Chapter 2

Reen

"Dito na po 'yung sinasabi mo na address, Ma'am," Tumingin ako sa labas mula sa 'king inuupuang tricycle nang magsalita ang driver na nasa gilid ko. 

Agad kong hinanap ang kanyang mukha, matapos kong tanawin ang paligid kung saan kami huminto nito.

Bumaba ako, nagbayad, saka nagpasalamat sa kanya.

Muli kong pinasadahan nang tingin ang lugar na binabaan ko, pagkatapos ay inilapag ko muna ang bag na dala-dala ko. 

Ewan ko ba, wala naman akong masyadong dinala na kung ano man na gamit maliban sa mga damit at family picture namin, pero pakiramdam ko ay bigat na bigat at hinang-hina ako. Siguro ay wala lang talaga ako sa mood, dahil ito ang unang pagkakataon na mamumuhay ako nang malayo kina Inay, Kuya, at Maro.

Nakakalungkot, pero kailangan ko itong gawin . . .

Muli kong pinasadahan nang tingin ang paligid. Huminga ako nang malalim nang aking makita ang itsura ng distrito na sinabi sa akin ni Aling Biday. 

Hay nako! Naalala ko na naman siya . . .

Ang buong akala ko kasi ay sasabay ito sa akin papunta rito, pero mabilis pa sa alas-kwatro no’ng bumaba ito kanina mula sa jeep na sinasakyan namin, nang makakita nang kakilala. 

Oh well, chismis is life talaga 'yon si Aling Biday, eh! Mabuti na lang talaga ay hindi mahirap matagpuan 'tong lugar na ito. Isang sabi ko lang sa tricycle driver ay alam na niya kung saan ako ibababa. 'Yon nga lang, nanaga ito sa pamasahe. Bigti!

Muli akong napahinga nang malalim, nang tamaan ng aking mga mata ang isang bahay na may kulay itim na pintura. 

Ito na yata 'yong sinasabi ni Aling Biday na inuupahan nang pamangkin niya.

"Mith?" Agad akong napalingon sa pinanggalingan nang boses na iyon.

"Ingaw ma ni Mawnin ngru?" bahagyang napaawang ang aking mga labi. 

Hindi ko knows kung matatawa ba ako o maiinis, dahil bukod sa hindi ko alam kung saan siya nakatingin ay hindi ko rin maintindihan kung ano ang sinasabi niya at kung sino ba ang kinakausap nito.

Lumunok ako saka sandaling tumingin sa likuran ko. Awtomatikong kumunot ang aking noo nang mapansin ko na tila walang ibang tao sa paligid maliban sa aming dalawa. 

Mabilis kong binalik ang aking mga mata sa babaeng nasa harapan ko.

"Excute me— este, excuse," Tumikwas ang isa kong kilay nang ngumisi ito sa akin.

"Uhm, a-ako ba ang . . . k-kinakausap mo?" nag-aalangan kong tanong sa kanya.

Ewan ko ba. Bukod kasi sa pagtataka, ay hindi ko siya maintindihan dahil mayroon itong hiwa sa kanyang nguso. Hindi ko sigurado kung ngongers ba ang tawag do'n o ano? Basta! Hindi siya tuwid magsalita. Pero— infairness, maganda siya. 

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko nang mapansin ko na umirap ito sa hangin.

Attitude to, ah . . .

"Munga ma ngong may imang nginangaunap?" Tumuro ito sa kanyang sarili, na ikinalukot ng aking mukha.

Napalunok ako dahil bigla akong nakaramdam nang kaba. Diyos ko po! Hindi naman yata ito siya si Liller, 'di ba? 

Mahina akong tumikhim saka siya tipid na nginitian at kinausap.

"Uhm, p-pasensya ka na, huh? Hindi ko kasi alam, eh. A-ano nga ulit 'yung s-sinasabi mo kanina?" kanda utal kong wika.

Shit! 

Bakit ba tinanong ko pa? Eh, kahit yata sampung beses nito banggitin ang sinabi niya kanina ay hindi ko pa rin iyon maiintindihan. May kahinaan pa naman 'tong tainga ko.

"Mingi nga ma?" Napatingin ako rito nang diretso.

Muli akong napalunok at huminga nang malalim bago nagsalita, "Uhm, m-may f******k ka ba? G-gusto mo add kita ngayon? Tapos— chat mo 'ko, okay lang ba?" Napakagat ako sa 'king ibabang labi nang mapagtanto ang aking sinabi.

Sorry, Lord! Sana hindi siya mainsulto.

Napatayo ako nang maayos, nang pumameywang ito sa aking harapan. Magsasalita sana siya ulit nang biglang may sumigaw na babae mula sa kanyang likuran.

"Nicole!" 

Sabay kami napatingin sa gawi kung saan nanggaling ang tinig na iyon. Segundo ang lumipas ay walang nagsalita. Hanggang sa mapansin ko na lang na nakalapit na ang babaeng sumigaw kanina. 

"Ang tagal mo naman! Ang sabi ko ay sunduin mo siya, hindi takutin!" wika nang babaeng bagong dating.

"Eh, marang mingi ngasi no, eh!" Napaawang ang labi ko nang tumuro ito sa akin.

Nalipat ang aking mga mata sa bagong dating na babae matapos magsalita si bingot. 

Tama ba 'tong tinatawag ko sa kanya . . . sorry to God na agad. Hindi naman ako nanlalait. Sadyang hindi ko lang talaga alam ang itatawag dito dahil nawala agad sa isip ko ang tinawag sa kanya nang babae na lumapit sa amin.

"Hi! Ikaw si Maureen Cruz, 'di ba?" mahinahon na tanong ng isang babae sa akin.

Hindi ako agad nakasagot. 

"Oh, 'ni ba? Nabi ngo na 'yo, mingi 'yan, eh!" sabat nito.

Tumikhim ako saka tipid na ngumiti sa babaeng nagtanong sa 'kin. 

"Uhm, a-ako nga. Ikaw ba si Liller? 'Yung pamangkin ni Aling Biday na pinsan ni Buninay?" tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit siya bahagyang natawa. 

"Oo, ako nga,” nakangiti at tumatango-tango niyang tugon.

Unti-unti akong napangiti, tila guminhawa ang paghinga ko dahil sa sinabi nito. 

Mabuti naman ay siya si Liller.

Nawala ang ngiti sa 'king mga labi nang muli akong mapatingin sa katabi ni Liller. Mukha na kasi itong badtrip. Pero— bahala siya! Hindi ko naman kasi talaga ito maintindihan.

"Tara, pasok tayo sa bahay? Mainit dito, eh!" pag-anyaya ni Liller.

Agad kong kinuha ang bag na dala ko matapos kong tumango sa kanya ng dalawang beses. 

"Kaya mo na ba 'yan?" agad akong tumingin kay Liller.

"O-oo. Konti lang naman 'tong dala ko," sagot ko bago kami naglakad nang sabay.

"Pasensya ka na, ha? Kung kay Nicole kita pinasundo." 

So, Nicole pala ang pangalan n'yon. 

"Nasa CR kasi ako kanina nang impormahan niya 'ko na nag-text sa kanya si T’yang para ipasabi na malapit ka na nga raw rito sa bahay. Hindi raw kasi ako nasagot kaya si Nicole ang tinawagan niya. Alam kasi ni T’yang na iyon lang close ko sa lugar na 'to," pagpapatuloy niya.

Tipid akong ngumiti.

"Okay lang, walang kaso 'yon sa akin," tugon ko.

Natigil ang pag-uusap namin nang huminto kami sa harapan ng pinto, na nasisiguro kong inuupahan nitong bahay.

Binuksan niya iyon saka siya naunang pumasok, habang ako ay tahimik lamang na sumusunod sa kanya.

"Ito ang bahay na inuupahan ko."

Tama nga ako.

"Magda-dalawang taon na ako rito. Ang totoo niyan, may kasama akong isang matalik na kaibigan dito, pero lumipat na siya sa condo dahil nakapag jowa ng rich kid," mahina itong tumawa. "Alam mo na . . ." bumuga ito nang hangin, "Iyon ang dahilan kung bakit nagpatulong ako kay T’yang na maghanap nang makakasama rito, pati na rin sa trabaho," imporma niya.

Hindi ako tumugon. Ngumiti lang ako saka bahagyang tumango sa kanya.

"Don't worry, ipakikilala kita sa kaibigan ko na 'yon. Mabait 'yon. Her name is Lia. For sure, magkakasundo rin kayo. Mukha ka namang mabait, eh! Saka ang gaang ng loob ko sa ‘yo,” sunud-sunod nitong wika.

Opkors!

"Hindi naman masyado," pa-shy kong sagot sa kanya.

Ngumiti ito saka muling nagsalita.

"Alam mo, feeling ko masaya kang kasama,” Tumingin ako nang diretso sa kanya habang nakangiti. “By the way, dalawa ang k'warto nitong bahay. Pag-akyat mo rito sa hagdan, kakanan ka," turo niya sa taas.

Ewan ko, pero napaawang na lamang ang labi ko. Hindi dahil sa gulat, kundi dahil sa pagkamangha. Ganito pala ang pakiramdam kapag up and down ang bahay. Tapos may sariling k'warto pa. 

Amazingly! 

Teka, amazingly nga ba ‘yon? B'wisit naman, oh! Bakit pa kasi naimbento ang salitang ingles? Bahala na nga! 

"Huwag ka mahihiya, huh?" Napatingin akong muli kay Liller nang magsalita ito. 

"Saka kung wala ka pang pera, ako na muna ang bahala sa lahat. Don't worry, sinabi naman sa 'kin ni T’yang ang sitwasyon mo. Kaya keri lang! Bayaran mo na lang ako kapag nakakaluwag-luwag ka na," pagpapatuloy nito.

Matamis akong ngumiti sa kanya. Ang sarap pala sa pakiramdam na may nakakaintindi sa ‘yo, kahit hindi mo pa nakakasama nang matagal.

"S-salamat. Uhm, a-ano bang p'wede kong itawag sa 'yo?" sambit ko.

"Liller na lang, 'yon ang real name ko.” Tumango ako sa kanya, "Sa 'yo ba? Anong gusto mong itawag ko—"

"Reen," putol ko sa pagsasalita niya. "Reen na lang," nakangiti kong sabi.

"Okay, Reen," muli siyang ngumiti. "Tara? Akyat tayo, hatid kita sa magiging k'warto mo para makapag-ayos ka na ng mga gamit. P’wede ka rin magpahinga muna, after. Isa pa, magsabi ka lang kung nagugutom ka, huh? Sasabayan kita kumain. Saka— para ma-explain ko na rin 'yong tungkol sa magiging work mo." 

Hindi mawala ang ngiti sa ‘king labi habang nagsasalita ito. 

"Sige, maraming salamat talaga,” iyon na lamang ang lumabas mula sa ‘king bibig dahil sa tuwa na aking nararamdaman.

Iba 'yung lungkot na nararamdaman ko magmula pa nang umalis ako sa 'ming bahay, pero nang makaharap at makausap ko si Liller ay tila unti-unti itong napalitan ng galak. 

Masaya ako na talagang may trabaho na naghihintay rito para sa akin, masaya ako na mukhang mapagkakatiwalaan ang taong makakasama ko rito, masaya ako na naiintindihan niya ang sitwasyon na meron ako, at bukod doon ay mukha pa itong matulungin. Kaya naman, masaya ako. Dahil nasisiguro ko na magiging mabuti ang kalagayan ko rito kasama siya. 

Kahit malayo ako sa ‘king tunay na pamilya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status