalaking may gawa no'n.

Madilim at nanlilisik ang kanyang matang tumingin sa akin habang nakayukom pa din ang kanyang kamao. Nasa likod niya sila Sev na napakamot ulo na lang sa nangyari. Lumapit siya sa'kin at walang pasabing hinila ako palayo doon.

"Ano bang problema mo?!" Bulyaw ko sa kanya sabay agaw ko sa kamay kong hinahawakan niya.

"Ikaw Addie, ano bang problema mo?!" Bulyaw niya din sakin pabalik.

"Talaga, Zim? You already know it, but why you're acting like you don't know anything!" dahan dahan nalumanay ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa sinabi ko.

"I-I'm sorry, please,"

"You knew what you were doing, Zim. You knew it would hurt me, but somehow it didn't stop you!" Nag-umpisa ng mag tuluan ang mga luha ko habang inaalala ang ginawa niya.

"I-I'm sorry, I didn't mean to hurt you. Baby, please trust me. I'm sorry," wika niya at lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang mukha ko para pahiran ang mga luhang tumulo sa mga mata ko ngunit umiling lang ako.

"I'm sorry please," 

Nilagay niya sa balikat ko ang kanyang ulo habang paulit ulit na humingi ng dispensa. Tumingala siya sa'kin at hinawakan ang baba ko para maiharap ang mukha ko sa kanya.

"Addie, please. I need you to trust me. Please baby, just trust me," wika niya kasabay no'n ang marahang mahalik niya sa labi ko. Iniwas ko ang aking mukha dahilan para matigil siya sa kanyang ginagawa.

"I'm sorry, but friends don't do things like this," sambit ko bago siya iniwan mag isa at naglakad paalis.

Narinig ko ang malakas na kalabog mula sa puwestong pinag iwanan ko sa kaniya. Pero hinayaan ko lang iyon at nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makalayo. 

Paano pa kita magawang pagkatiwalaan Zim, kung sinaktan mo na ako. Paano ko pa masisigurong hindi mo na ako masasaktan ulit, kung noong una pa lang na may tiwala na ako sa'yo pero nagawa mo pa din akong saktan.

It sad to say that you're once my ideal man, not until that situation happens.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status