Chapter 8

Reen

"IKAW?" 

Hindi ko maalis ang aking tingin sa lalaking nasa aking harapan. Anong ginagawa niya rito? Sinusundan niya ba 'ko? 

Natigilan ako bigla nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak ni Ivo sa aking pulsuhan. Nagulat ako, lalo nang lumipas ang ilang segundo ay tuluyan na ‘ko nitong bitawan. 

Bahagya akong yumuko upang tingnan ang kamay ko, hindi ko alam, dahil kahit kapansin-pansin ang pamumula ng pulsuhan ko'y mabilis pa rin na nawala ang atensyon ko roon nang maramdaman ko na may humawak sa ‘king kaliwang braso. 

Mabilis akong napa-angat nang tingin doon. Hindi ko alam, pero iba ang nararamdaman ko habang nakatitig sa kamay ng lalaking— lumigtas sa akin?

Tumingin ako sa mga mata niya. Bahagyang umawang ang labi ko nang magtama ang aming mga mata. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero nang maramdaman ko ang pagtulo ng luha ko’y bigla ko na lamang itong nayakap.

Oo, mahirap lang ako. Pero hindi ako madaling magtiwala sa mga lalaki dahil sa trauma ko kay Papa ay Jayrald. Pero ewan ko kung bakit pakiramdam ko ay nagkaroon ako bigla ng tagapagtanggol, lalo nang yakapin ko ito sa hindi maipaliwanag na dahilan.

“You’re safe. Don’t worry.” 

Lalo akong napaluha nang marinig ang sinabi nito sa akin. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya, nang maramdaman ko ang pagdampi ng kamay nito sa ‘king likuran. 

Sana ay wala siyang binabalak na iba laban sa akin. Sana’y ‘di siya tulad ni Ivo. Hindi ko alam ang pangalan niya, pero ramdam ko na mabuti siyang tao. At sana ay hindi ako nagkakamali.

“Shota mo ‘yan?” 

Natigilan ako sa pag-iyak nang marinig kong nagsalita si Ivo. Niluwagan ko ang pagkakayakap sa lalaking nagligtas sa akin, saka tumingin muli sa kanya. Napalunok ako nang bigyan ako nito nang isang ngiti, na tila nagsasabing siya na ang bahala.

“Alam mo ba, kung magkano ang binayad ko riyan ngayong gabi, makuha lang ang slut na ‘yan?” 

Hindi ko alam, pero bigla ko na lang muli naramdaman ang pagbagsak ng aking mga luha sa magkabilaan kong pisngi, nang sabihin iyon ni Ivo. Sa harapan pa talaga mismo ng lalaking hindi ko kilala, habang nakatingin dito . . .

Nasasaktan man, ay hindi ko inalis ang mga tingin ko sa kanya. Pero siya— hindi ko maipaliwanag, pero kulang na lang ay mag-apoy ito sa galit na nakikita ko sa kanyang mga mata.

“Oh, ‘wag kang magalit, Pre—”

“Shut the f*ck up.”

Nakagat ko ang aking ibabang labi nang sagutin nito nang gano’n si Ivo. Ewan ko, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mabahala nang makita kong tila nanlilisik ang mga mata ng lalakin nasa aking harapan.

“Bakit? Hindi mo ba matanggap na p*ta ‘yang babae mo—”

“Anong sabi mo—” Napaigtad ako nang bigla itong umalis sa ‘king harapan saka mabilis na sinugod si Evo! 

Ayoko mang humarap sa gawi kung saan ito naroon pero napilitan ako nang makita ng aking dalawang mata ang paghawak nito sa kwelyo ng damit ni Ivo saka ‘to mabilis na inumangan ng suntok!

Mabilis akong napahawak sa ‘king dibdib nang tumumba si Ivo! 

“H-huwag, please!” hiyaw ko. “Please, ano ba? Huwag mong gawin ‘yan!” Sinubukan kong hilahin ang lalaking sumugod kay Ivo. Pero hindi ito nagpaawat sa akin. 

“G*go ka! G*go! G*go!” galit na galit na sambit nang lalaking sige lang ang suntok sa mukha ni Ivo.

“Tama na!!! Please, maawa kayo sa ‘kin, tama na!!!”

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko dahil sa ‘king mga nasasaksihan. Pakiramdam ko tuloy ay luluwa  ang litid ko sa leeg dahil sa paghiyaw kong iyon. Kailangan ko pa kasi itong gawin para tumahimik ang dalawang ‘to sa pagpapatayan nila!

Grabe . . . ano ba’ng nangyayari sa mga ‘to?

Muli akong natigilan nang ibaba ko ang aking tingin sa aahig. Unti-unti ay namilog ang mga mata ko nang makitang nakahandusay si Ivo, malapit kung saan ito nakatayo kanina. 

Naghiwalay ang mga labi ko nang mapansin ko ang duguan nitong mukha. At malamang sa oo, kung hindi ako umawat ay baka napatay na ito ng lalaking hindi ko kilala— pati ang kanyang pangalan ay hindi ko alam.

Dahan-dahan ay iniangat ko ang aking mukha sa kanya. Hindi ako kumurap, kahit na ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay dahil sa takot. 

Napatakip ako sa ‘king bibig nang mapansin kong may dugo rin ito na nagkalat sa kanyang mga labi.

Sh*t!

Hindi ako nakagalaw mula sa ‘king kinatatayuan. Tahimik lang ako, pero sa loob-loob ko’y hindi na ‘ko mapakali dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanya! 

Paano kung mayroong mangyaring masama? Paano kung mapatay niya si Ivo, dahil sa pagtatanggol nito sa akin? Paano kung madampot siya ng mga pulis sa ginawa niya? Makukulong siya dahil sa ‘kin? 

“Halika na.”

Gulat na gulat ako nang mabini ako nitong hawakan sa ‘king isang kamay. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo nang mayroon akong maramdaman na para bang lumipad na kung ano sa sikmura ko. 

Ano ba’ng nangyayari sa ‘yo, Reen . . . 

Sumunod ako sa kanya kahit hindi naman ako sigurado kung mabuti ba talaga itong tao?

“Sakay,” mahina ang kanyang boses pero nagulat ako sa sinabi niya.

Pinasadahan ko nang tingin ang sasakyan na binuksan nito. 

Kanya ‘to?

Nag-angat ako nang tingin sa kanya, nang maramdaman kong lalapit siyang muli sa akin.

“Sandali,” Sumenyas ako sa kanya na ‘wag siyang lalapit sa akin. “Ikaw ba talaga malinis ang intensyon mo sa pagtulong sa ‘kin? O baka katulad ka rin ng Ivo na ‘yon?” Kinagat ko ang aking ibabang labi saka diretsong tumingin sa kanya. “May balak ka ba sa ‘kin, ha?” wika ko habang dinuduro ito. 

Hindi siya sumagot sa akin. Bagkos, lumapit lang ito sa akin. Malapit na malapit. Dahilan, nang pagdagundong ng dibdib ko! 

Hay*p na lalaki to, ang lakas ng epekto sa ‘kin! May samaligno yata ito, eh . . .

“Kapag hindi ka pa sumakay, bibigyan kita ng leksyon na hinding-hindi mo makakalimutan.”

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. 

Leksyon? Naririnig ko ‘yon sa mga eskuwelahan, ah! G*go ba ‘to?

“Anong sinasabi mo? Eh, kahit nga pangalan mo ay hindi ko alam—”

Sa isang saglit, ay wala itong pag-aatubili sa pagsara ng distansya naming dalawa. Ag masaklap, ay hindi na ‘ko nakapalag pa nang bigla niya ‘kong sunggaban!

Nanlaki ang mga mata ko nang siilin ako nito nang halik! Bigla-bigla ay nakaramdam ako ng init na hindi nagmumula sa paligid o panahon, kundi sa mismong katawan ko!

Syete! Ano ba ‘to . . .

Napatulala ako nang bitawan ng kanyang mga labi ang akin. Hindi ako gumalaw mula sa ‘king p’westo. Tila naistatwa ako dahil sa kanyang ginawa. Gayunpaman, hindi nakatakas sa ‘king diwa ang mahina nitong pagtawa. Maya-maya pa’y bigla akong naalarma, nang ilapit nito ang kanyang bibig sa aking tainga.

“By the way, I’m Asher,” pagkasabi n’yon ay dali-dali itong umikot. Hindi ko alam kung saan siya pupunta, pero nang marinig ko ang pagsara ng pinto ng sasakyan nito, doon ko lang napagtanto na sumakay na ito sa kotse na kung hindi ako nagkakamali ay sa kanya.

Napaigtad ako at napamura, nang bigla itong bumusina ng malakas! Hindi lamang isang beses o dalawa, kundi tatlo pa! 

Nakasimangot ako nang humarap sa gawi kung nasaan ito. Agad kong hinanap ang kanyang mga mata. Sisinghalan ko sana ito nang bigla siyang magsalitang muli.

“Ano ba? Sasakay ka ba o bubuhatin kita?” pagkasabi n’yon ay kumindat pa ito sa akin.

Nakakainis talaga ang isang ‘to! Napaka taas ng kompiyansa sa sarili! 

“One.”

Nagtaka ako sa sinabi niya. Kaya binigyan ko ito nang nagtatanong na tingin! 

“Two.”

Nagbibilang ba siya? 

Yumuko ako sa bintana ng sasakyan nito pagka’t bukas naman iyon.

“Anong ginagawa mo?” maang-maangan kong tanong sa kanya.

Binasa ko ng laway ang tila natutuyo ko nang mga labi. 

“Three—”

Mabilis kong hinawakan ang pinto ng kotse nito nang makita ko siyang palabas ng sasakyan niya. Binuksan ko ito saka nagmadaling pumasok at umupo.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, pero natawa na lamang ako sa mga pinaggagawa naming dalawa. Para kasi kami nitong mga bata. Ewan ko ba, ngayon lang naman kami nagkausap nang ganito. Pero pakiramdam ko ay matagal na kaming magkakilala dahil aminin ko man o hindi, alam kong ramdam din niya na komportable na ako agad sa kanya.

“Sasakay ka rin pala, nagpapilit ka pa—”

“Saan mo ba kasi ako dadalhin, ha?” putol ko sa sinasabi niya. “Bakit ang kulit mo? Ano ba talagang balak mo sa ‘kin—”

“Huwag kang sumigaw, okay?” sabi niya. “Wala akong balak na masama sa ‘yo. Damn it!”

Nangunot ang noo ko.

“Anong damit? Hindi damit ang pangalan ko, ‘no!” pambabara ko sa kanya. Kala niya, ah!

Natigilan ako nang tumawa ito. 

Anong nakakatawa? Lintik na lalaking 'to! Pero— hindi na rin masama. Pasalamat siya, ang sexy nang pagtawa niya. Ewan ko ba! Pero . . . nakaka-aning talaga siya!

Inalis ko sa kanya ang aking tingin, nang mahinto sa 'king iniisip. Seryoso ang aking mukha nang tumingin sa labas. Ngumuso ako dahil alam ko na ako ang pinagtatawanan niya. 

Hindi ko na lang ito pinansin. Bagkos, ay humalikipkip na lamang ako habang patuloy na nakatingin sa bintana ng sasakyan niya. Hindi ko siya nilingon kahit anong gawin nitong pang-iinis sa akin, hanggang sa paandarin na lang nito ang sasakyan niya na kasing ganda ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status