Share

Kabanata 3

Pasensya ka na, may naalala lang kasi akong tao na kahawig mo." Ani ni Mara kay Andrew, habang pinupunasan ang luha sa mata niya.

"Ahh kaya pala, well it's alright. Madalas nga rin nila akong pagkamalan ng ibang tao. Siguro importante siya sa buhay mo kaya bigla ka naging emosyonal."

Hindi ba talaga niya ako na-aalala? tanong ni Mara sa kaniyang isipan habang nakatingin siya kay Andrew.

"By the way, nagustuhan ko yung mga wedding gowns na napili mo. Siguro puwede natin gamitin yung iba para sa photoshoots niyo." Ang sabi ni Andrew sa kaniya pero tila naglalayag ang isipan nito at nakatitig lang siya sa binata.

"Okay ka lang ba, Ms. Mara? nga pala, baka nagtataka ka kung bakit ako nandito—"

"Yes, i already know. Pinapunta ka rito ng fiancé ko, hindi ba?"

 "Ye-yes, your fiancé." Naiilang niyang sabi at iniwasan niya kaagad ng tingin si Mara.

Paano siya naaksidente? anong nangyari sa kaniya? saan at bakit? kamusta na kaya siya ngayon? maayos na kaya ang kalagayan niya? halo-halong katanungan sa kaniyang isipan.

"I think mas bagay ito sa'yo," sabay itinuturo ni Andrew yung fitted gown sa kaniya.

"Gusto mong i-try ko?" pagkasabi ay bigla niya pinakuha yung gown at kaagad siya nagtungo sa fitting room.

"Ah wait!" tawag niya pero agaran naman itong nakapasok sa loob. Kaya hinintay na lamang niya itong lumabas at inaayos ang kaniyang camera.

Kamusta na kaya siya? ano ba kasing aksidente ang nangyari sa kaniya? bakit hindi man lang nila ipinaalam sa akin ang tungkol doon? bulong niya sa sarili habang namumugto ang kaniyang mga mata.

Sandali siya napaupo sa sahig at kahit anong pilit niyang paatrasin ang luha niya sa mata ay kusa pa rin itong tumutulo. Napapaluha na lang siya bigla kapag na-aalala niya ang mga sinabi nito sa kaniya kanina lalo na ang tungkol sa pagkawala ng alaala nito.

"Tumigil ka na nga, Mara. Ikakasal ka na! malapit ka nang ikasal kaya kalimutan mo na rin siya!" mangiyak-ngiyak niyang sabi sa sarili habang nakatingin siya sa harap ng salamin.

"Bakit parang ang tagal naman yata niya?" sabay napatingin naman sa relo si Andrew at palakad-lakad siya habang naghihintay sa paglabas ni Mara.

"Ano naman kung naaksidente siya. Ano naman kung nawala ang mga alaala niya. Hindi ba't mas maganda nga 'yon dahil hindi niya ako makikilala pero bakit ka pa rin umiiyak, Mara? nakaraan mo na nga siya hindi ba? nakalimutan ka na niya. Nakalimutan na niya ang lahat-lahat sa inyong dalawa. Hindi ka na niya natatandaan pa, kaya kalimutan mo na rin siya." Aniya sa sarili at patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang mga luha sa mata.

Matiyaga namang naghintay sa labas si Andrew, habang isa-isa niyang kinukuhanan ng litrato ang mga wedding gowns na napili nito kanina.

Maya-maya lang ay lumabas na ito at suot ang fitted gown na itinuro niya kay Mara. Dahan-dahan namang napalingon ang binata sa kaniya at halos natulala siya sa kagandahan nito, lalo na nung isinuot niya yung gown.

Pinicturan naman niya ito kaagad at nilapitan niya si Mara.

"Look, i think mas lalong mai-inlove si sir. sa'yo kapag nakita niya ang picture na ito, hindi ba?" ang sabi ni Andrew at ipinapakita niya yung litrato ni Mara na naka-wedding dress, ngunit hindi ito nakikinig sa kaniya bagkus ay nakatingin lang ito sa mukha niya.

"Anong masasabi mo, miss Mara?" aniya at napalingon siya sa dalaga na may pangingilid ng luha sa mata.

"Are you alright, miss Mara?" tanong niya at saka niya ito inaabutan ng panyo. Subalit tinanggihan lamang siya nito at bumalik na lang sa loob ng fitting room.

Umupo siya sa loob non at isinandal ang kaniyang ulo sa pader habang tinatakpan ang kaniyang bibig upang hindi siya marinig nitong umiiyak.

"Miss Mara, may pupuntahan lang ako sandali. Don't worry, babalik rin ako kaagad." Rinig niyang sabi ni Andrew mula sa labas ng fitting room.

Ilang saglit lang ay humupa na ang bigat sa kaniyang dibdib. Nagbihis na siya kaagad at narinig niyang nag-ring ang cellphone niya.

 

Pagkatingin niya sa phone screen ay nakita niyang si Liza pala ang tumatawag, ang bestfriend niya.

 

"Hello, Liza? nasaan ka ngayon? tara punta tayo sa-" sandali siyang natigilan sa pagsasalita nang marinig niya ang mabigat na paghikbi ni Mara mula sa kabilang linya.

"Mara? ayos ka lang ba?" nag-aalalang ani ng dalaga sa kaniya.

"H-hindi." Humihikbing aniya.

"Nasaan ka ngayon? pupuntahan kita diyan. Sabihin mo nasaan ka?"

"Liza, anong gagawin ko? nakita ko siya."

"Nakita? sino?" usisa nito.

"Aliza, naguguluhan ako. Parang gusto kong maawa sa kaniya at yakapin siya ng mahigpit. Pero hindi pwede. Dahil nakalimutan na niya ako. Anong gagawin ko, Liza?" aniya kasabay ng pagtulo ng luha sa kaniyang mata.

Samantalang nasa gilid naman si Andrew at tahimik na nakikinig sa kaniya. Napayuko na lamang ito at syaka naglakad palabas ng shop.

***

From the past

(ANDREW's POV)

Habang naglalakad ako ay may napansin akong isang babaeng estudyante na lumabas mula sa classroom namin.

Siguro mga 6:30 am pa lang non at madalas din na ako palagi ang nauunang pumasok sa klase namin. Nakasanayan ko na rin kasi ang pumasok parati ng maaga at dahil ito lang din ang free time ko upang makapag-isip isip.

Masyado na kasing toxic sa loob ng bahay namin, palagi na lang nag-aaway ang mga magulang ko at kaunti na lang talaga ay malapit ko na din maranasan ang pagkakaroon ng broken family. Pagkapasok ko sa loob ng classroom ay may napansin akong parang maliit na envelop na nakapatong sa upuan ko.

"Ano ito?" tanong ko sa sarili sabay ibinaba ko sandali ang aking bag sa upuan. Nagtungo ako malapit sa may bintana para itapon sana ang bagay na iyon, pero naisip ko na hindi lang ito ang unang beses na nakatanggap ako ng ganito.

Kaya naman binuksan ko iyon at nakita kong may stationary paper sa loob. 

"So, love letter pala para sa akin?" binasa ko yung nakasulat at naisip ko na baka yung babaeng nakita ko kanina at yung taong laging nag-iiwan sa akin ng kung anu-ano sa aking locker ay iisa lang?

Bumaba ako sandali sa may locker room at may nakita na naman akong isang babae na kahawig din sa babaeng nakita ko kanina sa classroom. Binuksan ko kaagad yung locker ko at katulad ng dati ay may palagi akong nadadatnan na vitamilk sa loob.

Kung hindi vitamilk, chocolates or kung anu-ano pang mga pagkain na paborito ko.

Gayunpaman ay binalewala ko lang ito nuon dahil hindi ko rin naman madalas ginagamit yung locker ko. Pero ngayon ko lang naisip, paano niya pala nalaman ang password nito?

Sumunod na araw ay naisipan kong pumasok ng mas maaga pa at syaka ako nagtago sa pinakadulong upuan, upang abangan yung babaeng palaging nag-iiwan ng sulat sa aking upuan.

 

Ilang minuto lang ay narinig kong bumukas na yung pintuan. Sumilip ako ng bahagya at nakita kong patungo na naman siya doon sa upuan ko.

Pinakatitig ko ng maigi ang kaniyang mukha pero hindi ko talaga siya makita. Nakasuot siya ng itim na sumbrero at nakatakip ng mask ang bibig niya.

Alam kaya niyang nandito ako kaya nag-disguise siya?

Pagkaalis niya ay lumapit ako sa aking upuan at may nakita ulit akong love letter.

Siya nga na yung babaeng hinahanap ko. Sinundan ko siya sa labas pero bigla naman siya nawala.

Kaya naisipan kong bumaba na lang ulit sa locker room dahil baka doon siya patungo ngayon. Pagkarating ko doon ay nadatnan ko namang paalis na siya, kung kaya't tumakbo ako na ako upang lapitan siya. 

"Sandali lang!" sigaw ko habang hinahabol ko pa rin siya pero bigla ko naman nakasalubong si Mina, nakasumbrero din itong kulay itim gaya ng babaeng nakita ko sa classroom.

"Andrew?" gulat niyang sabi.

"Ikaw, Mina?"

Noong una inakala kong si Mina nga ang babaeng iyon. Pero may nakalimutan pala akong detalye tungkol sa kaniya. Naka-mask nga pala ang bibig niya at saka ko lang din napagtanto na walang suot na mask si Mina ng araw na iyon.

Pagsapit ng hapon ay bigla naman bumuhos ang malakas na ulan. Nakasilong lang ako sa isang tabi habang naghihintay sa pagtila ng ulan.

Maya-maya lamang ay may biglang huminto sa harapan ko at naka-bisikleta siya. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng PE uniform ng aming school habang nakasumbrero siya ng kulay itim at mask.

Lumingon siya sa akin at inabutan niya ako ng payong. Nagtama ang mga tinginan namin sa isa't-isa at tanging yung mata lang din niya ang nakikita ko dahil naka-mask ang bibig niya. 

Siya ang babaeng 'yon! nagulat ako nang mapagtanto kong siya na nga ang babaeng iyon na madalas nagpupunta sa classroom namin. Pipigilan ko sana siya pero kaagad din naman siyang nakaalis pagkatapos niyang iabot sa akin yung payong.

Sumunod na araw, tuwing naglalakad ako sa campus ay napapalingon na lang ako sa mga babaeng nakakasalubong ko. Nagbabakasakaling makikita ko siya doon. Palagi ko rin dala-dala yung payong niya para kung sakaling magkita kami ulit dalawa ay mapasalamatan ko man lang siya ng personal.

Habang naglalakad ako patungo sa principal office ay may bigla naman akong natamaan ng bola sa likod ng aking ulo. Na-out of balance ako at napahiga na lang sa lupa.

"Ayos ka lang ba? sorry, sorry talaga hindi namin sinasadyang matamaan ka." Paulit-ulit niyang sabi sa akin habang nanlalabo pa ang mga paningin ko dahil sa lakas ng pagkakatama ng bola sa akin.

Pero ilang sandali lang ay unti-unti ko nang nakikita ang kaniyang mukha. Nakahiga pa rin ako habang nakayuko naman siya sa akin.

Natulala na lang ako nang makita ko ang mga mata niya at dahan-dahan kong itinaas ang aking kanang kamay upang takpan ang bibig niya.

I found her! bulong ko sa aking isipan.

"Mara, ayos lang ba siya?" biglang lingon niya sa babaeng tumawag sa kaniya.

I finally found you!

***

Nang mapagtanto ni Andrew na si Mara pala ang nag-iiwan ng love letter sa upuan niya at naglalagay ng gifts sa loob ng locker niya ay naisipan nitong kilalanin ng maigi ang dalaga at hindi din niya pinaalam ang kaniyang nalalaman. Bagkus ay itinatabi pa niya ito sa iisang lalagyan  at maingat na tinatago sa isang maliit na box. Kung dati-rati ay naiinis siya sa tuwing nakakatanggap siya ng love letter, ngayon naman ay halos inaabangan na niya ang bawat sulat nitong iniiwan sa kaniyang upuan.

Subalit magmula nang kumalat ang chismis tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Robin ay hindi na rin siya nakakatanggap ng sulat mula sa dalaga. Palagi pa din itong nag-iiwan ng gifts sa locker niya pero madalang na lang din. Kaya bigla siyang nakaramdam ng pangamba at kinutuban na baka nahulog na nga siya ng tuluyan kay Robin.

Kaya naman napagpasyahan niya na mas lumapit pa sa dalaga upang makuha din niya ang kalooban nito.

"Mina, pakibigay mo nga itong libro sa secretary ng last sections. At pakisabi na rin na isulat sa blackboard yung pahinang inipit ko d'yan." Utos ni ginang Enriquez sa dalaga at saka rin ito umalis.

 

 

Nadinig naman ni Andrew ang inutos ng guro nito sa kaklase niyang si Mina, kung kaya't kaagad siyang napatayo at lumapit sa dalaga.

"Mina!" tawag niya at mabilis naman itong napalingon sa kaniya.

"Andrew, bakit?" tanong niya.

"Pupunta ka sa last section?" aniya sabay tumango lang ng ulo si Mina at tinalikuran na siya.

"Ako na lang ang magdadala n'yan doon." Biglang sabi niya kaya natigilan sandali ang dalaga sa paglalakad.

"Huh?" lingon nito na may bakas na pagtataka sa mukha.

"A e, kasi papunta din ako ngayon doon." Kinakabahang aniya habang iniiwasan niya ng tingin ang dalaga.

"Ikaw? pupunta sa last section?" nagtatakang aniya sa binata at tumango lang ito ng ulo. Sandaling napailing ng ulo si Mina at saka niya inabot yung libro sa binata. Halos napangiti pa ito ng abot tenga at parang nagmamadaling magtungo sa classroom ng last section.

Nakasunod pa rin siya ng tingin kay Andrew at napapaisip sa kakaibang ikinikilos nito. Madalas lang kasi itong nakaupo sa upuan niya ng magdamag hanggang sa matapos ang klase nila. Madalang lang din siyang lumabas ng classroom, pwera na lang kung pupunta siya ng restroom, library o kung may pinapautos sa kaniya.

At sa pagkakaalam niya ay hindi ito nagtutungo sa kung saan-saang classrooms, lalo na sa last sections. Na nasa pinakadulo at taas ng building. Pero sumagi din sa kaniyang isipan na baka may importante lang talaga siyang sasadyahin sa last sections, kung kaya't tumalikod na siya at naglakad pabalik sa loob ng classroom nila.

Samantalang, pagkatapos naman ibinigay ni Andrew yung libro kay Mara ay tumalikod na siya at naglakad pababa ng hagdanan na may ngiti sa kaniyang labi.

 

"Hi, Andrew." Ngunit binawi din naman niya kaagad ang ngiti sa labi nang makasalubong niya si Robin.

Sandali nga lang, bakit siya nandito? bulong nito sa kaniyang isipan at mabilis siyang napalingon sa binata.

 

"Saan ka pupunta?" saad niya habang nakahawak siya sa braso nito. Napalingon naman si Robin kay Andrew at tumingin sa kamay nitong nakahawak sa kaniya.

"Teka, alam ko naman na ikaw ang student president nitong school- pero dapat bang ipaalam ko pa sa'yo ang bawat kilos ko at kung saan ko gustong pumunta?" ang sabi nito sa kaniya at saka siya tinalikuran nito. Tumalikod na lang din siya at tipong pahakbang na sana siya pababa ng hagdan pero sandali siyang natigilan.

Sandali. Hindi kaya si Mara ang pupuntahan niya? paglalayag nito sa kaniyang isipan at muli siyang napalingon kay Robin.

"She's mine." Ang salitang bigla na lang bumigkas sa kaniyang bibig. Napahinto naman sa paglalakad si Robin at ngumisi sa kaniyang labi. Sandali niyang nilingunan si Andrew at pinamulsa ang dalawa niyang kamay sa pantalon.

"Who are you referring to? the cheerleader that i know or the woman i'm thinking right now?" nakangisi pa rin na sabi niya at tipong tatalikuran na sana niya ito pero mabilis namang sumagot si Andrew sa kaniya at sinabing...

"Who do you think i am referring to?" sa sinabi niyang iyon ay sandali silang natahimik dalawa habang mainit ang tinginan nila sa isa't-isa.

 

"Well, hindi naman ako manghuhula para hulaan yung tinutukoy mo. But don't worry because i don't mess up with other people's business and because i only bother myself with important things. Maiwan na kita, mister school president." Mariin nitong saad sa kaniya at saka na siya naglakad patungo sa classroom nina Mara. Wala nang nagawa pa si Andrew at nakasunod lang siya ng tingin sa binata habang nakakuyom ang kaniyang kamao.

Pagkarating naman ni Robin sa classroom ng dalaga ay binalibag niya pabukas yung pintuan at kaagad na nilapitan si Mara. Nagulat naman ang lahat at nakasunod lang ng tingin sa kaniya.

"Hey monkey girl!" aniya sabay pinatong ang kamay niya sa desk at inilapit ang mukha niya sa dalaga.

"Monkey girl?" nakangising ani ni Mara sa kaniya.

"Hindi ba't siya si Robin na taga upper section? anong ginagawa niya rito ngayon sa classroom natin?"

"Hala? ibig sabihin totoo nga ang kumakalat na chismis tungkol sa kanilang dalawa?"

"Si Mara at si Robin?"

"Mukhang seryoso nga talaga si Robin sa kaniya."

Kaniya kaniyang bulungan ng mga kaklase niya habang pinapanood ang dalawa. Sandali naman napalingon sa paligid si Mara at napansin nga niyang nakatuon ang mga atensyon ng nito sa kanilang dalawa. Kung kaya't malakas niyang itinulak palayo si Robin at saka siya tumayo.

"Hoy, ikaw! kapag hindi mo talaga ako tinigilan, talagang babasagin ko na 'yang mukha mo!" matapang na aniya sa binata habang nakapamewang pa ang mga braso.

Pasimple namang napangisi si Robin at muling lumapit sa kaniya.

 

"I'm aware of that. Kaya nga nandito ako ngayon sa harapan mo." Saad nito sa malalim na tinig kaya sandaling napaatras si Mara at tila bigla siyang kinabahan sa mga titig nito sa kaniya.

"Hindi ba natin sila pipigilan?"

"What if kung saktan siya ni Andrew?" nag-aalalang ani ng ilang mga kaklase niya. Paatras naman ng paatras si Mara sa kaniya habang humahakbang naman palapit ang binata sa kaniya.

Nahinto na lamang siya nang mapansandal na siya sa pader at umihip ang malakas na hangin malapit sa bintana. Nang dahil doon ay biglang naalis ang magkakaipit ni Mara sa kaniyang buhok. Kung kaya't lumugay ito at bumagsak ang mahaba niyang buhok.

Natulala naman si Robin sa kaniyang nakita. Mas maganda kasi itong tignan kapag nakalugay ang kaniyang buhok at mas nagmumukha siyang babae na babaeng tignan.

Sandali nitong inangat ang isang kamay niya at hinawi ang hibla ng buhok nitong tumatakip sa kaniyang mukha. Marahan namang napatingala ang dalaga sa kaniya at gulat na nakatitig sa kaniyang mga mata.

"Mas maganda ka kapag nakalugay lang ang buhok mo." Mahinang aniya sa dalaga na biglang nagpabilis sa pintig ng puso nito.

Hindi kaagad nakapagsalita si Mara sa kaniya at napalunok lang siya ng malalim. Ilang saglit lang ay yumuko na si Robin sa kaniya at mas inilapit pa ang kaniyang mukha sa dalaga. Tipong kaunti na lang sana at mahahalikan na niya ito nang bigla naman siyang itulak ni Andrew palayo kay Mara sabay hinigit niya sa wrist ang dalaga. Napatayo at nagulat naman ang lahat sa kanilang nasaksihan. Lalo pa't nung dumating si Andrew at pinigilan niya si Robin sa kaniyang binabalak.

Maging si Mara ay hindi makapaniwala sa kaniyang nakita at napatingin na lang siya sa kamay nitong nakahawak sa kaniya. Tila umusli naman ang matamis na ngiti sa labi ng dalaga at kinikilig na nakatingin sa likuran ni Andrew.

"Andrew?" gulat na sabi ni Robin sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito? at saka-" hindi itinuloy ni Robin ang kaniyang sinasabi at napaturo na lamang siya sa kamay nitong nakahawak kay Mara.

"Don't tell me na... you like her too?" usisa niya na may bakas na pagtataka sa kaniyang mukha. Sandali namang napatingin si Andrew sa kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa wrist ng dalaga at syaka niya ito binitawan.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" sabay lingon niya sa binatang kaharap.

"Hindi mo pa ba alam ang tungkol sa usap-usapang kumakalat sa aming dalawa? o nagmamaang-mangaan ka lang?" aniya na may pag-usli ng ngiti sa gilid ng kaniyang labi.

"Ano na naman ba 'tong gulong ginagawa mo? pati ba naman babae ay pinapatulan mo. Wala ka na ba talagang balak magtino, Robin?" ang sinabi na lang ni Andrew sa kaniya. Muli lang napangisi si Robin at saka ito lumapit sa dalawa.

"So, ito pala yung tinutukoy mo sa akin kanina? ngayon alam ko na kung sino s'ya yung binabanggit mo sa akin." Pabulong na saad ni Robin sa tenga nito.

"Pero pasensyahan na lang tayo dahil mas nauna ako sa'yo." Ang sabi pa niya sabay hinigit niya sa braso ang dalaga at napasubsob na lang ito sa dibdib niya. Nabigla naman si Mara at pilit na inaalis ang kamay nitong nakahawak sa kaniya pero hindi siya nito binibitiwan. Bagkus ay puwersahan pa siyang hinila nito palabas ng classroom subalit huminto rin sila kaagad nang hawakan siya ni Andrew sa kabilang braso nito.

"Bitawan mo siya." Malumanay ngunit mariin na utos sa kaniya ng binata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status