Kabanata 11

Agad na tinanggal ni Alea ang tali nang makita ang mukha ng lalaki. "Itay, anong nangyari sa'yo?" 

"Alea, ano ang iyong ginagawa? Kapag nagising iyan ay tiyak na ikaw ay sasaktan! Kaya itali mo na siya muli, Alea!" nag-aalalang sabi ng ibon ngunit hindi nakinig si Alea sa sinasabi nito.  Labis siyang nababahala kung ano ang nangyari sa ama.

"Hindi, Prexius. Siya ay ang aking itay!"

"Alea, hindi iyan ang iyong ama. Hindi ka nga man lang niya nakilala at muntik ka na nga niyang saktan!"

"Pero kamukha niya si itay!"

"Pakiramdaman mo ang iyong puso, Alea. Siya ba talaga ang iyong ama?"

"Hindi ko naramdaman na siya ang aking itay, Prexius. Pero nangangamba ako na baka nasa ilalim lang siya ng black magic!"

"Ano ang ibig mong sabihin, Alea?"

"Baka nasa ilalim ng itim na kapangyarihan ang aking itay, Prexius. Iyan ang napapanuod ko sa telebisyon."

Gumalaw ang ulo ng lalaking kamukha ng itay

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status